Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

WF - five

Mabilis na tumakbo ang araw at Lunes na. Kung pwede ko lang itigil ang oras ginawa ko na e pero eto papasok nanaman ako at ngayon may dala-dala pa akong stress. 

Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong naiisip na ideya doon sa pinapagawa nila sa akin. Ni isang clue wala. Taragis talaga. 

Kasalukuyan akong nag-lalakad sa hallway. Napaaga ata ako ng dating kasi halos wala pang tao at wala pa yung kulto. 

Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo ko. Ba't kasi ang aga ko pumasok? Simple. Iniiwasan ko si Kuya. Paano kasi feeling ko naguguilty ako. Tangina, may feelings pala ako. Bago yun ah.

Nag-libot muna ako sa school. Wala naman akong magagawa kasi ayoko naman tumunganga lang sa classroom at baka mabulok pa ako doon ng walang oras. 

Actually, 'di ko naman hilig ang mag-gala sa kung saan. Tamad kasi ako at mas gusto kong nakaupo lang. Excuse me, hindi ko sasayangin energy ko sa walang kwentang mga bagay. My energy is worth of. Tangina, english. 

Habang nag-lalakad tumunog yung phone kaya syempre kukunin ko no para makita kung sino tumatawag. Kailangan ko pa ba sabihin yun, tch.

"Hello." bagot kong sagot. 

"Lily." napatingin ako sa caller at kung hindi ako nagkakamali, ito yung number nung tumawag sa akin nung nakaraang araw.

"Sino 'to?" napakunot noo ko. Wag mo sabihing stalker ko rin siya? Aba tiba tiba naman tayo dito. 

"Blue." saan ko ulit narinig 'tong pangalang 'to? 

"Coffee shop." tangina, katakot. Nabasa niya nasa isip ko? 

"Paa-" tangina. Hindi ba siya tinuruan sa school na wag mas-salita habang nag-sasalita ako? 

"We like to remind you about 'that'." at doon bumagsak yung balikat ko. Ipaalala ba naman? 

"Oo na. Oo na." naiinis kong sagot. Ang sarap lang manapak. 

"Good. And by the way," kumunot nanaman noo ko. Ayoko talaga pag may 'by the way' pa kasi baka unexpected sasabihin ni-

"Smile. You look stupid when you frown." tas natapos yung tawag at ito ako naka-nganga.

Nakikita niya ako? Nakikita niya ako? Shet, nasaan siya?

Nakita ko sa may tapat ng gate ang gago na papasok na sa kotse niya at doon na tuluyang lumuwa yung mata ko.

Stalker nga.



"Oy, kumain ka na." tumingin ako sa sandwich ko at tiningnan yun ng masama. Kasi naman, yung Blue na yun. Naiinis ako. Akala ko trabaho ko lang alam nila pero pato school ko alam na nila. Kainis. 

"Lily, maawa ka sa sandwich mo. Tingnan mo nag-mamakaawa na oh." nag-tawanan naman ang mga gaga sa corny-ng joke ni Rachelle. Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha yung kinakain niyang burger at buong sinubo sa bunganga niya. Tangina neto, panira ng trip.

Mas lalong natawa ang mga gaga kaya nakuha namin yung atensyon ng mga kumakain sa cafeteria. Wala talagang hiya 'tong mga 'to. 

"Ano ba kasi problema mo? Kanina ka pa nakabusangot diyan." natatawa pang tanong ni Angel. 

"Oo nga. Kulang nalang lamunin mo na si ma'am kanina sa sobrang sama ng tingin mo." isa pa 'tong si Sara. At hindi lang yan, ginaya niya pa kung paano ako tumingin kaninang Science time. 

"Wala. Bad mood lang talaga ako ngayon." at sinimulan ng kainin yung sandwich ko. Matatapos ko rin 'tong walang kwentang misyon na 'to kaya 'di ko nalang sasabihin sa kanila.

Sinong niloko mo, Lily? Ni isang idea nga wala ka tch.

Napatigil ako sa pag-nguya at napatingin sa mga gaga. May kwenta rin naman siguro sila kausap noh? 

"May tanong ako." simula ko. Nag-tinginan naman sila sa akin at napatigil sa pag-lamon.

"Ako wala." singit ni Hannah. 

"Gago." inirapan ko siya. Ulol 'to. 

"Paano pag kunwari may binigay na misyon sa'yo, ano gagawin mo?" at ayan na ang tinging makahusga nila. Alam ko, walang kwenta. Wag niyo na ipamukha.

"Edi tatapusin ko. Gago ka ba o high?" a-matter-of-fact na sabi ni Aria. Akala mo naman nakapatay ako sobrang judgemental ng tingin.

"Hindi." at kumaway pa ako sa harap nila, "ganito kasi. Wala kang kaalam-alam sa kung saan mo siya mahahanap. Tanging pangalan niya lang alam mo, ano gagawin mo?" tangina talaga 'tong mga 'to. Nag-tatanong ako ng maayos pero yung tingin nila para akong nag-massacre ng isang bayan.

"Lily, ano ng nangyari sa mala-Albert Einstein mong utak?" ngumiwi pa si Kyla habang nag-sasalita. Nag-tatanong kaya ako dito ng maayos, mga bwisit kayo.

"Sagutin niyo nalang kasi." naiirita kong sabi. 

"Edi hanapin!" sabay-sabay pa nilang sinigaw na para bang ako na ang pinaka-bobong tao sa mundo. 

Napakamot ako sa batok ko. Oo nga noh? Ba't 'di ko naisip yun? 



Kararating ko lang galing school at buti nalang pina-leave ako ni boss sa coffee shop. Dumating na kasi yung isa naming kasamahan na pinalitan ko ng pansamantala nung Sabado kaya okay lang kahit 'di muna ako pumasok. 

Alas tres na ng hapon kaya napagpasyahan kong mag-meryenda muna at makapag-pahinga. Umupo lang naman ako at tumunganga sa school pero pakiramdam ko dala ko ang bigat bigat ng katawan ko. 

Habang nakain ako ng banana cue na binili ko kanina sa may kanto, iniisip ko yung sinabi ng mga gaga kanina.

"Sabihin mo sa Kuya mo na i-search sa FB!" suhestyon ni Angel. 

Si Kuya lang naman ang dinahilan ko nung nag-suspetiya na sila sa mga tinatanong ko at naniwala naman sila. Basta sinabi ko na pumasok sa rin sa isang kulto si Kuya at para maging official member ay kailangan niyang hanapin yung baklang holdaper na nagnakaw ng iPhone 6s nung leader nila. Paniwalang-paniwala naman sila kaya hindi na ako tinanong. 

Gusto pa nga daw nila tumulong pero sabi ko wag na kasi baka pag nalaman ng boss nila na tinulungan namin sila ay si Kuya naman ang ipapahanap sa pulis at sabihing pumatay ng baklang holdaper. Tatango-tango pa sila e at kala mo paniwalang-paniwala.

Kinuha ko yung laptop ko at nag-log in sa FB. Baka makita ko yung Celine na yun dito. 

Halos manlumo ako kung gaano kadami yung results nung makita ko na halos isang daan ang lumabas nang i-search ko ang 'Celine Lee'. Tangina, alangan namang isa-isahin ko 'tong mga Celine Lee na 'to at baka nakagraduate na ako pag natapos ko lahat. 

May FB ba yun? Baka naman wala o baka iba yung pangalan. Malay mo naman diba. May mga tao kasing mas linalagay yung 'screen name' kuno nila para daw cool. Tangina naman, paano ko mahahanap yun? 

Tinry ko yung ibang pwedeng pangalan niya.

Cel Lee
Lee Celine

Line Lee
Linece Lee
Linece Eel
Neceli Ele
Ako Powz Si Celine
Ako si Celine Lee
@k0 p0w$ S1 C3l1n3
Celine Lee sa puso mo

"Aish." nagulo ko na yung buhok ko. Bwisit naman. Kung pwede lang na palitan ko na yung pangalan ng babaeng yun, nagawa ko na. 

Napa-face palm ako ng makita yung history ng sinearch ko. High na nga siguro ako. Mukhang mayaman yung babae pero pang-jeje yung sinesearch ko. 

Kinain ko na yung huling banana cue at napasandal sa upuan. Malas. 

Nag-browse nalang ako sa news feed ko para naman mabawasan yung stress ko pero mas lalo akong nairita nung limang sunod sunod na 'In a relationship' na status yung nakita ko. Tangina, nananadya ba 'tong mga gagong 'to?! Bwisit. Sa inis ko, binlock ko lahat ng mga taong yun pati na rin yung shota nila. Mga panira ng mood. 

Nag-patuloy ako sa pag-scroll at lahat ng makikita kong proposal videos o mga 'nakakaiyak' na wedding videos ay rinereport ko agad. Aba, wala akong pakialam. Bwisit ako ngayon at sinisira nila lalo yung mood ko. 

Nag-angry face ako sa isang picture na may quote na 'I want to spend forever making memories of us.' nung may isang new friend request ang lumabas.

Nakakunot noo kong pinindot yun at halos magtatalon ako sa tuwa ng makita yun. Kasabay nun ang isang idea na parang bumulusok papasok sa utak ko. 

Yes, mukhang alam ko na paano ko malalaman kung nasaan yung Celine na yun.


Clyde Ocampo    |   Confirm   |   Delete Request  |


++++++

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com