Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG29 Chapter 29

"Ga..."

"...bakit?" tanong ko.

Tatlong araw na akong naghihintay ng kahit ano mula sa kanya. Sabi niya kasi sinusubukan niya naman. Alam ko naman na hindi madaling basta na lang tanggapin iyong mga nalaman niya tungkol sa akin...

Kaya nandito lang ako at naghihintay.

"I'm drunk."

"Halata nga."

"And girls keep on hitting on me," parang bata niyang sabi na nagsusumbong sa akin. "Though I told them I have a girlfriend..." Katahimikan. "You're still my girlfriend, right?"

Huminga ako nang malalim. "Oo naman."

"Can I go there?" tanong niya. Tumingin ako sa paligid ko. Kapag pumunta siya rito ay baka iba ang isipin niya. Baka isipin niya ngayon na tatakbuhan ko siya. Naka-empake na ang mga gamit ko. Kailangan ko nang umalis dito. Kasi kahit pa ako ang nagbabayad ng renta rito, hindi ko pa rin maipagkakaila na si Nick ang dahilan kung bakit napunta ako rito.

Parang magta-traydor ako kay Nikolai kung nandito pa rin ako.

"May kasama ka ba?"

"I'm all alone..."

"Paano ka pupunta rito?" tanong ko habang kinukuha iyong wallet ko. "Nasaan ka ba? Susunduin na lang kita."

"I'm—" Napa-hinto siya. "Where the hell am I?" tanong niya. Narinig kong sinabi nung kausap niya iyong pangalan ng isang club. Pamilyar sa akin, pero hindi pa ako nakaka-punta.

"D'yan ka lang. Puntahan kita."

"Okay, Ga..."

Huminga ako nang malalim. Tangina. Ang hirap naman nito. 'Di ko alam kung saan ko ilulugar iyong sarili ko.

Akala ko ay papasok pa ako sa loob para puntahan si Nikolai pero agad ko siyang nakita sa labas ng club at naka-upo sa isang gilid. Naka-takip iyong dalawang kamay niya sa mukha niya. 'Di ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Ngayon lang kami nagkita pagkatapos naming magsigawan sa parking lot. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginawa ko na hindi ako tumawag o nagtext sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginawa ko na hintayin siya na magparamdam sa akin.

Kasi gusto kong isipin niyang mabuti kung ano ba ang gusto niyang mangyari. Kung masyado ba 'tong mahirap sa kanya. Kagaya nung sinabi niya sa akin dati...

Na kung hindi na ako masaya sa kanya, iwanan ko siya.

Ganon din ako sa kanya—kung masyado 'tong mahirap para sa kanya, iwanan niya na ako.

Magiging okay din ako.

Magtetext din siguro ako sa kanya minsan... tatawag... pero magiging okay din ako.

Naupo ako sa tabi niya. "Nikolai."

Agad siyang tumingin sa akin. "You're here."

Tipid akong tumango. "Mabuti hindi mo naisipang magdrive kahit lasing."

Umiling siya. "I don't do that," sabi niya habang diretso pa ring naka-tingin sa mga mata ko. "You're really here..."

"Nasaan sila Vito? Wala kang kasama?"

Umiling siya. "They don't know." Hindi ako nagsalita. "I don't want to talk to them about this. I don't want them to know about this. They're my friends... but I don't know how they think... or what they'll think... It'll feel like betrayal if I'll talk to them about you... And I might get mad if they don't understand," sabi niya at bahagyang natawa. "What a fucking hypocrite, right?"

Kahit galit siya sa akin, pino-protektahan niya pa rin ako.

Tipid na lang akong tumango. "Mabuti tumawag ka."

"But I didn't know if you'd actually go."

Nag-iwas ako ng tingin. Inilipat ko iyong mga mata ko sa mga naka-paradang sasakyan sa harapan ko. Napa-buntung-hininga. "Kahit naman ganito tayo ngayon... syempre may pakielam ako sa 'yo."

"I still really fucking love you."

Napa-hugot ako ng malalim na hininga. "Mahal din naman kita."

"Yeah... I'm sorry but I'm finding it kinda hard to believe."

"Nikolai naman—"

"You lied to me for months, Jersey. How can you claim that you love me and lie to me?" tanong niya sa mahinang boses. Ayoko siyang tignan. Sa tono pa lang ng boses niya ay ramdam na ramdam ko na iyong hirap niya... paano pa kapag tinignan ko siya?

Baka masira na lang ako nang tuluyan.

"Kapag nagpaliwanag ako... makikinig ka ba?"

Hindi siya nagsalita. 'Di ko alam kung magpapaliwanag ba ulit ako. Hindi naman kasi siya nakikinig sa akin... naiintindihan ko naman kung bakit. Pero sana intindihin niya rin ako. Akala ba niya madali sa akin na hindi 'yun sabihin sa kanya? Akala ba niya nag-enjoy ako na lokohin siya sa mismong harapan niya?

Akala ba niya masaya?

"Hindi ko alam na tatay mo siya..."

"We literally look like we're the same person, Jerusha. At least give me a better reason," muling pabalang na sagot niya.

"Nikolai, kung hindi ka makikinig, bakit pa ako magpapaliwanag?"

"Because I deserve that fucking much, Jersey. I fucking love you. Give me a reason to fucking stay. Please," pahina nang pahinang sabi niya. "Please."

"Kung nahihirapan ka na—"

"Yeah, this is fucking hard, all right, but I still wanna stay. Jersey, I'm not a fucking robot. I can't just turn my feelings off. You lied to my face and I hate you for that... but I also love you. I'm still so in love with you. But I also can't understand why... my dad... of all people..." Huminga siya nang malalim. "I'm conflicted. I don't know what to do. I feel like I'm going insane."

"Naniniwala ka man lang ba na walang nangyari sa amin ng tatay mo?" Hindi siya sumagot. "Walang nangyari, Niko..."

"You know what? I really wish I can believe you."

"Niko—"

"Do you want me to lie straight at your face and tell you that I believe you? Because I can also do that," mabilis na sagot niya.

"E bakit pa ako nandito?"

"Because I love you."

"Tanginang love 'yan," sagot ko sa kanya. "Bakit pa ako nandito kung hindi ka naman maniniwala sa lahat ng sasabihin ko? E 'di 'wag na lang. Maglolokohan lang tayo."

Mabilis akong tumayo.

Malas yata talaga ako.

'Di yata talaga 'to para sa akin.

Pero ni hindi pa man ako nakaka-layo ay mabilis niyang hinawakan iyong kamay ko. "Bitawan mo ako," kalmado kong sabi sa kanya dahil ayoko na dito kami sa labas magsigawan. Hindi ko na kaya ng isa pang eskandalo. Baka wala na talagang tumanggap na eskwelahan sa akin.

"Don't leave."

"Wala ka ng tiwala sa akin."

"I'm trying..." mahinang sabi niya. "Jersey, I'm really trying..."

Mabilis kong pinahid iyong luha ko dahil sumisikip iyong dibdib ko sa tono ng boses niya. Alam ko naman na nahihirapan siya... Kasi alam ko kung gaano niya kamahal iyong nanay niya... Nagsinungaling pa siya para sa akin... Alam ko na hirap na hirap na siya...

"Jersey, I already told my mom that I'd marry you... That after you take the BAR, I'd marry you... I already made plans inside my head... About you... About us... Then this happened. Can't you at least extend some courtesy, Jersey? Because you've known this for months and I've known this for days... But I'm trying... I'm really trying..."

Hindi agad ako nakapagsalita.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Ano'ng gusto mong mangyari?"

"I don't know..." Humigpit ang hawak niya sa akin. "But it's you and me. It's still you and me. I still have your back, Jersey... Just give me a little more time. I'll understand. I'm really trying to understand..."

* * *

"No, I wanna stay with you," sabi niya nang sabihin ko sa taxi driver iyong address ng hotel niya.

Naka-tingin ako sa labas ng bintana. "Aalis na ako roon."

Ni hindi ko kailangang tumingin sa kanya para maramdaman iyong bigat. "Are you leaving me?"

"Suspended ako sa school," tahimik na sabi ko sa kanya. "Naka-rating sa school iyong nangyari. Against daw sa policy nila."

Ni hindi ko masyadong naintindihan iyong sinabi sa akin kanina nung pinatawag ako sa prefect's office. Sinabi lang sa akin na naka-rating daw sa administration iyong nangyari. At bilang Catholic school daw ang SCA ay hindi pwede akong magpa-tuloy sa pag-aaral doon. Ni hindi ko na ipinagtanggol ang sarili ko. Para saan pa? Ayaw naman na nila sa akin.

Masyado rin kasi yatang mataas ang pangarap ko.

Sinasabi ko palagi sa sarili ko na hindi dapat ako mahiya sa mga ginawa ko para mabuhay... pero alam ko rin na dahil sa mga ginawa ko, may mga bagay na kailangan akong isakripisyo. Kagaya nito. At nung sa amin ni Nikolai. Lahat dahil sa mga ginawa ko para mabuhay.

Naghintay pa ako ng ilang segundo, pero wala akong narinig mula sa kanya. Naiinis ako dahil bakit parang disappointed ako? Gusto ko ba na sabihin niya na mali iyong school? Na bakit nila ginawa iyon?

Gusto ko lang maramdaman na kakampi ko siya.

Pero wala.

"Iyong sa condo..." Huminga ako nang malalim. Galit naman na siya sa akin kaya bakit hindi ko pa sabihin lahat? Para isa na lang. Para tapos na. "Bigay sa akin ng tatay mo 'yun dati... Kaya mamaya kapag umakyat tayo, makikita mo na naka-ayos na iyong mga gamit ko. Kasi aalis na ako."

Tahimik pa rin siya. Hanggang sa maka-rating kami sa condo ay hindi siya nagsasalita. Naka-sunod lang siya sa akin hanggang sa maka-akyat kami.

"Thanks," tipid niyang sabi nang ilagay ko sa harapan niya iyong kape na tinimpla ko para sa kanya. 'Di ko alam kung bakit nandito siya. Hinihintay ko na sabihin niya kung anuman ang gusto niyang sabihin—kung may hindi pa ba siya nasasabi.

"Sa tingin mo ba pwede kong maka-usap iyong Mama mo?"

Humigpit iyong hawak niya sa tasa. "Why?"

"Gusto kong magsorry."

Na-kwento sa akin ni Nikolai na mahal na mahal ng nanay niya iyong tatay niya... na kahit ilang beses magloko ay pinapatawad niya lang... Kaya nga siya galit sa tatay niya, e. Kasi binigay na ng nanay niya lahat pero nagawa pa ring magloko.

Kaya naiintindihan ko kung bakit nahihirapan siya.

Sa akin at sa nanay niya.

Kasi saan nga ba siya lulugar?

"Gusto kong sabihin na kasalanan ko lahat. Na wala kang alam," sabi ko dahil nagsinungaling siya para sa akin.

"No."

Napa-tingin ako sa kanya. "Nikolai—"

"Jersey, I'm not throwing you under the bus. I'm fucking mad and conflicted right now, but the only clear thing in my head is that I love you and I'm serious when I said that I'm gonna stay with you whatever happens," sabi niya habang diretsong naka-tingin sa mga mata ko. "The only way we're going to get through this is if my mom knows that I'd known since the beginning and that I don't give a flying fuck."

"Niko—"

"I love you despite and in spite, remember?" pagputol niya sa sasabihin ko.

Hindi ako sumagot. Humarap siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Naka-tingin siya ng diretso sa mga mata ko.

"You and me, understand?" tanong niya. Hindi ako sumagot. "Do you really... love me?"

Nag-iwas ako ng tingin habang unti-unting tuma-tango.

Kasi totoo naman.

Mahal ko naman talaga siya.

Kaya nga ang hirap-hirap, e...

Mabilis niya akong kinabig at niyakap. Mahigpit. Na para bang ayaw niya akong mawala. "I'm sorry for everything I said and everything I'll say," bulong niya sa akin. "I love you... So much... This is just a rough patch, okay? We'll get through this. I promise you."

***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com