24.
"so, wala kang kailangan?" tanong ni jimin sakin, nasa iisang kwarto lang kami. nasa kama siya ni kyle tapos ako sa kama ko habang nagbabasa ng libro.
"sabi ko nga sayo, wala, kaya bumalik kana sa kwarto mo. kaya ko yung sarili ko."
"hindi ka nga makalakad ng maayos, kaya mo pa sarili mo ng lagay na yan?" tangina? ambilis magsalita, nagrarap ka kyah?
"jimin, seryoso, bumalik kana. baka mamaya maging uncomfortable pa ako."
"wala akong pake kung uncomfortable ka, hindi ka okay, kailangan kita bantayan sa ayaw at sa gusto mo. ayoko kitang nakikitang nasasaktan. kaya walang silbi yang pagsasalita mo—"
napatigil nalang siya, ayoko kitang nakikitang nasasaktan.
puta.
puta.
puta.
pUTANGINAAAAAA.
"jimin, seryoso ako." sambit ko. ayoko magpahalatang slight na medyo na bahagya na kaunti lang na kinikilig ako. very light lang naman. ano ako? kikiligin ng todo sa kaniya? ano siya? ihi? ulol.
"seryoso rin ako, gale."
"ano ba talagang gusto mo para mapaalis lang kita dito?"
"bakit mo ko iniiwasan?"
"hindi kita iniiwasan, jimin. ikaw lang nag-iisip ng ganiyan." sagot ko. "halata namang iniiwasan mo ako, gale. hindi na ba ako importante sayo?"
"yan, ganiyan ka, jimin. akala mo gusto kita kaya kapag wala kang kausap, ako yung puntirya mo. sorry to break your bubble, jimin, hindi kita gusto."
hindi ako makatitig sa kaniya, kilala niya ako. alam niya kapag nagsisinungaling ako.
"ganun lang naman kadali para sayo yun, gale. syempre, ano pa nga bang ineexpect kong sagot sayo. e diyan ka magaling. inexpect ko naman na hindi mo talaga ako gusto, kaso pinaikot-ikot mo ako, simula nung mag-usap tayo uli. ganun ka naman sa lahat ng lalaki, akala ko gusto mo na ako. hindi pala. hindi ko alam kung anong nakain mo, pero sobrang manhid mo, gale. nakakasakit kana."
tumayo siya at umalis.
hindi pa rin nagsisink-in yung mga sinabi niya sakin.
kung alam mo lang kung gaano ko gustong sabihin sayo yung totoo, jimin. kung alam mo lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com