Chapter Eight: Closer
Chapter Eight: Closer
"He's Cross Falcon. He's gone now but his memories still hunts me" hindi na mapigilan pa ni Savannah ang luhang patuloy na tumutulo sa kanyang mga mata. Wala na siyang pakealam kung makita pa ito ni Law pero sobrang bigat na ng kanyang pakiramdam. Nagulat na lamang siya ng hawakan ni Law ang kanyang kamay at hinila siya papalapit dito. Niyakap na siya ni Law ng mahigpit at mas lalong bumuhos ang kanyang luha. Ilang taon na ang lumipas nang mamatay si Cross at ngayon lamang siya ulit umiyak ng ganito ng dahil doon. Noong una ay madalas siyang umiyak ng mag-isa pero ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na muli siya iiyak dahil para sa kanya, ang pag-iyak ay tanda ng kahinaan. Pero parang nalunok niya lahat ng sinabi niya noon sa kanyang sarili dahil ngayon ay walang tigil siyang humuhikbi sa dibdib ni Law at mahigpit na nakakapit ang kanyang kamay sa damit nito.
Hinagod naman ni Law ang likod ni Savannah para mapakalma ito. Ipinatong niya ang kanyang baba sa ibabaw ng ulo ng dalaga at napapikit na lamang siya ng mariin. Hindi niya alam kung bakit bumikat ang kanyang dibdib. Hindi niya makayanang tingnan si Savannah habang umiiyak ito. Parang may kung anong dumadagan sa kanyang dibdib.
"Cry as long as you want but promise me you won't cry again after this" bulong niya sa dalaga. Tumango lamang sa kanya si Savannah at mas lalong sumubsob sa kanyang dibdib. Hinigpitan naman niya ang yakap niya dito at patuloy lamang siya sa paghagod sa kanyang likudan hanggang sa kumalma na ito.
Humiwalay na sa kanya si Savannah at hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagkadismaya dahil dito. Marahan niya lamang na iniiling ang kanyang ulo at ibinaling ang tingin kay Savannah na nakatungo lamang. Bahagya pa rin itong humihikbi pero kahit papaano naman ay kalmado na ito.
"Hindi mo dapat nakita 'to. Hindi dapat ako umiyak sa harapan mo. Iisipin mo na tuloy na mahina ako at kagaya lang ng iba na may mahinang loob" nakangusong sabi ni Savannah.
Napangiti na lamang si Law at ginulo-gulo ang buhok nito. "Sinong may sabing mahina ka? Ang lakas mo kaya. Gusto mong patunayan ko sayo 'yun?"
Tumunghay naman si Savannah at nakakunot ang noong tumingin kay Law. "Paano mo naman papatunayan sa akin?"
Ngumisi lamang si Law sa kanya pero nanlaki ang mata niya sa sunod nitong ginawa. Mabilis na kumilos si Law at itinaas niya ang kanyang kamao. Sinuntok niya si Savannah ngunit tumalsik lamang si Law dahil sa kanyang abilidad. Napatama ang likudan ni Law sa dingding at napasigaw ito sa sakit. Agad namang lumapit sa kanya si Savannah.
"Tanga ka ba?! Bakit mo ginawa 'yun?! Alam mo naman ang mangyayari sayo di ba? Nasisiraan ka na ba ng bait?!" hinawakan ni Savannah ang kwelyo ni Law at itinayo ito. Masama siyang tumingin sa binata at sa isang mabilis na galaw ay tumama ang kamao ni Savannah sa mukha ni Law. "Hindi mo ba naisip na pwede kang mamatay kung sakaling nilaksan mo ang suntok mo?!" nagtaka naman si Savannah dahil namumuo na naman ang luha sa kanyang mga mata. Marahil siguro ay natakot siya. Nakita niya kasing nagdugo ang kamao ni Law at sigurado siyang nasaktan ito sa pagkakatama nito sa dingding.
Hinawakan naman ni Law ang kanyang pisngi at ngumiti kay Savannah. Hindi niya pinansin ang mga sinabi ng dalaga at nanatili pa rin itong nakangiti sa kanya. "Hindi mo ba nakita kung gaano ka kalakas? Hindi porket umiiyak ka ay mahina ka na. Minsan ang luha ay tanda ng pagiging matatag at malakas mo. Sa bawat sakit na nararamdaman mo, normal lang na lumuha ka. Pwede namang pagkatapos mong umiyak, punasan mo ang luha mo at ngumiti ka. Harapin mo ang sunod na mangyayari sayo ng may ngiti at walang bahid ng luha sa mga mata mo" isinuklay ni Law ang kanyang kamay sa kanyang buhok. Lumapit siya kay Savannah at ipinatong ang kamay niya sa ulo nito. "Don't worry, I'm not hurt or anything"
Naningkit naman ang mata ni Savannah ng makita ang isang tulo ng dugo mula sa kanyang ulo.
"I'm not hurt or anything mo mukha mo!" sinikmuraan naman ni Savannah si Law at napasigaw na lamang ito.
"Sadista ka din ano?" sabi ni Law habang namimilipit sa sakit.
Sinamaan lamang niya ng tingin si Law pero hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng kwarto. Palihim naman siyang napangiti dahil sa sinabi ng binata sa kanya. Nakarating sila sa may living room at kinuha ni Savannah ang first aid kit para gamutin ang sugat ni Law.
"You're a big idiot, Law" mariin na sabi ni Savannah at hindi niya namalayan na napapadiin na pala ang paglalagay niya ng bedatine sa sugat ni Law.
"Aray ko naman! Hindi mo naman kailangang diinan eh!" bulyaw sa kanya nito.
Mas lalong diniinan ni Savannah ang pagdadampi niya. "Sinisigawan mo ko? Kakasa ka na?" paghahamon naman niya kay Law.
Sinamaan lamang siya ng tingin nito kaya nagpatuloy si Savannah sa paggamot ng sugat kay Law o kung paggagamot nga ba ang tawag doon. Basta na lang niya kasi nilalagyan ng bedatine ang sugat nito.
Matapos niyang gamutin ang sugat ni Law ay umupo na siya sa tabi nito. Malakas pa rin ang ulan kaya hindi pa sila makakauwi. Mukhang dito na sila magpapalipas ng gabi.
"Hoy Law. Saan ka ba talaga nanggaling?" tanong ni Savannah. Matagal na niyang gusto itong itanong at ngayon ang magandang pagkakataon dito. Masyado kasing misteryoso para sa kanya si Law. Bampira si Law pero hindi niya maamoy ang dugo nito. Kung maaamoy lang sana niya ang dugo ni Law ay baka malaman pa niya kung anong klaseng bampira ito.
Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Hindi ko din alam kung saan ako nanggaling" napatingin siya dito at nakatingin din pala ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mata nito pero maya-maya ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi na nakapagpakabog naman ng dibdib ng dalaga. "Gustong-gusto ko ng malaman kung saan ako nanggaling pero hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula. Pero siguro naman dadating din ang araw na malalaman ko na kung sino talaga ako kaya mag-aantay na lamang ako" hindi na nagtanong pa si Savannah. Ayaw naman niyang mangielam sa buhay nito kahit na may parte sa utak niya na gusto niya ding malaman kung sino ba talaga si Law.
Itinaas ni Law ang kanyang paa sa may couch at nagcross legs habang nakaharap kay Savannah. Nanatili namang nakaharap si Savannah sa telebisyon na nakapatay. Narinig niya ang pagkaluskos kaya napatingin siya kay Law na nagbubukas ng lollipop. Nang mabuksan na niya ito ay agad niya itong sinubo.
"Savannah, may kinatatakutan ka ba?" tanong ni Law habang may nakasubo ng lollipop sa kanyang bibig.
Nagtaas naman ng kilay si Savannah. "Wala"
Tumango-tango naman si Law. Kinuha ni Law ang lollipop sa kanyang bibig at iniaro kay Savannah. "Gusto mo?"
Bahagya namang napaatras si Savannah. "Nag-aalok ka ng lollipop na naisubo mo na? Kadiri ha"
"Arte nito. Wala naman akong nakakahawang sakit"
"No thanks"
Ngumisi naman si Law sa kanya. "Ang ganda pala ng mga ngipin mo no? Patingin nga ng pangil mo"
Dahil sa uto-uto si Savannah, ibinuka niya ang kanyang bibig at ginawa naman 'yun ni Law na pagkakataong maisalpak ang lollipop sa bibig ni Savannah. Sa gulat ni Savannah ay naisara na niya ang kanyang bibig at nalasahan ang matamis na strawberry flavoured na lollipop.
Nanlaki naman ang mata niya pero humalakhak lamang si Law. Marahas niyang inalis ang lollipop sa kanyang bibig at may isang bagay na pumasok sa kanyang isip.
Indirect kiss
Nag-init ang mukha ni Savannah at nanginginig na itinaas niya ang kanyang kamao. Bago pa makatakbo palayo si Law ay nakatanggap siya ng malakas na batok mula kay Savannah pero tumawa lamang ito ng tumawa.
"Masarap di ba? Dami mong arte eh. Mas masarap nga 'yang lollipop kasi may laway ko" tumatawa pa ring sabi nito.
Tumayo si Savannah at binato ng throw pillow si Law ngunit nagkailag ito. "Ang baboy mo! Kadiri!" patuloy pa rin siya sa pagbato ng throw pillow dito pero tawa lamang ng tawa si Law.
Nang mapagod si Savannah kababato kay Law at nang mapagod naman si Law sa pagtawa, umupo muli silang dalawa sa may couch. Sakto namang pagkaupo nila ay namatay ang lahat ng ilaw sa bahay. Napatili naman sa gulat si Savannah at mas lumapit kay Law. Wala na silang makita at tanging ilaw lamang na nanggangaling sa maya't-mayang pagkidlat ang bahagyang nagbibigay liwanag sa kanila.
"Brownout pa. Kukuha lang ako ng kandila" tumayo si Law at pumula ang kanyang mga mata. Dahil dito ay nakakita na siya sa dilim. Naghanap siya ng kandila at nang makahanap siya ay agad niyang dinala ito sa kinaroroonan ni Savannah. Sinindihan niya ito at ipinatong sa may center table.
Uupo na sana siyang muli sa couch ng makitang nakapikit na si Savannah habang nakasandal sa couch. Narinig niya ang mahina nitong paghilik at napangiti na lamang siya. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ng dalaga at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakahara sa mukha nito. Isinandal niya ang ulo ni Savannah sa kanyang balikat at ipinulupot niya ang kanyang braso sa balikat ng dalaga.
"What am I doing? Have I fallen to you already?"
***
Nagising si Savannah dahil sa malakas na patak ng ulan sa bubong ng bahay at dahil na rin sa walang tigil na pagkulog. Napaangat ang ulo niya mula sa balikat ni Law at nakita niyang tulog na ito. Napatingin naman siya sa kandilang malapit ng maubos. Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang isa pang kandila na nakalapag sa lamesa na wala pang sindi. Pinalitan na niya ang kandilang malapit ng maubos at pumunta sa may bintana. Halos wala ng makita sa labas dahil sa malakas na ulan.
"Kailan ba titigil 'to?" tanong niya sa kanyang sarili.
Napakunot naman ang kanyang noo nang may mapansin siyang mga pigura sa labas ng bahay. Hindi niya gaanong maaninag ang mga ito pero nasisigurado niyang mga tao ang nasa labas ng bahay. May masama siyang pakiramdam kaya nagmamadali siyang lumapit kay Law. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito.
"Law! Gising!" patuloy pa rin siya sa pagtapik sa pisngi nito hanggang sa tuluyan na siyang mainis. Sinapok niya ng malakas ang pisngi ni Law at mabilis naman nitong inimulat ang kanyang mga mata.
"Anong nangyari? May sunog ba? Gugunaw na ba ang mundo? Mamamatay ka na ba?" sunod-sunod na tanong nito habang tumitingin sa paligid.
"Ikaw ang mamamatay kapag hindi kaagad bumangon dyan!" sigaw ni Savannah.
"Ano bang nangyari? Bakit ka ba nananampal na lang bigla?" kunot-noong tanong sa kanya ni Law.
"May mga tao sa labas. Masama ang pakiramdam ko sa kanila"
Naalarma naman bigla si Law at lumapit sa may bintana. Kagaya ng nakita ni Savannah ay may sampung pigura ng tao sa labas ng bahay. Tumayo na din si Savannah sa tabi ni Law. Ilang minuto ng nakatayo ang sampung nilalang sa may labas ng bahay at nakahelera sila sa isang linya. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay sabay-sabay na nawala ang mga ito kasabay ng pagkiglat.
"AHHHHHH!" napasigaw naman si Savannah at napaatras ng sa isang iglap ay may isang lalakeng nakatayo na sa may labas ng bintana. Mapupula ang mga mata nito, nanlalaki ang kanyang mata, nakalabas ang mahahaba nitong pangil at naglalaway ito. Maya-maya pa ay nakarinig sila ng pagkalampag sa may pintuan at sa iba pang mga bintana. Nagsimula na ding mangkalampag ang lalakeng nasa bintanang sinisilipan nila.
"Shit! What do they want?" agad na nagpunta si Law sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina. Inayos naman niya ang pagkakalock sa front door at pati na rin sa back door. "Kung hindi ako nagkakamali, katulad nila 'yung mga umatake sa iyo noon sa gate ng bahay niyo"
"Oo, katulad din nila" kinakabahan si Savannah. Seryosong bagay na ito pero nagdadalawang-isip pa rin siyang sabihin ito sa kanyang mga magulang. Para saan pa ang kagustuhan niyang maging independent kung magpapatulong siya sa mga ito. Gusto niyang lutasin ito ng mag-isa. "Anong gagawin natin? Sa tingin ko ay hindi nila tayo lulubayan. Kailangan natin silang harapin"
Humarap naman sa kanya si Law. "No, hindi natin kundi ako lang. Ako ang haharap sa kanila at dito ka lang sa loob ng bahay"
"Hindi pwede! Gusto ko silang labanan kaya tayong dalawa ang haharap sa kanila. Kung nag-aalala ka na baka mag-wear off ang ability ko, wag kang mag-alala. Hindi ko aabusuhin ulit 'yun kagaya ng dati" nakita ni Law ang determinasyon ni Savannah kaya napabuntong hininga na lamang siya. Mukha namang wala na siyang magagawa.
"Okay then. Let's kick some balls tonight" ngumisi naman si Savannah kay Law at sabay nilang binuksan ang front door.
***
"ANONG NANGYARI SA MUKHA MO?!" pambungad ni Jinnah sa kanya pagdating na pagdating nito sa classroom. Hindi na niya pinansin ito at pinagpatuloy ang pagbabalot ng benda sa kanyang kamay. "Savannah naman! Kagabi mo pa hindi sinasagot ang tawag namin sayo! Alalang-alala kami sayo no!"
Napabuntong hininga naman si Savannah at itinuon ang atensyon kay Jinnah. May karapatan naman silang mag-alala. Kasalanan niya din na hindi niya inisip ang maaring maramdaman ng mga kasama niya sa mansyon. "I'm okay Jinnah. I'm sorry. Napa...away lang ng kaunti" nag-aalangan pero nakangiting sabi niya.
"Kaunti?! Eh ano 'yang mga bandaid mo sa mukha?!"
Napangiwi na lamang siya. Hindi lamang kaunti ang natamo niyang sugat. May gasgas siya sa pisngi kaya may bandaid dito. May gasgas din siya sa kanyang ilong kaya may nakatapal din dito na bandaid. Nagkasugat ang kanyang kamay kaya may nakabalot na benda. Hindi basta ang naging laban nila kagabi. Malalakas ang mga umatake sa kanila kaya mabilis na nawala ang proteksyon niya kaya nagkaroon siya ng galos.
"At ikaw Law? Bakit may mga sugat ka din?" tanong ni Jinnah kay Law na tahimik lamang na sumisipsip sa kanyang lollipop pero kapansin-pansin ang bendang nakabalot sa noo nito pati na din ang band-aid sa ilalim ng kanyang mata. Nahugot naman ni Jinnah ang kanyang hininga at pabalik-balik na tumingin sa kanilang dalawa. "Huwag niyong sabihing magkasama kayo kagabi?!" nagtinginan lahat ng kaklase nila sa kanila at nagsimula ng magbulung-bulungan.
"Jinnah, will you please shut your freaking mouth? You're irritating. Eh ano kung magkasama sila kagabi. As long as hindi malala ang natamo ni Savannah na sugat sa katawan, okay lang" suway ni Blade kay Jinnah.
Ngumuso naman si Jinnah at ngumuso. "Bakit parang alam mo na 'yung nangyari kay Savannah?"
Napairap naman sa kawalan si Blade. "Yes, I know"
"Paano?!" tumingin siya kay Savannah. "Sinabi mo sa kanya?" tanong niya dito. Umiling si Savannah at itinuon ang atensyon niya sa labas ng bintana.
"Vampires can read mind, Jinnah and I have read her mind. Are you a vampire or you're just too stupid to use your ability?" poker face na sabi ni Blade.
"Ewan ko sayo! Nakalimutan ko lang no! Balak ko naman talagang gamitin 'yun!"
"Whatever you say, stupid"
"Ikaw ang stupid!"
"No, you are"
"Hindi nga sabi eh!"
Hindi na natuloy ang pagbabangayan nina Blade at Jinnah ng pumasok na ang kanilang prof. Natahimik naman silang lahat dahil bagong professor itong nasa harapan nila ngayon. Hindi kagaya ng dati nilang professor na mataray at matanda na, mukha pang bata ito at gwapo talaga. Kinilig naman ang mga kaklase nilang babae, kasama na din si Jinnah pero si Savannah ay nakatingin lang sa bintana at walang pakealam.
"Good morning! I'm Caleb Lewis, you're new Math instructor. Nag-retire na si Mrs. Go at sakto namang nag-apply ako bilang professor sa school na 'to kaya natanggap ako right away" tumingin ang professor na si Caleb sa paligid at palihim na napangisi. "I'm strict here inside the classroom pero kapag nasa labas na ng room, pwede niyo na akong ituring na kabarkada. Mukha pa naman akong bagets kaya hindi mahahalatang professor ako dito" napatawa naman sila sa sinabi nito. "Okay, too much for this. Let's start our class"
Gaya ng sinabi nito ay nagsimula na siyang magklase. Tumingin naman si Savannah sa unahan para makinig at agad natuon ang atensyon niya sa professor niya. Hindi siya nakatingin dito habang nagpapakilala pero ngayong nakita na niya ang itsura nito ay hindi niya maipagkakailang gwapo ito.
He looks familiar pero sigurado naman akong hindi ko pa siya nakikita noon. Is it possible? Hindi pa nakikita noon pero familiar? tanong ni Savannah sa kanyang sarili. Buong klase niyang tinitigan ang bago nilang professor pero hanggang sa mag-uwian na ay hindi niya pa din maisip kung saan niya ito nakita.
***
Lei/shinkumi's Note: SORRY, GOMENASAI, MIANHAE SA MATAGAL NA UPDATE. HUHUHU. Pasensya na talaga. Nililipat ko kasi sa booklat 'yung iba kong stories kaya hindi na ako madalas dito sa wattpad. T__T Sana nakabawi ako sa update na 'to.
Bagong character nga ba si Caleb? Wahahaha!
Nga pala, may twitter kayo? Pa-follow? @shinkumi_61 SALAMAT! I LOVE YOU ALL! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com