Chapter 15: Saving Her.
Chapter 15: Saving Her.
Adrian's PoV
Andito ako ngayon sa cafe ng resort nila Carl.
Pagkatapos ko kasi kumain kanina dumeretso na ako dito.
Trip ko magkape e.
Nandito ako sa mga tables ng labas ng cafe naupo.
Masarap kasi ang hangin dito.
Malapit na din yung pwesto ko sa exit.
Medyo crowded na kasi sa loob kaya dito nalang ako pumwesto.
Ako nalang ata ang naupo dito sa labas.
Halos lahat nasa loob.
"Here's your order sir. 1 Iced Coffee." biglang sabi ng isang waitress at inilapag ang isang iced coffee sa table ko.
"Thanks." nasabi ko nalang without looking.
Nakita kong umalis na din yung waitress.
Then kinuha ko na yung Iced coffee.
"TOOOLLLL'!"
"Pusang kinalbo!" Napa-cuss ako sa gulat.
Paano ba naman, may bigla nalang sumigaw sabay tapik ng malakas sa braso ko.
Nalagay ko din yung coffee ko sa table.
I looked at that person annoyingly. Tss. Si Carl pala.
"Walang pusa sa resort namin bro. At lalong walang kinakalbo dito."
"Tss. Taena mo." sagot ko.
"Tae na? Hindi ako natatae kung gusto mo ikaw tumae diyan." sabi niya tapos tangina!
Kinuha niya lang naman yung iced coffee ko at ininuman.
"Hoy gago ka akin-"
"Sorry na inuman ko na." pagputol niya sakin.
"Order ka nalang ng bago kung gusto mo oh." sabi niya sabay abot ng pera.
I just responded to him with my Death glare.
Gago ba siya?
Ako bumili tapos siya iinom?
"Inuutusan mo 'ko?" tanong ko still glaring at him.
"Eh sabi ko nga bibilhan na nga kita ng isang dosenang Iced Coffee eh." sabi niya sabay tayo.
Napailing nalang ako.
Ang bakla talaga kahit kelan ng lalaking yon.
Kainis.
Imbis na may iniinom na ako ngayon eh.
Aish! Ang tagal naman ni Carl nauuhaw na ako!
Pampagaan nalang ng feeling, I looked at the sea.
Pinanood ko yung mga tao sa may baybayin.
People happy with their loved ones, family.
"Hi Adrian." napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko.
Psh.
Mga girls lang pala na halatang kinikilig na nakikita ako.
I looked at them tapos ngumiti.
"Hi Ladies."
Resulta?
Ayun, mga kinilig tapos pinagpatuloy na ang paglalakad.
Tumingin ako sa pintuan para tignan kung nandiyan na ba si Carl at yung inumin ko.
Kaso wala.
Wala akong nakitang Carl.
"Bilis bilisan mo naman carl..." Naiirita kong bulong.
I looked at the sea again.
Medyo konti nalang din yung tao.
Mas maaliwalas tignan.
Nakuha ng atensyon ko ang isang babae.
I looked at her face.
Then I realized it was her.
Si Desiree.
May sinusulat siya sa buhanginan.
Ano to' nag-dradrawing? Creative huh.
Wala na ding tao sa place niya kaya ko siya nakita.
Nakita kong binitawan niya yung branch na pinansulat niya sa buhanginan at naglabas ng Camera.
Nang biglang umalon. Napatawa ako. Did she took a shot of what she made?
Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Binitawan niya yung Camera niya at nahulog yun sa bihanginan.
Halos mapatayo ako dahil curious ako sa nangyayari.
Biglang niyang hinawakan yung leeg niya.
Napatayo na ako ng tuluyan.
"F-ck." I cussed.
Bigla nalang kasi siyang tumakbo papunta sa dagat!
Ang lakas lakas pa naman ng alon!
Baka mapano to!
"Stupid as ever." nasabi ko at tumakbo papunta kay Desiree para sundan siya.
"ADRIAN SAN KA PUPUNTA ITO NA YUNG INUMIN MO!" Rinig kong sigaw ng boses ni Carl.
Wrong timing ka carl! Argh!
Hindi ko nalang muna siya pinansin at tumakbo padin patungo kay Desiree.
I ran as fast as I could.
"Desiree bumalik ka dito malalim na jan!" Sigaw ko.
Pero mukhang hindi niya narinig.
Seriously ang lalim na ng kinaroroonan niya.
Lumapit lang ako ng lumapit.
Siya namang palayo ng palayo.
Ano ba talagang problema niya?!
Hindi niya ba alam ang pwedeng mangyari sakanya?
SO STUPID!
Hindi padin siya tumitigil fvck.
"DESIREE BUMALIK KA DITO! NAGPAPAKAMATAY KA BA?!" malakas na sigaw ko.
Alam kong narinig niya yon dahil nataranta siya.
Pero hindi niya ako pinansin tsaka sh!t
she's really stupid lumubog pa siya!
I swam as fast as I could towards her.
I took a deep breathe at lumubog na din.
I opened my eyes to see where she was.
Luckily na malapit na pala ako sakanya.
*Blraaak!* nakita kong napasigaw siya.
Mas lalo akong nataranta kung anong nangyari kaya hinila ko nalang siya.
F-ck mukhang hinimatay na siya!
Mabilis akong lumangoy paitaas kasama siya.
Pagkaahon na pagkaahon ko huminga agad ako. I was really catching for air.
Nakita ko si Carl na tarantang hinihintay kami.
Binuhat ko si Desiree ng Bridal Style tapos mabilis na lumapit kay Carl.
Nilapag ko kaagad si Desiree sa buhanginan.
"TOL' I-CPR MO NA SI DESIREE!" mabilis na sabi ni Carl.
I looked at Desiree.
Sh!t wala pa din siyang malay!
Hindi na ako nagdalawang isip nag CPR na ako sakanya.
I did compression.
Tapos yung mouth to mouth.
Our Lips touched.
I used my hand to open her mouth.
Then gave her oxygen.
"*cough* *cough* *cough*" Ubo ni Desiree habang nagbubuga ng konting tubig. Nakapikit siya.
"Hey hey, you alright?" I asked to calm her down.
I know it was a stupid question because obviously she's not.
"A-aray. M-masakit." sabi niya trying not to touch her legs.
Nakapikit siya na parang tinitiis yung sakit.
I looked at her legs. Not because I'm a pervert okay?
Tinitignan ko lang kung ano yung sumasakit na sinasabi niya.
"Shit. Carl may kumagat kay Desiree!" sabi ko.
May nakita ako sa legs niya na kagat ng ewan.
Tapos may konting dugo.
"ANO?! TARA SA CLINIC BILIS!" Sabi ni Carl at tinilungan akong mabuhat si Desiree.
Carl led the way. Siyempre, siya may alam ng clinic ng resort.
I carried Desiree all the way to the Clinic.
Nakapikit padin siya.
---------------------------
Desiree's PoV
Nagising ako dahil naramdaman kong sumasakit yung sa hita ko.
"A-ara-y." Nasabi ko.
"Stay still hija. Kailangang malagyan ng gamot to'." sabi ng isang babae sa may bandang hita ko.
May hawak siyang bulak at may nilalagay-lagay sa hita ko.
Nurse ata siya.
"Where am I?" Tanong ko.
Nasa puting kwarto kasi ako.
Nakahiga. Kwartong pang-hospital.
Meaning wala na ako sa boracay?
"Your at the clinic of the Resort hija." sagot naman nung nurse. Ah so I'm still at boracay pala.
"There. That should cure it. By the way, you can call me nurse Eva." sabi nung nurse at inilapag yung bulak at lalagyan ng gamot sa isang desk.
Napaupo ako pero naka-straight padin yung legs ko.
"What bit me po?" tanong ko.
"It looks like a small eel has bitten you. Luckily hindi masyadong naibaon ang kagat niya dahil nahila ka nga daw agad ng nagdala sa'yo dito." paliwanag ng nurse.
"S-sino po yung nagdala sakin dito?" tanong ko.
Hindi ko kasi makilala yung lalaki kanina.
Nakapikit kasi ako tapos kapag ibubukas ko yung mata ko kanina ang labo.
Ewan ko.
"Ah, I'll call them. Nandito siya sa labas." sabi nung nurse tapos lumabas.
Laking pasasalamat ko sa taong yon.
Pero teka, napahawak ako muli sa leeg ko.
Napapikit ako.
Talagang wala na yung kwintas.
Naiwala na talaga.
Wala na siya sa akin.
Stupid kasi.
I should never have thought of that Idea of writing my name on the sand again.
Di sana nangyari yon.
Pumumasok na si Nurse Eva kasama ang isang lalaki.
"Carl?" tanong ko.
"Oh, gising ka na pala. Ito pagkain oh. Di ka pa nagpapananghalian. 3 hours kang natulog." sabi niya.
"I-ikaw tumulong sakin?" tanong ko.
"Nope." sagot niya habang inaayos yung pagkain.
"Eh sino?"
"Si Adrian."
"si Adrian?" di makapaniwala kong tanong.
"Ay hindi. Ako yung nagdala sayo dito ako." pamimilosopo niya pa.
"Eh akala ko ba hindi ikaw?" pamimilosopo ko din ah.
"Aish! Kulit mo! Sabing si Adrian nga. Si A-D-R-I-A-N." talagang spinell niya pa ah. Tss.
"Nasaan siya?" tanong ko.
I need to thank him.
"Ewan ko. Pagkatapos ka niyang idala dito sabi niya magpapahangin lang siya sa labas. Pagkatingin ko ayun, umalis na pala."
"Ay." sagot ko nalang.
Biglang dumating si nurse Eva na may hawak na papel.
"Umm Desiree right?" tanong ni Nurse Eva. Pati si Carl nakikinig na din.
"Sorry to say but you can't go to the water ng mga 3 days." Nagulat ako sa sinabi ni Nurse Eva.
H-hindi pwede?
Sayang naman pagsama ko dito sa fieldtrip na'to.
Saglit palang ako nakapunta sa beach.
"I-i can't? Paano po kapag maliligo ako?" tanong ko.
"Sorry hija pero it might affect your wound. Kapag maliligo ka nalang ingatan mo yung sugat mo para hindi masyadong mabasa. But you can go near the shore. Just not to swim." sagot ni nurse.
"O-okay." Sagot ko nalang.
Wala rin lang naman ako magagawa.
It's my fault anyway.
I took a deep breathe.
First day ko palang dito ganito na.
So many bad things happened to me already. Why?
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Carl.
"Okay lang yan. Hindi ka man makapag-swimming ngayong fieldtrip, welcome ka naman anytime dito sa Resort namin. Bakasyon kayo minsan ng pamilya niyo dito kung gusto niyo." nakangiting sabi ni Carl.
Guess he's trying to calm me down.
"Thanks." Sagot ko nalang.
"Ah carl.. Kanina ba, nung tinulungan niyo ako, m-may nakita kayong kwintas?" natanong ko.
I'm still having a little hope na makikita ko pa yung kwintas.
Maybe may napulot sila kanina. Maybe nakita ni Carl.
Maybe nakuha ni Adrian. maybe..
"Ha? Wala naman bakit?" Tanong niya.
Nalungkot ako bigla.
Wala talaga.
Hayy..
"Ah wala. SIge kain na tayo." pagchange topic ko at kinuha yung pagkain na naka-styro.
"Hindi sige, sayo na yan. Tapos na ako. Labas na muna ako." sabi niya at tumayo.
"Sige." sagot ko.
Lumabas na si Carl at sinimulan ko ng kumain.
Pagkatapos kong kumain nahiga muna ulit ako.
Yung kwintas.
Naiimagine ko nalang na nasa kaduloduluhan na ng karagatan yun.
Wala na talaga.
Naiwala ko na talaga.
Naalala ko si Adrian....
Nasaan kaya siya?
I'm so thankful talaga to him na tinulungan niya ako.
Kung wala siya siguro nalunod na ako ng tuluyan at namatay don.
I need to thank him.
I will thank him as soon as I see him.
I owe him my life.
---------------------------
A/N: Bitin po ba ulit?Sorry! UPDATE ulit ako bukas or sa sunday. PASUKAN NA SA MONDAY! MATATAGALAN NA ANG UD KO. Sadnu? KEEP SUPPORTING THOU! VOTE AT COMMENT NAMAN SA CHAPTER NA ITUUU. Dedicated to you oohbiah! PREEEEENNDD! Musta? Salamat sa pagsupport mo dito sa story ko ha?
DiamondAlpha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com