Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Five: Illusions

Chapter Twenty-Five: Illusions

Matapos ang ilang oras na pamamahinga ay ginusto ni Savannah na simulan ang training. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakahiga at hindi pinansin ang hapdi na kanyang nararamdaman sa kanyang ibaba. Dumiretso siya sa banyo para maligo. Napangiti na lang siya ng maalala ang nangyari sa pagitan nila ni Law. Hindi niya pinagsisisihang ginawa nila iyon. Pinagdadasal lamang niyang huwag malaman ni Van dahil alam niyang hindi siya titigilan nito hanggat hindi nabubutas ang eardrums niya.

"SAVANNAH!!!" 

Napatalon sa gulat si Savannah ng marinig ang pagsigaw mula sa loob ng kwarto. Pinihit niya ang shower at binalot ang kanyang sarili ng tuwalya. Mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kwarto. Napatigil siya sa may pinto ng banyo ng makita sina Blade, Irrah at Jinnah sa loob. Sabay-sabay silang tumingin sa kanya na para bang nakakita ng multo. Una niyang tiningnan si Jinnah na kaunti na lamang ay tutulo na ang luha. Si Blade at Irrah naman ay nakangiti sa kanya.

Tumakbo papalapit sa kanya si Jinnah at niyakap siya ng mahigpit. Humagulhol ito sa kanyang bisig. Napangiti na lang siya at niyakap na din si Jinnah. Kahit na mukhang magkaka-age lamang sila ay kitang-kita pa din kung sino ang mas bata sa kanilang dalawa. 

"Akala ko talaga iniwan mo na kami! Ano na lang din ang sasabihin ni Tito Van at Tita Kisha kapag nalaman nila ang nangyari sayo? Baka sirain ni Tito Van ang buong mundo sa sobrang galit!" kinilabutan si Jinnah sa sarili niyang sinabi.

Napatawa naman si Savannah. "I agree with you. Pero hindi ako basta-basta mamatay no! Ako pa? Malakas yata ako." 

"If that's the case, sisimulan mo na ba ulit ang training mo? You look prepared." tiningnan siya ni Blade mula ulo hanggang paa at ngumisi. "You even wear a fighting gear. You're the Legendary Vampire's daughter, indeed."

"Gusto ko na kasing matapos ito. Limang araw na ang nakakalipas simula nung simulan ko ang training at tatlong weapon pa lamang ang nakukuha ko. May pito pa akong dapat kuhanin. Pakiramdam ko habang natagal ay mas lalong humihirap ang mga pinagdadaanan ko." lumakad siya patungo sa kanyang kama at kinuha ang kanyang cellphone. Napanganga siya ng makita ang 120 missed calls at 230 messages na lahat ay galing kay Van at kay Kisha. Hindi na niya binasa pa ang mga messages at ni-clear na din niya ang mga missed calls. Agad niyang ini-dial ang number ni Van. Responsibilidad pa rin naman niyang kamustahin ang mga magulang niya at sabihin ding okay lamang siya kahit na kamuntik na siyang mabura sa mundo.

Tumalikod siya sa tatlo at lumakad patungo sa may bintana. Narinig niya ang pagriring at isang beses pa lamang yatang nagriring ay may sumagot na kaagad.

Huminga siya ng malalim at nagbilang ng tatlo dahil alam na niya ang sasabihin ng kanyang ama pero nag-aabang siya ng sigaw o kaya naman sermon mula kay Van pero nakarinig siya ng katahimikan sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya. Ibinuka niya ang kanyang bibig para magsalita pero may pamilyar na boses ang nagsalita sa kabilang linya pero sigurado siyang hindi iyon si Van.

[Bonjour~ Comment allez-vous? Tu me manques tellement~]

Napapoker face na lang si Savannah nang makilala kung sino ang nasa kabilang linya. Kahit na ibang lenggwahe ang ginagamit nito ay alam na alam niya ang boses na iyon.

"Umayos ka Lolo G. Nasaan si Dad at Mom?"

[Qui?]

"Lolo G! Nasaan sina Mom at Dad? Tigilan mo nga ako sa pagpe-French mo! Sasapakin kita!"

Narinig niya ang tawa ng matanda kaya mas lalo siyang nabugnot. Maya-maya ay narinig niyang parang may kung anong ginagawa ito. Naningkit ang kanyang mga mata ng marinig ang kakaibang tunog na nanggagaling sa TV. Uminit ang kanyang pisngi ng makarinig ng ungol ng babae. Bakit ba hindi na siya nasanay? Malamang sa mga oras na ito ay nagpapakasawa na naman si Lolo G sa porn.

[Ikaw naman! Hindi ka na mabiro! Umalis sina Van at Kisha para may asikasuhin ang kaso naiwan naman ni Van ang telepono niya kaya ako ang may hawak ngayon.] paliwanag niya. [At isa pa, kinalikot ko ang cellphone niya. Aba'y puro porn! HAHAHAHA! Teka, maghahanap pa ako baka meron sila ni Kisha dito at malaman ko kung paano ka nila binuo.]

"Lolo G!" mas lalong uminit ang pisngi ni Savannah. Napailing na lang siya dahil hindi pa rin talaga nagbabago ang kanyang Lolo. "Ang manyak niyo talaga kahit kelan!"

[Being perverted runs in our blood, Savannah dear. I'm pretty sure you're one hell perverted too.]

Biglang pumasok sa isip ni Savannah ang nangyari sa kanila ni Law. Siya pa ang nag-initiate nito at hanggang ngayon ay nagpipicture pa rin sa kanyang isip ang kabuuan ni Law. Marahas niyang iniiling ang kanyang ulo.

"I'm prodigious Lolo, not perverted." isinuklay niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok. "By the way Lolo, kamusta na kayo dyan? Pakisabi kina Mom at Dad na wag silang mag-alala dahil okay lang naman ako. Pati kayo, wag kayong mag-alala sa akin dahil nagiging maayos ang pagtetraining ko." pagpapaliwanag niya kahit na alam na niyang alam ni Lolo G ang mga nangyari sa kanya dahil si Lolo G ang maalamat na bampira na alam ang kahit ano, walang nakakalagpas sa kanyang impormasyon ngunit walang nakakaalam kung paano niya nalalaman ang lahat.

[You know that I won't buy that, apo. Ito lang ang tandaan mo, wag kang magpadalos-dalos. Hindi mo kailangang madaliin ang mga bagay. Alam kong gusto mong maging malakas pero walang silbi ang pagiging malakas kung hindi mo muna pag-iisipan ang bawat kilos mo. Maaaring kaunting galaw mo lang, humantong ka sa hukay.] saglit na natahimik sa kabilang linya. [By the way apo, balita ko magaganda ang mga katulong mo dyan ah? Nabalitaan ko doon sa tatlong itlog. Pwedeng padalhan mo ako ng picture sa FB ko? O kaya naman post mo na lang sa IG. Pwede ba?] kahit na hindi nakikita ni Savannah si Lolo G ay alam niyang nakangisi ito.

"I miss you and love you Lolo. Bye." 

Hindi na niya hinayaan pang makapagsalita si Lolo G. Binabaan na niya ito ng telepono. Kalaunan ay napangiti na lamang siya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Lolo G was right, being perverted runs in the Walker's blood and no one can erase that.

Pagharap niya ay wala na ang tatlo sa kanyang kwarto. Hindi na niya namalayan na nakaalis na pala sila kaya sumunod na siya pababa. Naabutan niya ang tatlo sa may sala. Ngumiti ang Archer Brothers sa kanya pero may iba sa tingin nila. Para bang mapaglaro ang kanilang mga tingin sa kanya. Hindi na niya pinansin ito at umupo na sa may couch. Kinuha niya ang isang basong juice na inihanda ng isa sa mga katulong niya pati ang isang pirasong cookie.

Muli siyang tumingin sa Archer Brothers at ganoon pa rin sila makatingin.

Nagsimula namang kumanta si Tred na kunwari pa'y naggigitara.

"I'll keep you my dirty little secret~"

Maya-maya ay sinabayan na siya ni Tres. "Don't tell anyone or you'll be just another regret~"

Sumunod naman si Trey sa pagkanta at para silang mga shungang naghe-headbang pa habang nakahilera sa may couch. "My dirty little secret~ Who has to know?"

Unti-unting kumunot ang noo niya habang pinapanood ang tatlo. Ano kayang trip nila at kumakanta? Uminom siya sa kanyang juice at maya-maya ay may isang bagay na pumasok sa kanyang isipan na siyang naging dahilan kung bakit niya naibuga ang juice na iniinom niya. Napaubo siya at marahan niyang hinampas ang kanyang dibdib para mawala ang pagkasamid niya.

"Are you okay Savannah?" lumapit sa kanya si Tred habang nakangisi at inabutan siya ng tissue.

Kinuha niya ang tissue at pinunasan ang kanyang bibig.

"Anong nangyari? Hindi ba masarap 'yung juice?" tanong naman ni Tres.

Masama siyang tumingin sa tatlo. Sigurado siyang alam ng tatlo ang nangyari sa kanilang dalawa ni Law. Eksperto ang Archer Brothers pagdating sa pag-iisip. Kumpara sa ibang bampira, sila ang pinakamagaling sa pagbabasa ng isip ng tao o bampira at pag-analisa ng bawat nangyayari sa loob ng utak nito.

"Don't tease me! Alam kong alam niyo kaya kung ayaw niyong maputulan ng dila, shut your freaking mouth!" namumula ang kanyang mukha habang nasigaw dahil sa kahihiyan. 

Sabay-sabay na tumawa ang tatlo na mukhang nag-eenjoy pa sa pang-aasar sa kanya.

"What would be Van's reaction when he finds out that his daughter just let that guy pop her cherry?" ani Trey.

"He'll be mad. Like crazy." ani naman ni Tred.

Kumuha si Savannah ng tatlong piraso ng cookies at ibinato sa tatlo. Imbis na mainis ay tinawanan lamang siya ng mga ito.

"He'll never get mad 'til you say it to him so shut your mouth and keep it a secret!" 

Temper got the crap out of her and without thinking, she summoned her Immortal Sword. Nabalot ng matinding liwanag ang buong kwarto. Napatigil naman sa pagtawa ang Archer Brothers. Nakita nilang hindi na nakikipagbiruan si Savannah.

"Woah there, calm down." lumapit si Trey kay Savannah at hinawakan ang braso nito. Pinigilan niyang matawa ng makitang nangingilid na ang luha ni Savannah. They bully her so much for today.

Itinutok ni Savannah ang Immortal Sword sa kanya. "Tease me again and you're dead."

Biglang naglaho ang Immortal Sword sa kamay ni Savannah. Para siyang batang nakanguso at nakahalukipkip. Muli silang napatawa dahil sa ipinakita ng dalaga. Lumapit sina Tres at Tred sa dalawa. Ginulo-gulo ni Tres ang buhok ni Savannah.

"Sorry, we went too far. You grew up so much that we can't keep up." nakangising sabi niya. "So, are you ready for the training? Kapag hindi ka pa ready, pwede ka namang magpahinga na muna."

"Kelan pa ako naging hindi handa?" ngumisi siya at tumayo na. "Magsimula na tayo."

***

"Kuya! Open this! Damn it!" puno ng sugat ang kamao ni Warren sa kasusuntok niya sa pintuan. Nang may itinurok sa kanya si Yuan ay nagising na lamang siya sa isang kwartong iisa lamang ang pintuan at walang bintana. Maliit na silid lamang ito at tanging isang kama at isang lababo lamang ang nasa loob. Mas masahol pa ito sa kulungan. Wala siyang ibang ginawa kundi ang suntukin ng suntukin ang pinto, umaasa na masisira niya ito. Napaluhod siya sa sahig habang nakatuon ang kanyang dalawang kamao sa mag pintuan. "Damn it! Damn it! Damn it!"

"Stop struggling, little brother. That b_tch is dead and you have nothing to do." 

Narinig niya ang malamig ngunit mapang-uyam na tinig ni Yuan. Nagngingitngit ang galit niya para sa kapatid. Buong buhay niya ay tiningala niya ito at inidolo. Minahal niya ito at sinunod ang lahat ng pinag-uutos nito pero ngayon ay tapos na ang lahat. Wala na siyang natitira pang pagmamahal o respeto man lang para sa kapatid dahil nilamon na siya ng galit tungo dito.

"No, she's not dead! I want to see her! Let me out!" sigaw niya kahit na kaunti na lamang ay mapapaos na siya. Kanina pa din kasi siyang sumisigaw. Oras na makalabas siya dito ay hinding-hindi na siya babalik. Hindi na niya kailangan pang patunayan sa kanyang ama na kaya niyang maging magaling sa paraan na pagpatay kay Savannah. Hindi na niya kailangan pang maging sunod-sunudan dito na parang aso. Sawang-sawa na siya. Ayaw na niya.

Bumukas ang pinto at dahan-dahan siyang tumunghay. Nakangisi sa kanya si Yuan habang nakalahad ang kamay. Masama siyang tumingin sa kapatid. Tinampal niya ang kamay nito at tumayo siya ng hindi humihingi ng tulong dito.

"Oh, you're bleeding." 

"Wag kang lumapit sa akin." matalim na sabi niya nang makitang humakbang ito papunta sa kanya.

"Aren't you going to thank me? Palalabasin na kita." humalukipkip siya. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha. "You're going to defy Dad's orders? You're really going to betray our clan just because of a vampire girl? Not only that, she's an enemy! Hindi ka ba talaga nag-iisip? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, ako na ang gumawa ng misyon na para sayo. Eh di sana noon pa lang patay na ang babaeng iyon!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang kapatid. Buo na ang desisyon niya. Pagod na pagod na siyang patunayan sa ama niya na kaya niyang pantayan ang galing ni Yuan. Noon pa lang ay si Yuan na ang gusto ng kanyang ama dahil mabilis itong matuto ng mga bagay-bagay na ituro sa kanya. Si Yuan ay gustong-gustong makipaglaban. Natutuwa siya kapag nakakakita ng dugo. Gustong-gusto niyang nakikitang may namamatay. Kabaligtaran niya na gusto lamang niyang maging proud sa kanya ang kanyang ama pero mukhang hindi na mangyayari iyon. 

"Warren!"

Tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa itaas. Ikinulong siya ni Yuan sa basement nila kaya naman mabilis para sa kanya na makapunta sa kanyang kwarto. Inempake niya ang kanyang mga damit. Wala siyang itinira na kahit isang gamit. Dumiretso siya sa kanyang kotse at sa huling pagkakataon, pinagmasdan niya ang kanilang bahay. Inisip niya ang mga panahon na tumira siya dito. Napangiti na lang siya ng mapait ng wala man lang masayang alaala na pumasok sa kanyang isip. Puro lungkot, paghihirap at sakit. Hindi niya alam kung matatawag pa bang tahanan ito.

Bumuntong hininga siya at sumakay sa loob ng kanyang kotse. Aalis na siya at hindi na siya lilingon at babalik pa.

***

Ilang minuto nang nakatayo si Savannah sa harap ng brown na pinto. Nasa loob na siya ng puting kwarto na napapalibutan ng sampung pinto para mag-training. Ngayon ay naka-monitor na sa kanya ang Archer Brothers. Dahil dito, pakiramdam niya ay ligtas siya hindi tulad noong nag-iisa lamang siyang harapin ang mga Tagapagbantay. Kahit na hindi siya matutulungan ng tatlo sa pakikipaglaban, nakakabawas pa rin iyon ng kaba.

"That's the room for Splitting Daggers. That weapon works with illusion so be careful." narinig niyang sabi ni Trey. "Maaaring ang Tagapagbantay ay illusion ang kapangyarihan kaya kailangan mong maghanda. He/She will be hard to beat if you don't use your mind well."

"Okay, i'll be careful. Don't worry. Papasok na ako." tugon niya.

Pumasok na siya sa loob ng kwarto at sumalubong naman sa kanya ang isang hardin na puno ng iba't-ibang kulay ng bulaklak. Para siyang pumasok sa kakaibang mundo. May burol sa hindi kalayuan kung saan may nakatayong malaking puno. Sa ilalim nito ay may nakita siyang isang lalake na nakaupo at naggigitara. Tinangay ng hangin ang mahaba at kulay brown niyang buhok.

Umangat ang ulo niya at nagtama ang kanilang mga mata. Napasinghap si Savannah ng makita ang kulay brown ding mga mata ng lalake. Tumayo ang lalake at isinandal ang gitara sa may puno. Kumunot ang noo ni Savannah ng ngumisi ang lalake at sa isang iglap ay binalot ng kulay itim na ulap ang kalangitan. Natuyo ang mga bulaklak pati na din ang iba pang halaman. Tinamaan ng kidlat ang puno. Napasigaw siya dahil nandoon ang lalake ngunit nakita niyang wala na siya dito. Biglang napalitan ang itsura ng lugar. Maya-maya ay binalot naman siya ng matataas na puno. Sobrang lapit ng mga puno sa isa't-isa at halos hindi niya makita ang mga dahon at sanga nito dahil sa sobrang taas.

"I love to play using my illusion powers." hinanap niya ang boses at nang tumingala siya ay nakita niya ang lalake na nakaupo sa may sanga. May hawak itong lollipop sa kanan niyang kamay habang nakatingin sa kanya. "Hi, Savannah. Hindi ko alam na ganyan ka pala kaganda."

Tumalon siya at nakatayong pumatak sa lupa. Lumakad siya ng ilang hakbang papalapit kay Savannah.

Natigilan si Savannah ng maramdaman niyang may gumagapang sa kanyang likudan hanggang sa mapunta ito sa kanyang leeg. Napasinghap siya ng makita ang kulay berdeng ahas na gumagapang sa kanyang leeg paikot hanggang sa lumapat ang ulo nito sa kanyang pisngi. Nanginig ang buo niyang katawan dahil sa kaba. Hindi siya makasigaw. Hindi rin niya alam ang gagawin.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Illusions. These are all illusions. I need to gather myself up!

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago niya imulat ang kanyang mga mata. Sa pagmulat niya ay tanging kwartong may kulay brown na dingding ang kisame ang kanyang nakita. Muli siyang napabuntong hininga ng malabanan niya ang ilusyon na ginawa ng lalake.

Pumalakpak ang lalake habang nakangisi.

"Oh, you've fought my illusion. Wala pang may kayang gawin iyon bukod sayo. You have a strong will, Savannah." napansin niya ang isang dagger na ipinapaikot-ikot nito sa kanyang daliri. "Pero umpisa pa lamang iyon. Kumbaga sa 100% kong kapangyarihan, 5% pa lang ang ipinakita ko. Astonishing right?" lumakad na naman siya papalapit kay Savannah ngunit hindi inabala ni Savannah na lumayo. Nag-antay lamang siyang magsalita ng magsalita ang lalake. "I'm Bister. And this dagger in my hand is the Splitting Dagger." pagpapakilala niya habang hindi pa rin naaalis ang ngisi sa labi nito. Savannah noticed something. All of her oponents are all beautiful and dazzling. Starting from Pleyr up to this guy named Bister. Their gorgeousness was out of the world.

"Bakit hawak mo iyan?" tanong niya.

Lumutang ang dagger mula sa kanyang kamay at naiwan sa ere.

Nagkibit-balikat siya. "Wala akong balak na gamitin iyon sa laban natin, wag kang mag-alala. At isa pa, sapat na ang kapangyarihan ko para talunin ka. Shall we start?"

Inilabas ni Savannah ang Fire Mace at inihanda ang kanyang sarili.

Bister spread his arms and from the thin air, hundreds of swords floated and pointed towards her. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Paano niya lalabanan ang isang daang espadang nakalutang sa ere at lahat ng ito ay nakatutok sa kanya? Iniiling niya ang kanyang ulo. Maaaring ilusyon lamang ang lahat ng ito. Maaaring isa lamang ang tunay sa isang daang espada na nakapalibot kay Bister.

"You think you can fool me? That's all an illusion!" itinaas ni Savannah ang Fire Mace at napalibutan ito ng apoy. Dumaloy ito sa buo niyang katawan hanggang sa napalibutan na siya ng apoy.

"You think so?" nakangising tanong ni Bister at sa ilang segundo lamang ay lumipad na patungo sa kanya ang espada. Ginamit niya ang Fire Mace para harangin ang mga espada. Nagtaka siya kung bakit nagagawa niya itong harangan. Ang alam niya ay ilusyon lang ang karamihan sa espada ngunit ng may tatlong espada na dumaplis sa kanya ay alam na niyang totoo ang mga espadang iyon. Nagkaroon siya ng ilang sugat sa iba't-ibang parte ng katawan. Patuloy lamang siya sa paghara sa mga espada. Ginagamit din niya ang apoy para harangin ito hanggang sa maubos na ang espada. "My illusions are real."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Reality lies in illusion and illusion lies in reality."

***

Lei/shinkumi's Note: Sorry sa matagal na update~ Oy oy, sinong nanonood or nagbabasa ng Katekyo Hitman Reborn sa inyo? Wahahaha! Pagbabasa nung manga non ang pinagkakaabalahan ko ngayon eh. Inspired din 'yang illusion thingy na 'yan doon. Hahaha! Kapag nagbabasa/nanonood kayo, kwentuhan tayo ah? XD

Follow me on Twitter: @shinkumiwattpad

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com