Chapter 25
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG25 Chapter 25
"Sorry kung naabala kita."
"No, it's okay," sagot ni Shanelle. "I think this one is better," dugtong niya habang pagkatapos iabot sa akin iyong kulay powder pink na dress. Hindi ko kasi alam talaga ang isusuot ko mamaya sa graduation party ni Nikolai! Akala ko nung una as in party-party lang, tapos biglang sinabi sa akin na sa bahay daw nila gaganapin! And nandun daw iyong ibang mga kamag-anak nila! Lord Jesus Christ! Nagpanic iyong buong sistema ko.
Pumasok ako sa CR at saka sinukat iyong damit. Mabuti na lang at marami akong formal na damit dahil ganito iyong mga trip ni Nick nung nagkikita pa kami dati. Buti na lang tinabi ko. Nanghihinayang kasi ako na itapon.
I mean, gago si Nick dahil naging instant kabit ako, pero 'di ko madedeny na sobrang generous niyang magregalo. Wala namang makikinabang kapag sinunog ko, kaya tinabi ko na lang. Aba, sayang din 'to! 'Di naman napupulot ang pera!
Paglabas ko, agad akong nilapitan ni Shanelle at saka inabutan ng accessories.
"Hindi sa 'kin 'to?" sabi ko habang inaabutan niya ako ng kwintas at saka hikaw na mukhang diamond pa.
"You can borrow," sagot niya. "Bagay sa suot mo."
Napa-ngiti ako. "Grabe, salamat," sabi ko sa kanya. Alam ko 'di naman kami masyadong close pa kasi minsan ko lang naman siya nakikita kapag sinasama siya ni Vito, pero ang bait niya pa rin sa akin. Akala ko nung una hindi kami magiging close kasi parang ang intimidating niya saka mukha talaga siyang barbie, pero mabait naman pala siya.
At least may girl friend na ako ngayon maliban kay Indie na napaka-busy sa buhay niya.
"What shoes will you wear?" tanong niya tapos ay tinignan namin iyong mga sapatos ko. Hindi umalis si Shanelle hanggang hindi nakukumpleto iyong outfit ko. Tinanong ko kung pupunta ba siya sa party ni Nikolai, pero sabi niya na hindi kasi may party din daw para sa kanya iyong parents niya—na deserve naman kasi valedictorian pala si Ate girl! Iba rin 'tong nabingwit ni Vito, e! 'Di lang maganda, brainy din!
Ang tagal kong nag-ayos kasi gusto ko na presentable talaga ako sa party mamaya. Sobrang nakaka-pressure. Kasi alam ko na kapag nagkalat ako roon, hindi lang naman ako ang lalaitin ng pamilya niya kung hindi si Nikolai at ang kwestyonableng taste niya. Siguro nga mabait ang nanay niya... pero paano iyong tatay niya? Iyong ibang kamag-anak niya? Ayoko naman na maging sanhi ng issue. Gusto ko lang ng matahimik na buhay, bawal ba?!
'Text me when you're near.'
'Oo nga.'
'Where are you? Also can you send pics?'
'NOT NUDES,' mabilis na dugtong niya. Nung nagsabi kasi siya sa akin nung ganon dati, nagsend ako ng boob pic! Aba, malay ko ba! Pero hindi naman kasama mukha ko, noh! 'Di naman sa wala akong tiwala kay Nikolai—ayoko lang talaga. At least kung kumalat man 'yon, malay ba nila kung kaninong dede 'yon.
'Naka-pink ako okay. Saka nasa grab ako kakahiya magselfie dito'
'Okay. But are you like 10 mins away or what'
'Grad party mo makihalubilo ka nga jan'
'Fine fine but text me when you're near okay'
'Okay'
'Love you'
Ni-replyan ko lang ng heart si Nikolai. 'Di naman siya nagagalit or nagtatampo. Kinabahan talaga ako dati, pero nung tinanong ko siya, okay lang naman daw. 'Di naman daw siya nagsabi nun para maka-tanggap ng I love you, too.
Ang dami kong narerealize sa relasyon ko kay Nikolai. Ngayon ko na-realize na sobrang basura nung boyfriend ko nung high school. Nagalit dahil hindi ako sumagot ng I love you, too. Nagalit dahil ayoko makipagsex. Nagalit dahil kinausap ko iyong classmate ko na lalaki. Nagalit dahil naka-shorts ako na maigsi daw.
Puro nagalit.
Samantalang kay Nikolai, siya pa ang nagsasabi sa akin na makipagkaibigan ako... Siya pa nagsasabi sa akin na okay lang na sumama ako sa mga classmates ko mag-inom kahit may mga lalaki basta daw sabihin ko sa kanya kung saan tapos magtext lang daw ako kung magpapa-sundo ako... Hindi niya ako pinipigilan kahit ano ang isuot kong damit.
Naniniwala talaga ako na si Nikolai iyong premyo ko kay Lord dahil sa lahat ng ka-shit-an na nangyari sa akin dati.
Parang ngayon... okay na. Pwede na akong sumaya.
"Thank you po," sabi ko sa driver bago ako lumabas ng sasakyan. Nakaka-loka naman 'tong village ni Nikolai! Tinanong pa ng guard iyong pangalan ko bago ako papasukin. Nung sinabi ko iyong buong pangalan ko at saka lang binuksan ang gate! Kaloka!
Huminga ako nang malalim.
Kinuha ko iyong cellphone ko at saka magtetext na sana ako kay Nikolai na nandito ako para sunduin niya ako dahil ayokong pumasok mag-isa doon. Baka atakihin ako sa puso sa sobrang kaba.
"Kuya Jerry?" gulat na tanong ko nang makita ko siya na naka-tayo sa isang gilid. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga ang nakikita ko dahil medyo matagal na nung huli ko siyang nakita... pero nang makita ko na na-recognize niya kung sino ako, sigurado ako na siya nga iyon.
Tangina.
Kung nandito siya—
"Nandito si Nick?" tanong ko habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko. Agad akong tumingin sa paligid. Tangina, bakit siya nandito?! Family friend ba siya ni Nikolai?! Bakit naman—
"Bakit ka nandito?" balik tanong niya sa akin. Mabilis siyang lumapit. Parang anumang oras ay hahatakin niya na lang ako palayo.
Hindi ako naka-sagot.
"Bakit ka nandito?" muling ulit niya.
Hindi ako makapagsalita.
Parang... masusuka ako sa sobrang kaba.
"Nandito ang pamilya ni Sir Nick kaya kung manggugulo ka—"
"Pamilya... ni Nick?"
"Bakit ka nandito, Jersey?"
Para akong mabibingi sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
Hindi ako maka-hinga.
Biglang nanlabo ang paningin ko.
Para akong masusuka.
Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin o maramdaman.
Biglang pumasok iyong text ni Nikolai. Napa-tingin doon si Kuya Jerry. Wallpaper ko iyong picture namin ni Nikolai. Ni hindi niya kailangang magsalita para sabihin—
'Ga, where are you? Are you near? I'm so bored here.'
Iyong tingin sa akin ni Kuya Jerry...
"Hindi ko alam."
Paulit-ulit kong sabi.
Si Nick 'yung tatay ni Nikolai na sinasabi niya na maraming babae?
Iyong dahilan kung bakit nasasaktan iyong Mama niya?
Dahil... sa akin?
Tangina.
Bakit hindi ako pwedeng maging masaya?
"There you are!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Nikolai. Agad siyang lumapit sa akin.
"I told you to text me," malambing niyang sabi habang naka-tingin sa akin. Agad na kumunot ang noo niya. "Are you okay, Ga?"
Hindi ako maka-galaw.
Gusto kong umalis.
Sana hindi na lang ako pumunta dito.
Bakit kailangan kong malaman?
Ni hindi man lang umabot ng kahit isang taon iyong saya ko.
Hindi niya napansin si Kuya Jerry sa harapan ko. Basta ay hinawakan niya ako at sinama papasok sa loob. Gusto kong tumalikod at tumakbo paalis. Gusto ko na lang umalis. Pero hindi ko alam kung paano. Ano ang sasabihin ko kay Nikolai? Magsisinungaling ba ako sa kanya? Pero hindi niya deserve 'yon...
Tangina naman.
Bakit ang hirap maging masaya?!
"Jersey..." mas seryosong tawag niya. Tumingin ako sa kanya. Pilit akong ngumiti. "Hey, are you crying?"
Mabilis akong umiling habang pinu-punasan iyong luha ko. "Hindi. Ay, oo. Masaya lang ako na grumaduate ka na..."
Tangina.
Bakit tuwing graduation, ganito ang nangyayari?
Natawa siya. "I know! Who would've thought, huh?" naka-ngiting sabi niya. "But if you're so nervous about meeting my family... I can just drive you home... And I'll just set up a lunch or something with my parents. My other relatives can wait."
Si Nikolai lang.
Si Nikolai lang ang gusto ko, bakit hindi pa ibigay sa akin?
"Hey..." muli niyang sabi habang ramdam ko iyong pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. "Is me graduating from law school really that unbelievable that you're crying?" malambing niyang tanong habang pinu-punasan iyong luha ko.
"Niko..."
"Yeah?" sagot niya habang pinupunasan pa rin ang luha ko gamit ang panyo niya.
"Nung una tayong nagkita—" sabi ko at napa-hinto. Ni hindi ko kayang ituloy. Parang natatakot akong malaman.
"I really hate getting into accidents, but hitting you was the best thing that happened to me," sabi niya na medyo natawa. "Not that I'm happy that I injured you, okay?"
Huminga ako nang malalim.
"Bakit ka pala nandon?"
Sandaling naging seryoso iyong mukha niya. Nagsalubong iyong kilay. "I was there because—" Humugot siya ng malalim na hininga. "I don't like talking about this, Jersey, because it feels like betraying my mom but..." Tumimig siya sa akin. "My dad's a cheater. I was there because I overheard my mom talking and saying that my dad's there with his latest mistress."
Gusto kong tumigil sa pag-iyak.
Pero hindi ako ma-hinto.
"Hey... why are you crying?" tanong niya habang muling pinupunasan iyong mga luha ko. "It's fine now," dugtong niya. "My dad's trying to change... I guess. They're okay now. Mom's fine. I still hate my dad, but he really makes my mom happy. So, I should just be happy, too, I guess."
"Nikolai."
May lumapit sa amin na babae. Agad siyang napa-ngiti nang lumapit at agad akong niyakap.
"Nikolai had been talking non-stop about you," sabi niya habang yakap-yakap ako. "And looks like we have the same taste," dugtong niya habang naka-ngiti sa akin. "I have a feeling that we'll get along well."
Tangina.
Putangina.
Kaya ba ito iyong pinapa-suot sa akin ni Nick?
"I'll see you inside?" tanong niya nang may tumawag sa kanya. Tanging pagtango lang ang nagawa ko. Para akong magkaka-sakit. Hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman ko.
"See? Mom's nice," sabi ni Nikolai nang iwan kami ng nanay niya. Ang bait niya... Bakit siya kailangang lokohin ni Nick?
"Niko..."
"Yeah?"
"Pwede bang umuwi na ako?"
"Okay..." mabilis niyang sagot. "You look sick, Ga. Can you wait here? I'll just get my keys and I'll drive you home, okay?" tanong niya bago ako halikan sa noo at naglakad papasok.
Gusto ko na lang lumakad paalis.
Nasusuka ako.
Para akong magkaka-sakit.
"Jersey."
Tangina.
"Jerry told me you're here."
Ayokong humarap.
Kapag humarap ako... parang mas magiging totoo.
"Did you tell him?" tanong niya. Hindi ako naka-sagot. "Did you tell my son—"
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para humarap sa kanya at sampalin siya. Pero ang kapal ng mukha niya! Ang kapal ng mukha niya na gawin sa 'kin 'to! Hindi ko hiniling na maging kabit! Kung alam ko lang, ni hindi ako lalapit sa kanya!
"I deserve that," sabi niya habang naka-hawak sa pisngi. "Did you tell Nikolai?"
Bakit... hindi ko nakita?
Bakit... ngayon ko lang nakikita kung gaano sila magka-hawig? Pati pagsasalita nila... Pati boses... Pagkunot ng noo... Lahat...
"Did you tell my son?"
"Hindi pa—"
"Will you tell him?"
Hindi ako maka-sagot.
Ayokong magsinungaling sa kanya.
"There's nothing that happened between us, Jersey. We merely talked. But if you tell him, he's not going to believe you."
"Gusto mong... magsinungaling ako sa kanya?"
"There's nothing to tell."
Agad akong umiling. "Ayokong magsinungaling."
"Jersey, my wife and my son do not know about you—"
"Tangina ka! Kahit naman ako, hindi ko alam iyong sa kanila!"
"I know," kalmado niyang sagot. "And I strongly suggest that it remain that way. Jersey, I know my son... And trust me, you'll destroy my family—his family—by telling the truth."
Bakit... ako?
Hindi ba siya iyong sumira?
Bakit kasalanan ko?
"Ga—" agad na natigilan si Nikolai nang makita niya kami ng tatay niya na magkausap. "Dad," pagbanggit niya. "I see you've met my girlfriend."
Tumingin si Nick sa anak niya at simpleng ngumiti. "She seems nice."
Tumingin sa akin si Nikolai. "She's wonderful," sagot niya habang hinahawakan ang kamay ko. "But I'm afraid I have to bring her home. She's feeling under the weather right now."
Tumango si Nick. "Okay. I'll tell your mother that you'll be driving her home," sabi niya bago nginitian kami at naglakad pabalik sa loob.
Ngumiti sa akin si Nikolai. "I guess you just met my parents," sabi niya. "Funny how life works, huh?"
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com