Chapter 1: First.
Chapter 1: FIRST.
DESIREE's PoV
Maaga akong nagising dahil first day ngayon sa pinapasukan kong school.
Graduating student na ako sa PU. Meaning, Paraiso University. Though transferee ako. Madami kasi akong fake friends sa old school ko.
Iisa lang naman ang tunay kong kaibigan dati hanggang ngayon at si Abigail yun. Tapos nagtransfer siya sa PU kaya naman sumunod ako.
Tumingin ako sa orasan sa tabi ko. 6:00. Good maaga pa ako.
Bumangon na ako at naligo.
Habang nagpupunas ako ng twalya biglang kumatok at nagsalita si kuya Josh galing sa labas.
"Kapatid! bumyahe si Mang Anthon sa Batangas kaninang madaling araw. Maglalakad ka ngayon dahil walang maghahatid sayo sa school mo. May pupuntahan pa kasi ako okay?"
I stopped for a moment. Sino maghahatid sa akin? Usually si Kuya kapag wala si Mang athon eh.
No choice. So... Maglalakad ako? Osige. Ayos lang naman. Exercise na rin yun para sakin. Morning exercise kumabaga.
Safe naman siguro ako sa daan kahit mag-isa ako. Umaga pa naman at mababait naman ang mga tao dito samin.
"Okay kuya, Maaga pa naman kaya okay lang kung maglakad ako," sagot ko kay kuya sa likod ng pintuan.
Nagbihis na ako ng uniform ko at nag suklay.
Naglagay na din ako ng konting pabango.
Kinuha ko na yung cellphone at bag ko at bumaba na.
"Bye ma, pa, pasok na akong school!" paalam ko.
Tinignan ako ni Papa. "Aral mabuti anak ha. Huwag muna lumandi,"
Tinignan ko ng masama si Papa. "Ofcourse naman 'Pa! Ikaw naman. Never talaga akong lalandi."
"Haha sige anak pasok ka na para hindi ka malate," tumango ako kay pa.
Liningon ako ni Mama. "Hindi ka man lang ba kakain anak?" biglang sabi ni mama.
"Hindi na ma. Ayos lang ako. Madami akong nakain kagabi eh." hindi naman ako nagugutom.
"Sige, Bye anak! Ingat!"
Lumabas na ako ng bahay at naglakad na papuntang school.
--------------------------
*PARK*
On the way sa university ko ay nadaanan ko ang park.
Halos puro mag-jowa ang nadadaanan ko. Aga naman nila para pumunta dito sa park. Hindi sila magkakapatid or what.
Halata kasing mag-jowa to'ng mga to on the way they act.
Isang single naglalakad sa park kung saan siya'y napapalibutan ng madaming magkasintahan.
Sinong hindi mabibitter sa sitwasyong 'to? Pakshet.
Meron isang couple na nakaupo sa isang bench. Hindi ko naman maiwasang hindi marinig ang pinag-uusapan nila dahil dinaanan ko sila.
"Hey babe, happy anniversary." Sabi ng lalake sa babaeng nasa isang bench.
"Babe, happy anniversary din" Sagot ng babae at humalik sa pisngi ng lalaki.
Babe? yuck,
Ayoko nang marinig kung ano pa man ang sasabihin nila sa isa't isa.
Kaya binilisan ko nalang yung lakad ko.
Masyado ba akong bitter? Sorry na! Ganyan talaga ako.
Hindi ko kasi maramdaman ang 'kilig'. Lalo na sa mga endearments.
Pero kinikilig padin naman ako. Kapag umiihi. hahaha
Nakarating naman ako sa may bandang fountain ng park at mayroon nanamang couple doon. Nakaharang sila sa dadaanan ko.
Ayoko namang sirain ang moment nila dahil nahihiya ako. Kaya napilitan nanaman akong pakinggan sila.
Ang scene nila'y si boy ay nakaluhod sa harap ni Girl. Sweet huh.
"Louisa, Can I call you mine? Would you be my girlfriend?" sabi ng lalaki sa babae.
"Yes Jerich! I will!" sagot nung girl sakanya at yinakap siya.
Yumakap naman pabalik si boy.
Nagyakapan lang sila sa harap ko.
Tumayo yung lalake at sumigaw.
"YES! GIRLFRIEND KO NA SIYA!"
Ay medyo exaggerated kuya ha. Naging kayo lang... Para namang ikakasal kayo.
Yung itsura kasi nung lalaki e.
Ang laki ng mata at ngiti. Creepy~ huu
Nagulat ako nung lumapit sakin yung lalake. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at niyugyog yugyog ako.
"Miss, Girlfriend ko na talaga siya! Girlfriend ko na ang taong mahal ko. wooo!" inaalog niya padin ako habang sinasabi yan.
Ano pake ko kuya? Close tayo? Kailangan yugyogin moko?
Psh, magbebreak din kayo for sure.
Tumawa lang yung Girl. Dinamay pa ako. Tsk, mga baliw.
Luckily nagkaspace na na pwede kong daanan.
Kaya umalis na ako.
Magpakasaya sila diyan. Che.
Pagkaraos ng ilang minuto ng paglalakad, sa wakas wala na ako sa park!
Ke-aga aga ang bitter bitter ko.
Pasensya na po sa mga lovers diyan.
------------
*PU*
Nasa harap na ako ng gate ng university.
Pinakita ko na sa guard yung ID ko para makapasok.
Hindi kasi pinapapasok ang walang ID dito sa amin. Bawal din' mga outsiders.
Pagkapasok ko sa university namangha kaagad ako.
Napakalaki at napakaganda compared sa dati kong school.
Hay, pasukan nanaman. Madami nanaman akong makikilalang teachers, mga taong mababait, mapaplastic, masasama, mga bully, malalandi, lahat na.
Pero keri lang 'to! It's just a part of my highschool life.
Linabas ko yung schedule ko. Turns out English and first class ko.
Linabas ko na din yung map ng school.
Dahil nga sa pagkalawak ng paaralang ito, napakadaming nakasulat sa map.
Hirap tuloy intindihin. Mamaya iba masundan ko.
Nagsimula na akong maglakad at baka malate pa ako.
Kaso parang nawawala na yata ako. Argh.
Dora with the bangs na hindi humahaba, help me!
Ikaw magaling sa mga mapa eh.
"Huy." May biglang nagsalita sa tabi ko.
Hindi naman ako snobber so, "Hi" simple kong sagot sa kanya.
Hindi ko na siya tinignan. Abala kasi ako sa bwisit na mapang to.
"Hoy bruha, Bestfriend mo to!" Sa sinabi niyang yun napatingin ako sakanya.
Si bestfriend nga! Ang isa sa mga tunay kong kaibigan.
Si bes na hindi ako iiwan sa panahon ng kasukdulan.
Si bestfriend na ang dahilan kung bakit ako nalipat sa paaralang to. Si Abigail Bautista nga pala.
"Abigail! Bestfriend! huhu,"
Niyakap ko siya na para bang hindi kami nagkita ng 5 years.
Kahi kakakita lang naman namin sa isa't-isa kahapon at kakachat lang namin kagabi.
Hinigpitan ko yakap ko.
"Bes' help mo naman ako oh! nawawala ako."
Kinalas niya yung yakap ko. "Oo na bes'! Grabe ka naman makayakap! Tiganan mo muntanga na ako. Yung uniform ko oh nagulo." irita niyang sagot habang pinagpag ang sarili niya.
"Okay, Ano ba first class mo bes'?" tanong niya.
"English."
"Classmates pala tayo. 'Lika na sabay na tayo para alam mo saan." Sabi niya at tumalikod.
"Yay! Thanks bes." Sabi ko at kumapit sa braso niya.
---------
*English Room*
Nakarating na kami ni bes' sa room. Wow.
Ang laki pati mga rooms.
Parang isang bahay na walang second floor.
Medyo madami nang studyante dito sa room.
Pero may mga vacant seats pa naman sa likod.
Naglakad na kami patungo dun at naupo.
"Bes', may extrang ballpen ka?" tanong saakin ni bes nung nakaupo na kami.
"Grabe bes'? First day na first day? Wala kang ballpen?" tanong ko.
Ganyan naman si bes' last year pa eh.
Araw-araw nawawalan ng ballpen.
Hindi pa nga ata niya napagdadaanan yung puntong mawawalan talaga ng inta yung ballpen niya kasi lagi niyang nawawala.
"Ah hehe. Malay ko din. Nasa bulsa ko lang naman kasi yun' kanina tapos ngayon wala na. Magic siguro,"
Pailing-iling akong kumuha ng ballpen sa bag. Bakit naman kasi sa bulsa niya nilalagay ballpen niya. "Oh eto bes. Ingatan mo ha."
"Ge, thanks." sagot niya.
Mga 10 minutes din bago dumating yung professor naming babae.
"Good morining class" Bati samin ng prof. namin.
Tumayo kaming lahat.
"Good Morning Ma'am." parang alien words naming sabi.
Pano ba naman hindi sabay-sabay ang pagkabigkas.
"I'm Mrs. Fortes and today you would just copy some Rules and Regulations. Remember class always speak english in this class."
"Yes Ma'am" Sagot namin.
Nagsimula ng magsulat yung prof namin sa white board.
Naglabas na rin kami ng ballpen at notebook.
After 30 minutes natapos na din kami magsulat.
"Okay class, that is all for today, tomorrow is the start for our lessons. Goodbye class" Paalam ng prof namin at lumabas na.
Tumayo na ako. Hinanap ko si bes'. Biglang naglaho sa tabi ko e.
Luh nasa may pintuan na kaagad si bes.
Napakabilis naman ng babaeng yun.
"Oh bes, una na ako ha! Dun na ako sa Filipino Class!" masayang sabi ni Abigail sakin.
Lumapit ulit siya sakin at bumulong, "Andun si Carl hihi" Tumakbo na agad siya paalis.
Sumigaw pa siya ng "Bye Bes!" at kumaway-kaway kahit nakatalikod nang tumatakbo.
Linabas ko na ulit yung schedule ko.
Trigo ang second class ko.
Syete. Nasapo ko yung noo ko.
Tanga ko talaga! Dapat tinanong ko na kay bes kung saan to eh. Mahihirapan nanaman akong maghanap.
Relax Desiree 10:30 am palang naman at 11 am ang sunod mong class. May 30 minutes pa.
Inhale.Exhale.
Linabas ko na yung lesheng mapa.
Hinanap ko yung Trigo class at sinimulan ng maglakad. Kaso hirap talagang intindihin at sundin tong mapang to.
Nasan na ba ako?
Naisipan kong magtanong nalang.
Tutal mukhang matitino namang kausap ang mga tao dito.
Kaya lumapit ako sa isang lalaki sa gilid para nagtanong.
"Um, Hi." Pa-friendly muna para hindi mukhang Feeling Close.
Kaso hindi niya ako pinansin. Snobero si kuya ah. Sikat ka?
Napanguso akong napatingin sakanya ng masama.
Pero agad naman akong ngumiti.
"Umm. Pwedeng magtanong?"
"What's your problem?" Iritado niya akong tinignan.
"Alam mo po ba kung saan ang Trigo class?" Straight to the point na nga lang at masunget tong lalaking to.
He just stared at me.
Sobra ba siyang namangha sa beauty ko?
He looked at me from top to bottom.
Then stared seriously at my eyes again.
Problema ne'to?
Kung hindi niya alam kung saan pwede niya naman sabihin. Aksayado sa oras ang tagal sumagot.
"Why are you asking me? You like me no'? Dinadahilan mo lang yang trigo class na yan para makausap ako. Ganyan naman kayong mga babae pagdating sa akin. Kung ano-anong dahilan ang sinasabi niyo para lang makausap ako."
And I stand corrected.
Hindi pala matitino kausap mga tao dito lalo na 'tong lalaking to'! Kapal naman ng lalaking to! Nagtanong lang like ko na agad siya?
Kung gusto ko siya, sasabihin ko ng deretsuhan. And hell? as if naman na gugustuhin ko 'tong lalaking to!
"Kapal mo naman mister! ni hindi nga kita kilala eh! Masama bang magtanong? Maka-alis na nga." Sabi ko at akmang aalis na pero mas lalo akong nainis sa mga sunod niyang sinabi.
"Tss. Pasimple pa. Ano ba talaga ang gusto mo miss? Date?"
"ANO? KAPAL MO TALAGA! OO, GWAPO KA PERO HINDI KO TYPE MGA KAGAYA MO!" sabi ko at nag-walk out. Napansin ko pa siyang nakangiti at umiiling-iling. Naka-shabu ata yon' ah!
Habang naglalakad ako andaming mga girls na masama ang tigin saakin. Yung iba, tinging nandidiri pa.
"Oh my god. Girl, pinagtaasan niya ng boses si Adrian!"
"OMG! How dare she talked to him!"
"She's a Flirt!"
"Ang landi naman ng girl na yan. kadiri!"
Mapaghusga mga tao dito ha! Hindi ko nalang sila pinansin at naglakad nalang ulit. Kakabad vibes naman oo. argh!
Kainis yung lalaking yun! Hindi man lang ako natulungan. Kainis din itong mapang to! Hindi rin ako natulungan! Ang badtrip naman!
---------
Kanina pa ako lakad ng lakad.
Nasan na bang lupalop ng mundo ako?
Tahimik... Madaming libro.... ah! Library to!
Hindi dapat ako nandito.
Trigo class ang hanap ko.
Kaya lumabas na ako ng Library.
Pagkalabas ko minalas ako. May nabunggo akong babae.
Ay shoot! Nahulog yung make-up niya at nabasag yung salamin.
Trouble.
"Oh my God! I'm so sorry!"
"Sorry?! What will your sorry do huh? Mahal yang make-up ko! Anong magagawa mo ngayon?!" tinignan niya ako ng masama.
"I'm really really sorry." sincere kong sabi.
"Bwisit! Tanga mo kasi. Tss."
Naningkit bigla ang mata ko.
At ako pa ang tanga?
Actually siya nga yung hindi nakatingin kanina sa dinadaanan niya dahil busy siya sa make-up niya.
"EXCUSE ME LANG PO HA. For your information, ikaw ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Ikaw po ang tanga hindi ako." sagot ko din sakanya.
Magsasalita na sana siya pero sumingit yung kasama niya. "Wait a sec. Girl, Diba ito yung babae na kumausap kay Adrian a while ago?"
Tinignan niya ulit ako. "Oh yeah! What a coincidence. Kapal talaga ng babaeng to. Pinagtaasan mo pa talaga ng boses si Adrian huh? Ganyan ka ba tinuruan ng magulang mo huh?"
Aba aba! Sumusobra naman na si Ate!
Pati magulang ko idadamay nila?
Wala namang ganyanan.
"HOY! Wag mong masali-sali ang magulang ko sa usapan! Make-up lang yan so ano ngayon? Ang kapal na nga ng mukha mo papakapalin mo pa ng Make-up!" hindi ko na napigilan sarili kong sagutin siya.
Bahala na kung mapaaway.
Siya naman nagsimula. Ako na nga nagsosorry siya pa ganyan.
Witness kayo readers diba?
"SINO KA BANG BABAE KA HA? ANG YABANG MO HA!" sabi niya at sasampalin sana ako pero naka-ilag ako.
"ANONG KARAPATAN MONG SAMPALIN AKO?! EH TOTOO NAMANG ANG KAPAL NG MUKHA MO EH! KASING KAPAL NG LIBRO!" sigaw ko sakanya.
Pinikit niya yung dalawang mata niya at kinuyum ang dalawang palad niya. "Girls. Hold this b*tch so I could slap her damn face." sabi niya sa mga kasama niya.
Ano daw? OMG! My face! Hindi pwede 'to.
Hindi ako magpapasampal sa kung sino no!
Hindi ako pinanganak sa mundo para masampal ng hindi ko kaano ano.
"Sandali yung 'Adrian niyo' oh!" panloloko ko sakanila.
Tinuro ko yung likod nila.
Sila namang tanga. Lumingon.
Then I grabbed the chance to run!
Ano namang laban ko eh Tatlo sila?
May naririnig ako na yapak sa likod ko kaya alam kong sinusundan nila ako.
WAAHH. Ano ba tong pinasok ko?
Kung alam ko lang kung saan ang Trigo Class hindi hahantong sa ganito.
Takbo lang ako ng ng takbo mga 5 minutes siguro?
Para akong nakikipag marathon sa bilis ng takbo ko.
Tumingin ako sa likod ko para makita kung andoon pa ba yung mga girls na humahabol sa akin.
Nyeta'. May nabangga nanaman ako! Letse! Bungguan day ba?
Hindi ba marunong gumilid ang mga tao alam nilang may tumatakbo?
Tapete! Ang nabunggo ko pa pala ay yung lalaki kanina!
Yung mayabang slash feelingerong lalaki kanina!
Sa lakas ng impact ng pagkabunggo ko sakanya na-out of balance siya.
Sa ayaw niya atang matumba kaya siya kumapit sa braso ko.
Siguro sa tingin niya makakakapit siya sakin at hindi kami matutumba.
Pero nagkakamali siya!
Takte! Nataon pa na may pababang hagdan sa likod niya.
Nahulog kaming dalawa sa floor at napapatong ako sakanya.
Napapikit nalang ako ng mariin sa pangyayari.
I flinched.
May malambot akong naramdaman sa labi ko.
Napabukas ang dalawang mata ko dahil sa narealize ko.
NAGTAMA ANG LABI NAMIN.
----------------------------
A/N: Alriiiggght! First chapter is done. Keep reading puhlease? Support diin! Haha. Vote and Comment maybe?
P.S. Desiree Grace Valdez's Picture at the media. Yan yung itsura niya nung bitter na bitter siya sa mga lovers sa park. HAHAHA
DiamondAlpha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com