EPILOGUE
Epilogue
"How are you? I know you're happy in there. But I'm really sad that you left me. I didn't even have the chance to know you better." A tear escaped from her eyes and wiped the fallen leaves on top of the grave. She heaved out a deep sigh and her tears continued to fall when lots of memories with him started to flood on her head. Her heart his breaking that she scarcely breathes. "Ang daya mo talaga. Ang bilis bilis mo namang umalis. Ni hindi mo man lang ako hinintay." She laughed bitterly and continued to caress the carved name on the grave.
"Savannah, how long will you stay there?" Napalingon si Savannah at nakita ang kaniyang ina na nakatayo sa kanyang likudan.
Umupo ito sa tabi niya at tiningnan ang puntod. Nakita niyang namumuo na ang luha sa mga nito pero alam niyang pinipigilan lamang ni Kisha ang umiyak. Ilang taon na rin ang lumipas simula nang mamatay siya pero nandito pa rin sila at nagluluksa.
"It's just so hard to accept that he's gone." Her voice cracked and sobbed while her hands were covering her face. Kisha leaned on her and hugged her tight. Masakit para sa kaniya na makitang nasasaktan ang anak at tanging magagawa lamang nila ngayon ay ang magdamayan.
"It's very hard to let go of a person that you truly love but we need to do it. It's the only way to move on and have another life."
Hinalikan ni Kisha ang noo ni Savannah at pinunasan ang luha nito. Sabay silang tumayo at kahit na gusto nilang magtagal pa dito ay hindi na pwede. May kailangan pa silang puntahan at mauubos ang kanilang oras.
Nang makasakay sila sa kotse ay pinatakbo na ni Kisha ito.
"Where is he?" tanong ni Savannah. She fished her phone out and read the messages from her friends.
Simula nang tanggapin sila ng mga tao, nagkaroon na rin siya ng maraming kaibigan, mapabampira man o tao. Pagkatapos nang nangyaring Great War, natagtag na ang boundary sa pagitan ng mga normal na tao, mga Vampire Hunter at mga bampira.
Dahil na rin sa pangyayaring iyon, natapos na ang kasamaan ng mga hunter. Ang ibang hunter ay nagkaroon na ng bagong buhay at ang iba naman ay nanatiling nakakubli sa iba't-ibang bahagi ng mundo at may tahimik ng buhay. Wala na silang pakealam pa sa mga bampira, ang tanging gusto lamang nila ngayon ay magkaroon ng tahimik na buhay at malayo sa gulo. Madaming nagbuwis ng buhay sa nangyari at wala na silang nagawa kundi ang tanggapin na lamang iyon.
"Probably late for our flight. He's really a jerk. I hate him." Napatawa na lamang si Savannah at itinuon ang atensyon niya sa labas ng bintana at tiningnan muli ang puntod ni Cross.
"Till we meet again, Cross," she whispered hanggang sa tuluyan na silang makaalis.
"Are you sure you want to stay here, Savannah?" tanong ni Kisha kay Savannah. Nandito sila ngayon sa airport at papuntang Europe si Kisha upang doon na manirahan. Nauna na roon ang mga Nobles at siya na lamang ang hinihintay. Gusto niya ng panibagong environment at kahit gustong-gusto niyang isama si Savannah, ayaw namang pumayag nito. Dahil alam niyang kaya na ni Savannah ang kaniyang sarili, iiwan na niya ito rito.
"Yes, Mom, I want to study here."
Isang dahilan ni Savannah kung bakit ayaw niyang sumama ay mas gusto niyang dito mag-aral at nandito din ang kaniyang mga kaibigan. Bibisitahin naman niya ang kaniyang ina kapag nagbakasyon kaya hindi na siya gaanong nalulungkot.
Lumapit si Kisha kay Savannah at niyakap ito ng mahigpit. Hindi naman niya mapigilang mapaluha dahil napakalaki na talaga ng anak niya. Dahil isa siyang ina, nag-aalala siya para rito. "Are you really sure? Oh God, Sav. Baka mabaliw ako kakaisip kung ano ng nangyayari sa 'yo rito."
Inihiwalay ni Savannah si Kisha mula sa pagkakayakap. Napatawa naman siya nang makita ang basang pisngi ni Kisha dahil sa luha.
"Mom, I'll be fine. Palagi naman kitang tatawagan at isa pa, bibisitahin ko kayo kapag bakasyon na. Don't worry. Para saan pa ang internet, hindi ba?"
Bago pa makasagot si Kisha ay napairit siya ng biglang may humampas sa kaniyang puwet. Pareho naman silang napatingin ni Savannah sa kung sinoman ang walanghiyang gumawa noon. Sabay na pumula ang kanilang mga mata at handa na sanang saktan or worst patayin ang gumawa noon pero laking gulat nila nang makita kung sino ang nasa harapan nila.
"Sorry, I'm late. May inasikaso lang akong importante," nakangising sabi nito. Hinawakan niya si Kisha sa baywang at hinapit palapit. Siniil niya ito ng matamis na halik at kundi pa tumikhim si Savannah ay hindi matitigil sa paglalandian ang dalawa.
"Kung hindi ka talaga dumating, iiwan na kita! Ikaw talaga, Van! Masasapak kita!" Masama niyang tiningnan si Van pero nginisian lamang siya nito. Napailing na lamang si Kisha pero kalaunan ay napangiti na rin nang maalala niya ang nangyari noong Great War.
"Van! Please don't leave me. Paano na si Savannah? Hindi mo man lang siya nakasama ng matagal. How about me, Van? You'll leave me like this?"
Patuloy sa pag-iyak si Kisha at yakap niya ang katawan ni Van. Hindi umiibo, wala lahat. Nawawalan na siya ng pag-asa na mabubuhay pa ito pero patuloy lamang siya sa pananalangin na sana mabuhay ang kaisa-isang lalakeng minahal niya. Tahimik namang umiiyak sa tabi niya si Savannah habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Van.
Hinawakan ni Farrah ang kaniyang balikat at narinig niya ang paghikbi nito. Kahit na napakalakas ng ulan ay alam niyang umiiyak ang karamihan sa kanila rito. Hindi nila alam ang gagawin, wala na ang kanilang pinuno, sino na ang mamumuno sa kanilang lahat?
Pero laking gulat na lamang nila ng biglang magliwanag ang mga tattoo sa braso at katawan ni Van. Tumayo sina Kisha at Savannah mula sa tabi ni Van at pinanood ang mga nangyayari. Natatakot sila sa kung anoman ang mangyari dahil may dalawang posibilidad: una, maaaring mabuhay siya at pangalawa baka sign na ito na maglalaho na siya ngunit nabalot ng liwanag ang buong katawan ni Van. Ang malaking sugat niya sa katawan ay unti-unting naghihilom, ang mga gasgas niya sa braso, sa mukha at sa iba pang parte ng kaniyang katawan ay nawawala na rin. Napahikbi na lamang si Kisha nang makita niyang unti-unting mumulat ang mga mata ni Van.
Dahan-dahan siyang bumangon at inilibot ang tingin sa paligid. Hinawakan niya ang kaniyang tiyan na para bang may hinahanap siya. Marahil ay ang malaki niyang sugat na bigla na lamang nawala sa hindi malamang dahilan. Parang walang nangyari sa kaniya dahil nawala lahat ng sugat sa katawan niya.
"Thank God, Van!" Mabilis na lumapit sa kaniya si Kisha at niyakap ito ng mahigpit. Muli siyang napaiyak habang yakap ang lalakeng pinakamamahal niya. "Akala ko iniwan mo na ako."
Yumakap din si Savannah sa kanyang ama at napaluha na lamang din. Akala niya ganoon kabilis siyang mawawalan ng ama, laking pasasalamat niya ng mabuhay ito.
"I thought I'd be dead. Mas malaki ang pinsala ko kaysa sa Adamant na nakalaban ko. Mas nauna niya akong nasaksak pero bago pa ako mawalan ng malay ay nasaksak ko rin siya," pagkekwento niya. Hindi niya talaga inaakalang mabubuhay pa siya pero ang tanong, paano siya muling nabuhay?
Bago pa niya ito maitanong ay lumapit sa kaniya si Israel na puktong-pukto ang mata. Gustong tanungin ni Van kung anong nangyari pero hindi niya magawa.
"Your stupendous power brought you back to life. Dahil sa nakapaloob na kapangyarihan sa loob ng iyong katawan. Binuhay ka nito. Binuhay ka ng sarili mong kapangyarihan."
"Baka maiwan na kayo ng eroplano," pagpapaalala ni Savannah sa kanyang ama't-ina. "Tama na po ang landian. Pagdating niyo na lang sa Europe," nakapoker face na sabi nito.
Napatawa naman silang dalawa dahil sa sinabi ng kanilang anak. Lumapit naman si Van kay Savannah at ginulo-gulo ang buhok nito.
"Kapag nalaman kong may boyfriend ka na babalik ako rito at pahihirapan ko ang magiging boyfriend mo at kapag nabuntis ka nang hindi nakakapagtapos sa pag-aaral, dodoblehin ko ang pagpapahirap sa lalakeng makakabuntis sa 'yo."
Napairap naman siya dahil sa sinabi ni Van. "Dad, I'm not that stupid. If I will have a boyfriend, I will make sure that he's powerful like you and if I will get myself pregnant that will be when I finished studying."
Napangiti naman ng malapad si Van dahil sa sinabi ng anak. "Good. Dapat kasing gwapo ko, ah?"
"I'm just joking when I said what I said earlier."
Binelatan niya si Van at babatukan sana niya si Savannah nang pigilan siya ni Kisha. Natatawa naman siya habang pinapanood ang mag-ama na magkulitan. Isa ito sa mga mamimiss niyang panoodin Pagkatapos noong Great War, ilang taon din silang nanirahan sa Walker Mansion at sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kundi nagkukulitan ay nag-aaway ang mag-ama. Minsan ay nag-aaway sila tungkol sa kung sino ang kamukha ni Savannah. Ayaw kasing pumayag ni Savannah na kamukha niya si Van.
"Hoy, Sav, 'wag kang gagawa ng kalokohan dito, ah." Hinawakan ni Van ang kamay ni Savannah at hinila ito palapit sa kaniya para yakapin ng mahigpit. "You know that Daddy loves you so much and I don't know what I will do if anything happens to you. I want to bring you to Europe with us but I know your happiness is in here and I want you to decide on your own, we're just here to guide and support you." Hinalikan niya ang noo ni Savannah at ngumiti rito.
"I love you too, Dad. Don't worry, I won't do anything stupid. I won't do anything that will disappoint both of you."
Narinig na nila ang pagtawag sa kanilang flight kaya kailangan nilang umalis. Nagpaalam na sila sa isa't-isa at pinanood na lamang ni Savannah na makaalis sina Kisha at Van. Lumakad na siya palabas ng airport at hindi niya napansin ang lalakeng naglalakad din sa kaniyang harapan. Nagkabungguan siya nito at 'agad namang uminit ang kaniyang ulo.
"Watch where you're going jerk," she spat in anger.
The guy smirked at her. "It's nice to bump into a beautiful lady like you."
The guy winked at her and all she can do is to roll her eyes. Hindi na niya pinansin pa ang lalake at nagsimula na ulit maglakad palabas ng airport. Naiwan naman ang lalake na nakatayo pa rin sa kaniyang kinatatayuan habang pinagmamasdan si Savannah na lumakad palabas ng airport.
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ng lalake. Inayos niya ang suot niyang salamin at nagsimula na ring maglakad.
"So she's Savannah Kier Walker. As expected from a Walker, she's really gorgeous."
"Farrah! Si baby nagjebs!" Ito ang unang nadatnan namin pagkatungtong na pagkatungtong namin sa mansyon na pagmamay-ari rin ng mga Walker.
Ibinaba naming ang bagahe at dumiretso sa sala. Nakaupo si Jick sa couch habang nakahiga naman ang baby nila ni Farrah na si Jinnah. Sinong mag-aakala na magkakapamilya 'tong si Jick, eh, puro kalokohan ang alam nito noon? Malaki talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Dumating naman si Farrah na may dalang basin at towel, para siguro punasan si baby Jinnah. Tinulak naman ni Farrah si Jick.
"Umalis ka nga riyan! Para tumae lang ang dami mong arte!"
Patuloy pa rin sila sa pagbabangayan at hindi na nila kami napansin kaya lumapit na kaming dalawa.
Si Jick ang unang nakapansin sa amin kaya 'agad siyang tumayo. "Nandito na pala kayo! Hindi niyo talaga kasama si Savannah?" tanong niya habang nakanguso. Sobrang close kasi nila ni Savannah, close sila dahil pareho silang mahilig sa kalokohan.
"Hindi. Mas gusto niya roon sa Pilipinas. Gusto niya roong mag-aral," sagot naman ni Van. Lumapit siya kay baby Jinnah at sinimulang laruin ito.
"Nasaan ang iba?" tanong ko kay Jick.
Ilang buwan na rin silang nakatira rito at ngayon namin naisipang sumunod at manirahan na rin dito sa Europe. Madaming hindi magandang alaala ang nangyari kaya gusto na naming magsimula ng bagong buhay. Naisipan naming magandang choice ang Europe dahil maganda sa lugar na ito.
"Nandyan lang sila sa tabi-tabi. Alam mo naman ang mga 'yon, mas gusto ang naglalandian," sabi ni Jick at ngumisi.
Napailing na lamang ako at umakyat na ako sa second floor ng mansyon. Naabutan ko naman sa hallway sina Victoria at Wade habang nilalaro ang kanilang baby boy na si Blade. Mas matanda ng ilang buwan si Blade kaysa kay Jinnah.
"Kisha!" Lumapit sa akin si Victoria at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Ngumiti naman sa akin si Wade at pinagpatuloy ang pakikipaglaro kay Blade. "Huhulaan ko, hindi sumama sa inyo si Savannah, ano?" Umiling lamang ako sa kaniya at napabuntong hininga. "Nag-aalala ako para sa kaniya. Wala pa naman siyang kasama roon."
"Ako rin nga, eh, pero gusto kong magdesisyon na siya para sa sarili niya. Ayokong pigilan siya sa mga gusto niyang gawin." Bumukas naman ang pinto sa tabi ko. Hindi ko napansin na nasa harapan pala ako ng pintuan ng isang kwarto. Lumabas naman doon si Israel na sobrang itim ng ilalim ng mga mata at ang laki pa ng eyebags. "Ano namang nangyari sa 'yo, Israel? Mukha kang hindi nakatulog ng ilang taon?"
Napahilot naman si Israel sa kaniyang noo. "Yeah. I feel like I haven't sleep for eons. I'm so fucking tired."
Bago pa ako makasagot sa sinabi ni Israel ay narinig na namin ang boses ni Jullia sa loob ng kwarto.
"Dalian mo, Israel! Gusto ko ng maraming chocolate! Kapag hindi mo binilisan iiyak talaga ako!"
Napatawa naman ako nang mapagtanto ang nangyayari. Napabuntong hininga naman si Israel at nagsimulang maglakad palayo sa amin. Naglilihi si Jullia at kawawa ngayon si Israel. Napangiti na lamang ako dahil noong Great War, akala namin ay mawawala na naman sa amin si Jullia pero buti na lamang ay hindi.
Nawalan lamang pala siya ng malay doon dahil sa saksak na natamo niya. 'Agad namin siyang nagamot at pagkatapos noon ay naging maayos na ang kaniyang kalagayan. Sinong mag-aakala na isang Jullia Falcon lamang pala ang magpapaiyak sa isang Israel Walker, ang dating Legendary Vampire? Masaya ako para sa kanila dahil makakabuo na rin sila ng magandang pamilya.
Bigla ko namang naalala ang kasala na nangyari at ang nakakatawa pa, sabay-sabay kami nina Farrah, Victoria at Jullia na magpakasal sa mga lalakeng mahal namin. Napagdesisyunan naming pagsabay-sabayin na lang. Para tipid? Hindi. Para masaya. Ibang-iba 'yon sa dream wedding ko na puro romantic stuff dahil ang wedding na nangyari sa amin ay mas epic pa kaysa roon.
"Bakit kasi kailangang ito ang pinasuot niyo sa amin?!" reklamo ni Van habang kinakamot ang iba't-ibang parte ng katawan niya. Natawa naman ako dahil sa itsura niya. This will be an unforgettable wedding of the year.
"Oo nga! Nagdadalawang-isip tuloy ako kung bampira ba ako o sirena." Kunwari namang isinabit ni Jick ang buhok sa kaniyang tainga habang nakaharap sa salamin at nag-beautiful eyes pa!
Masama namang tumingin sa amin si Wade pero wala na kaming nagawa kundi ang tumawa nang tumawa.
"Paano kapag nagpalit kami ng matinong damit bago magpakasal?" tanong ni Israel na halatang naiinis na rin.
"Hindi naming kayo papakasalan," sabay-sabay na sabi naming apat with matching evil laugh.
Nakasuot sila ng wedding gown ngayon tapos kami ang nakasuot ng tuxedo. Nakasuot pa kami ng wig para magmukha talaga kaming lalake at sila naman ay nakasuot din ng wig na pambabae.
"This is such a shame to the whole Vampire Clan. Are you really sure that you're making me wear this? The Legendary Vampire, Van Isaac Fenier Walker, will wear a wedding gown?!"
Tiningnan ko naman siya ng masama. I crossed my arms and went closer to him. "Pinagtataasan mo ako ng boses? Akala mo ba nagbibiro ako sa sinabi kong hindi kita pakakasalan kapag hindi mo isusuot 'yan sa kasal natin?"
I narrowed my eyes on him and leaned closer while waiting for his answer. Napaiwas naman siya ng tingin at nakita ko siyang napalunok. I smirked mentally. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang pinakamalakas na bampira ay takot sa akin.
"Fine! Payag na akong ito ang isusuot!"
Hindi naman makapaniwalang tumingin sina Israel, Wade at Jick kay Van. Kami namang apat nina Jullia, Victoria at Farrah ay nagkatinginan at napangisi sa isa't-isa.
"I thought you will be the last one who'll agree into this," sabi ni Israel habang napapailing na lang. "If he agrees then I will too."
"I'm in." Bahagyang itinaas ni Wade ang kaniyang kanang kamay at gamit ang isa niyang kamay ay itinaas niya ang gown niyang tube-type. "The ceremony is the most important so it doesn't matter if we wear something like this."
"Sige na. Payag na rin ako. Maganda naman tayo, eh. 'Di ba, mga sister?!" Nagboses bakla pa si Jick at aktong makikipag-apir sa tatlo. Akala namin ay babatukan lamang siya ng mga ito pero laking gulat namin ng maki-apir din sila at nagboses bakla pa.
"Oo nga, sister! We're so fabulous like OMG!" tili ni Wade na siya namang ikinatawa ni Victoria. Napaupo pa siya sa sahig habang tawa nang tawa at take note, with matching hampas pa sa sahig.
"Let's go na, mga sister. Baka mahuli na tayo sa wedding."
Tumayo si Van habang pumipilantik pa ang mga kamay. Napuno ng tawa naming apat na kababaihan ang buong kwarto dahil sa apat na lokong nasa harapan namin. Si Israel naman ay kahit walang sinasabi ay pumipilantik din ang mga kamay. Lumapit sa akin si Van at ikinawit ang kaniyang kamay sa aking braso.
"Magpakasal na tayo. Excited na ako sa honeymoon," bulong niya sa akin at binatukan ko naman siya ng malakas. Loko. Honeymoon 'agad ang iniisip. Sabagay, ako din naman, eh.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko iyon. Nagsimula naman akong maglakad at iniwan ko na sila Victoria at Wade na ipinagpatuloy ang pakikipaglaro kay Blade. Dumiretso naman ako sa magiging kwarto namin ni Van pero bago pa ako makapasok ay narinig ko ang hagikhikan sa katapat naming kwarto. Napakunot naman ang aking noo at lumapit sa pinto.
Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ko naman sina Lolo G, Jack, Zick at Jiji na nasa harapan ng TV at may kung anong pinapanood. Pumasok ako sa loob ng hindi man lang nila napapansin.
Si Lolo G at Jack ay pulang-pula ang mukha at sobrang lapad ng ngiti habang nanonood. Si Zick naman ay nanonood pero parang bored na bored na siya at walang interes sa kung anomang pinapanood ng dalawa. Si Jiji naman ay nasa sahig lamang at natutulog. Kahit na hindi ako tumingin sa screen ay alam ko na naman ang pinapanood nila.
Sina Lolo G at Jiji ang isa sa nagpakaba sa amin ng sobra. Akala namin ay mawawala na sila sa amin. Dahil sina Lolo G at Jiji ay parte na ng maalamat na kasaysayan ng mga bampira, hindi sila mamamatay. Noong malaman naming buhay silang dalawa ay napaiyak kami sa tuwa. Kahit naman manyak at mahilig sa porn si Lolo G, mahal na mahal namin siya.
Madaming nabago pagkatapos ng Great War at masasabi kong masaya na ako sa kung anoman ang nangyayari ngayon sa mundo. Wala ng Vampire Hunter para manakit sa mga bampira, wala na rin ang mga Insane na bampira para manakit ng mga tao, wala na ang mga Adamant at Fiends na hindi pa nadedevelop dahil sa pagkakasira ng buong headquarters ng Vampire Hunter noon. Wala ng dahilan pa para magkaroon ng kaguluhan sa mundong ito.
Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon. Napatingin sila sa akin at sabay-sabay silang tumayo.
Tumakbo si Lolo G at Jack palapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Si Zick naman ay nanatiling nakaupo at nakangiti lamang sa amin. Si Jiji naman ay nakatayo na rin at tumango lamang sa akin.
"Kung makareact naman kayo parang ilang taon tayong hindi nagkita-kita," natatawang sabi ko sa kanila. Humiwalay na sila sa pagkakayakap sakin at alam ko na kaagad ang sasabihin nila. "Alam ko na ang itatanong niyo, nasaan si Savannah?"
Tumango sila at naghintay ng sagot ko.
"Nagpaiwan siya, eh. Gusto niya roong mag-aral."
Sina Lolo G, Jick at Jack ang kasama ni Savannah sa paggawa nila ng kalokohan kaya expected ko na na malulungkot sila. Sobrang lapit na talaga nila sa isa't-isa.
"Sayang naman! Inimbitahan ko pa naman ngayon ang Archer Brothers! May gusto sana kaming i-try! Sayang talaga," hinayang na hinayang na sabi ni Jack. Kasama rin ang Archer Brothers sa kalokohan nilang apat. Si Savannah talaga ang nagmimistulan nilang leader kaya hinid na sila gaanong makakagawa ngayon ng kalokohan dahil wala si Sav.
Napailing na lamang ako at nagpaalam na para lumabas na sa kanilang kwarto. Dumiretso naman ako sa kwarto namin ni Van na katapat lang ng sa kanila.
Pagkapasok ko at pagkasara ko ng pinto ay naramdaman ko ang saglit na pag-ihip ng hangin. Namalayan ko na lamang na nakasandal ako sa pinto habang sinisiil ni Van ng halik ang aking labi. Pinulupot ko ang kamay ko sa kaniyang leeg at ang kamay naman niya ay nasa aking baywang. Tumigil lamang kami ng kinapos na kami ng hininga. Ipinatong niya ang kaniyang noo sa akin at mabilis na hinalikan ang aking labi.
"I want to do bad things to you." He smirked and caressed my cheek using his long and slender fingers.
"Like what?" I bit my lower lip and stared at his eyes.
"Like this?" He grabbed my butt and pulled me closer to him.
"You're really perverted. Aren't you gonna change?" He gave me feather-like kisses on the lips and pulled back still wearing a smirk on his lips.
"No, I know you like me this way because I'm you perverted vampire and no one can take that title from me." He carried me off to bed and laid me down gently. I looked fondly at him and let him do all the things he wants to do.
He's right. I like the way he is right now and I don't want him to change because he's my perverted vampire and forever will be.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com