Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

✍Eighth Note✍

  [A/N: Sarah Shane Lopez's photo on multimedia above 👆]  

SARAH

    This is it, ito na yung araw na matagal na naming pinaghahandaan. Kaya ko ba talaga? Sana lang 'di ako pumiyok mamaya.

    Nasa sound operating room ako ngayon habang nag-aantay ng hudyat ni Manager Larry, makatutok rin ako sa screen ngayon kung saan nagpeperform ang mga iba't-ibang artista. Ilang minuto nalang at si ate na papasok sa stage.

"Miss Sarah... Standby, maghanda ka na." Saad naman ni Ruby sakin.

Tinanguan ko lang siya at kinuha ang microphone sa gilid ko habang matiyagang nanunuod sa maliit na screen.

Maya-maya sumulpot bigla sa harapan ko si Manager Larry at sinabing, "ready ka na?"

Tumango lang ko at huminga ng malalim habang hawak-hawak ang mikropono.

"In three... Two... One... Go!" He said as he snapped his fingers.

      I saw on the screen ang biglang pag-ilaw ng stage at unti-unting lumabas si ate galing sa backstage. Rinig ko ang hiyawan ng mga, lahat sila pangalan ni ate Savannah ang isinisigaw.

    Then I saw ate's big smile on her face, gustong-gusto niya talaga maging artista at bilang kapatid niya sinusuportahan ko kaligayahan niya.

   Unang tumugtog ang gitara saka siya nagsimulang kumilos, may nakasabit na lapel microphone sa bibig niya, then in a rhythmic way sabay kaming kumanta, siya naglilipsync habang sumasayaw sa harap ng maraming tao, Ako naman nagtatago sa backstage habang kumakanta.

You know just what to say
Things that scare me
I should just walk away
But I can't move my feet  

The more that I know you, the more I want to
Something inside me's changed
I was so much younger yesterday, oh  

Lahat naman ng tao sa studio ay nakikisabay sa performance ni ate. May ibang nakikikanta habang kinakaway ang banner na may mukha ni ate, ang iba nama'y pumapalakpak at sinisigaw ang pangalan niya.

Kung sana may lakas ng loob lang akong humarap sa maraming tao, ganito rin kaya ang mararanasan ko?

I didn't know that I was starving 'til I tasted you
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo
By the way, right away you do things to my body
I didn't know that I was starving 'til I tasted you  

I didn't know that I... I didn't know that I... 'til I tasted you
I didn't know that I... I didn't know that I... 'til I tasted you  

By the way, right away you do things to my body
I didn't know that I was starving 'til I tasted you  

Matapos ang performance ni ate, agad akong tumayo at dali-daling isinuot ang face mask saka eyeglasses.

"Iready mo na mga gamit mo. Sasamahan ka ni Ruby patungo sa sasakyan dun ka sa fire exit dumaan at dumeritso na kayo sa parking lot." Ani Manager Larry na nagmamadali.

Tumango naman kami ni Ruby at agad na naghanda saka pa tuluyang umalis si Manager.

"Halika na Miss Sarah," saad ni Ruby sa may pintuan habang palinga-linga sa paligid. "Wala pa pong tao, kailangan na po nating magmadali."

"Okay." Sagot ko lang sa kanya at isinulukbit na ang sling bag ko. "Aalis na po kami, maraming salamat po." Saad ko sa operator ng sounds roon, saka iniwan na namin recording room. Binayaran ni Manager Larry  yung operator para isekreto ang tungkol sakin at sa ginawa ko kanina, kaya wala na akong dapat ipag-alala.

"Miss Sarah! Dito po." Halos pabulong na sigaw sakin ni Ruby palinga-linga kasi ako habang naglalakad.

Tinahak namin ang maliit na pasilyo pakaliwa at bumungad samin ang mga janitor at janitress kaya higpitan ko ang paghawak sa hood ko sa ulo, nagmumukha tuloy akong magnanakaw nito.

Kumanan naman kami at sa palagay ko nandito ang palikuran nila, dahil nakayuko ako 'di ko inasahang may babangga sa'kin nabitiwan ko ang hood ko at tumilapon naman ang eyeglass na suot ko.

"I'm sorry/pasensya na." Sabay naming saad.

Nakaupo parin ako sa sahig nang bigla niyang hinawakan ang mga balikat ko at pinatayo.

"Are you hurt?" Tanong niya sa'kin pero nanatili lang akong nakayuko. "Hey, Okay ka lang ba?" He asked again and this time i sense he's worried dahilan upang kumirot ang puso ko.

Tumingala ako sa kanya at nanlaki ang mga mata, wrong move dahil kilala ko siya. "Okay lang ako!" Saad ko sabay iwas ng balikat ko sa kanya.

"Y-you..." 

"Miss Sarah! Nako lagot!" Pareho kaming lumingon ni Hyuno kay Ruby. Oo, si Hyuno ang nakabangga ko. 

Tumakbo papalapit samin si Ruby at agad na hinila ang kamay ko. "Pasensya na po sa nangyari." Saad niya kay Hyuno natulala parin.

Nagpahila na ako kay Ruby at 'di ko na siya nilingon pa, pero narinig ko ang huling sinabi niya na ikinaba ko ng husto.

"Shane?"

---------------

Nasa sasakyan na kami ngayon ni Ruby at kasalukuyan niyang ginagamot ang sugat ko sa braso.

"A-aray." Inda ko.

"Ano po ba kasing nangyari sa inyo kanina? Nakilala ka po ba niya?" Tanong naman niya sa'kin.

"Wala... Aksidente niya akong nabangga kanina, pero 'wag kang mag-alala hindi niya nakita ang mukha ko, nakaface mask naman ako." Sagot ko sa kanya matapos niya akong gamutin, pinaandar ko naman ang built-in small screen TV sa likod ng upuan ng driver's seat upang panuorin ang ASAP.

Sakto namang mukha ni Hyuno ang lumabas sa screen nakaupo siya habang may dalang gitara at kumakanta ng "Shape of you by Ed Sheeran" katabi naman niya ang isang lalaking may pinupukpok na drum gamit ang kamay. 

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nangyari kanina sana 'di sila magkita ni ate mamaya para 'di siya makahalata. 

Every day discovering something brand new
I'm in love with the shape of you 

"Thank you!" Sigaw niya sa mga fans pagkatapos niyang kumanta.

    Ngayon ko lang napansin na kahit baguhan palang siya ay ang dami nang sumusuportang fans sa kanya lalong lalo na ang mga babaeng kabataan. Hindi naman nakakapagtaka sa tindig at porma niya may dating talaga gwapo rin siya. Ay teka! Kung anu-ano na iniisip ko.

Ibinaling ko nalang ang atensyon ko muli sa TV at nagsilabasan na ang halos lahat ng mga artista at singer, hudyat na papatapos na ang show. Napaface palm naman ako nang makita kong magkatabi sina ate at Hyuno habang sumasayaw at kumakanta.

"Patay ako nito." I muttered to myself at sinalampak ang likod ko sa upuan.

~Thanks for reading :D 

Vote, comment, and share <3 :-*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com