Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: Sorry.

Chapter 25: Sorry.

ABIGAIL's PoV


Nandito kami ni Carl sa may garden ng school.

 Nakaupo sa bench. 

Free time pa kasi namin ngayon sa hapon. 



Nakikinig kami ni Carl sa cp niya. 

Share kami sa earphones na nakatingin sa fountain.



"Abibabes."



Napatingin ako kay Carl ng gulat na gulat. 

Anong tinawag niya sa'kin? 

Abibabes? Yun ba name ko?



"Oh bakit parang nagulat ka?" tanong niya sa'kin kasi nakatingin pa din ako sa kanya.

"At bakit mo ko tinawag na Abibabes?" tanong ko din sa kanya.

"Wala lang call sign ko sa'yo."



Tapos nginitian niya ako ng malaki. 

Shet diyan ako naiinlove kay Carl eh.



"Eh. Ayoko ng Abibabes."


Para kasing ang corny?

  "Suggest ka," sabi ko sa kanya at ibinaling ang tingin ko sa fountain.

"Honey?"



Umiling ako.

"Babe?"



Umiling ulit ako.

"Baby?"



Umiling padin ako.

"Sweety?"



Umiling ulit ako.

"BAE nalang!"



Tinignan ko siya. 

"Don't you know, Bae in the meaning of Danish is poop," Umayos ako ng upo. 



"Isa pa, bakit na ba natin pinaguusapan to' eh hindi pa naman tayo. Nanliligaw ka palang eh."

"Hindi pa? Edi sagutin mo na ako."



Nagulat ako at napatingin sa kanya. 

Natanggal ko din yung earphone sa tainga ko.



"WHAT?" gulat kong tanong sa kanya.

"Sabi ko sagutin mo na ako para tayo na." sagot niya.

"Ngayon na? Dito?"

"Oo." tapos ngumiti siya sakin.

"Pero....." napaisip ako.



Hindi naman sa ayaw ko siyang sagutin. 

Ready naman na ako. Pero ang unexpected naman. 

Ngayon talaga?



"Bakit? Ayaw mo ba akong sagutin?" tanong niya.

"Hindi naman sa ganun! Pero kasi sa mga palabas at nababasa ko, special places at sobra ang effort ng lalaki para masagot siya ng babae. Tapos tayo, dito lang sa garden ng school. Sa may bench nakaupo.." sagot ko sa kanya.



Tinanggal niya din yung earphone sa tainga niya.



"Alam mo Abibabes, hindi mahalaga ang oras at lugar sa pag-ibig. There's no place and time for love. Kung mahal mo ang isang tao, handa kang ipakita sa kanya saanman o kailanman. Importante mahal mo siya,"



He held my hand. "And Abigail I love you and I'm willing to prove you that for the rest of my life. Today, here in Paraiso University sa school garden... I'm asking you.. Will you be my girlfriend?"



Nakakagulat. 

Unexpected ang lahat. 

Ang crush ko dati na ngayon mahal ko magiging boyfriend ko na. 



Ang saya saya ko ngayon. 

Ang bilis ng tibok ng puso ko.



"Yes! I'll be your girlfriend." I answered smiling at him.



Nginitian niya ako pabalik. 

Niyakap niya ako.



"Thank you Abigail. I love you."



Niyakap ko siya pabalik.

"I love you too."



---------------------------------------


Trisha's PoV


"WAAAAAHH!"



Sigaw ko. 

Grabe sila Kuya at Abigail. 

Ayos nila eh.



Hindi ba sila aware na katabi lang nila ako?



Sabagay, nasa likod kasi ako ng fountain nakasiksik. 

Naglalaro kasi ako sa cellphone ko ng Temple Run. 

Pero naririnig ko padin sila.



Seriously, kanina pa ako kinikilig sa dalawang to.

 Hindi lang ako umiimik. 

Single man ako pero hindi ako bitter. 



Pero hindi ko napigilan yung kilig ko. 

Sumigaw ako.



"Ay Trish! Nandiyan ka pala!" Tapos nilingon nila ako.

"Ohmagad! Kuya sinagot ka na ni Abigail! Congrats for the both of you." sabi ko habang kinikilig.

"Bakit hindi ka man lang nagsasalita nandiyan ka pala?!" tanong ni Abigail.

"Pinigilan ko lang. Baka masira ko moment niyo eh!"



Tumawa lang sila. 

Ang cute nilaaa. Bagay na bagay. 

Im happy talaga for the both of them. 



Ang lakas ng Impact ng love story nila sa akin at kilig na kilig ako.

Ako kaya, kelan kaya ako kikiligin sa sarili kong lovelife?

Biglang akong nakaramdam ng gutom. 



Mmm, kakain nalang muna ako. 

Food is better than lovelife. 

HAHAHAHA



"Ay sige, Abigail, Kuya una na ako." paalam ko sa kanila.



Tumango lang sila sa akin. 

Tumayo na ako at umalis sa school garden.



------------


CARL's PoV


Baliw talaga 'tong si Trish. 

Nandito pala the whole time. 

Kakaalis lng ni Trisha.



Ang saya saya ko ngayon at sinagot na ako ng mahal ko. 

Naiintindihan ko naman ang point ni Abigail kanina. 

Pero im glad sinagot niya pa din ako. 



I promise. 

Araw araw kong ipaparamdam kay Abigail ang pagmamahal ko.

May naisip ako bigla.



"Hey, gusto mo punta tayo sa Kinglia's Restaurant?" Tanong ko kaya siya napatingin sa kin.



Nginitian ko siya saka kinuha ang kamay niya para hawakan.

"First date lang natin as a couple."




Agad namang tumango sa akin si Abigail.

"Sure!" Sagot niya.



Tumayo na kami saka nagsimulang maglakad paalis dito sa fountain. 

Naglakad na kami papuntang parking lot.



-----------------


*KINGLIA'S RESTAURANT*


"Tara sa loob." Sabi ko kay Abigail.



Pumasok na kami sa loob at naghanap ng bakanteng table para sa amin.

Bigla naming napansin ang isang lalaki sa isang table.



"Oh Kenneth andito ka pala!" Bungad ni Abigail sa kanya.



Ah oo! 

Siya pala yung kaibigan nila Abigail at Desiree.



"Hi bro." Bati ko din.

"Hi guys. Nakita niyo si Desiree?" Nakangiti niyang tanong sa amin.



Nagkatinginan muna kami ni Abigail bago sumagot.

"Hindi eh bakit?"

"May date kasi kami."

"Date?!"

"Yup,"



Nagulat kami sa sinabi ni Kenneth. 

Sila ni Desiree magdedate? 

I smell something about Kenneth kay Desiree. 



Mukhang gusto niya si Desiree ha.

"Naks naman Kenneth!" Sabi sa kanya ni Abigail.

"Ah sige bro. Goodluck sa date niyo." Sabi ko ng nakangiti.



May nakita na rin kaming bakanteng upuan ni Abigail. 

Kaya naupo na kami at nag order.

Mga ilang minuto pa at dumating na ang order namin ni Abigail.



 Kaya kumain na kami.

"Grabe Carl, kumakain na tayo pero si Kenneth oh ayun padin naghihintay." Biglang sabi ni Abigail habang kumakain.



Uminom ako ng iced tea saka sumagot. 

"Oo nga eh"



Ano kayang nangyari? 

Pati ako nag-aalala na para kay Desiree. 

Naawa na din ako kay Kenneth dahil sa kakaantay niya.



----------------------


KENNETH's PoV


"Ugh Kenneth? Ndi ka pa uuwi? Kanina ka pa dito ha?" Napalingon ako kay Abigail na biglang nagsalita.



Katabi niya si Carl at nakatayo sila sa harap ng table kung saan hinihintay ko si Ree.



"Wala pa si Ree eh."

"Baka naman ndi na siya pupunta?"

"No. Susulpot yun" positibo kong sabi.

"Uhhm. Okay. Sige una na kami ha"



Tumango nalang ako sa kanila.

Tapos na pala silang kumain. 

Samantalang si Ree wala pa. 



Pero okay lang. 

Siguradong susulputin naman niya ako.



***************


8 na ng gabi pero wala pa din si Ree. 

Malamig na ang pagkain at tunaw na tunaw na din ang mga yelo na nasa inumin.

Nasaan na ba si Ree?



"Sir, gusto niyo po ipa-reheat ko ang pagkain para uminit-"

"No, wag na." Pinutol ko ang pagsasalita ng waiter sa kin.

"Iiwan ko na lang dito ang bayad at tips." Sabi ko.



After ng 5 minutes na wala pa din si Ree, nainip na ako. 

Fck! Ilang oras na ako naghintay.

Nauna pang matapos ang date nila Carlo at Abigail kay sa amin. Kainis!



Kumuha na ako ng pera at iniwan na sa mesa. 

Kinuha ko na ang gamit ko pati yung flowers na dala ko at lumabas na ako ng Kinglia's Restaurant.

Ree, asan ka na? 



Akala ko ba babawi ka sa lahat? 

Bakit hindi ka sumulpot ngayon? 

May nangyari kayang masama?



Alam kong susulpot ka pero...


"Where the hell are you Ree!" Nasigaw ko sabay tapon ng binili kong bulaklak na dapat ibibigay ko kay Ree ngayong gabi.



Tumingin ako sa cellphone ko. 

Ni wala man lang siyang message o tawag sa akin! 

Nakalimutan niya na ba ako? 



Kasama nanaman ba niya si Adrian?!

"Damn it!" Napasipa ako sa basurahan na pinagtapunan ko ng bulaklak.



Hindi ko alam kung maiinis ako kay Desiree o ano. 

Gusto ko pero ayaw ko. 

Ayaw kong magalit o mainis man lang sa taong mahal ko!



Nakakainis! 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. 

Pakiramdam ko sasabog ako.



Lakad lang ako ng lakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Bakit kasi mahal na mahal kita Desiree! 

Hindi ba pwedeng mahalin mo na lang din ako?



Bigla akong napalingon sa isang sasakayang paparating sa gawi ko.

Di ako nakibo.

*peeep peeeep*





----------------------

TRISHA's PoV



Nanlaki ang mata ko. 

Shet!

OMG!!



"Manong stop!" nasigaw ko.



Agad namang tinigil ni manong ang sasakyan.

Makakabunggo na kasi kami ng taong tumatawid! 

Eh yung lalaki rin naman kasing tumatawid hindi nag-iingat!



Sa taranta ko napalabas ako ng kotse.

Para makasigurado na walang nangyari dun sa lalaki!!



"Kuya! Okay ka lang?!" Sabay lapit sa lalaking nakayuko sa harap ng kotse namin.




Bigla siyang napatingala at napatingin sa akin.

"KENNETH?"

"Oh?"

"Nagpapakamatay ka ba?!" Inis na tanong ko.



Tsk. 

Si Kenneth lang pala na bestfriend ni Desiree! 

Sana pala tinuluyan na lang ni Manong dejoke.



"Wala kong gana makipagtalo sayo Trisha." Sagot niya.



Ramdam ko ang lungkot sa pagsalita niya.

May problema ba siya?



"May problema ka ba?" tanong ko.

"Sa tingin mo?" pilosopo niyang sagot.



Ayaw makipagtalo pero namimilosopo. 

Malupet.



"Meron! Haist, tara nga sa kotse. Dun tayo mag-usap. Gabi na. Ipahatid nalang kita kay manong." Sabi ko.

"Ayoko. Ikaw. Umuwi ka na. Pabayaan mo ako." Sagot niya.

"Ayoko rin ano! Kailangan isama na kita. Mamaya ako pa malagot kay Desiree kapag may nangyaring masama sayo!" Sagot ko.

"Tss. Walang pakialam sa akin si Ree."




Kumunot noo ko sa sinabi niya.

"Anong wala? Bestfriend ka niya tapos wala?" Tanong ko.

"Basta nga! Umuwi ka na nga lang!" Iritado niyang sabi.

"No! Kung sa tingin mo si Desiree walang pakialam. Ako may pakialam! Tara na!"



Hindi ko napansin pero kusa nalang napahawak yung isang kamay ko sa braso niya. 

Saka siya hinila.

Agad siyang pumalag.



"Ayoko nga! Salamat nalang sa pakialam mo!" Sinigaw niya sa mukha ko.



Nakaramdam na rin ako ng inis nun.

"Tsk!! Ako na nga nagmamagandang loob sayo ayaw mo pa!" Inis na sabi ko.

"Ayoko nga kasi papilit mo pa!"

"FINE! AYAW MO DI WAG MO!"



Without another word, iniwan ko na si Kenneth. 

Naglakad na ulit ako papasok sa kotse namin.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse, nakita kong wala na siya sa harap ng kotse namin. 




Nakatalikod na siyang naglalakad palayo.

Good! Tss. 

Bakit ko din ba kasi siya naisipang isabay?



"Mam Trisha. Ayos ka lang ho ba?" Tanong sakin ni Manong.

"Oo naman po! tara ho manong. Uwi na tayo." Sagot ko kay manong.



Nakacross-arms ako with kunot noo. 

Paano, nabadtrip ako eh!

Amps.


------


Desiree's PoV


"Ken. I'm so sorry." Nabulong ko.



Napabangon kaagad ako sa kama.

Argh! I'm so stupid! 

Baka hinintay ako ni Ken sa Kinglia's Restaurant ng matagal. 



Ang sama ko! Bakit ko nalimutan!

Agad kong hinanap ang cellphone ko.

Dinial ko agad ang number ni Ken.



Nag-aalala ako para sa kanya ngayon.

Shocks. Nagriring na. Ano kaya ang sasabihin niya.

Bigla akong kinabahan nang may sumagot na.



"K-Ken!" panimula ko.

"Ano?"

"S-Sorry."

"Sorry? Haha Nah okay lang ree. Salamat sa pagpapahintay sa kin ng dalawang oras!"



Nagulat ako. 

Shocks! Nagagalit sya!

 Nagagalit ang tono ng boses nya.



"K-Ken! Sorry, bumili kasi kami ng lab equipments. Hindi ko namalayan ang oras. Im so sorry." Pageexplain ko.



Sana maniwala siya. 

Totoo naman eh.



"Kami? Sinong kasama mo?"

"Si A-Adrian.." natatakot kong sagot sa kanya. Kasi alam kong nagseselos na siya minsan kay Adrian.



"Oh! Tsk! Adrian nanaman pala!"

"Ken sinamahan niya lang ako!" Pagtutol ko. Baka kasi iba nanaman ang iniisip niya.

"Bakit hindi nalang ako?! Nagpasama ka nalang sana sa kin alam mong may date tayo!"

"Hindi ko nga namalayan ang oras!"



Para naman akong nakikipag-usap sa boyfriend ko nito! 

"Tsk!"



Hindi ako sanay... 

hindi ako sanay na nagagalit ang bestfriend ko sa akin! 

Ayoko nito...



"K-Ken. Sorry, please, mag-usap tayo... pupuntahan kita nasan ka ba!" Sabay bangon ko sa kama. Nag-ayos ako habang nasa tainga ung telepono.

"Huh. Huwag na Ree. Sayang sa oras. Huwag na!" Yung tono ng pagsalita niya, para siyang nagagalit na pinipigilan niya.



Ano ba tong ginawa ko! 

Haist!



"Sige na please Ken! Gusto kong mag-usap tayo!" Pagpipilit ko sa kanya sa kabilang linya.



Natapos na akong mag-ayos at handa na akong umalis ng bahay.

Ang kailangan ko nalang malaman ay kung nasaan si Ken!



"Gabi na ree! Matulog ka na lang please!"

"Sorry.....''



Bigla akong napiyok habang nagsorry. 

Feeling ko naiiyak ako.

Matagal siyang natahimik sa kabilang linya bago ulit magsalita.



"Bye Ree... sa susunod na tayo mag-usap."



I can hear dissapointment sa tono ng pananalita niya.



"K-Ken please---"



Naputol ako sa pagsasalita. 

Pinatayan niya na ako.

Napaupo ako sa sofa namin sa sala.



 Napapikit ako.

Nadissapoint ko nanaman ang bestfriend ko. 

Sabi ko pa naman... babawi ako.



Para akong naiiyak na ewan. Ang bigat ng loob ko. 

Gusto kong maiyak pero walang luha.

I don't know what to do...



Lalabas na lang ako magpapahangin..

Sorry talaga Ken... 

bestfriend... 



Sana mapatawad mo pa ako..


----------------------------------


A/N: Vote and comment pleassseee. Matsalaaaa.  Takamus mga Readers? Hehe. Salamat sa mga nagbabasa parin! 29k reads na emegesh matsalaaa. Haha. Dedications? Syor! Message mee. Kahit madaling araw na pinilit kong magUD. Hahahaha May nagbasa pa kaya? Hahaha. Salamat kung may nagbasa pa! Sorry kung bitin padin :(

Kenneth at the multimedia.

DiamondAlpha





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com