034
02:57 pm
Julienne: Bambi
Julienne: Bambi sorry na talaga dare nga lang kasi yung kiss na yun
Bambi: Isang linggo na ang lumipas. Hindi ka pa rin ba maka move on.
Bambi: Kiss lang naman yun
Bambi: First kiss ko lang naman yun kaya okay na. Tama na.
Julienne: Bambi sorry talaga
Julienne: Hindi man lang ako nag isip bago ko gawin yun sorry na talaga
Julienne: Bambs pansinin mo na ako sa school hindi ko kayang iniiwasan mo ako
Bambi: Ewan ko na, Julienne. Dati lang ikaw ang umiiwas sakin at hindi ko alam ang dahilan. Ngayon ako ang umiiwas at malinaw naman kung bakit diba? Pwede bang hayaan mo nalang ako
Julienne: Di ko kaya
Julienne: Bambi naman wag ganto ang hirap kasi
Bambi: Ikaw lang ba ang nahihirapan?!
Bambi: Kasi ako dati pa!!
Bambi: Hindi ko na alam yung paniniwalaan ko kasi kapag may sinabi ka hindi ko alam kung totoo ba yun o nagsisinungaling ka lang!
Bambi: Dati mo pa ako pinapahirapan Julienne bwisit ka
Bambi: Andami mong pasikot sikot di mo nalang ako diretsuhin para maliwanagan ako diba?!
Bambi: Dati mo pa rin ginugulo yung mga nararamdaman ko!
Julienne: Mas mahirap ata yung sakin Bambi
Julienne: Nagsisinungaling ako kasi ayun lang yung alam kong paraan para hindi ko masabi sayo yung totoo kasi hindi ko alam kung ano ba yung nararamdaman mo
Julienne: Natatakot akong kapag nalaman mo yung totoo, baka hindi naman tayo parehas ng nararamdaman
Julienne: Kaya sabi ko sa sarili ko baka mas mabuti nang ganito
Bambi: Julienne mas lalo mo lang pinapagulo yung sitwasyon
Bambi: Hindi kita maintindihan bwisit ka
Julienne: Ang hirap e
Bambi: Ang sarap mong tadyakan bwisit ka talaga
Julienne: Makakapaghintay ka ba?
Bambi: Huh?
Julienne: Puntahan mo ako rito sa bahay para masabi ko na sayo yung totoo
Bambi: Bwisit!
Julienne: Bambi please
Bambi: Oo na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com