WGM: 8
"Shit! Yoona" yun nalang ang tanging lumabas sa bibig ko matapos kong makita si Yoona na duguan ang hita.
Anong gagawin ko?
"T-tulungan mo ako, yung baby natin" naiyak niyang sabi
Binuhat ko naman agad siya at dali-dali ko siyang sinakay sa sasakyan. Bago ko pa iistart ang sasakyan ay may natanggap ako text message mula kay Tiffany.
"Babe, nandito ako sa labas. Hihintayin kita at hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap"
Napatingin naman ako kay Yoona "B-bilisan mo na!" sigaw niya
Mas kailangan ako ng mag-ina ko ngayon. Pinaandar kona ang sasakyan, nakita ko sa labas ng bahay si Tiffany at nakaupo sa isang malaking bato.
Hindi ko siya kayang puntahan ngayon dahil mas kailangan ako ng mag-ina ko ngayon. Sana lang mapatawad niya ako!
Nang makarating na kami sa hospital ay agad siyang sinakay sa stretcher. Ilang oras din naman akong naghintay sa labas ng ER na lumabas ang doktok. Napatayo ako sa upuan ng may lumabas na doktor "Ikaw ba ang asawa ng patient?" tanong niya
"Yes doc, how's my wife?" tanong ko
Ngumiti naman siya saakin na nakapag-pagaan ng nararamdaman ko "She's fine now. Ililipat na muna namin siya sa magiging kwarto niya at bukas na bukas din ay pwede na siyang lumabas basta tandaan mo na hindi siya pwedeng mabagod ha, makakasama yon sa magiging anak niyo" sabi nito
Ngumiti naman ako sakanya "Thankyou doc"
-
"Ano ba talagang nangyari? Bakit ka dinugo!?" sigaw ko sakanya
Kanina ko pa siya tinatanong kung anong nangyari sakanya pero sorry lang siya ng sorry at iyak lang ng iyak.
Konti nalang mababaliw na ako sakanya!
"S-sinabi ko kay Jin na buntis ako" naiyak niyang sabi
Naka-upo naman ako at napa-tungo habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin "K-kala ko m-matatanggap niya pero... n-nakipaghiwalay siya saakin" malungkot niyang kwento "N-naisip kong... dahil sa b-batang na sa tiyan ko kaya niya ako hiniwalayan kaya binalak kong ilaglag ang b-bata"
Napasuntok naman ako sa mesa ng marinig ko ang huli niyang sinabi "Tangina! Tangina! Papatayin mo ang anak mo ng dahil lang sa walang kwentang lalaking yon?" hindi kona napigilan ang sarili ko at naubos na ang pasensya ko.
Sinabi ng doktor saakin na wag ko muna daw siyang bigyan ng problema dahil baka mastress siya pero kahit naman sinong nasakalagayan ko ganito din ang gagawin nila "Alam mo bang nakipag-hiwalay na ako kay Tiffany, Mahal na mahal ko siya pero mas mahal ko kayo ng magiging anak natin. Pero tangina!" muli kong nasuntok ang glass table na nasa unahan ko
Point of View: Yoona
"Alam mo bang nakipag-hiwalay na ako kay Tiffany, Mahal na mahal ko siya pero mas mahal ko kayo ng magiging anak natin. Pero tangina!" patuloy lang ako sa pag-iyak habang pinapakinggan ko lahat ng sinasabi niya, muli niyang sinuntok ang glass table na nasa unahan niya pero lalong nadurog ang puso ko ng makita ko siyang naiyak "H-handa akong iwan ang lahat alang-ala lang sa magiging pamilya natin. G-gagawin ko ang lahat, mapasaya ko lang kayo ng anak ko!" sigaw niya "P-pero ikaw, kayang mong patayin ang walang kamuang-muang na bata diyan sa tiyan mo para lang sa gagong lalaking yon? Tangina! Ano bang pinalamon sayo non at nagawa mong patayin ang anak mo" galit na galit niyang sabi
Ngayon ko lang nakitang magalit si Jungkook ng ganito at higit sa lahat ngayon ko lang siya nakitang umiyak at nasaktan ng sobra.
"J-jungkook, h-hindi ko sinasadya, sana mapatawad mo ako"
"Tanginang yan! H-hindi mo sinasadya?" kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit na naidulot ko sakanya, maging ang mga luha niya ay naguunahan ding bumagsak mula sa mga mata niya. Anong nagawa ko? Napailing naman siya saakin "P-pasalamat ka walang nangyaring masama sa anak ko. Hinding hindi kita mapapatawad kung nangyari yon! Napaka-walang kwenta mo!" sabi niya at umalis
Napahawak naman ako sa tiyan ko "T-tama ang Daddy mo, wala akong kwenta dahil nagawa kong patayin ka dahil lang sa lalaking yon. Anong magagawa ko? Mahal na mahal ko si Jin, handa kong isuko ang lahat para lang sakanya kahit ikaw pa anak" bigla namang bumalik lahat saakin ang nangyari kanina
Flashback...
Nandito ako sa kwarto ko at nagpapahinga. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Jin na buntis ako, sigurado naman akong matutuwa siya dahil mahilig siya sa bata.
Kinuha ko ang phone ko sa side table at sinimulan siyang tawagan.
"Hello" bungad niya
"Hi, may goodnews ako sayo" nakangiti kong sabi sakanya
"Hmm? Ano kaya yon?"
"Diba mahilig ka sa baby?" tanong ko sakanya
"Oo, kaya nga gusto kong magkaroon tayo ng maraming anak"
"Kasi ano.. ano"
"Ano?"
"Buntis ako" matapos kong sabihin yon ay biglang natahimik sa kabilang linya "Jin? Okay ka lang?" alala kong tanong
"B-buntis ka?" pag-uulit niya
"Oo, diba masaya yon? Magkaka-anak na tayo?" masaya kong sabi
"P-pero hindi ko anak yang dinadala mo?"
"Oo nga, pero pwede mo naman siyang ituring na anak kapag lumabas na siya"
"Yoona, kailan pa may nangyari sainyo ni Jungkook? Ilang beses?" tanong niya
Nawala naman ang ngiti sa labi ko, bakit niya tinatanong to "I-isa lang? Galit kaba?"
Narinig ko namang natawa siya "Ibig sabihin pala niloloko mo ako. Nakipag-s*x ka sa asawa mo!"
"P-pero..."
"Maghiwalay na tayo" bigla naman akong nanlumo sa sinabi niya
"Jin, let me explain! please!" paki-usap ko sakanya
"Malinaw na saakin ang lahat, Yoona! Niloko mo ako at yang magiging anak niyo ng gago mong asawa ang bunga ng panloloko mo saakin!" galit na galit niyang sabi
"Jin, patawarin mo ako!"
"Mahiwalay na tayo, hindi ko matatanggap yang batang na tiyan mo!" matapos niyang sabihin yon ay pinutol na niya ang linya.
Halos isang oras akong umiiyak dahil sa sinabi saakin ni Jin hanggang sa maisip kong "Babalikan niya siguro ako kapag nawala na ang baby" hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko ng mga oras na yon pero dahil na siguro sa sobra kong pagmamahal kay Jin
Sinuntok-suntok ko ang tiyan ko habang patuloy sa pag-iyak "Dahil sayo kaya ako iniwan ng lalaking mahal ko."
Hindi pwedeng mabuhay ang batang to, dahil baka hindi na ako balikan ni Jin. Hindi ko kakayaning mawala siya sa buhay ko. Ayokong mawalan na naman ng lalaking pinakamamahal ko.
Natigil ako sa pagsuntok ng biglang sumakit ang tiyan ko at may tumulong dugo sa mga hita ko doon lang ako natauhan sa ginagawa ko.
Ang anak ko!
Ang inosente kong anak ay nadadamay sa problema ko?
Napaupo ako sa sahig habang patuloy sa pag-iyak "Anak patawarin mo ang Mommy mo! Naging mahina ako, kapit lang anak dadating na ang daddy mo"
Hindi ko aakalain na dahil lang kay Jin ay magagawa kong ibuwis ang buhay ng sarili kong anak. Hindi ko ginustong mangyari to, Ayokong mawala saakin ang anak ko pero ayokong mawala din saakin si Jin. Mahal na mahal ko silang pareho at hindi ko kakayanin kung may isa man sa kanila ang mawala ng dahil saakin.
Sana mapatawad ako ng mga taong masasaktan ko oras na may mangyaring masama sa anak ko at sana ay mapatawad kodin ang sarili ko dahil pinatay ko lang naman ang anak ko.
Nabuhayan ako dahil narinig ko si Jungkook at ng makita niya ako sa kalagayan ko ay agad niya akong binuhat at sinakay sa sasakyan.
Nabasa kodin ang text sakanya ni Tiffany dahil katabi ko siya noong binabasa niya yon. Alam kong mahal na mahal niya si Tiffany pero mas pinili niya kami ng anak niya kesa dito.
Siguro nga, dapat ko ng simulan na mahalin siyang muli dahil alam ko namang siya rin ang makakasama ko sa habang buhay dahil nga kasal kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com