Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5

Circle of Friends

Maganda ang panahon nang dumating sina Jinnah, Blade at Irrah sa bansa. Nasa labas na sila ng airport at hinihintay na lang ang sasakyang susundo sa kanila papunta sa mansyon ng mga Walker. Kada taong dumadaan sa tabi nila ay hindi maiwasang mapatingin dahil sa taglay na kisig ni Blade at ganda nina Jinnah at Irrah. Panay ang paypay ni Jinnah sa kanyang sarili dahil sa init, si Irrah naman ay hawak ang isang maliit ng libro at nagbabasa samantalang si Blade naman ay seryoso lang na nag-hihintay. Maya-maya pa ay dumating na ang kotseng susundo sa kanila at 'agad din naman silang sumakay.

"Excited na akong makita si Savannah!" Pagbasag ni Jinnah sa katahimikan. Wala namang pumansin sa kanya kaya napanguso na lang siya. Naisipan naman niyang kulitin si Blade na nasa tabi niya. Nasa unahan kasi si Irrah. "Blade, anong una mong gagawin pagdating mo sa mansyon? Siguro ang laki no'n, 'no? Mas maganda kaya si Savannah sa personal? Ano'ng sa tingin mo?"

Napairap naman sa kawalan si Blade at bahagyang ibinaba ang hawak niyang PSP. He looked at Jinnah sideways and sighed. "Will you please shut up, Jinnah Michaella Williams?" Talagang binuo pa niya ang pangalan ni Jinnah na pinakaayaw nitong marinig. Ayaw niya kasing isinasama ang second name niyang Michaella, mas gusto niyang Jinnah Williams na lang.

"Sabing 'wag mong isasama 'yung Michaella, eh!" nakangusong sabi nito. "Tinatanong lang naman kita, eh!"

"Wala akong gustong gawin, happy?" Napairap na lang si Jinnah at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Nagpapasalamat si Jinnah na nandito na sila sa Pilipinas para puntahan si Savannah. Pinapanalangin niyang sana makausap niya si Savannah sa kahit anong bagay hindi katulad nina Blade at Irrah na may kanya-kanyang mundo. Madaldal kasi si Jinnah at ang dami niya laging gustong sabihin pero hindi niya magawang makapagsalita nang matagal dahil wala din namang makikinig sa kanya.

Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na sila sa mansyon. Bumukas ang mataas at kulay itim na gate. Pagkarating nila sa harapan ng mansyon ay 'agad silang bumaba. Sinalubong sila ng mga katulong at tinulungan silang buhatin ang kanilang mga gamit. Inilibot naman nila ang tingin sa paligid. Mukha namang magugustuhan nila rito, tahimik at payapa ang paligid.

Pumasok na sila sa loob at dumiretso sila sa salas. Pinaghanda sila ng maiinom at makakain. Tumayo si Jinnah at lumapit sa dingding na may nakalagay na malaking picture frame nina Van, Kisha at ni Savannah. Nakapalibot sa kanila ang mga Nobles, si Lolo G, Jiji, Israel, Jullia, Wade at Victoria. Sa isang cabinet naman ay nakapatong ang maliliit na picture frame na may litrato ng mga magulang nila, nga mga representatives, at nina Van at Kisha. Muling bumalik si Jinnah sa pagkakaupo sa couch nang marinig niyang sabihin ng katulong na pababa na raw si Savannah.

Maya-maya pa ay sabay-sabay silang napatingin sa may hagdan at nakitang pababa na nga si Savannah. Nakangiti ito at hindi nila maiwasang mapanganga dahil sa ganda nito. Nakasuot siya ng puting dress na hanggang ibabaw ng kanyang tuhod at nakalugay ang mahaba nitong buhok. Nang tuluyan itong nakababa sa hagdan ay nakangiti pa rin ito sa kanila.

"So, kayo na ba sina Blade, Jinnah at Irrah?" tanong ni Savannah. Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay. 'Yung kaninang ngiti niya ay napalitan na ng ngisi. "Wow, mas naging kamukha mo si Tita Farrah." Patungkol niya kay Jinnah. Ibinaling naman niya ang tingin niya kay Blade na seryoso pa rin. "Nakuha mo naman ang pagiging seryoso kay Tito Wade." Tumingin naman siya kay Irrah... "At nakuha mo rin ang pagiging seryoso kay Tito Israel but you inherited your beauty from Tita Jullia." Tuwang-tuwa si Savannah na may makakasama na siya ngayon pero nag-aalinlangan pa rin siya kung paano niya sila patutunguhan. "Uhh...ituring niyo ako sa kung paano niyo ituring ang isa't-isa. You know, like friends? Hindi ko alam kung bakit kayo pinapunta dito ni Dad pero sana maging magkaibigan tayong lahat."

Napatikhim naman si Jinnah at ngumiti ng sobrang lapad. Mukhang nagugustuhan niya na si Savannah... "Should we call you Ate or what? Nauna kang naipanganak, hindi ba?"

"No, kahit Savannah na lang. Mukha naman tayong magkaka-age lang, eh."

"Savannah then. Nice to meet you! Hindi na kami magpapakilala kasi mukha namang kilala mo na rin kami." Hindi pa rin nagsasalita sina Blade at Irrah na nakatitig lamang kay Savannah. Siniko naman ni Jinnah ang dalawa.

Naunang magsalita si Irrah. "Hi, Savannah. Sorry kung hindi ako gaanong palasalita. Mas prefer ko kasing magbasa ng libro at mag-aral kaya madalas din akong nasa loob ng kwarto. Itong si Jinnah lang talaga ang nagpapagulo ng buhay ko."

Napatawa naman si Savannah ng ambang babatukan ni Jinnah si Irrah pero 'agad itong nakalayo sa isa.

"There's no need to introduce myself since you know me so can I take a seat now?" walang emosyon na sabi ni Blade. Sinamaan naman siya ng tingin ni Jinnah at binatukan ito ng malakas. "Hey! You don't need to do that! You're so annoying!" bulyaw niya kay Jinnah.

"Wala kang galang! Hindi mo ba kilala 'yang nasa harapan mo? Tss!" Muli niyang binatukan si Blade at nagpalitan sila ng masamang tingin sa isa't-isa.

"Siya na ang nagsabi na ituring natin siya kung paano natin ituring ang isa't-isa. Sinusunod ko lang ang gusto niya kaya manahimik ka, Michaella." Ngumisi si Blade at namula naman sa galit si Jinnah. When you call her Michaella, it's like you just dropped a bomb. Para siyang bomba na sumasabog sa sobrang inis.

"Sinabing 'wag mo akong tatawaging Michaella, eh!"

Napailing na lang si Irrah at nag-aalangang ngumiti kay Savannah. Napatawa na lang si Savannah dahil sa inasta ng dalawa. Hindi na siya nagtataka kung bakit ganito mag-away ang dalawa. Nasabi na naman sa kanya noon pa lang ni Kisha na sobra na talagang mag-away sina Blade at Jinnah. Mga bata pa lang sila hindi na talaga sila magkasundo.

Matapos magbangayan ang dalawa ay nagsimula naman silang magkuwentuhan. Hindi rin nagtagal ay nawala na rin ang kaunting ilangan sa pagitan nila at napalitan ng masaya at puno ng tawanang pag-uusap. Inabot na sila ng hapon ng nagkekwentuhan ng mga kung ano-anong bagay. Naputol lang ang pagkekwentuhan nila ng marinig nila ang doorbell. Ang katulong na ang nagbukas ng pinto at tumayo si Savannah para tingnan kung sino iyon.

"Hey, Sav." nakangiting bati ni Warren.

"Warren!" Mas lumapit pa si Savannah at ngumiti sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

Itinaas ni Warren ang isang box ng chocolate cake na paborito ni Savannah. "Just want to hang out. Wala akong magawa sa bahay, eh."

Pinapasok na ng tuluyan ni Savannah si Warren at hindi niya inaasahang may iba pa lang tao ang nandito. Isa-isa niyang tiningnan ang tatlong tao o mas magandang sabihin, bampira sa kanyang harapan. Tumabi naman sa kanya si Savannah at isa-isang pinakilala ang mga ito.

"Siya si Jinnah Williams." Ngumiti naman si Jinnah at kumaway kay Warren na sinuklian naman niya ng isa ding ngiti. "Ito naman si Blade Lockhart." Turo naman niya sa lalakeng abala sa paglalaro sa kanyang PSP, tumingin ito sa kanya at bahagyang tumango at muling ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang nilalaro. "At siya naman si Irrah Falcon." Tumitig siya kay Irrah na tipid na ngumiti sa kanya. Pinaupo na siya ni Savannah at binuksan ang cake na dala niya. Nagpahanda na 'agad si Savannah ng mga platito at tinidor para makain na ang dala ni Warren.

"Ako nga pala si Warren Pressman, kaibigan ni Savannah. Kinagagalak ko kayong makilala."

"Wow! Tao ka, 'di ba? Salamat sa pag-aalaga kay Savannah ah?" nakangiting sabi ni Jinnah kay Warren. "Nako, kapag nalaman ni Tito Van na may kaibigan kang tao, he'll freak out! Alam mo naman kung gaano ka-overprotective 'yun, eh," sabi naman niya kay Savannah.

"Ah, hindi naman big deal ang pagiging tao ko. Masaya nga ako at nakilala ko si Savannah. Nakakatakot lang siyang batukan or something, bumabalik lang sa 'kin 'yung sakit." Napatawa naman sila sa sinabi ni Warren.

"It's a lesson though. Don't lay your hands on me," nakangising sabi ni Savannah. "Hindi ko nga sinasabi sa kanya pero balak ko rin namang sabihin. Wala rin naman siyang magagawa." Napaisip naman si Savannah bigla at unang lumitaw sa kanyang isipan ay si Law. Nandito na lahat ng kaibigan niya at si Law na lamang ang kulang. "Sayang, wala si Law," Nasambit na lang niya bigla ng hindi namamalayan. Napatingin naman silang lahat kay Savannah.

"Who's Law?" tanong ni Irrah. Itinigil niya muna ang pagbabasa ng libro, ang bastos naman kasi kung hindi siya makikinig sa usapan.

"Isa rin sa bago kong kaibigan dito. Una ko kasing naging kaibigan itong si Warren at sumunod si Law na kata-transfer lamang sa school na pinapasukan ko." Bigla naman siyang napapoker face na ipinagtaka nila. "Law Ephraim Phytos, a weird creature. I don't understand him, really."

"What do you mean?" tanong naman ni Blade. "Is he some kind of a jerk or what?"

"Well, he's a complete jerk! Akalain mo nung una kaming magkita hindi niya ako kilala? Duh, I'm Savannah Kier Walker. I'm quiet popular in school tapos malalaman kong hindi niya ako kilala? Like, who is he para hindi niya ako makilala? But then, he's good though. Nakakaenjoy din naman pala siyang kasama."

Napatawa na lang ang tatlo dahil sa mahabang litanya ni Savannah pero si Warren ay nangingiti na lang. Napatingin naman si Savannah sa tatlo ng may pagtataka sa kanyang mukha.

"Why are you laughing?"

Si Jinnah na ang unang nagsalita. "You're really like Tito Van, you know?" natatawa pa ring sabi nito.

"Kapag naiinis ka or something, parehong-pareho talaga kayo. Seeing you with Tito Van. Oh, how I'd love to see that," nangingiti namang sabi ni Irrah.

"Nag-aaway na silang dalawa sa telepono pa lang. What would it be like when they're fighting face-to-face? I'll pay to see that," nakangisi namang sabi ni Blade.

"So, your Dad and you are always fighting?" nakangiting sabi ni Warren. Tumango naman si Savannah habang nakanguso.

Muli silang nagkwentuhan hanggang sa abutin na sila ng gabi. Masyado nilang na-enjoy ang company ng bawat isa. Madali rin nilang nakasundo si Warren. Pagpatak ng alas diyes ng gabi ay nagpaalam na si Warren para umuwi. Sina Jinnah, Blade at Irrah naman ay naghanda na para matulog sa kani-kanilang kwarto. Pumasok naman si Savannah sa kanyang kwarto at humiga. Napatingin siya sa kanyang cellphone na umiilaw. Kinuha niya ito mula sa pagkakapatong sa side table.

Nang tingnan niya ang caller ay si Van ito.

"Bakit?"

"Wala man lang 'Hello'? Tss. Kamusta sina Blade, Jinnah at Irrah?"

"They're fine. It's fun to be with them actually. Natutulog na sila ngayon. So, ano pang gusto mong sabihin?" bored na sabi ni Savannah.

"May boyfriend ka na ba?" Napafacepalm naman si Savannah dahil sa tanong ni Van.

"Dad, kailangan ba palagi kapag tatawag ka hindi mawawala ang tanong na 'yan? At ilang beses ko ring sasabihin sa 'yo na wala akong boyfriend? Cut the crap Dad. It's annoying."

"Aba! Naninigurado lang ako, 'no! Baka mamaya, porket wala kami ng Mom mo dyan may pumoporma na sa yo." nanahimik saglit si Van bago muling nagsalita. "Mag-iingat ka, Savannah. Nakakasigurado akong hindi pa talaga tapos ang lahat." Napakunot naman ang noo ni Savannah sa sinabi ng kanyang ama.

"What do you mean, Dad?"

"Just...take care of yourself. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mapapahamak ka."

Hindi na nagawang sumagot pa ni Savannah ng marinig niyang ibinaba na ni Van ang telepono. Napabuntong hininga na lang siya at tumingin sa kisame. Naisip niya 'yung mga bampirang umatake sa kanya at no'n pa lang, muntikan na siyang mapahamak.

Yes, I really need to be careful.

***

Trinity Venice Benedicto

Ang pangalang nakalagay sa pintuan ng isang kwarto sa ospital. Sa loob ng kwartong iyon ay nakaratay ang isang babaeng walang malay at sa kanyang tabi ay ang kanyang kapatid. Puno ng pag-aalala ang mukha ng kanyang kapatid habang nakatitig sa natutulog niyang ate. Naluluha na siya dahil sa nangyayari sa kanyang kapatid. Suki na sila sa ospital dahil sa kakaibang nangyayari rito. Hindi lang ito ang problema nila, unti-unti ng nauubos ang perang iniwan sa kanila ng kanilang mga magulang dahil sa palaging nandito sila sa ospital.

Dahan-dahang iminulat ni Trinity ang kanyang mga mata at 'agad na tumingin sa kanyang kapatid. Mukhang nanghihina pa siya pero nagawa pa rin niyang ngumiti.

"Tiffany," pagtawag niya sa nakababata niyang kapatid.

"A-ate, a-anong pakiramdam mo? Okay ka na ba? Teka, tatawagin ko lang ang doktor--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang hawakan ni Trinity nang mahigpit ang kanyang mga kamay.

"Patawarin mo ako, Tiffany. Puro problema na lang ang dala ko sa 'yo. Halos hindi ka na makapasok sa eskwelahan ng dahil sa akin. Hindi na rin ako nakakapasok dahil sa mga nangyayari sa 'kin. Hindi dapat ganito ang nangyayari sa 'tin. Hindi ito ang gusto nina Mama at Papa." Napaluha na lamang si Trinity. Noong labing-limang taong gulang siya ay namatay ang kanilang ama at ina dahil sa aksidente, labing-apat na taong gulang naman noon ang kapatid niyang si Tiffany. Kahit ganoon ang nangyari, malaki namang pera ang iniwan sa kanila ng kanilang mga magulang kaya hindi na sila nahirapan na paaralin ang kanilang mga sarili pero noong isang taon, pagtungtong ni Trinity sa panlabing-walong taong gulang niya ay may kung anong kakaiba na ang nangyari sa kanya.

Madalas siyang managinip ng kung ano-ano pero karamihan sa kanyang mga panaginip ay mga taong may mapupulang mata at mahahabang pangil. Palagi niyang napapanaginipan na ang paligid niya ay puno ng mga walang buhay at duguang katawan ng mga tao. Sobrang itim na kalangitan at kahit saan ka lumingon ay puro katawan ng tao. Magigising na lang siya na sobrang sakit ng kanyang ulo pagkatapos noon ay wala na siyang maaalala.

Naikekwento sa kanya ni Tiffany ang mga nangyayari sa kanya pagkatapos sumasakit ang kanyang ulo. Magiging berde ang kanyang mga mata at may berdeng usok na babalot sa kanya, pagkatapos noon ay mawawalan siya ng malay at may dugong lalabas sa kanyang ilong.

"Pero Ate, iba na ang nangyari kagabi," naluluhang sabi ni Tiffany. "Noong umilaw ang berde mong mata at nang mabalutan ka ng berdeng usok ay may mga sinabi kang salita na hindi ko maintindihan. Tungkol sa...kamatayan? Kaguluhan? Hindi ko maintidihan, Ate."

"Hindi ko rin alam ang nangyayari sa 'kin, Tiffany. Natatakot ako. Sobrang natatakot ako." Tuluyan ng napahagulhol si Trinity.

Gusto niyang malaman kung anong nangyayari sa kanya pero hindi niya alam kung paano. Nakasisigurado siyang normal na normal siya noon pero noong mag-18 na siya ay nabago na lahat. Gumulo na ang masaya niyang pamumuhay.

Mahigpit na hinawakan ni Tifanny ang kamay ng kanyang ate. "Hindi kita iiwan, Ate. Lulutasin natin ang problemang ito. Walang dapat na sumuko," determinadong sabi ni Tiffany. Tumango na lamang si Trinity at niyakap ng mahigpit ang kanyang kapatid. "Masyado na tayong madaming absent, Ate. Pasok na tayo, ha?" nakangiting sabi ni Tiffany.

"Oo, sabay tayong papasok bukas."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com