Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Special chapter

                   »wendy's pov«

25 years later...

"William!!! Chantaile!!! Ano ba baba na kayo jan kakain na!" Ano ba naman tong mga anak namin ni Eric ang babagal! Manang-mana sa tatay!

It's been 25 years since me and eric got married. Nagkaanak kami. Dalawa pa nga e. Gusto pa nyang sundan ng isa. Si William ang panganay at si Chantaile(Shan-tayl) naman ang bunso. William is 19 years old and Chantaile is 17. Actually birthday ngayon ni Chantaile kaya naman pinapunta ko dito ang iba pang member ng Hasht5 at BruskoFour.

I'm so happy dahil nawala na ang cancer ko. Kung hindi man ako naging cancer free ay hindi ko makikita ngayon ang mga anak ko at maranasan ang magkapamilya.

"Mommy! Hello?! Uy mommy jusmiyo marimar tulala ka nanaman grabe to" nagbalik ang huwisyo ko ng marinig ko ang boses ni Chantaile.

"Kumain ka na lang jan Taile! Nasaan ang kuya at Daddy mo?"

"Ayan po sa tabi nyo"

Lumiko naman ako sa kaliwa ko at nakita kong magkatabi na nakaupo ang mag-ama. Nandito lang pala sila bakit hindi ko sila napansin? Ano ba nangyayare sakin. Gutom nanaman ako.

"Baby say ahh" tinignan ko si Eric na may hawak na kutsa na puno ng pagkain. Achuchuchu. Ang sweet naman netong baklang to ang sarap iuntog sa pader. Sinubo ko naman ang pagkain.

"Ano ba trip mo ha bakla? Hindi na ako baby!"

"Baby wendy naman eh. Sinusubuan lang kita para maging sweet tayo. Naiinis ka nanaman sakin huhuhu---"

"Hello aliens here in the hause!!! Nandito na ang mga dyosa!" Nandito na pala ang mga dyosa at ang mga shokoy nilang asawa.

"Tita Irene! Tita Seulgi! Tita Joy and Tita Squirtle!!" Ano ba naman tong Chantaile nato nakakarindi ang boses!

"Yo mukhang kumpleto na naman ang BruskoFour at Hasht5!" Isa rin tong si Eric na 'to eh ang ingay-ingay! Bakit ba ako nagkapamilya na madadaldal ha? Kanino ba sila nagmana? Grabe lang.

Si Irene kasama niya ang asawa niyang Joshua Sy. Si Joy naman kasama ang asawa niyang si Treiz Kim. At si Seulgi kasama ang asawa niyang si Kenneth Lee. Tama si Kenneth na baklang nangaway saakin noon. Pero ayos na kami ngayon. Akalain mo nga naman si Seulgi nagawa pang gawin lalaki ulit si Kenneth.

Sina Irene may anak na lalaki na si Grayson. Ganon din si Joy may anak na din siyang babae na si Jessica. Si Seulgi at Kenneth? Meron na din kambal pa nga e. Babae at lalaking kambal. Si Kenji at si Selene. In short fraternal twins. Tama ba? Basta yun na yon. Magkaka-edad lang ang mga anak namin. At si Yeri naman, ayun forever alone. Walang asawa o boyfriend man lang. Kawawa no?

"Happy birthday to you~ happy birthday to you~ happy birthday happy birthday happy birthday Chantaile!!" Kanta namin. Hinarap ko naman si Chantaile na nabigla sa ginawa namin. Nilapitan ko siya at niyakap. "Happy birthday anak. I love you" Bulong ko sakanya. Niyakap niya din ako pabalik.

Bumitaw ako sa yakap. Sumunod naman na yumakap sakanya si Eric at si William at binati ng happy birthday. "At dahil birthday ngayon ng anak kong si Chantaile. Pupunta tayo sa---" hindi itinuloy ni Eric ang sinabi niya dahil surpresa naman iyon sa anak namin. Sigurado akong handa na ang lahat sa private resort namin doon.

"Secret. Mamaya niyo na malalaman" tuloy ni Eric sa sinabi niya. Ito talagang asawa ko...ang pangit pangit. Ewan ko kung bakit ko nagustohan to.

Nagayos na kami ng gamit dahil pupunta na kami sa private resort kung saan gaganapin ang birthday party slash debut ng anak ko. Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Eric. Napakasaya ko dahil birthday nanaman ng anak ko. Tatanda nanaman siya. Pero para saakin baby ko parin siya. Baby ko parin sila. "O baby naman bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Eric sa harapan ko. Pinahid naman niya ang luha sa pisngi ko at ngumiti.

"Wala naman. Masaya lang ako dahil birthday ng anak natin pero malungkot din dahil tumanda nanaman siya" Malumanay na sabi ko sakanya. Nakatitig lang siya saakin ng nakangiti pero ang mga mata niya ay puro lungkot para saakin.

"Ano ka ba naman. Natural lang yon. Hwag ka ng malungkot baby ko. Sige ka papangit ka niyan" Pabirong sabi niya. Natawa naman ako. Kahit kailan talaga tong asawa ko nakapa-bibo. "Alam mo ang dapat natin gawin ngayon ay magayos at magsaya kaya wag ka ng malungkot diyan kung hindi hahalikan kita" Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil sanay na naman ako.

Hinarap ko siya ng nakasimangot. "Wala kang paki kung malungkot ako kung gusto mo gumaya----" hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil hinalikan na niya ako sa labi.

"Eric!!!" Walanghiya talaga tong hokage na 'to. Iniwan lang ako at tinakbuhan matapos akong halikan. Mga lalaki talaga.

-

"Okay wait aalisin ko na 'tong blindfold mo" Sabi ni Eric kay Chantaile. Nandito na kami ngayon sa private resort na tinutukoy ko kanina. Tinakpan kasi namin ang mga mata ni Chantaile simula kanina.

"1...2...3" bilang ni Eric. "Surprise!!" Sabay sabay na sabi namin. Nakita ko naman na napatakip siya ng bibig at naluluha. "Speechless ang peg?" Natatawang sabi ni William kaya pinalo siya ni Chantaile. "Mommy. Daddy. Thank you po" Naiiyak na sabi ni Chantaile saamin. Lumapit naman siya saamin at niyakap kami. "Sali ako!" Sigaw ni William at yumakap din saamin.

"Kami din!!" At ayun na nga nakitakap nadin sila saamin. Group hug na group hug. Humiwalay na sila sa yakap at hinila si Chantaile sa table kung nasaan ang mga pagkain at ang malaking cake.

"Woah" Yan lang ang nasabi ni Chantaile sa cake. Talagang ginawa namin malaki dahil 18 na siya. Sinindihan naman ni Eric ang candles at nagsimula kaming nagkanta. "Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday happy birthday happy birthday to youu!! Happy birthday Chantaile!!" sabay sabay na kanta namin habang pumapalakpak.

Binlow naman ni Taile ang candles pagkatapos niyang magwish. Alam kong wala na siyang hihilingin pa dahil nasa kanya na ang lahat. "Yehey!! Kainan na!!" Sigaw ni Yeri. Nagsimula na silang kumuha ng pagkain at kumain na sila.

Hindi ko akalain na ang lalaking dati ay crush ko lang at nakakachat ko lang ay ngayon asawa ko na. May anak na kami. Ang dami din namin pinagdaanan. Nagsimula sa simpleng dare. Nagasaran. Nagkita. Nalaman na may sakit ako. Binantayan at inalagaan ako. Nalaban ko ang sakit. Lumipas ang ilang taon at nagkaanak kami. Napaka sarap sa pakiramdam na nakikita mong masaya ang mga mahal mo sa buhay.

"Thank you for everything" mahinang bulong ko. Walang nakarinig dahil nandito ako sa sulok at nagiisa. Pinunasan ko ang luhang pumatak at pinuntahan sila.

Always do what your heart tells you

T H E E N D

A/N:

Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa nito sa walang kwento kong epistolary story lmao. Thank you sa pagvote at pag suportaa. Basta thank you huehue wala akong masabi lol. Yun lang thank youuu. Balak ko sanang gumawa pa ng isang epistolary pero ewan hahaha okae alis nako babush bye lovelots-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com