Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

1

~Pauline Batumbakal~

Magpapakilala na ako, syempre.

Ako nga pala si Pauline Batumbakal-Pau for short. Kung ga'no yung kinaganda ng pangalan ko, ganu'n naman yung kina-chaka ng apelyido ko. Like, oo, sobrang weird ng mga pangalan ng tao ngayon. Pero masyado naman na yatang nasobrahan 'yung akin.

I'm an 11th grader at the age of 17. As you can see, naabutan ako ng K-12. Halata naman, eh. Pero, para sa'kin, okay lang 'yang K-12 na 'yan. At least, mas tatalino ako and all.

I don't have my parents anymore-just my grandparents. Sabi nila lola, mom and dad died while we were in a cruise.  It was my birthday party back then-September 18. Sumabog daw ang cruise na sinasakyan namin. Some were caught on fire, while majority died because of drowning. Buti na lang marunong lumangoy sina lolo at lola. Diver kasi sila parehas and they were still at their 50s that time. Malakas pa sila kaya nagawa nila akong iligtas.

Pero ngayon, senior citizen na sila, of course. Years had passed and everybody grows older. I'm currently staying in a dormitory with my bestfriends. Once every week akong bumibisita kina lolo at lola, while I spend my vacation days with them. Napapansin kong tumatanda na sila and that they can't do alot nowadays. Gusto ko silang alagaan, but I still have to finish my studies. I'm pretty sure naman na they'll be more than proud of me if I get to finish school and get a job afterwards.

Speaking of, as I've said, nag-s-stay ako sa dorm with my bestfriends. Tatlo kaming magkakaibigan. Let me introduce my beloved bestfriends-more like, sisters to you.

They're Dalie Kabayonas and Francine Lapastanganus.

Sabi sa inyo, eh. Ang weird ng mga surnames ng mga tao ngayon.

17 years old din si Francine. 11th grader, of course. We've been friends since elementary kaya alam na namin yung sikreto ng bawat isa. Alam na namin kung kaninong utot yun, amoy pa lang. Titigan pa lang, alam na kung anong nasa isip. Memorize na namin yung features ng isa't isa. Magkahawig nga kami, eh, kaya mas naging close kami sa isa't isa. Tapos, guess what? Parehas din kami ng birthdate. Tsk, meant-to-be. May tawagan kami nyan. "Kendi".

Si Dalie naman, unlike Francine, naging bestfriend namin nung first year high school lang. Pero, hindi nu'n mababago yung pagturing namin sakanya. She's still our bestfriend, and no one can change that. 17 years old din sya, pero mas matanda kami ni kendi sakanya ng 3 months. December 15 kasi yung birthday nya.

Naglalakad kaming dalawa ni kendi papunta sa locker room. Wala si Dalie ngayon, absent. Nag-aalala nga kami. Ayaw niya kasing mag-absent kami para maalagaan siya. Nilagnat siya bigla, eh.

Kaso hindi naman siya mainit no'ng kinapa ko 'yong noo niya. Ah eh... Baka lagnat sa loob lang.

Nakarating na kami sa locker room at binuksan yung locker namin para kumuha ng books. Magkatabi lang kami ng locker. Nang isara namin ang locker doors namin, nagsimula na ulit kaming maglakad pabalik sa classroom. Walang masyadong tao ngayon dito. Pero napahinto kami nang may magsalita mula sa likod namin.

"Hoy. Anong ginagawa n'yo dito?"

Awtomatikong nagkatinginan kami ni kendi at napangisi ng sobrang laki. Hinarap namin si Dianne Alipores, 'yong ultimate kaaway namin dito sa school. Masyado kasing feelingera to the point na ang sarap na lang nyang ingudngod sa imburnal.

"Umiinom ng alak," Pabalang na sagot ko. "Tsk. Bulag ka pala? Hindi ako na-inform."

"Pa'no ka ma-i-inform kung wala ka namang utak para mag-take ng information?" Sabi nya at napangisi din. Lumapit sya sa'min.

"Walang utak?" Tanong ni Francine. "Sinasabihan mo ba 'yong sarili mo n'yan, missy?"

Hindi sya nakasagot. Nag-iisip sya ng isasagot pero kalaunan ay umirap na lamang sya. Binalik nya yung nakakalokong ngiti nya at mas lumapit pa sa'min.

She stroked our cheek, "Oh c'mon, ladies." She whispered, her breath fanning our faces. "You're jealous, aren't you?"

Napa-irap ako. "Kanina mo pa yata pinapatamaan 'yang sarili mo, Dianne." Sabi ko at tinabig ang kamay nya.

"Wag mo nga akong hawakan," sabi ni kendi at tinabig din yung isa nyang kamay. "Nadadapuan ako ng germs. Eww."

Namula sa galit si Dianne at lumayo ng kaunti sa amin. She tried to compose herself and spoke once again, "You better not say such things to me again."

"Sino bang nauna? Tsk." Pagmamaktol ko at nag-cling sa braso ni Francine. "Don't hit yourself with a hard stone."

"Kung hindi kayo sumagabal sa school na 'to, I would've been on top for like, forever." Sabi nya, glaring at us. "Pero, hindi eh. Dumating kayo at kayo ang nauna."

Ayun. Lumabas yung totoong rason.

"If you really want to be on top, you should work hard. Not put yourself in a war with us." Pangangaral ni kendi, "We've been telling you these things for more than ten years now. Hindi ka pa'rin ba magbabago? Can't you just move on?"

"You stole my place! Now you're asking me to move on? You-"

Bago pa man n'ya matapos yung sinasabi nya, tinapat ko na 'yong kamay ko sa mukha nya.

"Don't talk. You're wasting your time," I said, "And saliva. Pakitingnan din po, ha? Wala kasi kaming payong panangga diyan sa ulan na prino-produce ng bibig mo."

Sasagot pa sana s'ya pero nahila na namin ni kendi yung isa't isa paalis sa lugar na 'yon.

Nakaka-stress.

She's been bugging us since we transferred in this school. Sabay nga din pala kaming nag-transfer ni kendi, if you'd ask. Since then, lagi na kaming tie ni kendi in the first place and Dianne would be the third honor.

Hindi n'ya yun matanggap. Nakakabanas. Naninira ng araw, eh.

Pagpasok namin ni kendi sa room, bulong-bulungan agad 'yong narinig namin. Umupo kami sa upuan namin sa pinakalikod. Magkatabi kami. Nakiramdam kami sa mga sinasabi ng kaklase namin.

"Really? May transferee, girl?"

"Oo daw, bae. Dalawa nga daw sila, eh."

"Weh?! Yung totoo? Fafas ba yan?"

"Isang babae at isang lalaki."

"Ohmygosh. Akin na lang 'yong boy-"

Natigil ang pagbubulungan nang may pumasok na dalawang tao. Babae't lalaki. They smiled sheepishly at us and roamed their eyes around the room, looking for an empty seat. Napadako yung tingin nila sa mga upuan sa harapan namin ni Francine. Hurriedly, they went straight to it and sat.

The whole class went silent.

Ito 'yong transferees?

Bakit ang gwapo nung lalaki? Grabe, ah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com