Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue

As time changes, some people changes as well. The things that you used to do back then, was now gone and the new things that you need to use to, will take place.

"Mommy!" Napatingin ako sa aking anak na babae na tumatakbo habang tumatawa. Tumatalbog ang buhok niyang nakapig tails pati na rin ang matambok niyang pisngi. Halos tumulo na ang luha niya sa mata dahil sa matinding pagtawa. Mabilis siyang tumatakbo na para bang may humahabol sa kanya. "Mommy! Kuya Saviel is running after me and he's going to kill me!" humahangos na sabi nito habang tumatawa pa rin. Nakatuon pa ang maliliit niyang kamay sa kanyag tuhod.

Napatawa naman ako sa kanyang sinabi. Binuhat ko siya at mabilis na hinalikan ang kanyang namumulang pisngi. "Lawry, Kuya won't kill you. He loves you. How can you say that?"

Lawry pouted her small and pinkish lips. "Because I broke his favourite CD! He's fuming! I don't know what to do!" kunwari pang nagpapanic ito pero hindi niya kayang itago ang ngiti sa kanyang labi.

Pinisil ko ang kanyang ilong. "I don't know what to do to you anymore, Lawry. You're always bullying Kuya Saviel." Naiiling na sabi ko.

Humalukipkip naman si Lawry at nanatiling nakanguso. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo dahil parehong-pareho kami. "But Mom, he broke my toy, too! Remember my favorite doll? He said that his robot needs to kill her because she's an enemy! He beheaded my doll!" pagrereklamo niya.

"Anong kaguluhan 'to?" nakangising tanong niya. Kararating pa lang niya habang may dalang pagkain. Nilapag niya ito sa may lamesa. Mabilis siyang lumapit sa amin at binigyan ng tig-isang halik sa noo. "You bully Kuya Saviel again?"

"What? I didn't!" pagtanggi ni Lawry. "Mommy Sav, tell Daddy that I didn't do anything wrong!"

Nagkatinginan na lang kaming dalawa at napatawa. Kinuha niya sa akin si Lawry at siya naman ang nagbuhat dito.

"You and Saviel should settle all of this. Dapat magsorry ka sa kanya at magsorry din siya sa'yo." nakangiting sabi niya habang inaayos ang buhok ni Lawry. "Hindi dapat kayo nag-aaway dahil magkapatid kayo. Kung nag-away man kayo, gaya ngayon, dapat habang maaga pa ay ayusin niyo na, 'kay?"

Dahan-dahan namang tumango si Lawry at yumakap sa kanya. "You're my Super Daddy so I should obey you. When Kuya Saviel came back, I'll apologize to him."

Napangiti na lang ako habang pinapanood silang dalawa. Nagpaalam silang dalawa sa akin na papasok na sila sa loob ng bahay kaya naman naiwan ako sa labas. Kinuha ko ang isang bouquet ng bulalak na binili ko kanina at lumakad na papalabas ng bahay.

Hindi na ako gumamit ng sasakyan at naglakad na lang patungo sa aking pupuntahan dahil malapit lang naman iyon. Muli akong napangiti at saglit na tumingin sa langit. Hindi ko namalayan na may luhang tumutulo na mula sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinunasan at pinagpatuloy ang paglalakad.

Nang makarating ako sa kinaroroonan niya ay naabutan ko si Saviel na nakaupo sa damuhan sa harapan niya. Hawak-hawak ni Saviel ang isang bola na kupas na ang kulay at pudpod na pero hindi niya magawang ipatapon dahil napakahalaga sa kanya.

Lumapit ako at tumabi sa kanya. Ginulo-gulo ko ang buhok niya at ngumiti lamang siya sa akin. Ibinaling niyang muli ang tingin niya sa harapan at hinaplos ang lapida na nakalagay sa damuhan.

Inilapag ko ang bulaklak sa ibabaw nito at hinaplos din ito kagaya nang ginagawa ni Saviel.

"I missed him, Mom." humihikbing sabi niya. "I missed Daddy so much."

Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking pagluha pero hindi ko nagawa. Agad kong niyakap si Saviel at hinaplos ang kanyang likudan para patahanin siya pero hindi siya tumigil sa pag-iyak. Ganoon din ako. Pareho kaming lumuha sa harapan ng lapida kung saan nakalagay ang pangalan niya. Pangalan ng lalakeng pinakamamahal ko, ng lalakeng kasama sa pangarap ko at ng lalakeng ama ng mga anak ko.

Law Ephraim Phytos

Ilang taon na ang nakalipas simula nang pumanaw siya. Hindi na siya kilala ni Lawry dahil bata pa lamang ito nang mamatay siya pero si Saviel ang nakakilala sa kanya. Sa edad na labing-isa ni Saviel ay tandang-tanda niya ang kanyang ama, kung paano siya nilaro, inalagaan at minahal nito. Naging malaking sampal sa kanya nang iwan kami ni Law.

Muli akong tumingin sa kalangitan habang yakap nang mahigpit si Saviel. Napakaraming nangyari noong Great War at nang matapos iyon. Buong akala ko ay magiging katapusan na naming lahat pero hindi pa pala. Nabigyan pa kami ng pagkakataon na manalo at mabuhay.

Nang mabaril kami ni Law ng mga Vampire Hunter ay parehas kaming nawalan ng malay. Napag-alaman kong dumating pala sina Mom at Dad pati na din ang mga representatives para tulungan kami. It's like the table was turned. Kung noong una ay ang panig ng mga bampira ang nagigipit, ang mga Vampire Hunters naman ang nawalan ng pag-asa, lalo na't nandyan na ang tinaguriang pinakamalakas na bampira.

Hindi mapagsidlan ang galit ni Dad nang makita niya akong nakahiga sa lupa at hindi na humihinga kaya naman wala na siyang pakealam pa sa mga buhay ng mga Vampire Hunter. He let the vampires kill all the Vampire Hunters including Cinna. There's nothing left but their dead bodies.

Inakala ko ding katapusan na naming dalawa ni Law iyon pero hindi pa pala.

Habang tumutulo ang aking luha ay umagos ang sari-saring alaala sa aking isipan kasama na doon sa kung paano kami nakaligtas sa baril na may lamang chemical. Napag-alaman kong dahil isa akong prodigy, hindi ako kaagad tinablan ng chemical na iyon ngunit may epekto din iyon sa akin. Bampira pa din ako ngunit may halong dugo na ng tao ang sistema ko. Dahil doon, tatanda ako pero hindi kasing-bilis ng isang normal na tao.

Para kay Law naman, nakaligtas siya pero delikado pa rin ang kalagayan niya. Isa siyang Artificial Vampire, ang katawan niya ay puno ng chemical at dahil sa chemical na pumasok sa sistema niya, nagkahalo-halo ito na naging dahilan kung bakit nasa panganib siya. Maaaring ilang taon na lamang ang itatagal niya. Pero hindi iyon naging hadlang para sa aming pagmamahalan.

We married. We have kids. We live like a normal family. We're happy. But that didn't last long...

"Law! Open the door! Anong nangyayari sa'yo?!" sigaw ko habang patuloy sa pagkatok sa pintuan ng banyo. Hindi mawala ang kaba sa akin lalo na ngayong naririnig ko ang sunod-sunod niyang pag-ubo at pag-ungol na para bang nahihirapan siya. "Law! Please, answer me!"

"I-I'm o—" Muli siyang umubo. "—kay. Don't worry about me."

Tumigil ako sa pagkatok at ipinatong na lamang ang aking noo sa may pintuan. Umagos ang luha sa aking mga mata. Ilang buwan na siyang nagkakaganyan. Wala na siyang ganang kumain, hindi halos makatulog dahil may kung anong sumasakit sa katawan niya, ang mga tama ng baril sa kanyang likudan ay naghilom na ngunit nagkakaroon ng mga ugat mula sa peklat nito at madalas siyang maglabas ng dugo mula sa kanyang bibig.

I put my hands in my mouth to muffle my sobs. My heart twisted when I heard him sob from the inside. It's a muffled sob like he's trying his best to keep me away from hearing it.

"Law." ang tanging nasambit ko at pinipigilan pa ring mapahikbi. Ayaw kong makita niyang nahihirapan ako para sa kanya. Gusto kong maging lakas niya para malagpasan niya ang pinagdadaanan niya.

"Vannah," he said between his sobs. "I...I'm not...I'm...not okay." The door opened and I saw his face full of tears. I never see him cry like this.

I hugged him immediately and let my tears fall continuously. Walang lumabas na salita sa aking bibig. Puro hikbi lamang ang nagagawa ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya sa mga oras na 'to. Gusto ko lang siyang yakapin at sabay na nananalangin na sana ganito na lang palagi. Sana palagi ko siyang mayayakap nang ganito at titigil ang oras para sa aming dalawa. Pero hindi pwede iyon.

Nobody can stop the time. It will keep on moving on. You can't press pause if you want to stop for the meantime. You can't press stop if you want to be stuck forever. You can't manipulate it. Time manipulates you.

"Gusto ko pa kayong makasama." humihikbing sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa akin. "Ayokong iwan si Saviel, si Lawry at ikaw. I want to see Saviel and Lawry grew up. I want to walk with them in their Graduation Day. I want to see them fulfilling their dreams. I want to be there in their wedding. I want to be with you. I want us to grow old together. But I guess I won't be able to do it. I, being sick like this." Tumawa siya ngunit puno ito ng pait at sakit.

Dahan-dahan akong umiling. "No, you can do it. We can do it. We'll fight together, Law, like what we always do. You won't leave us. You can do what you want to do. As long as we're together, we can do everything."

Pero hindi na talaga kinaya ng katawan niya. Sa edad na siyam ni Saviel at edad na dalawa naman ni Lawry, pumanaw si Law. Ang pinakamasakit na nangyari sa buong buhay ko. Kundi wala si Saviel at Lawry sa buhay ko, baka sinundan ko na si Law kung nasaan man siya ngayon.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang mga kamay. Patuloy sa pag-agos ang aking luha na para bang walang katapusan. Halos hindi ko siya matingnan dahil pakiramdam ko ay nagpapaalam na siya. At ayaw kong tanggapin iyon. Ilang beses kong inihanda ang sarili ko para sa pangyayaring ito pero ngayong nandito na ako, wala akong magawa kundi ang umiyak at manalanging sana hindi pa ito ang huli.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi na puno ng luha. "Vannah, I love you so much." halos pabulong na sabi niya. "You don't know how happy I am when I met you." Tinapik niya ang kanyang tabi kaya naman humiga ako sa tabi niya. Niyakap ko siya at ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang dibdib. Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang mahinang pagpintig ng kanyang puso. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok. "I was so happy on our wedding day but at the same time, it made me nervous. But all the anxiety was washed away when I saw you slowly walking down the aisle. You looked like a goddess of the goddesses. Until now. And when Saviel was born, I can't help but to cry. Finally, tatay na ako! Isang bagay na hindi ko inaasahang mararanasan ko. Sumunod naman si Lawry, na dumagdag din sa sobra-sobrang kasiyahan ko. Narealize ko, buong buhay pala ako naging masaya. Dahil niyo, nabura lahat ng mga mapapait na alaala noon at napalitan ng napakasayang sandali na kasama ko kayo. I've never been this happy. I love you, Vannah. Please remember that always."

Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan na tumulo ang aking luha sa kanyang dibdib. I gripped his shirt and hugged him tightly. This will be the last and I can't handle the pain.

"I love you, too, Law. You know that very well." humihikbing sabi ko sa kanya. "I love you. I love you. I love you. I love you." paulit-ulit ko iyang sinabi sa kanya. Tumingala ako at binigyan siya ng isang malalim na halik. Nang humiwalay ako sa kanya ay nakatingin siya sa akin at nakangiti.

May kung ano sa kanyang ngiti. He looks like he's at peace.

Muli akong umunan sa kanyang dibdib. Muli akong pumikit ngunit sinabayan ko na ng malakas na paghagulhol nang marinig ko ang unti-unting pagbagal at paghina ng tibok ng kanyang puso.

"I love you with every fibre of my being, Vannah."

Then his heartbeat was gone. He's gone. Forever.

Masakit pa rin para sa akin ang pagkawala niya pero hindi naman naging kulang ang panahon na pinagsamahan naming dalawa. Naging masaya kami sa mahabang taon na nakasama ko siya. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng isang masayang pamilya kasama siya. If I'll define the word 'perfect', it's our love for each other. Kahit na wala na siya, siya pa rin ang mamahalin ko ng buo.

"I always keep this." nakangiti ngunit may luha sa mga mata na sabi ni Saviel. "I forced Dad to buy me this ball even though I knew he forgot his wallet. I cried. I threw a tantrum. I made a scene at the mall. But he didn't get angry. He smiled and carried me instead. He brought me to the toy store and bought the ball. Tuwang-tuwa ako nung mga oras na 'yun. Nung nagutom na ako, dinala niya ako sa pinakapaborito kong fast food chain. Nagtaka ako kung bakit hindi siya kumakain. Nakahalumbaba lamang siya at nakatingin sa akin habang nakangiti. Tinanong ko siya kung bakit hindi siya kumakain pero ang sinagot niya lang sa akin ay hindi daw siya gutom pero nito ko lang narealize na kaya hindi siya kumakain ay dahil pinambili niya ng bola ko ay ang perang dapat ay para sa pagkain niya." Napailing siya at ang malungkot na ngiti ay napalitan ng isang masayang ngiti. "Daddy is really one of a kind. I love him so much even though I feel likee 9 years of being with him is not enough."

You heard that, Law? Saviel loves you so much. Let me guess, you're grinning from ear to ear right now. Saviel is a big boy now. And I know he'll grow into an amazing man like you.

"Can we join your moments together?"

Napatingala kaming dalawa ni Saviel at nakita namin si Warren na buhat si Lawry. Kaagad na bumaba si Lawry mula kay Warren at mabilis na yumakap kay Saviel.

"I'm sorry if I broke your CD. I won't do it again. I love you, Kuya."

Napangiti naman si Saviel. "I'm sorry, too because I broke your favourite doll though I broke it a long long time ago. How can you remember it?"

Napatawa na lamang kaming lahat. Hindi na kasi maalala ni Saviel kung kalian niya nasira ang laruan ni Lawry. Pero si Lawry ay tandang-tanda pa. Matagal siyang makalimot ng mga bagay.

"Is Daddy Law inside?" inosenteng tanong niya.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "Baby, you...you know Daddy Law?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kahit kalian ay hindi ko pa naiikwento sa kanya si Law kaya naman nagtataka ako kung bakit niya nalaman ito. Alam ko kasing malilito siya. Sanay niyang tawagin na Daddy si Warren at parang ang pagkakaalam niya ay si Warren ang totoo niyang ama.

Speaking of Warren, yes, he didn't die. He was shot by a Vampire Hunter but he didn't die. Maswerte pa siya dahil nabuhay siya. Akala namin ay sa puso niya tumama ang bala pero muntik na. Kaunting centimeter na lamang ay malapit nang tumama sa puso niya ang bala. Mabuti na lamang nagamot siya kaagad.

At ngayon, siya ang tumatayong ama nina Saviel at Lawry. Hindi sa hindi ko ito ginusto pero wala akong ginawa kundi ang tumanggi sa kanya pero sadyang makulit ang lahi niya. Gusto niyang tulungan akong alagaan ang dalawa. But that didn't change everything between us. Best friend pa rin ang turing ko sa kanya pero alam niya iyon. Kaya sa huli, wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lamang siya sa gusto niya.

"Of course, I know him!" masiglang sabi ni Lawry. "He's my real Daddy! I remember him when I was..uhh..." Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa kanyang baba habang nag-iisip. "...uhhh...anyways, so yeah, I remember him. I remember his smile, his smell, the way he carried me around and the way he hugged me like I'm the most precious thing in the whole wide world." Naggawa pa siya ng bilog sa ere gamit ang kanyang mga kamay.

Like Saviel, Lawry develops rapidly. At the age of three, she remembers everything well when she was younger.

Kaagad ko siyang niyakap. "Oh, Lawry, Dad will be very happy because you remembered him too well." Naluluha na namang sabi ko ngunit pinigilan ko na ito. Masyado na akong madaming naiiiyak para sa araw na ito.

"Late ba kami?"

Sabay-sabay kaming napatingin kina Blade at Jinnah kasama ang kambal nilang sina Hade at Zade. (Hade – Heyd, Zade – Zeyd). Pareho itong lalake na mas bata lang ng ilang taon kay Saviel.

Mabilis na tumakbo ang kambal patungo kay Lawry at Saviel na madalas nilang kalaro. Nagtakbuhan naman silang palayo sa amin at naiwan kaming apat.

"Paparating na daw sina Irrah—Oh, nandyan na pala sila, eh." nakangiting sabi ni Jinnah. "Mukhang nandyan na din silang lahat."

May tatlong sasakyan na dumating. Sa unang kotse ay sakay sina Van, Kisha, Irrah at Yuan. Sa padalawang kotse naman ay nakasakay ang Archer Brothers, Tiffany,Trinity at Hailey. Sa patatlong kotse naman ay nakasakay si Harold.

Pagkatapos ng Great War ay bumalik na kaagad ang representatives sa Europe para mag-asikaso ng ilang bagay. Hindi nakauwi sina Lolo G, Jiji, Tito Israel, Tita Jullia, Tito Wade, Tita Victoria, Tita Farrah, Tito Jick, Tito Jack at Tito Zick dahil madami din silang inaasikaso. Napagdesisyonan naman nilang sa isang taon na lamang bibisita para magkasama-sama kaming lahat. Sina Mom at Dad naman ay uuwi na sa isang Linggo dahil ilang taon din silang tumigil dito sa Pilipinas.

Si Yuan naman ay nabuhay nang muli bilang isang bampira. Noong una ay tutol kami sa gusto ni Irrah pero sa huli ay pumayag na din kami. Kitang-kita namin ang pagmamahal sa mga mata ni Irrah at hindi namin kayang alisin iyon sa kanya kaya naman hinayaan namin siyang ilagay sa katawan ni Yuan ang dugo niya.

Ang Archer Brothers naman ay nakahanap ng kani-kanilang katapat sa katauhan nina Trinity, Tiffany ay Hailey. Minsan ko na silang inasar dahil puro may 'y' ang huli ng pangalan ng mga girlfriend nila. Pero masaya ako dahil nahanap na nila ang babaeng magpapatibok ng puso nila.

Si Harold naman, bading pa rin. Hindi na iyon magbabago. Parati pa rin siyang sumasama sa amin kahit na nagtanim siya ng sama ng loob noon kay Warren dahil pinatulog siya nito ng ilang araw para hindi madamay sa mga nangyayari. Nawalan daw kasi ng exposure ang kagandahan niya. Ilang araw naburo ang beauty niya sa kwarto at wala daw siyang nagawa. Pero ngayon, balik na ulit ang lahat sa dati.

Tungkol naman kay Sydney, hindi na namin alam kung nasaan siya. Simula nung iligtas siya ni Patrick at Karen sa mga kamay ni Law ay hindi na siya nagpakitang muli. May nagsasabing nagpunta na daw siya ng ibang bansa, ang iba naman ay sinasabing lumipat na daw ito sa kabilang district. Wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng totoo at hinayaan na namin iyon.

Umuwi naman sina Patrick at Karen matapos ang nangyari kay Law. Sila din ang pinakanasaktan dahil sa nangyari kay Law pero nagkaroon naman sila ng panahon para punan ang mga oras na hindi nila nakasama si Law. Alam kong naging masaya si Law dahil naranasan niyang magkaroon ng magulang na katulad nila.

Si Cross, na nasa loob ng scythe, ay nandoon pa rin. Nagagawa ko pa ring i-summon ang scythe pero hindi ko na ito magagamit dahil kakaunti na ang lakas na natira sa akin. Pero masaya pa rin ako dahil nakakausap ko pa din si Cross paminsan-minsan. Minsan kasi ay hindi ko na siya makausap. Nanghihina na din kasi ang spirit niya na nasa loob ng scythe at habang pahina ng pahina ang kapangyarihan ko, pawala na din siya ng pawala. Ngunit kahit ganoon, alam kong naiintindihan naming dalawa ang isa't-isa. Anong oras man siya mawala, alam kong nandyan pa rin siya sa tabi ko kahit 'di ko siya nakikita.

"Hey, Ren, still best friend zone?" nakangising tanong ni Yuan habang kino-quote sa ere ang salitang 'best friend zone' gamit ang kanyang daliri.

Lumapit naman sa kanya si Warren at binatukan ito.

Napailing na lang ako. Yuan is whipped towards Irrah. Pero ganoon pa din ang pag-uugali niya. The arrogant, jerk and feisty Yuan is still there eve though he's one of us now. Noong nalaman niyang bampira siya, hindi siya nagalit. Hindi siya nagwala gaya ng iniisip naming mangyayari. Pero hindi iyon nangyari. He accepted the truth. He even thanked Irrah for giving him a second life. And that time, I knew that he loves Irrah. Dahil sa mga tingin niya dito noong oras na nabuhay siya.

"Nasaan na ang maganda at gwapo kong apo?" tanong ni Dad. "Ang awkward talaga kapag sinasabi kong apo! Feeling ko ang tanda-tanda ko na!" reklamo niya.

"Kung ayaw mo silang tawaging apo, eh, 'di 'wag!" sigaw ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Wala akong sinabi na ayaw ko, 'no!" sigaw niya pabalik. "Oo nga pala, hindi pa ako nakakaisip kung anong pwedeng itawag nila sa akin maliban sa 'Lolo'."

"Utang na loob, Dad, nagbibinata na si Saviel pero wala ka pa ding maisip!"

Napatawa naman si Mom. "How about Mama and Papa? It's better than Lolo and Lola, right?"

Napatingin kaming dalawa ni Dad sa kanya.

Hinawakan ni Dad ang pisngi ni Mom at binigyan ito ng mabilis na halik sa labi. "Hindi ka lang magaling sa kama, pati din sa mga ganitong bagay." nakangising sabi niya.

Sinapak naman siya ni Mom sa tiyan kaya napalayo na lang siya kaagad. Humagalpak naman ako ng tawa dahil sa itsura ni Dad. Namilipit kasi siya sa sakit at kulang na lang ay mapaluhod siya sa lupa. God, I can't believe this! The most powerful vampire in the whole clan was beaten up by his wife.

"Hanggang dito ba naman dinala mo pa rin ang kamanyakan mo? 'Di ba sabi ko sa'yo iwanan mo sa Europe?" reklamo ni Mom.

Ngumuso naman si Dad. "I can't! It's part of being me."

Napailing na lang si Mom kahit na nangingiti na din. She knows that Dad is right. Van will never be Van if he's not perverted. Like me, Savannah will never be Savannah if she's not prodigious. Kahit na nawala na ang napakalakas kong kapangyarihan, I'm still the one and only prodigy that was born in the whole Vampire Clan.

Muli akong tumingin sa puntod ni Law na napapalibutan naming lahat. Lahat kami ay nakangiti habang nakatuon ang atensyon doon.

Hindi tumutol si Dad at Mom sa relasyon namin ni Law gaya ng inaasahan ko. Sa lahat, sila ang pinakanakakakilala sa akin kaya alam nila kung ano o sino ang magpapasaya sa akin kaya binigay nila ang basbas na hinihingi namin sa kanila. Well, si Dad medyo ayaw noong una pero si Mom ang nakapilit sa kanya.

"Binuntis mo ang anak ko kaya mo gustong pakasalan, ano?!" asik ni Dad. "Hindi ako papa—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang sikuhin siya ni Mom sa tagiliran. Nakangiti pa si Mom habang ginagawa iyon na para bang wala lang sa kanya ang ginawa niya kahit na halos hindi magkaintindihan si Dad sa sakit ng siko ni Mom sa kanya.

"'Wag mo nang pansinin ang ugok na 'to. Sige, ituloy mo ang gusto mong sabihin." nakangiti pa ring sabi ni Mom at pasimpleng tiningnan ng masama si Dad. Napaiwas naman ng tingin si Dad at nanahimik na parang maamong tupa.

Law cleared his throat. Mukhang kinakabahan siya. "Gusto ko pong pakasalan si Savannah hindi dahil sa buntis siya o ano. Gusto ko siyang pakasalan dahil mahal na mahal ko siya. I want to spend my forever with her."

"Walang forever!" bitter na sigaw ni Dad. Sinamaan na naman siya ng tingin ni Mom. "Meron pala! Pero mas masaya ang forever 'pag nasa kama lang kayong dalawa." nakangising tumingin si Dad kay Mom habang taas-baba ang kilay.

Sabay kaming napabuntong-hininga ni Mom. Dad, please.

Nagpatuloy naman si Law. "Sana ibigay niyo ang basbas niyo sa'min." Mahigpit na hinawakan ni Law ang aking kamay.

"Hindi kami Pari para bigyan ka ng basbas!" sigaw na naman ni Dad.

"Will you please shut the fuck up, Van Rei Isaac Fenier Walker?" galit na sabi ni Mom.

Lahat kami ay napalunok at napatahimik. Mas nakakatakot pa si Mom kaysa sa mga nabuhay na Walker na pinagsama-sama. In fact, mas matindi pa siya doon. Wala nang nagawa si Dad kundi ang manahimik. Kapag binanggit na ni Mom ang buo niyang pangalan, matakot na siya dahil galit na talaga si Mom.

Muling humarap si Mom kay Law na may ngiti sa labi. "Law, pumapayag kaming pakasalan mo ang anak namin at sana maipangako mong aalagaan mo siya nang mabuti. Siya ang kaisa-isa naming anak kaya mamahalin mo siya, pagkakatiwalaan at aalagaan ng buong puso."

Tumango si Law habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. "Opo, Mrs. Walker, makakaasa kayo sa akin."

"What—" aalma pa sana si Dad pero sinamaan na naman siya ng tingin ni Mom. "Fine. pumapayag na din ako." aniya. "As if I have a choice." pabulong na sabi niya.

Mom clasped her hands. "Then it's settled! Kailan ang kasal?"

Walang nagsasalita ni isa sa amin. Lahat kami ay nakatingin lamang sa puntod ni Law na parang binabalikan ang mga panahong kasama namin siya.

Pasimple kong pinunasan ang luha na kumawala sa aking mga mata. Lumuhod ako sa harapan ng puntod niya at hinaplos ito. Nakatayo silang lahat sa paligid ko ngunit ako lang ang nakaluhod.

I'll be moving forward without him by my side. I'll face new obstacles in my life without him holding my hands. I'll walk towards the future without Law Ephraim Phtyos. But one's thing for sure, even though he's gone, he'll always be in my heart. I'll always love him. I'll love him 'til I die.

Ako ang tutupad ng mga pangarap niya. Papanoodin kong lumaki sina Saviel at Lawry para sa kanya. Ako ang maghahatid sa kanila sa stage sa Graduation Day nila gaya nang gusto niya. Susuportahan ko sila sa kanilang mga pangarap para matupad ang gusto niyang mangyari. Kahit sa kasal nilang dalawa, hindi ako mawawala. Para sa kanya. Para kay Law. Para sa mga pangarap niya.

I'm now a normal vampire like the way I want to be. Hindi man ako naging tao, gaya nang gusto ko talaga noong una, masaya pa rin ako dahil tapos na ang lahat. No one will look at me like I'm a monster. No one will be scared of me.

I'll live with my family in peace. Wala na akong hihilingin pa.

Sa huling pagkakataon, hinawakan ko ang lapida ni Law. Tumulo ang isang patak ng luha doon. Ngumiti ako at ipinikit ang aking mga mata.

"Law," nakangiting sabi ko. "This prodigious vampire loves you with every fibre of her being." I leaned on and kissed the cold cement, the part where his name is written. "See you soon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com