Chapter Twenty-One: Save Them
Chapter Twenty-One: Save Them
Law was walking back and forth in his room, can't hide the anxiety in his face. He never had been so frightened like this before. After waking up in a bad dream where Savannah was saying her last words 'til she ran out of breath, he can't stay put.
"Sh_t! This is making me crazy" He walked towards his dresser and got his jacket. He can't take it any longer. He needs to see Savannah to make sure she's not in danger. His worry is getting the crap out of him. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng kanyang butler at nagdire-diretso lamang siya sa kanyang kotse. Mabilis niya itong pinatakbo patungo sa mansyon ng mga Walker.
Sa kabilang banda naman, ganoon din ang nararamdaman ni Warren. He didn't know why he's having the feels. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tiningnan ang screen nito kung saan ang wallpaper ay si Savannah. Bigla siyang kinilabutan at hindi niya alam kung bakit. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nagconcentrate na lamang sa pagmamaneho. Patungo na din naman siya kina Savannah kaya kaunting oras na lang ay mapapanatag na din ang loob niya.
"Why parang matatae ka na ewan, Fafa Warren?" tanong ni Harold sa kanya. Panandalian niyang nakalimutan na kasama niya pala si Harold. Kagagaling lang nilang pareho sa school at nalaman ni Harold na pupuntahan niya si Savannah at nagpumilit itong sumama. Matagal na daw kasi niyang hindi nakikita si Savannah at miss na miss na daw niya ito. Wala namang nagawa si Warren kundi ang pumayag.
Bumuntong hininga siya at binuksan ang radio. "Wala. Wag mo na akong pansinin" mahinang usal niya. Hindi na rin naman nagsalita si Harold na siya namang ikinapagtaka niya. Madalas itong hindi tumitigil sa pagdaldal pero nanibago siya dahil hindi ito gaanong nag-iingay kaya naman hindi na niya mapigilan pang magtanong. "Bakit tahimik ka yata? Is there a problem?" Bahagya niyang itinigil ang sasakyan ng makitang mag-kulay pula ang stoplight. Tumingin siya kay Harold at inantay ang sagot nito.
"Ewan ko din ba. Habang papalapit tayo sa destinasyon natin mas lalo akong nababagabag. Para bang may hindi magandang nangyayari" ngumiti siya at tinampal-tampal ang kanyang pisngi. "Ano ba naman 'tong sinasabi ko? Siguro masyado lang akong excited na makita si Savvy dear! Ilang araw ko na bang hindi nakikita ang babaeng 'yun? 3 days? 4 days? Ano bang pinagkakaabalahan niya?"
Sabay-sabay na umandar ang sasakyan ng mag-kulay green naman ang ilaw at ganoon din ang kanyang ginawa.
"I don't know either. If she's doing something right now, it must be very important" sagot niya at wala nang ni isa sa kanila pa ang nagsalita hanggang sa makarating na sila sa harapan ng mansyon.
Awtomatikong bumukas ang itim na gate. Mabilis naman niyang ipinasok ang sasakyan patungo sa harapan ng mansyon. Pagkababa nila ay napansin nila ang isang kulay pulang kotse na nasa harapan din ng mansyon. Napakunot naman ang noo ni Warren at inisip kung kanino ito. Sa huli ay nagkibit-balikat na lamang siya. Malalaman din naman niya pagkapasok niya sa loob.
Hindi na sila kumatok pa sa may main door dahil pagkaakyat nila sa hagdanan patungo dito ay naabutan nilang bukas ito. Umalingawngaw naman mula sa loob ang isang pamilyar na boses na siyang naging dahilan kung bakit napatigil si Warren sa kanyang paglalakad. Anger built up from his gut when he recognized that voice. He hated the fact that that guy came first before him.
"What the f_ck happened?! Why...why is she like this?!" This made Warren brought back to reality. He ran towards the living room as fast as he could; leaving Harold standing on the doorway. Nang makarating na siya ay hindi niya inaasahan ang tumambad sa kanya.
Nakahiga si Savannah sa may couch pero ang kanyang mga braso, binti pati na din ang kanyang leeg ay nababalutan ng kulay violet na sa unang tingin pa lang niya ay alam niyang lason ito. Muli siyang tumakbo patungo kay Savannah at itinulak si Law na sobrang lapit sa dalaga. Wala na siyang pakealam pa kung anong naging reaksyon ni Law sa ginawa niya, ang mahalaga ngayon ay malaman niya kung anong nangyari.
Nanginginig ang kanyang mga kamay at mabilis ang pintig ng kanyang puso. Kapag nawala siya---
Hindi. Hindi iyon pwedeng mangyari. Ikamamatay niya kapag si Savannah na mismo ang nawala sa kanya.
"Anong nangyari sa kanya?" mahinahon niyang tanong. Ilang beses siyang huminga ng malalim para mapakalma ang kanyang sarili dahil walang mangyayari kung magpapanic siya.
Lumapit ang isang katulong sa kanya na may hawak na isang basin na may lamang tubig at towel. "N-Narinig ko pong nag-uusap ang Archer Brother kanina a-at...sabi nila ay nalason daw po si Ma'am Savannah. Hindi ko lang po alam kung bakit. Ang sabi lang nila ay tanging ang mga Vampire Hunters lang ang makukuhanan nila ng gamot dahil sila lang ay may kakayahang gumawa ng antidote na makakapagpagaling sa ganitong kalalang lason" paliwanag niya. Hindi makapagsalita ang katulong ng hindi nauutal dahil nakita niya ang ekspresyon sa mukha ni Warren. Nakakatakot ang ekspresyong lumabas sa mala-anghel niyang mukha. When you look at him, you can tell that he can't bring any harm because of his soft features but when you look at him in different perspective, you can tell that something's off in him. He's like a person who can shift from one person to another.
Warren looked at her with his piercing eyes. The maid almost dropped the basin she's holding. "Poison huh?" Buong akala niya ay may iba pang sasabihin si Warren pero natahimik ito. Nawala ang nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha at napalitan ito ng nababagabag na ekspresyon. Para bang may malalim siyang iniisip at nawala na siya sa sarili niyang mundo.
"Bakit mag-isa lang sila dito? Saan sila nagpunta?" tanong naman ni Law. Hinawakan niya ang kamay ni Savannah na nababalutan ng kulay violet na lason. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Pilit siyang nag-iisip ng paraan para mapagaling si Savannah pero walang pumasok sa kanyang isip. Anong gamot? Saan sila kukuha? Hindi pwedeng magtagal na ganito kundi malalagutan ng buhay si Savannah at hindi pwedeng mangyari iyon. "Damn it. What are you doing to yourself, Vannah? You said you won't go to school for 2 weeks, why? Is this part of that 'something' you're going to do?" hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na humahara sa mukha ni Savannah. Hinalikan niya ang noo ng dalaga at mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay nito.
"Anong nangyari kay Savvy?!" tanong ng humahangos na si Harold. Lumuhod siya sa tabi ni Savannah at nag-aalalang tumingin dito. "Bakit...may ganyan sa katawan niya?!" Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang kanyang luha. Savannah is beyond pitiful. It's as if she's dead already. He held her wrist and felt her pulse. He gasped when she felt her pulse slowly fading. "This is bad. She can't stay any longer! Ano ba talagang nangyari?!" nagpapanic na tanong niya.
"Calm the f_ck down! We're doing our best to think about possible solutions to this!" Law shouted. "She was poisoned and it's not just a simple poison. It's spreading to her body fast. We need to find those Vampire Hunters bastards!"
Law stood up and was about to walk away when Warren stopped him.
"Stay with her. May naisip na akong solusyon" sambit niya. Nagbalik na naman ang kaninang ekspresyon niya. Para bang binalot ng yelo ang buong kwarto nang magsalita siya. "Don't leave her side and wait for me"
"You don't need to give me orders because I know what to do" Law shrugged off of Warren's hands from his shoulder. Muli siyang umupo sa tabi ni Savannah. Gustuhin man niyang siya ang makahanap ng solusyon wala na din siyang magagawa dahil nauubos na ang oras. "I don't want to trust you but for Savannah, I will. Come back with an antidote with you because if you don't bring back something with you, I'll rip you into pieces" banta niya habang nakatingin sa mukha ni Savannah. Hindi na niya itinanong pa kung anong magagawa ni Warren, kung saan siya kukuha ng antidote at kung ano-ano pa dahil base sa mukha ni Warren, pinapakita nitong gagawin niya ang lahat mailigtas lang si Savannah.
"But if I managed to bring back an antidote for her, I'll shove your ass in your mouth" he smirked and turned away from them.
"What an asshole. How can he shove my ass in my mouth?" naiiling na sabi ni Law.
***
Archer Brothers together with Jinnah, Blade and Irrah were heading to where Tiffany and Trinity are. They managed to track their location and now they're not wasting their time just to find them. Nasa kanya-kanya silang sasakyan at mabilis ang kanilang pagpapatakbo. They're not bothered of beating the red light just to buy time. They're prioritizing three lives here: Trinity's, Tiffany's and Savannah's so every second, every minute and every hour counts.
"Malapit na ba tayo sa destination? Wala na sa atin ang map at hawak ni Trey, baka maligaw tayo" tanong ni Jinnah habang pinupunasan ang dagger na hawak niya bilang paghahanda sa laban na haharapin nila.
"Malapit na tayo. We just need to follow Archer Brother's car kaya wala tayong magiging problema sa magiging daan natin. They're running at full speed now. Kailangan nating maka-keep up sa kanila" sagot ni Blade habang nakatingin sa dinadaanan nila. Mas lalo niyang pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan. Kasama niya sa kotse ay si Jinnah lamang. Si Irrah naman ay may dala na sarili niyang sasakyan. Ang Archer Brothers ay nasa iisang sasakyan lamang.
Hindi rin nagtagal ay halos magkakalapit na ang sasakyan nila at pagkatapos ng trenta minutos na biyahe ay nakarating na sila sa kung saan dinala ng dumukot sa kanila sina Tiffany at Trinity. Nasa harapan sila ng isang abandonadong ospital na sa pagkakaalam nila ay nakatayo pa since 1991 na ibig sabihin lamang ay 25 years ng nakatayo sa lugar na ito. Nasa dulo sila ng District 4 na binansagang 'Vintage District' dahil sa mga makalumang construction ng mga bahay idagdag pa na mababang kalidad ng teknolohiya lamang ang meron sa lugar na ito. Sa lahat ng District, ang District 4 ang hindi gaanong napapansin pero kilala ang distritong ito sa pagkakaroon ng mga masasaganang ani na siyang ipinagbibili sa mga public market sa iba pang mga district.
Bumaba na sila sa kani-kanilang sasakyan at tiningnan ang limang palapag na abandonadong ospital. Wala na ding gaanong nakatayong bahay sa lugar na ito at tanging ang ospital na lamang ang nakatayo dito.
"We need to go by pairs. Hindi tayo pwedeng pumasok ng sabay-sabay sa iisang pinto. Pwede itong maging trap para sa atin" sabi ni Tred na siyang mamumuno sa kanilang lahat. May inilatag siyang floor plan ng bawat palapag ng ospital. Nakalagay din dito ang bawat pintong pwedeng pasukan mula sa first floor. Kung saan man nakuha ni Tred ang floor plan na iyon, hindi na nila itinanong dahil sa itsura ni Tred, siya 'yung taong hindi sasabak sa isang labanan ng walang ginagawang plano. "Jinnah at Blade, doon kayo sa may back door dumaan.
"Tres at Irrah, doon naman kayo dumaan sa may fire exit. Malaki ang posibilidad na nasa may 3rd floor sina Tiffany at Trinity. Malaki din ang posibilidad na madaming nakabantay sa may first floor. Ang kailangan nating gawin ay magsimula sa 5th floor pababa sa 3rd floor dahil nakakasigurado akong sa 5th floor at 4th floor ay walang nakabantay dahil hindi papasok sa isip nilang may kalabang maggagaling sa itaas" inirolyo niya ang floor plan at ngumisi. "Kaming dalawa naman ni Trey ang dadaan sa may main door para madistract sila. Siguradong madaming nakabantay sa may 3rd floor kaya kailangan niyong magmula sa 5th floor. Umakyat muna kayo sa may 5th floor at kapag nagbigay na ako ng orders na bumaba na kayo, tsaka kayo bumaba. Sa 5th floor na din pag-usapan ang mga susunod nating hakbang"
Hindi na sila umalma pa sa plano ni Tred dahil alam nilang sa kanilang lahat ay si Tred ang pinakamagaling sa pagpaplano at sa kanilang lahat, si Tred ang pinakamagaling na leader kahit na siya ang pinakabata sa Archer Brothers. Minsan nga nagtataka sila kung si Tred nga ba ang pinakabata dahil mas isip-bata sina Tres at Trey sa kanya at madalas na sinusunod ng dalawa ang sinasabi ni Tred.
"We'll come out alive together with Tiffany and Trinity, right?" tumango silang lahat sa sinabi ni Tred. "Be safe everyone. Kailangan nating matapos ito ng mabilis. Kailangan ko pang dumamoves kay Hailey---" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya ng batukan siya ni Trey.
"Oh just shut up! Hindi dapat si Hailey ang iniisip mo! Si Savannah!" bulyaw niya.
"Oo na oo na!" binatukan din niya si Trey hanggang sa magbugbugan na silang dalawa. Hindi na pinansin pa ng apat ang kalokohan ng dalawa kaya tumakbo na sila patungo sa mga pintong papasukan nila.
Tumigil na sa pag-aaway sina Tred at Trey at pumasok na sila sa may main door. Wala silang armas na dala dahil isip lamang ang gagamitin nila para sa labanang ito. Pagkasara ng main door na pinasukan nila ay limang pares ng mata ang nakatingin sa kanila. Nakataas ang kanilang mga baril at nakatutok sa kanila.
Itinaas nila ang kanilang kamay na para bang sumusuko na. Lumapit sa kanila ang limang lalakeng may dalang baril.
"Bingo" mahinang usal ni Trey. "They're Vampire Hunters. As expected"
"Anong kailangan niyo? Bakit kayo---"
Bago pa maituloy ng lalake ang kanyang sasabihin ay sabay-sabay nilang nabitawan ang baril na hawak nila. Napaluhod sila sa sahig. Nanlalaki ang kanilang mga mata at napahawak sila sa kanilang ulo. Nag-uugat ang kanilang noo na para bang puputok na ito. Dahan-dahang lumapit sina Tred at Trey sa kanila. Parehong mapula na ang kanilang mga mata at nakakatakot ang ngisi sa kanilang mga labi.
"So boring. Talo na kaagad?" hinawakan ni Trey ang baba ng isang lalake at iniangat ang mukha nito. Tinitigan niya ang mga mata nito at sa isang segundo lamang ay kaya na niyang kontrolin ang isip nito. "You and your worthless comrades – come with us and kill all the Vampire Hunters with you"
Nawala ang kulay sa mga mata ng limang lalake. Para silang mga zombie na dahan-dahang tumatayo. Hawak-hawak nila ang kanilang mga baril at nang lumakad sina Tred at Trey ay parang mga asong sumunod ito sa kanila. Nag-apir ang magkapatid at lumakad na papunta sa may hagdan patungo sa 2nd floor.
***
Nakapasok na sina Jinnah at Blade sa may back door. Nakita nila sina Tred at Trey na kaharap ang limang Vampire Hunters. Hindi na nila ito pinansin pa at mabilis na silang tumakbo patungo sa isa pang hagdanan patungo sa 2nd floor. Gaya ng sabi ni Tred, kailangan nilang makarating sa may 5th floor at para gawin iyon, hindi sila pwedeng makita ng mga kalaban.
"Damn it. How can we stay hidden?" reklamo ni Jinnah habang nagtatago sila sa may dingding. Nang makitang walang tao sa may hallway ay patuloy sila sa pagtakbo para hanapin naman ang hagdan patungo sa may 3rd floor. Biglang kinilabutan si Jinnah nang pumasok ang hangin sa may sirang bintana. Inilibot niya ang kanyang tingin sa may hallway at puno ito ng mga sirang gamit – mga wheelchair, makina, dextrose stand at iba pang mga gamit na dito lamang sa ospital makikita.
"Wag ka na ngang magreklamo at magpatuloy ka lang sa pagtakbo!" bulyaw ni Blade. Hindi rin nagtagal ay nakita na nila ang hagdanan at hindi na sila nagdalawang-isip pa na akyatin ito.
"Paanong hindi ako magrereklamo---what the hell?!"
Nang makarating sila sa may 3rd floor ay mabilis silang napatago sa pagkakaalam nila ay nurse station na hindi naman kalayuan sa may hagdanan. Ang isang kamay ni Blade ay nakatakip sa bibig ni Jinnah at ang isa naman ay nakahawak sa earphone sa kanyang kanang tenga para magbigay ng report sa kanilang mga kasama.
"Blade reporting. Tama nga kayo ng hinala, nasa third floor ang magkapatid. Madami sila dito – about 15 Vampire Hunters guarding them. Jinnah and I can't move on as of now. Masyado kaming malapit sa kanila pero gagawa kami ng paraan para makapunta sa 4th floor"
Inalis ni Jinnah ang kamay ni Blade sa kanyang bibig.
"Anong gagawin natin?" bulong niya. "Kapag lumabas tayo dito, siguradong makikita nila tayo. Should we stick to the plan?"
"Yes, we should. Hindi natin pwedeng baliin ang orders ni Tred. Kapag ginawa natin 'yun, masisira ang plano. Antayin na lang natin ang sasabihin niya. Sa ngayon ay ang pagpunta sa 5th floor ang top priority. We will regroup there and talk about the next thing we should do. Kaya kailangan nating makaalis dito"
"But how?"
Inilahad ni Blade ang kanyang kamay at biglang natunaw ito. Napalitan ito ng kulay berdeng likido. Ngumisi siya at nang tumingin si Jinnah sa mukha ni Blade ay unti-unti na ding natutunaw ito. "Did you forget about my ability?"
***
"What the f_ck Tres? This is just a spiral staircase for Pete's sake! What a scaredy-cat!" sigaw ni Irrah kay Tres na mahigpit na nakakapit sa may hawakan ng hagdanan. Sila kasi ang in charge sa pagpunta sa may 5th floor gamit ang fire exit kaya kailangan nilang umakyat sa may hagdan sa gilid ng building. Hinawakan ni Irrah ang kwelyo ni Tres at galit na tiningnan sa mata. "Kapag hindi ka umayos, ihuhulog kita mula dito"
Kasalukuyang nasa 4th floor na sila at sa tingin nila ay sila ang unang pair na makakarating sa may 5th floor pero napapabagal ang gawain dahil kay Tres na takot sa heights.
"Hindi mo ba naiintindihan, Irrah? Takot nga ako sa heights eh!" reklamo niya. Tinabig niya ang kamay ni Irrah at nanginginig ang tuhod na umaakyat ng hagdan. "Pinilit mo akong umakyat hanggang dito sa may 4th floor!"
Napabuntong hininga na lang si Irrah. Hinawakan niya ang kamay ni Tres at walang imik na tumakbo ng mabilis paakyat ng hagdan. Wala namang nagawa si Tres kundi ang pantayan ang bilis ni Irrah hanggang sa makarating na sila sa may 5th floor. Binuksan na nila ang pintuan at tumambad naman sa kanila ang isang buong floor na halos walang laman. Iilang lamesa at silyang nakatumba, mga sirang aparato at mga nakasabog na papel lamang ang tanging makikita.
"Manang-mana ka talaga sa tatay mo!" sigaw ni Tres habang hawak ang kanyang dibdib. "Grade, akala ko mamatay ako doon"
Irrah glared at him but didn't say anything. Lumakad na sila patungo sa kalagitnaan ng 5th floor pero napatigil sila sa paglalakad ng makarinig sila ng mga boses. Mabilis silang tumakbo papunta sa may dingding. Nagtago sila doon at bahagya namang sumilip si Irrah para tingnan kung sino iyon.
Napakunot ang noo niya ng makita ang isang lalakeng nakasuot ng tuxedo pero nakatakip ng maskara ang kalahati ng mukha nito. May kasama siyang anim na armadong lalake.
"Everything is going smoothly according to the plan" nakangising sabi ng lalake. "Well then, we should go to our headquarters now. We have wasted so much time in here" bahagyang umisod si Irrah para makita pa niya ng maayos ang kung sinoman ang lalakeng iyon pero hindi niya napansin ang isang maliit na paso sa kanyang paanan kaya nasagi niya ito. Tumumba ang paso at naglikha ito ng tunog na siyang umalingawngaw sa buong palapag.
Napatakip siya sa kanyang bibig at mabilis na napasandal sa may dinding.
"F_ck!" bulong ni Tres. "He must be the Boss. Hindi niya pwedeng malaman na napasok natin sila!"
"Check it. There must be someone hiding in there" narinig nilang utos nito. "And if there is, kill it whether it's a cat, a rat or a person"
***
Lei/shinkumi's Note: Apat na araw na walang kuryente at anim na araw na walang internet sa bahay namin kaya hindi ako kaagad nakapag-update. Mamamatay ako sa pagkabored. As in walang magawa sa bahay. Kain-tulog lang nagawa ko. XD Sisihin si Bagyong Glenda. Chos. Salamat sa mga nag-antay! <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com