4
~Francine Lapastanganus~
Kakalabas ko lang ng school. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng tricycle nang makita kong may isang taong pumukpok sa batok ng isang babae gamit ang isang baseball bat. Babagsak na sana 'yong babae kaso nasalo siya ng isang lalaki at 'yong namukpok ay halatang nagulat. Hindi siya agad nakakilos.
Nanlaki ang mata ko nang mapigura kung sino 'yong napukpok na babae. Agad nanlisik 'yong mata ko at kumulo ang dugo ko. Tumakbo ako ng sobrang bilis at maaabutan na sana 'yong namukpok kaso nabalik siya sa katauhan niya kaya tumakbo siya palayo. Mas mabilis siyang tumakbo sa'kin kaya hindi ko siya naabutan.
"HOY!" Sigaw ko, "HOY BUMALIK KA DITO!"
Kaso, siyempre, hindi siya bumalik. Nakatakas siya.
Alalang-alala ako nang balikan ko si Pauline. Siya 'yong pinukpok ng baseball bat. Buhat-buhat na siya no'ng lalaki. Napasinghap ako nang makitang may sugat siya na binalot sa panyo sa may bandang braso niya.
Tumakbo ako papunta do'n sa sakayan ng tricycle. Medyo malayo pa kasi siya do'n sa lugar kung saan nawalan ng malay si kendi.
"Kuya, kuya!" Tawag ko, "Do'n po, dali." Tapos sumakay ako sa tricycle niya at tinuro 'yong direksyon ni kendi.
Nang makarating kami doon ay lumabas ako at pinapasok agad 'yong lalaking nakasalo kay kendi. Sumakay ako sa likod ng tricycle.
"Diretso po tayo sa ospital, manong." Sabi ko. Tumango naman 'yong driver at pinaharurot ang tricycle papunta sa ospital.
Nang makarating kami do'n ay nagbayad ako kay kuya. Lumabas 'yong lalaki nang buhat-buhat si Pauline. Mabilis kaming naglakad papasok sa ospital. Nang makita kami ay agad kaming tinulungan ng mga nurse. May dala silang rolling bed. Pinatong nila do'n si kendi at sinundan namin sila hanggang sa makapasok sila ng emergency room. Umupo ako sa upuan sa tabi ng pintuan ng emergency room. Bawal na kaming pumasok.
Anong problema no'ng namukpok kay Pauline? Hindi ko nakita 'yong mukha niya dahil naka-face mask siya at naka-sunglasses. Naka-all black siya.
Baka naman si kamatayan 'yon?
Pero, hindi eh. Babae kasi siya. Mahaba 'yong buhok niya at pang-babae ang hubog ng katawan.
Hindi naman siya si Dianne kasi payat 'yong haliparot na 'yon. But somehow, parang familiar sa'kin 'yong hubog ng katawan no'ng namukpok.
Pero, grabe naman 'yon. Para namang sobrang laki ng problema niya sa bestfriend ko. Kung naabutan ko talaga 'yon kanina, pinatay ko na 'yon sa sakit ng sabunot, eh.
Natigil ako sa pag-iisip nang may mangulbit sa'kin. Nang tingnan ko 'yon, nakumpirma kong 'yon pala 'yong sumalo kay kendi kanina.
Gwapo, ah. Hindi ko man lang napansin kanina.
Ay, tigil-tigilan mo muna 'yang kalandian mo, Francine. Pakiusap. 'Yong bestfriend mo ang pagtuunan mo ng pansin.
"Bakit?" Tanong ko nang umupo siya sa tabi ko, "Ay, salamat nga pala. Buti nasalo mo 'yong bestfriend ko."
"Ikaw pala 'yong bestfriend na sinasabi niya," Sabi niya habang tumatango-tango. Napakunot-noo naman ako. "Ay, hindi. Kasi kanina sa karinderya ni manong Dodong, nagkita kami. Suki din pala siya do'n, tapos sabi niya wala daw 'yong bestfriend niya kaya hindi muna siya agad umuwi. Ikaw pala 'yong bestfriend na 'yon."
"Ah, oo. Nag-badminton kasi kami kanina."
"Teka lang," Sabi niya, "Bakit ba pinukpok 'yong kaibigan mo? May nagbabanta ba sa buhay niya o ano? May kasalanan ba siya?"
"Mabait 'yong bestfriend ko, 'no." Sabi ko, "Ewan ko din. Jusko. Kung naabutan ko lang talaga 'yong maharot na pumukpok kay Pauline... Mamamatay siya ng wala sa oras."
"Sorry at hindi ko nahabol. Hindi ko naman kasi alam kung sa'n bibitawan si Pauline. Puro bato kasi tapos may mga nakikita pa akong bubog. Baka madagdagan pa 'yong sugat niya."
"Okay lang. Ipapa-hunting ko na lang kung sino man 'yon."
"Tutulungan kita," Sabi niya sabay ngiti at lahad ng kamay, "Ako nga pala si Seth. What's your name?"
Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti din, "Francine."
"Nice." Sabi niya, "Rhyme pa 'yong pangalan niyo, ah."
"Destiny kasi kami. Huehue."
Napatawa naman siya ng mahina. Waaah. Syet lang talaga. Ang guwapo nga kasi niya, 'di ba?
Agad akong napabaling sa pintuan ng emergency room nang lumabas mula do'n ang doktor. Tumayo ako at bago pa siya magsalita, inunahan ko na siya.
"Ako po 'yong kaibigan niyang andito. Napa'no po siya?"
Napatingin sa'kin 'yong doktor at ngumiti.
"She's okay now," Sabi niya. "I guess natamaan siya sa batok, right?" Tanong niya at tumango naman ako. "Sabi na nga ba. Meron siyang sugat sa braso niya and I think nadaplisan siya by a sharp object, of course. Saan ba kayo galing?"
"Sa school po. Naabutan ko na lang po siyang pabagsak na. Hindi ko nahabol 'yong namukpok sa batok niya. Baseball bat po 'yong ginamit, eh." Pagpapaliwanag ko.
Naging seryoso 'yong mukha no'ng doktor, "Sinadya siyang pukpukin?" Tumango ako. "You know, you better call the police if that's the case. Kasi as I can see, may nagbabanta sa buhay ng kaibigan niyo. Not unless may kasalanan siya?"
"Mabait po 'yan."
"Nako. Basta stay safe na lang, ha? Sana 'wag nang maulit 'to." Sabi niya, "Going back. Pinukpok siya sa batok at malakas 'yong impact no'n kaya siya nahimatay. Buti nga hindi sa likod ng ulo, eh. Nagegets niyo naman, 'di ba?" Tumango ulit kami. "Yun lang. Maayos na siya ngayon. Anytime soon, she'll wake up. Baka nga gising na siya eh. Hindi lang niya siguro kinaya yung lakas ng pagkakapalo kanina."
Nginitian ko 'yong doktor, "Thank you po."
"It's my job." Sabi niya at nginitian din kami, "I'll get going now. Take care sa susunod, ha? Sige."
"Thank you po ulit."
Tinanguan niya kami at umalis na. Tiningnan ko si Seth at sabay kaming pumasok sa E.R. Pinuntahan namin 'yong kama ni kendi at nang makarating kami sa tabi niya, gumalaw siya. Natuwa naman ako. Unti-unti niyang minulat 'yong mata niya.
"Aray," sabi niya, "Nasisilaw ako sa kagandahan mo, kendi."
Finlip ko 'yong hair ko, "I know right."
"Teka, ano bang nangyari?"
"Wala kang maalala?"
"Tingin mo may naaalala ako ngayong nagtatanong ako?"
Inirapan ko siya at kinulbit si Seth, "Ikaw na magkuwento. Plish."
Bumaling naman siya kay Pauline at nagsimulang magkuwento sa kung anumang nangyari kanina. Pauwi na din pala siya nang makita niya si kendi na binabato ng bato na may matutulis na endings. Lumapit siya para sana hulihin 'yong namamato kaso nagulat na lang siya nang pukpukin niya ng baseball bat ang batok ni kendi kaya wala siyang nagawa kundi saluhin 'yon.
"Salamat, ah." Sabi niya kay Seth. "Salamat din kendi."
Tumango naman kami. Umupo ako sa tabi niya at dinaldalan siya.
***
~Seth Park~
Sumandal ako sa pader sa tabi ng kama ni Pauline at pinanuod silang magkuwentuhan ni Francine.
Napatitig ako kay Francine.
Ang ganda niya, pramis.
'Yong tipong hindi ako agad nakagalaw kanina no'ng makita ko siyang alalang-alala na inaasikaso 'yong bestfriend niya. Tapos, ang bait niya pa. Parehas pa kaming mahilig sa badminton, kahit na hindi ako sumasama sa badminton try-outs.
Ano kayang pwedeng gawin para mapalapit sakaniya?
----
A/N: Yo guys. I want to dedicate this chapter to @Soothally . Hi best! :*
Thank you for reading guys. Mua! Annyeong~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com