Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

68

Dym Toledo

7:22 PM

ms. lia

sorry sa istorbo.

pero makikialam na ko.

Dym

wala namang sinabi samin si kuya. hindi naman niya style magsabi ng problema. sasarilihin niya lahat.

kung hindi pa 'ko namilit na tumulong para sa pamilya namin noon, hindi siya hihingi ng tulong sakin.

anyway, alam kong magagalit siya na nangingialam ako ngayon pero gusto ko lang sabihin na pagsisisihan mo buong buhay mo pag pinakawalan mo pa si kuya ice.

you make him happy. please. yun lang ang gusto naming magkakapatid para sa kanya.

wag kang gagawa ng desisyon base sa takot. naiintindihan ko kung bakit, pero kilala mo naman na ang kuya ko, ms. lia.

Alam ko, Dym

Pero being realistic

he's done nothing wrong. you're treating him like a future mistake.

waw napa-english pa ko. kayo kasi kingina nyo

gumagawa ka lang ng problema. wala pa ngang nangyayari.

Pa'no 'pag meron?

pano pag wala?

You're telling me to take that risk.

oo. e ganon talaga ang pagmamahal, e. ako nga iniwan ng tatlong taon tingnan mo ko ngayon.

anak at asawa ko pala yon ah ikaw talaga tsk.

pag nagmamatchmake ka naman ms. lia, ikaw mismo ang nagsasabi sa kanila to try and take the risk. di naman nila kilala yung pinapakilala mo, e.

anyway, ang punto ko dito ay hindi lahat ng tao naghihintay lang ng tamang timing para saktan ka, at hindi mo laging mahuhulaan ang outcome. bahala ka na lang kung may tiwala ka sa tao o wala.

yun lang. pagisipan mo lang

read





Dym Toledo

8:56 PM

Thank you.

You're a good brother.

good brother-in-law din, subukan mo dali

Huy. Saglit lang ah

Iiyak muna ako

tanginamo ate paguuntugin ko na kayo e hahahahahah

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com