Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8 ♥

Jz's POV


Si- sino daw?


"anong sabi nyo? Di ko naintindihan!" sigaw ko sa kanila.


Pano ko maiintindihan eh pag kasabing pag kasabi nila sabay sigaw. Di ko tuloy narinig ng maayos?! Seryoso?! Sasapakin ko tong dalawang to eh -.-


"Sabi namin...." Pause sila saglit, tas maya maya huminga ng malalim. Hinanda ko naman yung tenga ko. Alam ko na kasi kasunod nun -.-


"KAMUKHA MO SI OH SEHUN!!!!!!!!" Sabay nilang sigaw kaya napatingin yung ibang estudyante samin- sakin at nag smile ng wagas! Wow ha! Eh sino ba yun? -.-


"Eh sino ba yun?" ako, sabay kamot ng ulo ko. Parang narinig ko na yan sa kanilang dalawa dati eh.


"NAKALIMUTAN MO NANAMAN?!" Sigaw ulit nila kaya napatakip ako ng tenga ko at tiningnan silang dalawa ng masama. Punyeta naman eh -.- Ang sakit sa bangs ng dalawang to! Letse!


"eh letse naman pala eh! Sino ba kasi yang Oh Sehun na yan! Ang tagal nyo ng bukang bibig yan! Andami dami nyong sinasabi tungkol dyan! Hindi ako maka relate!" sigaw ko din sa kanilang dalawa at tiningnan sila ng masama. Kaso- mukhang takas yata sa mental tong dalawang to at hindi ako pinansin. Wala lang sa kanila. Umupo pa sa tabi ko at kinuha ang phone ko. Nyeta talaga!


"Bubuksan ko bluetooth mo!!" sigaw ni Rae. Ay bwiset talaga! Ang sakit talaga nito sa tenga!!


"Nyeta naman Rae! Ang lapit lang natin! Ano? Magkabilang bundok?!" sigaw ko din sa kanya.


"Wala tayo sa library!" sigaw nya ulit at kinalikot na ang phone ko. Inirapan ko lang sya then she mocked at me. Sasapakin ko na to eh -.- Tiningnan ko naman si Jaeik na busy din sa pagsesearch ng kung ano. Tas maya maya tumingin sakin.


"ayan" Sabay pakita sakin ni Jaeik ng phone nya. Inirapan ko sya at kinuha ang phone nya. Tiningnan--


O_________________________O WTH?!

-

"Huy Jz!!! ano ba naman yan! Tara na kasi!" Rae at hinatak hatak yung bag pack ko.


"Bukas na nga eh!" ako, sabay hatak din nung bag ko.


Nasaan kami ngayon? Andito sa may field pa din. Gusto ko na kasing umuwi. Naiirita na ako sa kanilang dalawa -.- Kanina pa tili ng tili sa pinapanood nila. Eh hindi nga kasi ko maka relate! Masasapak ko na talaga to eh! <(`^')>


"Mamaya ka na nga kasi umuwi! Ano ba naman yan eh! Ano ba kasi yung pinakita mo Jaeik!? (`_っ')" Tanong naman ni Rae kay Jaeik.


"Si sehun!" sigaw naman ni Jaeik sa kanya. Hay nako -.- Nababaliw na talaga sila.


"Si sehun lang pala. Oh eh anong problema?!" sigaw ni Rae sakin at kay Jaeik. Napa kibit balikat si Jaeik at inangilan sya ni Rae tas tsaka sya tumingin sakin.


I heaved a sigh. Im tired. Seriously -.-


"Girls. I am really tired. Can i go home now?" Tanong ko sakanila. With marching pleasing eyes pa.


"Jhed kasi! Mamaya na! May ipapanood pa nga ko sayo!" Rae at nag pout pa. I sighed again.


"May lakad kami ngayon ng mga kuya ko." ako


"aiiish! Sige na nga! Basta bukas! pupunta tayo sa bahay! Wala ng atrasan yun! Hindi ka makakatakas!" Rae, at nag glare sakin. Tumango lang ako at nag beso na sakanila. Sabay takbo palabas ng field at pumunta sa Car park.


Nandun na pala sila kuya. Hindi naman totoong aalis kami nila kuya. Gusto ko lang umuwi. Ang ingay kasi nila eh -.- Eh hindi nga ko maka relate. Makulit talaga ang lahi nung dalawang yun.


Pareho kami! Kaya mahal ko eh. hahahahaha XD


"oh lil sis. Andyan ka na pala" Kuya Zai.


"ay hindi hindi! Picture ko lang to" ako. Sabay pasok na sa loob. Nandun din si kuya Zy at Zands.


"hi lil sis. Problem? Bat nakabusangot ka?" kuya Zy.


"Wala m(_ _)m" ako. Sabay simangot.


"wala daw pero nakabusangot. Seryoso? Bipolar ka na ngayon Zyreen" Kuya Zands. Pero di ko siya pinansin.


Umandar na yung kotse. Nag uusap usap sila kuya pero di ko sila pinapansin. Tahimik lang ako. Naaalala ko kasi si yung pinakitang picture sakin ni Jaeik kanina. Kung di ko lang talaga alam ang itsura ko, mag dodoubt ako na kamukha ko yung sinasabi nila eh. Kaso alam na alam ko itsura ko eh -.- Kitang kita din sa itsura ng mga estudyante na simula pa nung first day ko. Tinititigan na ko. Hay nako.


Kamukhang kamukha ko sya. Kamukhang kamukha ko yung Oh Sehun.


Grabe lang! Kung di ko lang talaga alam na Dalagang pilpina ako. Chos! Iisipin kong kakambal ko yun o kaya naman kuya. Grabe di talaga ko makapaniwalang may kamukha ako. May itsura naman yung lalaki (Multimedia) sabi sakin ni Jaeik, KPOP Idol daw yun. Kaya naman pala -.- Mahilig kasi sa KPOP yung dalawang yun. At halos lahat ng kaklase ko. Ako lang yata ang maka Padilla. Syempre! Nag iisa lang si Padilla sa buhay ko. HAHAHAHA ♥


"May problema ba Zyreen?" Kuya Zands. Kaya tumingin ako sa kanya. Ma loko nga to XD


"kuya. Aminin nyo nga sakin-" Putol ko. Parang bigla naman silang natense. Eh? Diba joke lang nga?! -.-


"a-ano yun lil sis?" Kuya Zands. Hinawakan ko naman yung kamay nya. Kaya mas lalo syang natense. HAHAHAHAHAHA. Laptrip yung mukha ni Kuya XD


"ampon..... lang ba ko?" Dahan-dahan kong tanong sa kanila. Unti nting nanlaki yung mata nila. Tas pinag papawisan ng todo. Napakunot noo naman ako.


"s-saan mo nala-" Hindi ko na sya pinatapos.


"WAHAHAHAHAHA! What the hell kuya?! Joke lang! Masyado kayong tensed! AHAHAHAHAHAHAHA. Leshe! Laptrip yung mukha ninyo! grabe! Ansakit sa tyan hahahahahaha!" Ako sabay hawak pa sa tyan ko habang tumatawa.


Pero sa totoo lang? Ayokong ituloy ni kuya yung sasabihin nya. Bakit? Ah basta! Di ko alam. Kasi kahit joke lang yun. Feeling ko- feeling ko totoo. Parang bigla akong natakot.


Hindi hindi hindi! Imposible!!!! HAHA. Tama! Tama! Imposibleng ampon ako! Ang ganda ko kaya para maging ampon lang! atsaka- kamukha ko si mommy! Di palang lumalabas kasi bata pa ko. Baby pa ko. HEHE. Tama. Tama!


"*sighed* Ano ka ba naman! Zy naman eh! Mahal ka kaya namin! kaya hindi ka ampon okay! Kamukha ka namin! Girl version ka nga lang" Kuya zylex sabay gulo ng buhok ko. Nginitian ko lang sya. Napansin ko yung pag tingin ni kuya zands sakin sa tabi ko at kuya zai sa rearview mirror. Si kuya Zai kasi yung driver, si kuya zands naman sa passenger seat. Tas kami ni kuya Zands sa back seat.


"alam ko kuya! Ang ganda ko kaya! Nararapat akong maging new face ng Villaneuva Corporation! HAHAHAHA" ako.


"soon! Magiging new face ka. Pero sa ngayon, study first okay?" Kuya Zands at ginulo yung buhok ko. Ngumiti lang ako at humarap na sa tabing bintana ko. Alam kong nag titititigan yung tatlo. Hindi ko nalang pinansin. I have trust on them. Mahal nila ko, mahal ko din sila. So that's it.

-

Pag dating sa bahay. agad akong umakyat sa kwarto ko at nag palit ng damit. Naka maong short at sweatshirt. Dumapa ako sa kama at kinuha ang ipod ko at earphone tsaka isinaksak sa tenga ko. Kinuha ko din yung phone ko at nag browse. Tiningnan ko yung mga messages ko.


From: Rae Baby ♥


Jhed baby! Pakibuksan yung album mo sa phone ^O^ tingnan mo yung picture na pinasa ko sayo. HAHA. Harthart ♥♥♥


5:00 PM.


Naiiling iling na binuksan ko yung gallery ko at tumambad sakin at picture ng isang dosenang lalaki. Kumunot naman yung noo ko. May mga solo pics din sila. Sino ba tong mga to? Ang siraulo talaga ni Rae -.-


Magkakamukha! HAHAHAHA. Letse! HAHAHAHA. Magkakamukha nga promise! In-exit ko muna at tsaka nag type ng message kay Rae.


To: Rae Baby ♥


HAHAHAHAHA. Sino ba yung mga yun? Mag kakamukha?! hahahahaha. Magkakapatid?


Sent!


5:30 pm


Then bumalik ulit ako sa pag checheck ng picture. Infairness sa skin nila. Ang puti! Walang pores ang mukha! Psh. Pag sa malapitan yan, meron yan! Pero may itura sila ha! Di kasi ko sanay mag sabi ng pogi sa taong ayaw ko naman. Tignan nyo sila kuya lang ang sinasabihan kong pogi XD kekeke~


*I wanna make you smile~ Whenever your sad*


Chineck ko naman yung Sms. Galing kay Rae. Pft XD


From: Rae Baby ♥


Letse Jhed! Hindi yan mag kakamukha! Bruhang to!


5:35 PM


I type a reply to her.


To: Rae Baby ♥


Shunga! Mag kakamukha! Bulag ka ba?! Sino nga pala tong mga to. At heps! Wag kang assumera! Im not interested on them. Gonna delete this pictures. ^_~


Sent!


5:36 PM.


WAHAHAHAHAHA. Ang hard ko naman kay Rae! Pero joke lang yung idedelete ko XD Wag na, sayang naman eh! Habang nag bobrowse. Napad pad yung mata ko dun sa isang picture na kamukhang kamukha ko. Nabitawan ko tuloy yung phone ko at pumikit ng madiin. Bat ba kasi ganto yung nararamdaman ko kapag nakikita ko yung picture na yun! Leshe naman!


*I Wanna make you smile~*


Di ko na tinapos at chineck agad ang message nya.


from: Rae baby ♥


Wag! Wag mong burahin! Kabisaduhin mo yung mukha! Tatawagan kita!


5:40 PM


Di ko na sya nireplayan. Nahiga nalang ako sa kama ko at tumitig sa ceiling. Umupo ako at tiningnan ang malaking Family portrait sa wall ko. Nakaupo sa Carpet sila kuya triplets ako naman buhat ni mommy habang nakaakbay si daddy kay mom. Ang ganda pa nga kuha namin dyan eh. HAHAHA. Im 3 years old that time. Marami pa kong frame sa loob ng kwarto ko. Yung ako lang mag isa. Meron naman sa ilalim ng malaking portrait namin is yung picture naming apat nila kuya. Meron ding kasama ko si Zecky at Zephy. Namimiss ko tuloy si Zephy :( (Jhed on the multimedia)


Kamukha naman ako nila mom. So no need to think about being adopted. Tss.


*daig mo pang isang kisapmata~*


Letse -.- Tuleley ako. Di ko napansin yung ringtone ko.


"hello?" ako.


"wag mong buburahin yung mga pics na pinasa ko!" sigaw nya agad.


"hi huh?" sarcastic kong sabi sa kanya.


"aish! Basta kasi! Kabisaduhin mo yung mukha nila!" siya


"Sino sino ba kasi yun? -.-" bored kong tanong sa kanya.


"EXO!" sigaw nya kaya nilayo ko yung cp ko sa tenga ko. Kahit saan talaga. Kahit kailan. Makabasag eardrum talaga tong si Rae. Ang sakit nya talaga sa bangs. Gusto ko syang sapakin -.-


"ano? X.O? Diba candy yun??" ako.


"Gaga hindi X.O! EXO!" Sya. Ah EXO -o-


"ang ingay mo. Wag kang sigaw ng sigaw! Masasapak na talaga kita eh!!!" ako.


"hehe sorry naman baby jhed. Kabisaduhin mo sila ah!" Siya.


"No thanks. Im not intrested" Bored ko ulit na sagot.


"Dali na! Hindi ka ba interesado? Baka napaglihian ni tita si Sehun! Kaya kamukha mo! HAHAHAHA" siya. I rolled my eyes.


"Para namang sikat na yang mga yan nung nagbubuntis si Mommy" ako.


"joke lang! Oh basta! Bukas ha! Bye bye!" siya. Then narinig ko nalang yung toot toot. Whatever Rae.


No matter what happen, hinding hindi ako mag kakainteres dyan -.-


Mark my words!!!

---

Chapte 8 done ♥





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com

Tags: