Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

35

Levi Andrade — Rabbit 🐰
5:00 PM

Abby:

Totoo ba?

Totoo ba ha?

Na sayo nanggaling yung number ko?

Kaya natext ulit ako ng ex ko?

All this time kilala mo pala ako Levi?

All this time alam mong si Yeshua yung kinekwento ko sayo?

All this time Levi?

Levi ano totoo ba? Ha?

Levi:

Ha? Anong sinasabi mo?

Bakit kilala mo si Yeshua?

Anong number?

Wala akong pinagbibigyan ng number mo Abby.

Hiningi ko yun para sakin lang.

Si Yeshua yung ex mo?

Abby:

Ano wala ka talagang alam? E paanong nangyari na pag-hingi mo sa akin nung number ko kagabi, na-text niya na ako kinabukasan?

Tangina, Levi? Seryoso? Mag-tropa kayo tapos pinakwento mo pa sa akin anong ginawa niya?

Levi:

Abby, hindi ko maintindihan.

Wala akong alam sa nangyayari.

Hindi ko alam na ikaw ang ex ni Yeshua. Hindi ko naman alam na ikaw pala yung Abby na tinutukoy niya sa amin noon.

Wala siyang pinakitang litrato sa amin Abby.

Kaya hindi ko alam.

Isa pa, hindi ko talaga binigay yung number mo sa kanya.

Wala akong ginawa abby.

Wala akong alam sa nangyayari. Please wag ka magalit?

Pangako, wala talaga. ☹️

Abby:

Wala? Mag-tropa kayo. Anong wala? Imposible naman 'yon, Levi!

Kinwento ko sayo lahat, lahat ng ginawa niya sa akin. Sa aming mag-kapatid.

Tapos all this time alam mo na pala? Ano gusto mong gawin?

Buksan ulit yung mga sugat ko ha?

Mali pala ako. Mali pala akong nagtiwala ako sa taong nakilala ko lang online?

Mali pala ako na binigyan kita ng chance?

Pinagbigyan kita kahit meron pang pagdududa kasi alam kong hindi ko rin naman maloloko sarili ko.

Pero Levi, ano to?

Levi:

Abby, wala talaga akong alam sa nangyayari maniwala ka.

Hindi ko alam na ikaw yung Abby na ex ni Yeshua.

Hindi ko alam na ganoon yung ginawa niya sa inyong mag-kapatid.

Hindi ko naman alam na magagawa niya yon sa isang babae.

Wala akong alam, Abby. Hindi ko alam na ikaw yon.

Maniwala ka naman sakin :(

Sa tagal niyang nawala dito sa Pinas, madalang ko lang siyang makausap. Maniwala ka naman please :(

Wala talaga akong alam Abby 😭

Abby:

Sabi ni Yeshua may tinatago ka pa raw sa akin na tungkol sayo. Anong bagay yon Levi, ha?

Mapapagkatiwalaan pa siguro kita kung sasabihin mo.

Putangina Levi please lang, wag ka namang mag-sinungaling sa akin.

Ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi mo.

Levi:

Abby sorry :(

Yun ang hindi ko pa pwedeng sabihin sayo.

Natatakot ako Abby na malaman mo

Sorry 😭 Pero yung kay Yeshua, pangako wala talaga akong alam.

Wala akong alam. Hindi ko alam kung anong nangyari.

Kung alam ko lang rin naman, hindi ko hahayaang mabalikan ka ni Yeshua.

Ayokong masaktan ka pa ulit.

Abby:

Ayaw mo? E di may tinatago ka nga?

Kung ayaw mo akong masaktan ulit, sabihin mo sa akin yung tungkol sayo.

Akala ko ba papakita mo ulit sa akin kung paano nakakabuo pa ng pag-ibig yung mga taong wasak?

E bakit parang palihim mo rin naman akong sinisira?

Ha? Levi?

Sabihin mo naman!

Levi:

Sorry Abby. Hindi ko matanggap yung sarili ko kaya hindi ko pa kayang sabihin sayo. Sana maintindihan mo 😭

Sorry kung hindi ko pa masasabi ngayon. Hindi ko pa kaya.

Takot ako na baka pati ikaw iwanan ulit ako. Sorry abby please 😭

Yung kay Yeshua wala talaga akong alam.

Please pengs ko? Maniwala ka. Please ☹️

Seen 5:30 PM

Pwede ba akong tumawag?

Please Abby?

Gusto kong marinig boses mo.

Gusto kitang makita.

Please. Please. Sagutin mo ha?

You've missed a call with Rabbit. 🐰

You've missed a call with Rabbit. 🐰

Abby please, hayaan mo akong makita at marinig ka. Sagutin mo 😭

Maniwala ka sakin. Sana maintindihan mo rin ako 😭

Abby:

No need.

Hindi kita kailangan.

Hindi ko kailangan ng taong sisirain rin pala ako ng palihim. Hindi ko kailangan ng taong ituturing kong ispesyal pero sa huli ibabasura din.

Magsama kayong dalawa.

Nagkamali ako sayo Levi.

You've blocked this user.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com