Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

9

~Seth Park~

"MAY KOTSE KAAAAAAAAAAAA?!" Gulat na gulat na tanong ni Francine sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay and I fought the urge to laugh. "Tingin mo?"

"Tingin ko kasi wala. Tara, commute na. Ginu-good time mo lang ako, eh."

"Sa'kin 'yan. Mukha ba akong manloloko?"

Tinitigan niya ako at in-analyze 'yong mukha ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko. Aish.

I thought her eyes on me was the best thing I could experience for now. But I think I'm wrong, for my heart's about to explode.

Soon, ngumiti siya. 'Yong abot sa mata. Mas lalo kong naramdaman 'yong mabilis na tibok ng puso ko. Ang ganda niya talaga. Pero mas kinagulat ko eh 'yong pag-cling niya sa braso ko. She looked up at me while still smiling.

"Sabi ko nga, hindi ka nagsisinungaling. Tara na?"

It took me a second to go back to reality. I composed myself and nodded, tapos hinila ko na siya papunta do'n sa naka-park kong kotse. Hindi naman mamahalin 'yong kotse ko, pero pag tiningnan mo, mukhang mamahalin.

Nakita kong nag-sparkle 'yong mata ni Francine which made me smile. Binuksan ko 'yong pintuan para sana papasukin siya do'n kaso tinaasan niya ako ng kilay.

"Ako magda-drive?" Tanong niya.

Napatawa ako, "Hindi!"

"Eh ba't ka papasok diyan?"

"Shunga ka rin, 'no?" Sabi ko habang tumatawa pa'rin. "Pinagbubuksan kita ng pintuan!"

Inirapan niya ako, "Malay ko bang gentleman ka?" Tapos padabog siyang pumasok sa kotse. Napangiti ako sa ginawa niyang 'yon at sinara ko na ang pinto. Dumiretso ako sa kabilang pinto at pumasok. Pinaandar ko na 'yong kotse at nag-drive papuntang mall.

"Ang bango," Sabi niya. "Pabango mo 'yon?" Tinanguan ko siya. "Ang bangoooo. Ay alam mo, mahilig ako sa mga panlalaking pabango. 'Yong tipong kapag dinaanan ka nila, mag-i-istay sa lugar mo 'yong amoy ng pabango nila. Tapos hindi siya masyadong matapang, hindi din walang amoy. Sakto lang. Ang sarap kaya-"

Napatigil siya nang makitang nakangiti ako ng mawalak.

"Ba't ang laki ng ngiti mo?" Tanong niya. Tinapunan ko siya ng tingin pero agad ding binalik sa daan 'yong tingin ko.

Ang saya ko lang no'ng makita kong medyo namumula siya. Ang cute nya.

"Wala naman," Pag-deny ko habang nakangiti pa'rin. "Ang cute mo lang kasi."

"HOY AH! HOY AH! SABI NA, EH! MAY LIHIM NA PAGTINGIN KA SA'KIN! HOY AH~"

Kahit na alam kong totoo 'yong sinabi niya, I brushed her away by chuckling.

"Wag kang mapiling, ples." Pasimple kong sagot.

Kahit na 'di ko siya nakikita ay naramdaman ko ang pag-irap niya sa'kin. Hindi na din siya nakasagot dahil nakarating na kami sa mall. Nagbayad ako ng parking fee at nag-park sa pinakatuktok na parking lot. 'Yong sa 5th floor.

Lumabas ako at pinagbuksan siya. Nakita ko pa nga siyang binubuksan 'yong door, eh. Buti na lang mabilis akong tumakbo kaya naunahan ko siya. Ahehehe.

"Bakit naman sa pinakataas mo naisipang mag-park?" Tanong niya habang hinahangin 'yong buhok niya at iniikot niya ang kanyang paningin sa paligid. Ang perfect ng view. Kulang na lang patugtugin 'yong "Slow Motion".

"Kasi hindi matao dito." Sabi ko, "Hindi 'to pinipili ng mga tao kasi alam nilang mapapagod lang sila. Bakit pa sila mag-aaksaya ng oras at energy na mag-park sa pinakataas na parking lot kung mayroon namang bakanteng parking space sa mas mababang floor, 'di ba?"

"O, eh bakit nga dito tayo sa pinakataas?" Tanong niya ulit pero this time, tiningnan niya na ako.

"Kasi nga, hindi matao." Sabi ko habang nakangiti. "Minsan kasi, kailangan mong magpaka-pagod para makuha 'yong mas gugustuhin mong bagay. Eh para sa'kin, mas gusto ko 'yong walang sasakyan kundi 'yong akin lang. Para kapag aalis na ako, hindi ko na kailangang hanapin pa 'yong daan paalis. Dire-diretso na lang ako."

Bigla siyang ngumiti at lumapit sa'kin.

"Nux naman si koya. Humu-whogoat to the 69th level!" Sabi niya sabay snap ng daliri sa hangin. "Tara na nga lang. Baka mahulog pa ako sa lalim ng pinaghukayan mo."

"Sasaluhin naman kita, eh."

"DI BA SABI KO SA'YO 'WAG KANG BUMUBULOOOONG?!"

Tumawa ako, "Sabi ko, oo na. Tara na sa loob. Sorry naman, di ba?"

Ngumiti ulit siya, "Good."

Sumakay na kami sa elevator pababa at nagpa-stop sa 3rd floor kung nasaan 'yong arcades. Pagpasok namin do'n, bigla niyang hinila 'yong braso ko.

"MAG-A-ARCADES TAYO? KYAAAAH!" Tapos hinila niya ako papunta sa bilihan ng token. "Isang daan po!"

Naghanda naman 'yong cashier ng tokens na pang-isang daan. Babayaran na sana ni Francine 'yon nang mag-abot ako ng dalawang daan.

"Dalawang daan na po, ate." Sabi ko. Tumango naman si ate at dinagdagan 'yong tokens. Inabot niya na sa'min 'yon. Hinati ko naman 'yon at inabot kay Francine.

"Akala ko KKB." Sabi niya.

"Ako 'yong nagyaya kaya ako 'yong magbabayad." Sagot ko.

Tumango naman siya, "Aba, dapat lang, kuya."

"Do'n muna tayo sa basketball." Yaya ko.

"Ayaw ko nga! Do'n muna sa catcher!"

"Ayaw ko!" Pagkontra ko.

"AKO 'YONG NIYAYA KAYA DAPAT AKO 'YONG SUNDIN!"

"Ako kaya 'yong nagbayad! Tingin mo ba kung wala kang tokens, may malalaro ka?"

"Aba! Nagbabayad na ako kanina tapos binayaran mo. Choice mo na 'yon, 'no!"

Nagtalo pa kami.

Pero syempre, at the end, siya 'yong nanalo.

Papanaluhin ko naman talaga siya, eh. Inaway ko lang siya kasi gusto kong mas mapahaba pa 'yong usapan namin at 'yong atensyon na nilalaan nya sa'kin.

***

Madami kaming ginawa sa mall.

Hoy, utak niyo. Linisin niyo muna.

'Yon nga. Madami kaming ginawa sa mall. Nag-arcade. Nagbaril-barilan kami sa arcade, nag-catcher, nag-basketball, lahat na ata. Kaso, hindi enough 'yong tickets namin para makuha 'yong maliit na Pororo na gusto ni Francine. Ewan ko nga, eh. Ang liit lang nung Pororo pero kailangan ng madaming tickets.

Hindi alam ni Francine na no'ng kumakain kami at nagpaalam akong mag-cr, nakiusap ako sa Arcade Zone na ibenta sa'kin 'yong pororo. Binili ko para sa kaniya. Wala. Gusto ko siya, eh.

Gaya nga ng sabi ko, madami kaming ginawa sa mall. Kumain, lahat na ng makita naming stalls pinasukan namin kahit na hindi naman kami bibili. Window shopping kumbaga. Pero may binili siyang bracelet para sa kanila ni Pauline at Dalie.

Hindi niya nakakalimutan 'yong bestfriends niya. Isa 'yan sa nagustuhan ko sakaniya.

Inabot na kami ng gabi sa mall. Okay lang naman daw sakaniya. Sunday naman daw bukas.

Pauwi na kami nang maisipan kong dalhin si Francine sa park. Wala lang. Trip ko lang.

"Hindi na 'to 'yong daan papunta sa bahay namin, ah." Sabi niya, "Hoy. Hindi pa ako ready."

"Ano ba?" Sabi ko, "Hindi kita rereypin. As if naman magkaka-interes ako sa'yo."

"Bastos 'to!"

"Sino bang nagsimula?"

Umirap na lang siya.

"Pupunta tayo sa park." Sabi ko.

Hindi na siya sumagot. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa park. Pinark ko 'yong kotse at syempre, pinagbuksan ko ulit siya ng pinto. Umupo kami do'n sa bench na katabi ng kotse ko.

"Bakit mo naman naisipang dalhin ako dito sa park?" Tanong niya. Mahangin ngayon, malamig.

"Para mapakita sa'yo kung ga'no 'to ka-peaceful tuwing gabi." Sabi ko habang nakatingin sa stars. "Tuwing umaga kasi, maingay, 'di ba? Iba na kapag gabi. Marerelax ka, gano'n. Dito ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa o kapag malungkot ako."

"Bakit mo kinukwento sa'kin 'yan?" Tanong niya. Tiningnan ko siya at napansin kong nakayakap siya sa sarili niya. Naka-shirt lang siya, eh. Ako, naka-hoodie pero may shirt sa loob. Astig ko, 'no? Wala, eh. Gwapo, eh.

Tinanggal ko muna 'yong hoodie ko bago sumagot, "Kasi gusto ko." Sabi ko at inabot sakaniya 'yong hoodie, "O. Suotin mo muna. Malamig."

"Ikaw naman lalamigin."

"Sanay na ako."

"Nays. Anak-mayaman ka, 'no?" Tanong niya at tumawa.

"Baliw." Sabi ko, "Kunin mo na lang kaya."

Kinuha niya 'yong hoodie at sinuot, "Ayan na po." Tapos suminghot siya, "Ang bangoooo."

Ang laki sa kaniya no'ng hoodie. Ang cute niya.

Napangiti ako at tumayo, "Saglit lang." Tapos tumakbo ako papunta sa likod ng kotse at kinuha 'yong Pororo. Pagkakuha ko ay bumalik ako kay Francine. Umupo ako ulit sa tabi niya at binigay 'yong Pororo.

Nanlaki 'yong mata niya nang kunin niya 'yon, "Hala." Sabi niya, "Hala ito yung sa Arcade Zone, ah!"

Tumawa ako ng mahina.

"Pa'no mo 'to nakuha?"

"Secret na 'yon."

"Sus. May pa-seret secret ka pang nalalaman!" Sabi niya at niyakap 'yong Pororo, "Pero salamat."

"Wala 'yon." Sabi ko, "So... pwede mo na sigurong masabing close na tayo?"

Ngumiti siya at tumango.

"Close na tayo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com