Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

19

~Her POV~

I don't hurt.

I kill.

I have my reasons. Reasons which I only know. Reasons that're hidden deep in my mind.

Not in my heart...

...because I don't have a heart.

Because someone's got that heart already.

I smirked as I saw my reflection in the mirror. I removed my ponytail, revealing my long and curly brownish hair. I played with it and let out an evil chuckle.

"Pakawalan mo na ako, parang awa mo na!" He pled.

"Uh-uh," I said while shaking my head, putting on my gloves, grabbing the chainsaw and walking towards him slowly, "Kasalanan mo din naman, eh. You're eavesdropping. May alam ka na. Tingin mo ba hahayaan kong mabuhay ang taong may alam kung sino ako?"

He looked at me with fear, "Pakiusap!" He shouted my name, making me laugh. Soon, my laughs turned into a glare.

"I'm not her," I said, referring to my name, "Everybody changed me. This is the new and real me." I bitterly explained. Suddenly, a large smirk crossed my lips, "Any last wishes, Manong Dodong?"

"Hija! May pamilya akong uuwian! Paano na sila kung mamamatay ako? Wala na silang makakain. Wala na silang pera. Maawa ka na. Pakawalan mo na ako! Wag mo akong patayin." Umiiyak na sya ngayon.

No time for sympathy.

I faked a pout, "Aww. Edi..." Then I smirked, "Papatayin ko din sila." Inangat ko yung chainsaw, "Para magsama kayong lahat sa... impyerno?" Tapos tumawa ako.

Iling lang sya ng iling. Napapikit nalang sya nang i-start ko na 'yong chainsaw. Once again, I heard him murmur, "Pakiusap... Wag mong gawin ito... Maawa ka na."

Tss. May mapapala ba ako sa awa-awa na 'yan?

Kung ako nga, hindi ako naaawa sa sarili ko, eh. Why will I pity other people?

"Goodbye, Manong Dodong." Was my last words before the chainsaw landed on his feet. Sumigaw sya ng sumigaw as I cut his legs, his feet, his arms, hands, and his head. Pinag-hiwa-hiwalay ko 'yong body parts nya.

I smiled in success as I confirmed he's already dead. Tumayo ako at binaon sa bunganga nya 'yong chainsaw. I grabbed my backpack and smirked happily. Getting a sticky note, writing a letter there and leaving it on the floor, I left the quiet place quietly.

All of you will die.

Wait for your turn. I'll kill you all.

***

~Seth Park~

Pagkadating na pagkadating ko pa lang sa harap ng school ay nakita ko na ang gulo na nangyayari sa loob ng karinderya ni Manong Dodong.

Anong nangyari?

Out of curiosity, naglakad ako papunta doon. Sobrang daming tao. Nakipagsiksikan ako at habang nakakapasok ako ay may naaamoy akong masangsang na amoy. Siksik lang ako ng siksik at palakas naman ng palakas 'yong masamang amoy na 'yon. Nang marating ko ang harapan ay may mga pulis na nando'n.

Pero ang mas kinagulat ko ay 'yong putol-putol na body parts ni Manong Dodong sa sahig. Alam kong sakanya 'yon dahil nakita ko 'yong ulo nya. Nililigpit pa lang ng mga pulis 'yong mga 'yon at nakita ko pa ang chainsaw na nakabaon sa bunganga nya.

Kakadating lang siguro ng mga pulis.

Pilit nila kaming pinapalabas pero masyado kaming madami kaya wala silang laban.

Nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Isama mo pa ang galit at pagtataka.

Sino ang walanghiyang gumawa no'n kay manong? Napakabuting nyang tao para ganituhin! Wala syang kaaway dahil mapagkumbaba sya. Ngunit sino ang gagawa nito sakanya? Bakit?

Madaming tanong ang bumabagabag sa isipan ko.

Naging malapit ako kay manong at para ko na syang tatay. Bakit kailangang mangyari ito sakanya? Hindi ba't parang sobra naman yata?

Aalis na sana ako ngunit hindi nakaligtas sa'kin ang isang white sticky note na nakadikit sa floor, sa sulok ng karinderya. Lumapit ako do'n at kinuha 'yon. Binasa ko ito at isang kakaibang kilabot ang dumaan sa akin.

Pakielamero. Masyadong usisero. Dapat lang siyang patayin, madami na siyang nalalaman.

Sudden recognition came rushing to me.

'Yong handwriting...

'Yon din 'yong handwriting ng mga nagpapadala ng notes kay Pauline.

Ibig sabihin... iisa lang sila?

Pero, bakit? Anong kaugnayan nito doon?

Lumapit ako sa mga pulis at inabot ang sticky note, "Nakita ko pong nakadikit sa sulok."

Binasa nila 'yon at napuno ng pagtataka ang mga mukha nila.

"Salamat dito, hijo," Sabi no'ng chief, "Malaking tulong ito."

Tumango na lang ako at umalis na doon. Nakita ko si Pauline, Francine at Dalie na nakatayo sa labas, umiiyak. Nilapitan ko sila at sa itsura nila, alam kong nakita na nila ang nangyari sa loob. Mukhang bago pa man ako makarating ay nakita na nila iyon.

Bigla kong nakita si Dane at Drany na tumatakbo papunta sa amin.

"Pauline," Nag-aalalang tawag ni Dane. Lumapit siya rito at kinulong ito sa mga bisig nya. Mas napaiyak si Pauline no'n.

"M-mamimiss ko si m-manong Dodong..." Bulong nya. Ramdam na ramdam mo ang hinanakit nya.

Kahit ako, naiiyak. Pero kailangan kong magpakatatag.

Nilapitan ko si Francine at tulad ng ginawa ni Dane ay niyakap ko din ito. Mahigpit ang pagkakayakap ko. Gusto kong iparamdam na nandito lang ako, na may karamay sya. Pinatong ko ang baba ko sa ulo nya at hinagod ang likod nya.

"Shh," Pagpapatahan ko, "Nandito lang ako."

Naramdaman ko ang munti nyang pagtango sa dibdib ko. Namataan ko din ang paghagod ni Drany sa likod ni Dalie.

Pero hindi mawala-wala sa isip ko 'yong killer.

Sino ba sya? Ano bang kailangan nya? Bakit napaka-walang hiya naman nya para pumatay ng sobrang daming tao? Hindi ba sya nagsisisi? Paano pa sya nakakatulog tuwing gabi?!

Sana ay mahuli sya. Kung sino man sya.

Alang-alang sa mga taong namatay ng dahil sakanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com