WF - two
Warning: Foul Words. EDITED VERSION.
+++++++++
Pakiramdam ko paglabas ko ng bahay ay may mga malalaking tao ang kukuha sa akin tapos dadalhin nila ako sa liblib na lugar at duon ako papatayin tapos pahihirapan nila ako. Ipapakain sa tigre at leon tapos gagawing fertilizer yung laman ko para sa mga uod tapos—
"Aish." sinampal ko sarili ko para mawala yung thought na yun.
"This is all your fault! You will pay for this!" paulit-ulit na nag-eecho sa tenga ko yung mga sinabi nung lalaki kagabi.
Tangina, kinikilabutan ako. Hindi ko naman kasalanan yun noh! Napakababaw naman ng lalaking yun para sabihin na ako may dahilan! Nan-trip lang ako, okay? Malay ko naman na yun pala yung sinasabii ng shota nun na sign! Aba!
"Wala akong kasalanan." naisambit ko.
"Ba't may kasalanan ka ba?" napatalon ako sa gulat nung nag-salita si Kuya.
"W-wala ah! Wala!" umiling-iling pa ako habang nakunot ang noo ko. Wala akong kasalanan! Malinis akong tao!
"Ba't ang defensive mo?"
Dumila ako kay Kuya at kumagat na ng hotdog. Makakalimutan rin ng lalaki yun yung ginawa ko.
"Oy malalate ka na. Lamon ka pa ng lamon e." sermon ni Kuya at linayo yung plato ko. Aba! Bastos 'to a. Binawi ko yung plato ko at isinubo yung natitirang kanin dun.
"'Nak, dali na. Malalate ka na oh."
"Opo, ma. Bye." hinalikan ko na si mama sa cheeks at dumila ulit kay Kuya bago umalis. Dumila din pabalik ang gago. Inirapan ko nga.
Nag-lalakad na ako papunta sa room nang makasalubong ko yung anim na itlog.
"Lily!" nag-fist bump kami lahat at sabay sabay na nag-lakad papunta sa classroom.
"Oh, ano na balita?" tanong ko. Paano ba naman, wala na atang thrill ang pag-pasok namin this school year. In short, boring.
"Ay, pre. Magugustuhan mo 'tong pinlano namin!" tuwang-tuwa na nagtatalon si Kyla habang naka-ngiti naman yung lima.
Exciting 'to ah.
"Aray!" tiningnan ko ng masama si Kyla pagkatapos ko siyang batukan.
"Seryoso ka ba?!" mas lalo pa kumunot yung noo ko.
"Li, astig kaya! E diba ayaw mo dun sa shota ng Kuya mo? Edi mas mabuting tayo ang gumawa ng paraan para lumayo siya sa Kuya mo!" pag-kumbinsi ni Rachelle sa akin.
"And one more, it's exciting! Nasa labas naman tayo so walang sabit!" singit naman ni Angel.
"Ay naku Lele. Mas maganda na yun kaysa yung para kang tanga diyan na sinisiraan yung babae sa Kuya mo!" yinugyog naman ako si Sara.
"Kung hindi yung Kuya mo ang lalayo, edi yung babae ang lalayo! Just simple as that!" nakangiting sabat ni Aria.
"This is the time, Lilz! This is it! Makakaganti ka na! E diba dati, tinakot ka na nung gagang yun? Edi ngayon tayo ang mananakot!" pinaalala ni Hannah sa akin.
Bumalik yung alaala nung tinakot ako nung gagang yun at sinabi pa sa akin na hindi ko daw sila mapaglalayo ni Kuya at paiikutin niya pa hanggang sa hindi na makikinig si Kuya sa amin ni mama. Shet, bwisit talaga yung babaeng yun.
"Payag na ko."
"Anong gagawin niyo sa akin?! Pakawalan niyo ako dito! Sino kayo?!" nagpupumiglas si Trisha habang nakatali sa upuan.
Ngumisi naman ako at inayos yung maskara ko. Pinaikutan namin siya at nag-simula na siyang mag-histerikal.
"Anong gagawin niyo?! Pakawalan niyo ako!"
Para 'tong tanga. E tali lang naman sa buhok yung pinangtali namin sa kanya. OA masyado, napaghahalataan.
Inirapan ko siya at dahan dahan na lumapit habang dala-dala ang isang upuan. Inayos ko sa harap niya yung upuan at umupo duon. Linagay ko yung likod ng kamay ko sa baba ko at tiningnan siya ng maigi.
"Kumusta ka na, Trisha?" mas binaba ko pa ang boses ko para hindi niya ako makilala pero nakita ko yung anim na nag-pipigil ng tawa dahil para akong chipmunk nung nag-salita ako. Aish, fail.
"Sino ka?! Anong gagawin mo sa akin?!" nag-pupumiglas parin siya pero ngumiti ako sa ilalim ng maskara.
No physical abuse commited. Verbal only.
Sumampa ako sa upuan at dumikwatro. "So, Trisha. Ilan na ang naging boyfriends mo?"
Napakunot yung noo niya, "At bakit ko sasabihin sa'yo?! Sino ka ba, ha?!"
"Hiwalayan mo si Liam." diretso 'kong sinabi sa kanya habang tinitingnan siya ng diretso sa mata. Namutla siya at biglang sumigaw, "Lily! Ikaw yan! Alam ko! Itigil mo na 'tong kahibangan mo! Pakawalan mo ako dito! Isusumbong kita sa Kuya mo!"
Bigla akong natigilan at napatingin dun sa anim. Shet, mukhang mabubuking ako dito.
"Sinong Lily?! Wala kaming kilalang Lily, gago!" biglang sumingit si Angel at mukha namang nakumbinsi yung gaga.
Napahinga ako ng maluwag sa utak ko. Buti nalang marunong umarte 'tong gagang 'to at baka malagot ako sa Kuya ko.
"E-eh sino kayo?! Pakawalan niyo ako!"
"Papakawalan ka namin pero kailangan mong hiwalayan si Liam." muli ko siyang tiningnan ng diretso sa mata ng maramdaman niya ang seryoso kong tono.
"Bakit ko yun gagawin?! Sino kayo para sabihing hihiwalayan ko si Liam, ha?!"
Nakakapikon 'tong gagang 'to. Linabas ko yung picture niya na nasa motel kasama ang isang lalaki, papasok sila at kitang kita ko kung paano hawakan ng lalaki itong malanding 'to. Linabas ko rin ang isa pang picture nung lumabas na sila nung lalaki at kitang kita sa angulo na 'to na nag-hahalikan pa sila. Tangina, ang lalandi. Ang kakapal ng mukha.
Lumaki ang mga mata niya, "P-paano..." stalking skills, bitch.
"Layuan mo si Liam." muli kong sinabi.
"OO NA! OO NA! WALA RIN NAMAN AKONG MAPAPALA SA LALAKING YUN! WALA NAMANG PERA YUN!" akmang sasampalin ko siya nang pigilan ako nila Angel. Tanginang babae 'to. Makikipag-hiwalay na nga, sasabihan pa yung Kuya ko ng masama.
This is why I don't believe in forever or love shits. They break people into pieces.
"Lily." nag-babantang bulong sa akin nila. Tsk. Ba't kasi hindi pwede manakit e.
Ginunting namin yung tali sa kamay niya at binuksan yung pinto. Nag-tatakbo naman siya palabas at 'di na kami liningon.
"Bitch." sabi ni Aria.
Lumabas kami sa maliit na bahay na yun at tinanggal yung maskara namin. Sabay-sabay kaming napa-ngisi. Wala ng demonyita sa buhay namin.
"Celebrate na tayo, guys!" nagtatalong sabi ni Angel.
"Libre mo!" nag-tatalon naming sabi sakanya kaya napatigil siya.
"Tsk. Oo na." nag-tawanan naman kami. Pumasok kami ulit sa bahay na matagal na naming pinagtatambayan. Abandonado naman na siya kaya malaya naming nagagawa yung mga kalokohan namin dito.
Pero nahagip ng mata ko yung sasakyan sa may 'di kalayuan. Lumabas yung lalaki at agad ko siyang namukhaan.
"Shit." tumakbo ako papasok sa bahay at nilock yun.
Nanlamig ako ng may kamay na humablot sa akin. Pasakay na sana ako kay Lala nung biglang may humablot sa akin. Hinarap ako ng lalaking yun sakanya at para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"H-hi?" nag-aalangan akong ngumiti.
"Come with me." malamig niyang tugon at kinaladkad ako.
Pero nagpumiglas ako. Aba baka ipapatay ako nito! Hindi ako papayag! Sinuntok ko siya kaliwang mata at agad na tumakbo kay Lala.
"Kuya! Kuya! Ayan po! Balak niya akong kidnapin!" sigaw ko dun sa mga tambay sa tabi nung 7/11 at tinuro yung lalaki. Agad naman silang nagsitayuan at linapitan yung lalaki.
Pinaharurot ko na si Lala. Tangina, akala ko mamamatay na ako. Ba't kasi 'di pa ako sumabay kila Angel. Tsk.
Shet, ayoko na talaga. Mukhang seryoso siya dun sa sinabi niya. Napa-ngiwi ako. Tangina, wanted na ata ako dun sa lalaking yun. Mukha pa namang mayaman. Ba't kasi ang lakas ng trip ko nung umagang yun?
Ano ba kailangan nun sa akin?
+++++++++
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com