Chapter 40
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG40 Chapter 40
Minsan ay pina-padalhan ako ni Nikolai ng pagkain. Hindi naman chismoso iyong mga tao sa firm... pero syempre, na-curious na rin siguro sila dahil thrice a week nagpapadala ng kung anu-anong pagkain si Nikolai. Lagi ko na lang sinasabi na ako iyong umoorder. Iniisip siguro ng mga 'to na marami akong pera!
"Boyfriend?"
Agad akong umiling. "Hindi, ah!"
Natawa siya. "Grabe makapagdeny."
Tumawa lang ako. "Wala nga kasi," sabi ko. Comfortable na ako sa firm. Nung una kasi ay medyo ilag ako na kausapin sila kasi syempre abogado na sila tapos estudyante pa lang naman ako. Pero normal lang naman sila—more on the serious side nga lang kasi sobrang busy din talaga.
Pero birthday ni Atty. Marasigan ngayon at sa 'di ko malamang dahilan ay kinantsawan siya ng mga tao sa firm para manlibre.
"May kwento ba?" bulong ko kay Steve.
Tumawa siya. "Nililibang lang namin si Dar," sagot niya na natatawa habang umiiling. Dar ang tawag sa kanya ng mga tao sa firm—si Atty. Marroquin lang ang tuma-tawag sa kanya ng Darius, as in buong-buo. "Saktong birthday niya kasi nung binreak nung ex niya—umiiyak pa 'yan dati kaya simula last, last year, kapag birthday niya, lumalabas talaga kami para mag-inom."
Napaawang iyong labi ko—iyon ata iyong sinasabi niya na sinabihan siya na pakasalan iyong laptop niya! I mean... sa isang banda, hindi ba dapat suportive ka sa ganap ng jowa mo? Pero minsan hindi mo rin naman masisisi kung halos hindi ka na rin pinapansin.
Tsk.
Sakit sa ulo talaga ang jowa na 'yan—buti single ako ngayon!
Kumain muna kami ng dinner pero kkb. Sobrang ingay nila kasi kung anu-ano ang pinag-uusapan nila—partida wala pang lasing sa kanila niyan. After nung dinner ay pumunta kami sa karaoke. Umorder sila ng maraming cheese stick, fries, at saka red horse—iyon ang si Atty. Marasigan ang magbabayad.
Dahil may hiya pa naman ako kahit papaano ay pakuha-kuha lang ako ng kaunti roon sa fries habang sila ay nag-iinuman at nagkakantahan na. Mukhang may brokenhearted pa ata kumanta si Steve nung Alaala. Napa-ngiti ako. Naalala ko nung papunta kami ni Nikolai sa La Union kasi kinanta ko iyon tapos ay tinuruan ko siya magrap.
Kinuha ko iyong cellphone ko. May email nga siya, as expected.
'It's Friday. Any plans?'
'Kasama ko workmates ko.'
'You have no class tomorrow?'
'Isa lang pero nagsabi na lecture.'
'Will you be drinking?'
Bago pa ako makapagtype ng reply ay inabutan ako ng isang bote ng Red Horse. "Mamaya na mga jowa!" sabi ni Ching na mukhang lasing na agad. Napa-tingin ako sa paligid at medyo nanlaki ang mga mata ko dahil ang dami na agad na bote! Luh?! Ang bilis naman uminom ng mga 'to!
"Wala nga akong jowa," sagot ko tapos tumungga nung Red Horse. Tumingin ako kay Renz na tubig ang iniinom. "Ikaw maghahatid?" tanong ko kasi mukhang mga lasing na 'to mamaya. Tumango lang siya. Mabuti naman. Wala kasi akong sasakyan.
Hinatak nila ako papunta sa makeshift stage tapos ay nagkantahan kami ng Basang-basa Sa Ulan at iba pang kanta ng Aegis. Akala ko ay mauubos na ang boses ko sa kaka-sigaw kasama sila.
'Oo pero kaya ko naman sarili ko,' reply ko kay Nikolai matapos ang isang oras. Pinagpawisan ako sa sobrang pagtalon at pagkanta. Nakaka-pagod pero nakaka-enjoy. Ang sarap sa feeling. Mabuti talaga dito ako na firm napunta. Ang bait nila saka kahit naka-rating sa kanila iyong chismis sa nangyari dati, wala lang silang pakielam. Ni hindi nila ako tinanong tungkol doon—na para bang wala lang iyon at ako pa rin naman si Jersey na ka-trabaho nila.
'Do you want me to pick you up? What time will you end?'
'Di ko sure.'
'But can I pick you up? I'm sure you can handle yourself, but still.'
Bago pa ako makapagreply ay hinatak ako muli patayo kaya naman naiwan ko iyong cellphone ko sa sofa.
"Duet kayo!" sabi sa akin ni Ching tapos ay inabutan ako ng mic. Nandoon na si gitna si Atty. Marasigan. Mukhang lasing at iiyak na rin.
"Okay lang ba siya?" tanong ko kay Ching kasi ngayon ko lang nakita si Atty. Marasigan na ganito... usually kasi ay kadikit nga niya talaga iyong laptop niya.
"Uy, Darius!" malakas na sabi ni Ching. "Four years na kayong break ni Agatha! Kasal na 'yung tao. Dami pang babae d'yan."
'Di nagsalita si Atty. Marasigan at tinungga lang iyong beer. Namumula na iyong mukha niya. 'Di ko alam kung maaawa ba ako o matatawa... pero mas lamang iyong naaawa kasi alam ko iyong feeling, e. Ganyan din ako dati nung bago pa lang kami break ni Nikolai. Iinom ako tapos ay itetext ko siya. Sobrang nakaka-buang.
"Nasaan na 'yung mga babae na sinabi mo?" lasing na sabi ni Atty. Marasigan habang nagsimulang tumugtog iyong Kung Ako Na Lang Sana.
Tumingin si Ching sa paligid tapos ay nahinto siya sa akin. Mabilis niya akong hinatak hanggang magka-harap na kami ni Atty. Marasigan. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ito! Si Jersey! Single at maganda! At hinding-hindi ka sasabihan na pakasalan mo iyong laptop mo kasi naka-harap din siya sa laptop niya!"
Kung pwede lang tumalon iyong mga mata ko palabas nung socket nila! Tangina?! Bakit napunta ako bigla dito?! Ka-email ko lang si Nikolai kanina, ah?!
"Di ba catch naman si Darius, Jersey?" tanong ni Ching.
Parang nanuyo iyong lalamunan ko.
Alangan namang sabihin kong hindi?!
"Uhm... oo," sabi ko. Nagkantyawan iyong mga tao... tapos ay pina-kanta kaming dalawa. Putangina. Ano'ng nangyayari?! Dapat pala uminom na ako nang uminom kanina dahil 'di ko kinakaya iyong mga nangyayari!
"Grabe! Kabahan na ang Kathniel, Jadine, at Lizquen!" sabi ni Ching. Kung pwede lang sabunutan 'to! Mabuti na lang at nagsimula ng tumugtog iyong Araw Gabi kaya naman inagaw niya iyong mic at pumunta sa gitna.
Bumalik ako sa upuan ko tapos umabot ng bote ng tubig.
"Pasensya na kay Ching," sabi ni Atty. Marasigan nang maupo siya sa kabilang sofa.
Alangan akong ngumiti. "Ayos lang, Atty," sagot ko. 'Di naman niya kasalanan—saka alam ko naman na nililibang nga lang nila si Sir kasi mukhang broken pa rin hanggang ngayon.
"Nakaka-hiya sa boyfriend mo."
"Wala nga akong boyfriend," sabi ko—at sa 'di ko malamang dahilan ay narinig iyon ni Ching.
"Ayun nga! Wala raw boyfriend! Try niyo magdate kahit once lang!" sabi niya at halos mabingi ako dahil sa mic niya iyon sinasabi. Umiling agad si Atty. Marasigan at mukhang siya pa iyong hiyang-hiya sa mga pinagsasabi ng kaibigan niya.
"Geh na kasi! Matatanda naman na tayong lahat," sabi ni Ching na halatang lasing na talaga sa tono ng pananalita niya. "Ilang taon na kayong break ni Agatha—'di ka ba kinakabahan na baka tubig na nilalabas niyan," sabi niya sabay turo sa gitna ng hita ni Atty. Marasigan kaya nagtawanan iyong mga kasama namin. Pati ako nagpigil ng tawa. Ang saya pala lasingin nito—kung anu-ano lumalabas sa bibig. Kapag kasi normal lang e puro provision ang laman ng bibig, e.
"Ching, parang awa," sabi ni Atty. Marasigan.
"Isang date lang. Game ka naman, Jersey, 'di ba?" tanong ni Ching habang naka-tingin sa akin. "Wala ka namang boyfriend sabi mo..."
Lord.
Sumasakit ang ulo ko.
"Oo na..." sabi ko na lang para matigil na 'to.
Humiyaw si Ching. "Yown! E ikaw Darius?" tanong niya. Tumingin ako kay Atty. Marasigan. Tumango na lang ako sa kanya na tumango siya para lang matigil na 'to. "Yan! Binding agreement 'to, ha! Under Article 1305—"
"No work talk nga," sabi ni Steve bigla.
"Fine, fine, kanta na lang tayo, Steve," sabi ni Ching.
Jusko. Natapos din. Kinuha ko iyong cellphone ko at nagreply kay Nikolai.
'Pwede pasundo?'
'Sure,' mabilis na reply niya. 'Address?' Sinend ko iyong address sa kanya. 'Got it. Will email you once I'm 5 minutes away. Stay inside.'
Nagbabackread ako sa email thread namin ni Nikolai. Ang haba na rin pala. Although hindi kami—rather ako—laging nakaka-reply, okay lang. Minsan ilang araw bago ako magreply pero kapag nagreply ako, parang tuloy lang iyong conversation.
Parang bumalik na kami sa dati.
Pero mas healthy.
Ganito ba kapag healthy adult relationship? Kahit wala naman talaga kaming relationship... technically?
Nang mag-email si Nikolai na malapit na siya ay umorder ako ng tubig para sa kanilang lahat tapos ay kinausap ko si Renz para sabihin na mauuna na ako tapos na siya na ang bahala sa mga lasinggero naming ka-trabaho. Nagroger sign lang siya sa akin at sinabi na ingat daw ako.
Lumabas na ako. Naka-salubong ko bigla si Atty. Marasigan na naka-sandal sa pader. May hawak siya na yosi.
"Alis ka na?" tanong niya. Tumango ako. "Ingat," sabi niya na ng may tango at bahagyang ngiti. "Sensya na kay Ching."
Ngumiti ako. "Okay lang," sabi ko. Nagkaka-sayahan lang din naman kanina saka nasabihan naman ako na ang purpose talaga ng lakad na 'to ay para libangin si Atty. Marasigan.
"Okay lang... na makipagdate?"
Natawa ako. "Grabe, Sir, gusto mo ba akong i-date?"
Natawa rin siya tapos humithit sa yosi niya. "Baka sabihan mo rin ako na workaholic," sabi niya.
"Mas marami ata akong ginagawa sa 'yo," sagot ko.
"Finals mo na nga pala, noh?"
Tumango ako. "Next week."
Tumango siya. "Banggitin mo na lang sa kanila."
"Ayoko. Favoritism."
"Hindi," sagot niya. "Ganon talaga kapag may ka-trabaho kami na student pa. Maluwag kami kapag finals. Basta banggitin mo na lang na finals mo, gets na nila 'yun."
Ngumiti ako. "Thanks, Sir."
"Good luck. Makaka-graduate ka rin."
"Sana nga."
"Libre kita ng dinner kapag pumasa ka sa lahat ng subject mo."
Natawa ako. "Yan ba 'yung date, Sir?"
Natawa rin siya. "Ewan ko sa 'yo, Jersey."
Sasagot pa sana ako nang maramdaman ko iyong pagvibrate ng cellphone ko. Alam ko naman na si Nikolai iyon dahil siya lang naman ang madalas na dahilan ng pagvibrate ng cellphone ko. Nagpaalam na ako kay Atty. Marasigan at binati ko ulit siya ng happy birthday.
Paglabas ko ay nakita ko agad iyong itim na Jeep ni Nikolai.
"Hi," sabi ko.
"Hi," sagot niya. Nakita ko na naka-tingin siya kay Atty. Marasigan. Nag-iisip siguro siya kung sino iyon... pero hindi siya nagtanong. Nagsimula lang siyang magdrive. Kung ang dating Nikolai iyon, malamang kanina pa ako binusinahan hanggang sa mabingi ako tapos ay naka-simangot na siya ngayon.
"Si Atty. Marasigan iyong kausap ko kanina," banggit ko habang naka-hinto kami sa stoplight. Tumango lang siya. Naka-hawak na mahigpit sa manibela iyong mga kamay niya. "Birthday niya tapos broken kaya natukso kami na magdate kasi single naman daw ako."
Naka-tingin ako sa ekspresyon ng mukha niya sa rearview mirror. Pa-simpleng tumango lang siya. Walang simangot o angil. Tahimik na nakikinig lang.
"Lilibre niya raw ako ng dinner kapag pumasa ako sa lahat ng subject ko ngayon. Iyon ata iyong date."
Umandar na ulit iyong sasakyan.
Naka-ilang metro na kami, pero tanging mahinang tugtog sa radyo lang ang naririnig ko.
Caught me off guard, I wish that I'd been sober. Still, here we are, back in Hanover 99. Just like old times all over. Under the exit lights as beautiful as ever.
"Okay," sabi niya.
"Okay?"
Tumango siya habang nasa kalsada pa rin ang tingin. "I don't own you—you're free to date who you like," kalmadong sagot niya. "Do I like it? No, of course not. But as I said—you're your own person. Date as you like. My feelings shouldn't matter."
Napaawang ang labi ko.
Huminto na naman kami.
"I'd really hate it. But... I really don't think I have a say in that."
Bahagya siyang ngumiti.
"But don't talk to me about it—that would really bum me out. We can talk about other things, but definitely not how your date with him went. I don't think I'm that mature. I'll probably trashtalk the poor guy."
Natawa ako.
Napa-tingin siya sa akin at ngumisi.
"Jersey," pagtawag niya sa akin.
"Hmm?"
"Does it make me an asshole to think that maybe this is a good thing?" tanong niya. Bahagyang kumunot ang noo ko. "That if you date him... that will make you realize how good we are... that no matter who you date... nothing and no one will ever compare to us?"
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com