Chapter 20

Chapter 20
Drunk kisses, Once more
Ilang buwan pa ang nagdaan. Ini-release na ang album, nagpa-press conference, ini-release ang official poster at ang iba pang kailangang ilabas sa media. On going pa rin ang mga interviews, tuluy-tuloy pa rin ang pag-imbita sa akin sa mga talk shows at ibang mga variety shows.
Madalas, tungkol lamang naman sa pagbabalik ko ang itinatanong nila kaysa sa kanta na ni-release ko kaya naman nasanay na ako hanggang nawala ang kaba.
Hanggang parang ako na talaga ang Cindy Enrile na anak ng isang mayamang pamilya.
Nilunok ko lahat ng kasinungalingan, gumawa ako ng kwento, pinapaniwala ko sila na totoo ang pagkataong ipinapakita ko. Tinanggap ko lahat ng papuri na dapat ay sa totoong Enrile napupunta.
Hindi ko maintindihan kung nasanay na lamang ba ako o sadyang tanggap ko na lamang kahit ang sariling kamalian ko kaya ipinagpapatuloy ko.
I want to make all of these last. Hanggang nasa akin pa, hanggang hindi pa nawawala. Hangga't unti-unti pa akong umaangat.
“Miss Cindy! Kahit saglit lang po!”
Dumagsa ang mga reporters noong lumabas ako ng building ng isang TV Network. Sunud-sunod ang pag-flash ng ilaw ng kanilang mga camera.
Kaagad kong isinuot ang shades ko at hinayaan na ang ilang staff na kasama ko upang harangan ang media.
Lihim akong napangisi, ganito pala ang pakiramdam ng sumikat? Sumikat ang pangalan ko overnight dahil ako si Cindy Enrile pero sumikat ang kantang inilabas ko dahil lubos kong pinag-trabahuhan ang lahat ng ito.
Things go both ways, I guess.
Sa sobrang dami ng mga reporters ay nahirapan din ako. Nahirapan ako dahil nasisiksik ako ngunit kung hindi naman gagawin 'yon ng mga staff ay siguradong reporters naman ang sisiksik sa akin. Nang makasakay ako sa sasakyan ay doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Sa wakas!
Mabilis na isinarado ni Kuya Jeff, ang aking driver, ang van. Hinubad ko ang shades ko at inilagay iyon sa bag. Sumandal ako sa upuan at dahan-dahang hinilot ang aking sentido. Damn, ang sakit ng media sa ulo. They will do everything just to have that trending talk of everyone.
“Saan po tayo, Ma'am Cindy?” tanong ni Kuya Jeff habang ikinakabit ang seatbelt sa kanya.
“Sa condo na lang, Kuya Jeff. Umuwi ka na rin after, magpahinga ka.” anas ko, hinihilot pa rin ang aking sentido.
“Ay nako, ma'am, okay lang naman po. Baka po kasi bigla niyo akong kailanganin, e.”
Mahina akong tumawa, “It's fine, Kuya Jeff. Tsaka kailangan ka rin ng mga anak mo. Hindi naman na ako aalis pagkadating ko sa condo.”
Tumawa si Kuya Jeff at pinaandar na ang sasakyan. “Sigurado po ba kayo ma'am?”
“Yes, Kuya Jeff. Monday na rin bukas, may pasok sila Regina at Rebby 'diba? Sigurado akong kailangan mong ihatid ang mga bata.”
Tumikhim lang si Kuya Jeff at mula sa rearview mirror ay nakita ko siyang tumango, “Maraming salamat po, ma'am Cindy.”
Tahimik akong tumango. Naging mabigat ang talukap ng aking mga mata. Sigurado ay dahil 'to sa pagod kaya naman mas pinili ko na lamang ang umidlip kaysa kalikutin ang aking cellphone.
Pagkarating ko sa condo ay agad kong binuksan ang pintuan. Gustung-gusto ko na kasi makapagpahinga. Ngalay na rin ang mga paa ko, ilang oras kong suot ang heels, gusto ko ng hubarin at mag-paa na lamang.
Nanlaki ang mga mata ko. Bahagya ko pa lamang kasing binubuksan ang pintuan pero ang unang napansin ko ay ang ilaw na bukas. Sinong nasa loob? Tandang tanda ko naman na iniwan kong nakasarado ang lahat dito at pinatay ko ang lahat ng ilaw.
Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Dahan-dahan ko pang binuksan ang pintuan hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob. Kumunot ang noo ko, maayos naman ang lahat. Walang nagulo at lahat ng gamit ko ay nasa tamang puwesto pa.
Inilagay ko ang bag sa ibabaw ng couch. Bakit may pagkain sa ibabaw ng lamesa? Wala akong iniwan na ganyan kanina! Sino ba ang pumasok dito sa loob? Argh! Mas lalo lamang nasakit ang ulo ko kakaisip.
“Oh! You're already here!”
Lumingon ako sa pinanggalingan ng isang pamilyar na boses. Muntikan na akong matumba dahil sa gulat noong makita ang itsura niya.
“Z-Zero? Anong ginagawa mo dito?”
Ngumisi si Adam sa akin bago inalis ang kumot na nakatali sa kanyang leeg, nagsisilbing kapa. “I'm here because of Adam. Sinama niya ako, e. Buti naandito ka na, we were waiting for you...”
“Si Adam?”
“May humihingi ng tulong—Oh! Cindy! You're here,” masiglang anas ni Adam matapos niyang lumabas sa isang extrang kwarto sa condo.
“Ano ba 'yan? Bakit ganyan ang itsura niyong dalawa? Bakit kinakanta mo pa ang theme song ng wonderpets, ha? Adam?” Hinilot ko ang aking sentido. Jusko naman! Parang bata ang dalawang 'to. Pinagmumukha nilang baliw ang mga sarili nila.
“We were bored, okay?” singit ni Zero sa usapan. Inihagis niya ang kumot sa ibabaw ng couch. Umiling ako at mabilis na hinila ang isang upuan bago ako umupo doon.
“At saka isa pa, bakit kayo nandito? Tsaka paano kayo nakapasok?”
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Adam. Lumapit siya sa akin. Hinila rin ang isang upuan at doon umupo.
“Is it my fault that you didn't change the unit's passcode? Kung ano ang passcode ko noon, ganoon din ang iyo. You didn't change it at all, Cindy.”
Lumabi ako. Oo nga pala. Hindi na kasi ako nag-abala dati na ibahin pa ang passcode ng unit dahil wala namang problema sa akin noon kung pupunta si Adam dito at siya na mismo ang magbubukas ng pintuan.
Ngunit sa lagay ko ngayon, sa kasikatang naabot ko na, syempre kinakabahan na ako. Mas madalas na akong kakabahan kung bigla kong makikita na bukas ang ilaw sa unit ko kung iniwan ko namang sarado 'yon. Tsk!
“Pinakaba niyo kasi akong dalawa. Akala ko kung sino nang pumasok dito...” Pumangalumbaba ako.
“We were waiting for you, Cindy. We watched your interview earlier. Mas lalo ka ng gumagaling sa pag-sagot ng mga tanong nila,” Umupo rin si Zero sa isa pang upuan at nginitian ako.
Ngumiti lamang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Zero. Should I say thanks? Dapat ba ay maging confident ako hanggang ngayong oras na 'to?
Mas pinili ko na lamang ang manahimik. Alam ko naman at kailangan ko, kailangan ko pang mas gumaling.
“Here. Eat this, lumamig na nga ang pagkain. We thought you'll come back much earlier than we expected pero mas late pala.” anas ni Adam bago kinuha ang pagkain na kanina pa nasa lamesa.
“Thank you,” anas ko. Kinuha ko ang kubyertos na nakahanda na rin kanina pa sa lamesa at sinimulang kainin ang steak na dinala nila para sa akin.
Ninamnam ko ang lasa ng steak. Manamis-namis ito na medyo maalat at may pagka-maanghang. Grabe! Anong klaseng luto kaya ang ginawa rito? Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa sarap ng pagkain. Tinuloy-tuloy ko ang pagkain hanggang sa wala ng natira sa plato. Tinawanan nila akong dalawa noong makita nilang simot ang pagkain.
“Aren't you supposed to maintain your weight and figure? Nakakataba kaya ang steak,” panunukso si Zero, nagawa pa akong taasan ng isa niyang kilay.
Ngumuso ako, “Isang beses lang naman, e.”
Simula noong nakilala ang pangalan ko at mas naging madalas ang paglabas ko sa mga tv shows, palagi na nila akong pinaalalahanan na 'wag masyadong kumain ng marami at kung may oras ay dumaan sa gym.
I-maintain daw ang figure. Payat ako pero alam kong may kurba ako. Ako rin 'yong klase ng payat na tumataba kapag madalas kumain ng marami pero kung minsanan lamang naman... siguro hindi naman masama.
“Sino ba ang nagluto nito? Saan niyo binili?” tanong ko.
Umiling si Adam. “We didn't buy that,”
Tumikhim si Zero. “Tsaka 'di ka namin gagastusan,” Inirapan ko siya. Dahil doon ay tumawa siya nang malakas bago kinurot ang pisngi ko. “I'm just kidding, lady.”
“E 'di saan galing 'yon?” takang tanong ko.
“Zico cooked steak. We were in his house earlier, bago kami pumunta rito sa condo mo. I don't know if extra lang talaga ang isang 'yan or sinadya niya.”
Nag-init ang pisngi ko. Eto na naman ang paga-assume ko, eto na naman ang pag-asang hindi rin naman ako sigurado kung mayroon bang patutunguhan.
“S-Siguro hindi niya 'yan sinasadya. Baka nagkamali lang siya. B-bakit naman niya sasadyain na mag-extra ng isa pang steak kung dalawa lang naman kayong bisita niya,” anas ko bago lumunok.
Mas uminit ang pisngi ko. Bakit ba ganito ako mag-react dahil lamang doon? Hindi naman kailangan na ganito! Aish!
“He thought Ivory was with us.” ani Zero habang seryosong nakatingin sa akin.
Pilit kong itinago ang kaunting disappointment na naramdaman ko. Kumuyom ang mga palad ko na nasa ilalim lamang ng lamesa at nakapatong sa ibabaw ng mga hita ko. Lumunok ako at mabilis na umiwas ng tingin. Bakit ko pa ba kailangang sagutin ang bagay na 'yon?
“He told us na dalhin na lang namin kung pupunta kami rito. He didn't want the food to go to waste,” sabi ni Adam.
Nanahimik na lamang ako buong gabi. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin silang dalawa para umalis.
“Take care, okay? You rest.” anas ni Zero habang nakapatong ang isang kamay sa ibabaw ng aking ulo.
Walang gana akong tumango. Si Adam naman ay tinapik ang likod ko. “We'll go home, now. Mag-ingat ka rito okay? You take a rest, you really look sleepy.”
Tahimik na naman akong tumango.
“Bye. Ingat kayo,” 'yon lamang ang sinabi ko noong nagsalita ako. Nang umalis sila ay dumiretso na ako sa kwarto. Nagpalit sa blue pajamas at isang loose white t-shirt na mayroong design na strawberry. Kinuha ko ang phone ko noong bigla itong umilaw.
Zico:
Are you asleep?
Lumabi ako. Bumalik lamang tuloy sa isipan ko ang usapan namin kanina. Ayoko na ngang umasa, hinding hindi na ako aasa. Bakit ko ba naman kasi inisip na sinadya niya 'yon para sa akin? Bakit hindi ko kaagad isiniksik sa utak ko na siguradong para kay Ivory iyong extra na 'yon. Nakakainis!
Zico:
Cindy? Gising ka pa ba?
Padabog kong inilapag ang phone sa ibabaw ng side drawer. Pinatay ko ang lamp at pinilit ang sarili kong makatulog.
Manigas ka diyan, Valderama.
— 🍓 —
“Kapag ako ay nagmahal, isa lamang at wala nang iba pa. Iaalay buong buhay,
lumigaya ka lang, lahat ay gagawin...”
Binuhos ko ang lahat ng emosyon ko habang kinakanta ang Bakit Nga Ba Mahal Kita ni Roselle Nava.
Sa isang kamay ay mahigpit na hawak ko ang mikropono habang ang isa ko namang kamay ay hawak ang isang bote ng vodka. Halos nakalahati ko na ito. Kinuha ko na rin kasi ang araw na ito para magpahinga, wala naman akong importanteng gagawin ngayon at hinayaan naman nila akong magpahinga.
“Tumingin ka man sa iba, magwawalang-kibo na lang itong puso ko.
Walang sumbat na maririnig, patak ng luha ko ang iniwang saksi...”
Tumayo ako sa sofa habang nakatutok pa rin ang mga mata sa screen ng malaking tv habang sinasabayan ang kanta sa videoke.
Isang linggo na ang lumipas simula noong pumunta rito si Zero at Adam na dala-dala 'yong steak na iniluto pala ni Zico. 'Yong mga panahong asang-asa ako na para talaga sa'kin 'yon ay hindi ko pa rin limot! Si Zico ay wala pang tigil sa pagte-text sa akin.
Palagi niyang tinatanong sa gabi kung tulog na ba ako. Malamang! Ano pa bang ibang gagawin ko sa gabi? Umasa na lang ng walang tigil? Tsk! Nakakainis, hindi pwede 'yon no!
Hindi naman ako ganoon katanga pagdating sa kanya. Slight lang! Slight lang naman!
Ayokong umasa! Final na talaga, hindi na talaga ako aasa sa kanya! Ayoko na, nakakapagod! Tagal-tagal ko ng nangangarap at ngayon naman na napansin niya na ako, may ibang babae naman pala.
Sayang lang! Nakakainis! Muli akong lumagok mula sa bote. Tumiim ang init ng vodka sa lalamunan ko. Ramdam ko na rin ang nag-iinit kong mga balikat, lalamunan, likuran, leeg at mga braso. Pati sa tiyan ay mainit na. Naningkit ang aking mga mata, chorus na!
Mabilis akong tumikhim at mas hinigpitan ang paghawak sa mikropono.
“Bakit nga ba mahal kita—” Ibibirit ko sana ang kanta pero hindi na naman natuloy. Paano ba naman kasi, biglaan na lang may nag-doorbell sa unit ko. Napalabi ako, istorbo naman, e!
Padabog kong inilapag sa ibabaw ng center table at bote ng vodka na halos wala ng laman. Inihagis ko ang mikropono sa ibabaw ng couch at dumiretso sa may pintuan.
“Bakit ba kas—”
Hindi ko na naituloy ang balak kong sabihin noong tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha at pigura. Tiningala ko siya dahil sa katangkaran niya, ang anino niya'y tinakpan ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa hallway.
“Cindy? Are you drunk?”
Hindi ko talaga alam kung minsan ba ay tanga si Zico o sinasadya niya lang, e.
Ngumisi ako, “Hindi no!” Pagtanggi ko kahit pansin ko na rin ang pagiging medyo magalaw at mauga ng sarili kong paningin.
“Cindy!” nag-taas siya ng boses bago inabot ang boses ko. Mahigpit niyang hinawakan 'yon dahilan para muli ko siyang tignan sa mukha.
Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Oh, shit. Ang mapula at maganda niyang labi. Napakagat ako sa sarili kong labi, ano kayang pakiramdam na mahalikan siya? Malambot kaya? Masarap kaya? Masama ba kung susubukan ko kahit isang beses lang?
“Cindy? Are you even listening to me? You're totally drunk! Ayusin mo nga ang sarili mo. Cindy!”
Sige magsalita ka lang habang tinititigan kong mabuti ang labi mo. Lalo iyong nagiging kaakit-akit sa paningin ko.
“You didn't even reply to my messages. Kahit isa lang! Tapos nandito ka at naglalasing? Damn, Enrile! Ginagalit mo talaga ako!”
“Cindy!—”
Hindi ko na kinaya ang init na nanggagaling sa katawan ko pati na ang mabilis na tibok ng puso ko. Kasabay ng malakas na tugtog mula sa videoke ay ang malakas na tibok rin ng traydor kung puso.
Hinila ko ang t-shirt niya bago tumingkayad. Kahit nanghihina ang mga tuhod ay pinilit kong ilapit ang mukha ko sa kanya. Hanggang sa tuluyan kong naramdaman ang malambot niyang labi matapos kong idikit ang labi ko.
Mariin akong pumikit at mas hinigpitan ang hawak sa damit niya. Idiniin ko ang labi ko, pigil ang hininga at parang kahit anong oras ay pwede na akong himatayin.
Ang lambot! Ang lambot lambot! Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ang isang Zico Valderama. Ang sarap sa pakiramdam ng labi niya, parang hindi ko pagsasaawan kung sakaling umulit man ang ganitong pangyayari sa aming dalawa.
Nang humiwalay ako ay doon ko lamang nakitang mabuti ang ekspresyon niya. Nanlalaki ang mga mata habang bahagyang nakaawang ang namumulang labi. Ano ba 'yan! 'Wag nga ganyan! Goodbye kiss ko na 'yon ano, pagkatapos ng gabing 'to, hinding hindi na talaga ako aasa!
Huminga ako nang malalim at masama siyang tinitigan. “Closure na 'yon. Hinding hindi na ako aasa sa'yo, Valderama! Goodbye!” anas ko bago mabilis na isinarado ang pintuan.
Shit! Shit! Ang lambot talaga ng labi niya, parang gusto kong ulitin! Bumuntonghininga ako nang maalala ang sinabi ko. Oo nga pala, closure na 'yon. Suko na ako. Ayoko na. Hindi ko na siya mahal, pagod na akong umasa!
Mabilis ang tibok ng puso ko pero dahil sa hilo ay parang gusto ko na lang matulog. Bigla na namang tumunog ang doorbell. Putek naman, sino na naman 'yon? Hindi pa ba siya umaalis?
Padabog akong bumalik sa pintuan at binuksan 'yon.
“Ano na naman—”
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko noong biglang tumungo si Zico. Sinapo ang parehas na pisngi ko bago inilapat ang labi niya sa labi ko. Parang sasabog ang puso ko dahil sa ginawa niya, para akong natauhan at parang naalis ang kalasingan ko. Dahan-dahan akong pumikit bago hinawakan ang braso niya.
Biglang humiwalay si Zico. Dahil sa bigat ng talukap ng mga mata ko at bahagya ko na lamang naidilat ang mga mata ko upang tignan siya. Naramdaman ko ang hinlalaki niyang pinaglalaruan ang labi ko pati na ang init ng kanyang hininga.
Shit, ang bango talaga.
Huminga siya nang mas malalim at hinapit ako papalapit sa kanya. “I wanna taste your sweet vodka tainted lips once more, Cindy...”
“Z-Zico...” Tangina! Parang lalabas ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito! Parang kahit anong oras ay maaaring tumalon na lang 'yon palabas ng katawan ko.
“Just one more, baby. One more...”
At muli niyang sinakop ang labi ko sa isang marahan ngunit napakainit na halik.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com