Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30: Gone.

UD Again! Yipeeee. <3 Sorry for making the time in my story so fast.


ENJOY READING!

----------------

Chapter 30: Gone. Who will love him?

Desiree's PoV


*1 month later.*


"We will miss you Tita Elaine." malungkot na sabi ko.



Lumapit ako sa kabaong ni Tita Elaine at inilaglag ang white rose.



Ang hirap tanggapin. Pero kailangan. Wala na talaga. Hindi na nakalaban si Tita Elaine. Wala na talaga siya.



A tear escaped my eyes.



Tumabi na ako dahil tatakpan na ng mga lalaki ng lupa ang kabaong.



Libing na ni Tita Elaine ngayon.



"The Promise Tita Elaine... I will never break it.." bulong ko.



Agad kong nilapitan si Adrian na nakaupo.



He's crying.



I suddenly hugged him.



"Desiree.. why.. why does this need to happen to me?" sabi niya.



Napatingin ako sa kanya. Hirap na hirap ang itsura niya.



Mahirap naman talagang tanggapin. Na wala na ang mama mo. Ang mama mong nag-alaga sayo mula bata ka...



"Adrian stay strong. You need to accept it. Walang may gusto sa nangyari." sagot ko sa kanya.



Umiling iling siya.



"Just.. just leave me alone."



Nagulat ako sa sinabi niya.



"No. You need someone to be with you. And nandito lang ako para sayo Adrian." pagtatanggi ko.



"Please! Kahit ngayon lang Desiree.. I want to be alone."



Napatingin ulit ako sa kanya ng seryoso.



"F-Fine. Dun lang ako sa bahay namin if you want to talk to me. Bye.." Sagot ko kay Adrian.



I may be leaving him now but not forever. Babalik ako kay Adrian dahil tutuparin ko pa ang pangako ko.



Umalis na ako sa harapan niya.



"Desiree." napalingon ako sa tumawag.



Nakita ko si Carl and Abigail.



Lahat kami nakaitim.



"Hey guys," matamlay kong sabi.



"Bes uwi ka na?" tanong nilang dalawa.



Tumango ako.



"Sabay ka na samin." sabi nila.



I nodded. Tapos pumunta kami ng parking lot. Pinasakay na nila ako sa kotse ni Carl.



Tahimik lang ang buong byahe.



"Salamat sa paghatid." at nginitian ko sila.



Ngumiti lang naman sila sa akin. "Welcome,"



Tapos umalis na ang kotse ni Carl.



Pumasok ako ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Sumalampak ako sa higaan ko.



Bakit nga ba 'to nangyayari kay Adrian?


~~

**tok tokk**



Naalimpungatan ako sa katok na narinig ko.



Teka nasa kwarto ko ako ah? Sino naman ang kakatok? Napalingon ako sa pintuan.



Bumangon ako at lumapit ako sa pintuan. Binuksan ko.



"Huh?"



Bakit wala namang tao?



Bigla akong kinilabutan.



Omg. Kakawala lang ni Tita Elaine. Hhuhu. sinundan kaya ako? joke



**tok tokk**



Narinig ko nanaman yung katok napalingon ako sa may pintuan ng terrace.



SHOCKS?!



Dun galing ang katok?!



Sa pintuan ng terrace ko?!



Sino naman kaya ang naroon?!



Kumuha ako ng matigas na bagay dito sa room ko at hinawakan. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng terrace ko.



Unti unti kong pinihit ang doorknob bago buksan ang pinto.



"Kyahh!"



Bigla akong nagulat ng pagbukas ko may natumba sa akin.



Nakaamoy ako ng alak. Ang baho!



"ADRIAN?!"



nagulat ako ng mamukaan ko ang lalakeng bumagsak sa akin. Anong ginagawa niya dito?!



"Pano ka nakaakyat dito sa terrace ng kwarto ko?!"



"Inakyat *huk* ko."



Nagulat ako. Lasing na lasing siya! Para siyang nakadrugs na ewan. Yung mata niya, naluluha.



Naibagsak ko siya sa kama ko.



Pero bigla siyang tumayo.



"Bakit lahat sila nang-iiwan?! Wala ng natira sa buhay ko!" galit na sigaw ni Adrian.



"A-Andito pa ako.." biglang nasabi ko sa kanya.



"You'll never leave me?" tanong niya.



I looked at him. His eyes..



"Desiree... *huk*"



Lalapitan na sana niya ako at hahawakan ng umiwas ako.



"ANO?! Lalayuan mo ako?! *huk* IIwan mo din *huk* ako?!"



"Adrian hindi! HINDI KITA IIWAN. Bakit ka ba kasi naglasing?!" medyo galit na tanong ko.



"I want to! My life's ruined!" sagot niya ng pasigaw.



"Be patient! MAGIGING OKAY LANG DIN ANG LAHAT!" sigaw ko kay Adrian.



Takot ako! Takot ako sa mga naglalasing!



Feeling ko kasi, mga baliw silang galing sa mental!



Nagulat ako ng pumunta siya sa likod ko. Niyakap niya ako patalikod. Pinagpipisil pisil niya yung tyan ko.



"HOY ADRIAN ANO BA GINAGAWA MO?!" pagtatanong ko.



"Kailangang.. *huk* Kailangan mailabas ang micropono sa lalamunan mo desiree!"



"Ano ba pinagsasabi mo?!"



Seryoso, para siyang tanga ngayon mga guys! Parang siyang baliw! Hays!



"Your voice is *huk* so loud! Simula pa nong *huk* nagkakilala tayo!" sigaw niya pabalik.




Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko. Tapos tinulak ko ulit siya sa higaan ko!



"Well deal with it Adrian! Inborn na saakin yan!" sagot ko sa kanya.



Pinagpag ko ang damit ko at inayos.



Kumunot bigla ang noo ko.



"Adrian?" tanong ko at lumapit sa mukha ni Adrian.



Nakita ko siyang nakapikit.



Aba?! Natulog?! Tumba!



Napairap ako.



"Fine! Diyan ka matulog sa kama ko. Sige. Doon na lang ako sa sofa." inis na sabi ko.



Lumabas ako ng kwarto.



Naman oh! Anong nangyari kay Adrian? Bakit naglalasing na?!





----------


Adrian's PoV


"Ughhh" I moaned.



I opened my eyes. Anong nangyari? Parang nabugbog ang katawan ko.



Napabangon ako.



Umaga na.



Teka, hindi ko kwarto to ah?



"Shit." napacuss ako.



Naalala ko yung nangyari kagabi. Nung naglasing ako.



Oh damn! I'm at desiree's house!



Lumabas ako ng kwarto niya.



Bumaba ako.



"Kyahhh!"



"Tita! Calm down." sabi ko sa sumigaw.



Nakita ko ang mama ni Desiree. Mukhang nagulat makita ako.



"A-Adrian?! Bakit ka nandito?!" gulat na tanong ng mama ni Desiree.



"Pasensya na po. I was drunk last night. Tapos dito po ako nakatulog. Sorry po talaga." pagsosorry ko.



"It's okay hijo. I know what happened to your mother. Pero hindi naman tamang uminom ka." sermon ni Tita sa akin.



"Sorry po." pagsosorry ko ulit.



"O siya bumalik ka na muna sa bahay niyo. Magpalit ka oh tignan mo itsura mo,"



I feel so embarrassed. Nakakahiya akong tignan ngayon. Hays. Gulong gulo ako lalo na ang buhay ko.



"Sige po. Salamat," sabi ko at naglakad.



Lumabas na ako ng bahay nila.



Tapos dumiretso ako sa bahay namin.



----------

Desiree's PoV


"Yun lang ang s-sabihin namin."



My jaw dropped. Nagulat ako sa sinabi ng dalawa sa harapan ko.



Si KENNETH and TRISHA lang naman.



Ang guess what they just said?



IKAKASAL DAW SILANG DALAWA.



"So you two love each other already?!" gulat na tanong ko.



"Hell No!" sabay nilang sabi.



"Arranged marrige nga Ree, ARRANGED." pinagdiinan talaga ni Ken and salitang 'arranged'



"Sus." at napairap ako.



"Totoo nga! Kainis nga sila mama eh!" at nagpout si Trisha.



"Sorry Ree.." malungkot na sabi ni Ken.



"Huh? For what?" takang tanong ko with matching kunot noo.



"For not marrying you. Papakasal ako sa iba, tsk" inis na sabi ni Ken at tinignan ng masama si Trisha.



Nagulat naman si Trisha at inirapan din si Kenneth.



"Che! As if namang gusto din kitang pakasalan? In your dreams!" sabi ni Trisha sa kanya.



"Ano ka ba Ken. Ba't ka nagsosorry? Para namang girlfriend mo ako." natatawang sabi ko kay Ken.



Bigla namang nag iba ang aura ni Ken. Nalungkot ba.



"Learn to love someone else Ken." I smiled at him.



"I'm trying." sagot niya naman



"O siya. Magsi-uwian na tayo. Anong oras na oh." sabi ko sa kanila.



Tumango naman sila at naglakad kami papunta ng gate ng school.



"Sabay kayong uuwi?" tanong ko kay kenneth at trisha.



Parehas silang nainis sa tanong ko. "Sadly, yes."



Natawa nalang ako.



"Ikaw? Sino maghahatid sa'yo?" tanong naman ni Ken sa akin.



"Don't mind. Nasa parking lot si Mang anthon na susundo sa akin." sagot ko.



"Ah sige. Bye Desiree!" huli nilang sambit bago kami maghiwalay hiwalay.



Dumiretso na ako ng parking lot.



Pumasok na ako ng sasakyan. Tapos nagdrive na si Mang Anthon papunta ng bahay.



----------

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang umaandar ang kotse.



Hanggang sa may nakita ang mata ko na ikinagulat ko.



"Mang Anthon stop the car!" sigaw ko kaagad.



Tinigil naman niya ang sasakyan. Itinigil niya ito sa isang sidewalk sa tabi ng kalsada.



Tumingin sakin si Mang anthon na nagtatanong ng "bakit"



"Mang anthon! Wait lang po ha? Kahit mauna na po kayo umuwi! uwi nalang po ako mamaya, may punatahan lang po ako!" mabilis kong sabi kay mang anthon.



Tinanggal ko ang ID ko at iniwan. Buti nalang hindi ako nakaUniform ngayon. Pwede akong makapasok!



Bumaba agad ako ng kotse.



Tumakbo ako.



Nakita ko lang naman kasi si Adrian.



Papunta sa isang bar!



Malamang! Iinom nanaman ang lalakeng yun! Hays. Kailangan ko siyang pigilan!



Pumasok ako sa bar.



Hutaena.


Punong puno ng mga crowded people. Mga lasing.



Nasan kaya si Adrian?



Naman kasi! Napakalawak nitong bar. Kainis.



"Hey miss!"



Nanlaki ang mata ko ng may kumausap sa akin na lasing. Agad naman akong napalayo.



"Miss you want a drink?" may naglahad saakin na lalake na inumin.



Napalayo nanaman ako.



Shet!



This is why I hate bars! Argh.



Haven't I told you guys?



May Trauma ako sa mga lasing! Nakakatakot kasi ng superrr!



Ang lawak ng bar. Tengene pano ko mahahanap si Adrian?!



"Alam ko na"



May naisip ako bigla na paraan.



Lumapit ako sa DJ nitong bar.



I need a way to get to the stage. Para mas madaling mahanap ng mata ko si Adrian.



"Hey!" sigaw ko sa kanya. Kailangan kong sumigaw para marinig niya ako dahil super crouded ang bar!



Napatingin naman sa akin ung DJ.



"I want to sing!" sabi ko.



Tinanggal ng DJ yung headset sa leeg niya.



"Sure! What song?!"



Nag isip muna ako sandali ng alam ko.



"Skinny Love! By Birdy!" sagot ko sa DJ.



"Coming up! What's your name?!" sabi niya.



"Desiree!" sigaw ko bilang sagot.



Kinuha ng DJ ang isang microphone at itinapat sa bibig niya.



"Give it up for Desiree! Singing skinny love by birdy!" sigaw ng DJ.



Madami ang nagpalakpakan.



Umakyat na ako ng stage.



Nagsimula na ang intro music ng kanta. Tinapat ko na ang bibig ko sa nakatayong mike sa harapan ko.



"Come on skinny love just last the year

Pour a little salt, we were never here

My, my, my, my, my, my, my, my

Staring at the sink of blood and crushed veneer"



Sinimulan ng hanapin ng mga mata ko si Adrian. Biglang tumahimik ang paligid. Tumigil ang mga sumasayaw. Lahat sila nakatingin sakin.


"Tell my love to wreck it all

Cut out all the ropes and let me fall

My, my, my, my, my, my, my, my

Right in this moment this order's tall"


Nilibot ng mata ko ang buong bar. Adrian... nasaan ka na ba..


"And I told you to be patient

And I told you to be fine

And I told you to be balanced

And I told you to be kind"


Bigla ko nang nakita si Adrian. He was sitting there. Looking right at me. With a shocked expression.



"In the morning I'll be with you

But it will be a different kind

I'll be holding all the tickets

And you'll be owning all the fines"


I don't know but...


Bakit gusto kong umiyak?



"Come on skinny love, what happened here?

Suckle on the hope in lite brassieres

My, my, my, my, my, my, my, my

Sullen load is full, so slow on the split"


Fineel ko na ang pagkanta. Still looking at Adrian. Hindi na ako tumingin sa iba pa.


"And I told you to be patient

And I told you to be fine

And I told you to be balanced

And I told you to be kind"


Para talaga akong naiiyak looking at him right now. I want to cry. Tears were filling in the edges of my eyes.


"And now all your love is wasted

And then who the hell was I?

And I'm breaking at the britches

And at the end of all your lines"


Then suddenly a tear escaped my eyes.


So much emotions are feeling in my heart right now.


Tapos sinabi ko na ang mga huling lyrics ng kanta.


"Who will love you?

Who will fight?

Who will fall far behind?"


-----------------------------------------------------------------------

Sophialovesblue:


GUYS! PAKINGGAN NIYO! SKINNY LOVE - BIRDY! OWMAGEE SA GANDAAA <333 LALO NA YUNG MGA LAST LINES NA YUN? Wahhh <3 Sana pakinggan niyo :) Nakakainlove yung song. hahahaha.


Yun lang kii bye~







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com