Chapter 8: De Guzman?!
Chapter 8: De Guzman?!
ABIGAIL's PoV
Hanggang ngayon hindi paden ako makapaniwala. Isipin niyo?
Yung crush ko nililigawan na ako! EMEGHED.
Is it real? Is it real?
Gusto niyo ba malaman?
Kung paano ako niligawan ni Carl?
Ganito kasi yun.
* F L A S H B A C K *
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Walang magawa.
Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame.
B-O-R-I-N-G.
Haay! Walang magawa.
Nagawa na kaya nila bes yung work namin kanina sa Arts?
Baliw kasi sila ni Adrian. Magpaint fight ba naman.
Napatingin ako sa mini desk sa tabi ng kama ko.
May tumatawag.
Nag-vibrate kasi ng matagal yung cellphone ko.
Kinuha ko yung phone ko at tinignan kung sino yon.
Oh Em. Si Carl. Sagutin ko ba?
Ofcourse! Crush mo yan eh.
Bakit ba siya napatawag?
Pano ko malalaman kung hindi ko sasagutin.
Baliw ako eh.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko.
I cleared out my throat.
Sinagot ko na 'yung tawag.
"Hello Carl? Baket?"
"Ahm, alam ko magkasama lang tayo kanina pero pwede mo ba akong samahan sa mall?"
Waah!
Totoo ba'to?
Lagi niya na lang ako inaaya.
Napaghahalataan siya eh?
Pero, mahirap magassume.
Kailngan sure ako kung gusto din niya ako.
"Ha? Sige. Boring din naman dito sa bahay eh."
"Talaga sasamahan mo ko?"
"Yup! Nasan ka ba?"
"Andito sa labas ng bahay niyo."
"N-nasa Labas ka?!"
"Oo nga."
Agad kong pinatay yung phone ko at tumakbo palabas ng bahay.
Pagkabukas ko ng pinto....
Andito nga siya!
"Hi!" sabi niya.
"Hii." Sabi ko din.
"Oh buti naka-uniform pa tayo. Tara na?" tanong niya.
Oo nga no. Naka-uniform pa kami.
Pagkadating ko kasi sa bahay kanina nahiga agad ako sa kama.
Alam niyo na, kapag sinapian ka talaga ng katamaran wala kang magagawa.
"Ano nga pala gagawin natin sa mall?"
"Ah, nagpapabili kasi yung kapatid ko ng mga gamit niya for her project." sagot niya.
"Ah ganun ba? Sige tara." sabi ko.
Ngumiti lang siya at pinagbuksan ako ng pinto sa shotgunseat.
Waah! Ang Gentleman.
Mas lalo akong nafa-fall sa kanya sa bawat kilos na pinapakita niya sa akin.
-----------------
*MALL*
"San tayo?" tanong ko.
"Tara sa National's." tumango ako.
Naglakad na kami papunnta dun.
Nung nakarating na kami sa loob nakita ko siyang naglabas ng isang papel.
Nakibasa ako.
1. Pencil
2. Cartolina
3. Oil Pastel
4. Glue Stick
5. Pentelpen
Yan yung nakasulat sa papel.
Yan siguro 'yung mga kailangan ng kapatid niya.
Bigla siyang nagsalita.
"Tara start na tayo maghanap Abigail."
"Sige,"
So yun nga.
Inisa isa naming kunin yung mga kailangan ng kapatid niya.
Kunti lang naman pala eh.
Kailangan niya pa magpasama.
Pero ayos lang!
Atlist ako yung pinili niyang samahan siya.
---------------
"That would be P152.50 sir." sabi nung cashier samin.
"Here." sabi ni Carl then nag-abot ng buong P200 sa cahier.
"Keep the change." dagdag pa niya.
"Thank you sir." Sabi nung cashier.
Nag-smile lang si Carl sakanya.
Kinuha na niya yung plastik.
Lumabas na rin kami sa National Book Store.
"Let's go." Sabi niya.
Hays, uuwi na kami?
Bigla akong napasimangot.
Tinawag niya lang ba ako dahil may kailangan siya?
"Abigail, gusto mo muna mag-meryenda bago umuwi?" tanong niya sakin habang naglalakad kami.
Narinig niya ba yung sinsasabi ko sa isip ko?
Shemay! Nagkakatotoo talaga ang mga hiling ko.
Lalo kaming magiging close neto.
"Sige ba. Saan?" tanong ko.
"Doon nalang." sabi niya.
Nginuso niya yung nasa likuran ko.
Nguso talaga ang ginamit pang turo? Halikan kita diyan eh.
Joke. Humarap ako doon sa nginuso niya.
"Sige!" Sabi ko.
Yung tinuro niya kasi Cupcake shop.
And I love Sweets. hihi.
Naglakad na kami patungo sa Cupcake shop.
"Ano sayo Abigail?" tanong ni Carl ng makaupo kami sa bakanting table.
"Strawberry Cupcake nalang tsaka Strawberry milk."
"Sige. Wait mo ko jan ha." sabi niya.
I just smiled at him Then pumunta na siya sa counter.
Ang cute dito sa loob ng Cupcake Shop!
Sobrang colorful sa loob.
Sweets ang mga design.
Ang cucute din ng mga uniform ng mga waiters.
After 10 minutes, dumating na din si Carl dala 'yung pagkain namin.
"Here. Pwede palang magpalagay ng Initials. Kaya pinalagay ko 'AC'." Sabi niya.
AC daw.
Abigail and Carl? Ano ba itey.
Kinikileg na aketch!
Ahh." ngumiti ako.
"Okay. Sige kain na tayo." sabi ko.
After namin kumain sa Cupcake Shop, pumunta na kami sa parking lot.
Pagdating sa bahay lumabas siya ng kotse at pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.
Ghad! Mas lalo akong naiinlab talaga.
To the highest level na talaga ang pagmamahal ko sa kanya.
Sagad na!
Mahalin mo na rin ako! Please carl!
"Ah Salamat sa pagsama." Sabi niya sakin nung nasa Gate na kami ng bahay namin.
"Okay lang yun. Sige pasok na ako." sabi ko at tumalikod.
"A-ah Abigail!" Pahabol niya.
Nagulat ako sa pagtawag niya.
Wait, bakit siya nautal?
Liningon ko siya.
"Bakit?" tanong ko.
'Kasi...."
This time humarap na talaga ako sakanya.
"Bakit nga?" tanong ko ulit.
"Ano... Pwedeng manligaw?"
T-totoo ba to?
Tama ba 'yong narinig ng dalawang tainga ko?
Gusto akong ligawan ni Carl?
Gusto akong ligawan ng crush ko slash mahal ko?
Narinig niya nanaman ba yung hiniling ko kanina sa isip ko?
Shet!
"Um Abigail? Wooohoo~ Hay, Okay lang kung ayaw mo."
Napatingin ako sakanya non. Nakayuko siya.
"Ano ka ba? Pwede! Pwedeng pwede!"
Napatingala siya sakin non.
"Talaga? SALAMAT ABIGAIL!" Sabi niya then niyakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik
"Thank you."
Kumalas siya sa yakap.
"Your always Welcome." sagot ko ng nakangiti.
Napangiti naman siya tapos niyakap niya ulit ako.
Sana lang totoo ito.
Sana hindi ako panakip butas or something.
Ofcourse alam ko ang tungkol sa ex niya!
Stalker ata niya ako no! Kaso, wala akong pakialam.
Ang alam ko lang muna ngayon, nililigawan na ako ng taong gusto ko.
* E N D O F F L A S H B A C K *
--------------
DESIREE's PoV
Andito ako ngayon palabas ng school. Uwian na.
Hindi ko kasabay si Trisha kasi may inaasikaso siya kasama 'yong papa niya.
Si Abigail naman kasabay niya si Carl. So yeah, I'm all alone.
"Hi Ree!" may biglang umakbay sakin.
Tinignan ko.
Tatanggalin ko na dapat yung akbay.
Pero si Ken lang pala.
Hinayaan ko nalang siyang umakbay.
Wala namang masama.
Dahil magbestfriends naman kami.
"Oh bakit? Di ka pa ba uuwi? Ako uuwi na." sabi ko.
"Uuwi na din. Gusto mo hatid na kita?" tanong niya.
Hmmm.
Napaisip ako.
Wala rin lang naman si Mang Anthon.
"Sige." Nakangiting sagot ko.
Pumunta na kaming parking lot.
Pumasok sa kotse niya.
Nag-improve ang kotse ni Ken ha.
Mas sosyal na compared sa kotse nila dati.
Mas lalo ata sila yumaman noong pumunta sila ng States.
Palibre nga ako minsan dito. HAHA
"Dun ka padin ba nakatira?" tanong niya.
"Ha? Ah oo. Di naman kami nagbago eh." sagot ko.
"Ah okay." Sabi niya then nag-drive na.
Katahimikan ang bumalot samin sa kotse.
Awkwardness.
Nabasag ang katahimikan nang bigla siyang nagsalita.
"Ah Ree, May boyfriend o naging boyfriend ka na ba?" out of nowhere niyang tanong.
"Ha? Wala. wala akong balak." sagot ko.
Totoo naman eh.
Problema lang yan.
tss.
"Ahh. Hindi ka padin nagbabago." Malungkot niyang sabi.
Bakit naman kaya niya natanog yon?
Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi niya na ako mahal.
Ayokong masaktan bestfriend ko.
"Wala ka talagang balak?" tanong niya ulit.
"Yeah. Or maybe i'm just not ready? Nah, hindi talaga ako destined to be inlove." sagot ko.
"Ayaw mong itry?"
"Wala akong oras diyan. Sagabal lang sa buhay ko."
"Ahh, okay."
Tapos nagdrive nalang siya.
Wala ng imikan after ng conversation namin 'yon.
Mukhang nabadtrip din siya pero hindi niya lang pinahpahalata.
------------
*LABAS NG HOUSE*
"Sige, salamat sa paghatid." sabi ko ng nakangiti.
"Wala yon. Gusto mo sunduin pa kita sa susunod."
"Ha? Ndi 'wag na! May driver ako no. Sige na bye ken!"
"Sige bye! hyainavyuh"
Ano daw yung huli niyang sinabi?
Hindi ko narinig kasi ang hina.
Kumunot yung noo ko.
"Ha? Ano yon?" Tanong ko.
"Wala! Sige bye na!" Sabi niya.
Then sumakay na siya sa kotse niya.
Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na ng bahay.
Pumunta na ako sa kwarto ko.
----------------
Gabi na.
Bumaba na ako para kumain ng panggabihan.
Pagkababa ko nandon na si Mama, papa at kuya.
"Oh anak, Halika na't kumain." Sabi ni papa.
Sinunod ko naman ang sinabi ni papa.
Naglakad na ako papunta sakanila.
Umupo na ako sa tabi ni Kuya at kumain.
"Kamusta ang pag-aaral mo Desiree?" tanong ni mama sakin.
"Okay lang ma. Medyo hassle pero okay lang naman." sagot ko.
"Eh ikaw josh? Kumusta sa University mo?" tanong ni papa kay kuya.
"Okay lang pa'." sagot ni Kuya.
"Oo nga pala! Kapatid diba Saturday bukas?" tanong ni kuya sakin.
"Ay hindi kuya, Monday bukas. Monday." Pamimilosopo ko.
Wahihi!
Ang Epic nung naging itsura ni Kuya.
Naging poker face eh?
"Huwag ka nga mamilosopo Des!" sabi niya sakin.
Sumubo lang ako ng kanin at nag-make face sakanya.
"Ano kasi Ma, Pa, dumating na yung Girlfriend ko galing states. Tapos birthday niya po bukas. Ininvite po kasi tayo ng Tita niya na makiparty kasama sila. Wala na po kasi yung mga magulang niya eh. Patay na. Kung okay lang po ba? Kasama ka don sis." Sabi ni kuya.
"Okay lang anak!" Masayang sabi ni Mama.
"Oo nga, gusto ko rin naman mameet ang family ng girlfriend ng anak ko." Dagdag ni Dad.
Tumingin naman si Kuya sakin.
Maging si Mama at Papa napatingin.
Waiting for my answer.
"Sige okay lang." Sagot ko.
Alangan naman na maiwan ako dito sa bahay kasama ng mga maids.
Tsaka mahilig din naman ako sa mga parties.
Gusto ko din makita 'yung malas na babaeng sumagot kay kuya. Joke lang! Haha.
"Ano bang family nila?" tanong ni Papa.
"De Guzman Pa."
"Pffft!" Ako yan.
Halos maibuga ko yung kinakain ko ng marinig ko yung apelyedong yon.
De Guzman?
Please tell me kaapelyedo lang ng lalakeng yun yon!
"Oh tubig. Okay ka lang Kapatid?" Tanong ni kuya.
Hinagod hagod niya ang likod ko.
Kinuha ko yung tubig na iniabot ni kuya at ininom.
Medyo nakalma na rin ako.
"Okay na ako kuya. Ano ulit yung name nung Family niya?" tanong ko ulit.
"De Guzman."
Waah! De Guzman nga!
Shutangna, sana hindi niya kamag-anak 'yung mokong!
Baka hindi ako makatagal sa party kung nandun si Adrian. Psh!
"May problema ba dun Kapatid?" tanong ni Kuya.
"Ah wala... Wala...." Sagot ko.
De Guzman.
De Guzman.
De Guzman?!
------------------
A/N: Dedicated to you AteSmileyy kasi natutuwa ako sa mga comments mo. Harthart. Binibilisan ko na po ang pag-update kasi malapit na pasukan.Vote at Comment po kayo please! Hehez. Salamat!
Abigail & Carl at the multimedia.
DiamondAlpha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com