Chapter 44
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG44 Chapter 44
Nagtataka si Nikolai nang magtext ako sa kanya na sunduin niya ako pagkatapos ng trabaho niya. Ngiting-ngiti siya habang naka-tayo sa harap ng sasakyan niya at kumakaway sa akin. Ngumiti din ako sa kanya. Nangyari na 'to dati. Hindi ako nagsalita agad kaya nagkanda-gulu-gulo na. Ayoko ng maulit kaya kailangan ko siyang kausapin agad.
Saktong maglalakad na ako papunta kay Nikolai nang magka-sabay kami ni Atty. Marasigan. Naka-tingin siya sa akin—walang kahit na anong reaksyon sa mukha niya.
"Ingat," sabi niya na parang may laman kaya naman simpleng tumango lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa kanya. Mukha naman siyang maayos na tao... si Atty. Marroquin pa ang nagpakilala sa kanya sa akin.
Kaso kung mamimili ako sa kanilang dalawa, kay Nikolai ako mas makikinig.
Huminga ako nang malalim bago ako lumapit kay Nikolai.
"Hey," naka-ngisi niyang sabi.
"Kumain ka na?" tanong ko.
Umiling siya. "I was about to ask you, actually," sabi niya habang suma-sakay kami sa loob ng Jeep niya. "Dine out or we just order?" tanong niya. "Also, your apartment or in my place?"
Parang narinig ko ulit iyong sinabi sa akin kanina.
Bawat hotel, bawat floor.
Kaya ba nandoon si Nikolai—
Agad akong umiling.
Ayokong mag-isip ng masama hanggang hindi ko naririnig mismo galing sa bibig niya na alam niya—kung totoo man—iyong sa business ng pamilya niya.
"Sa apartment ko na lang," sagot ko at nakita ko na bahagyang naka-kunot ang noo niya. Nakita niya akong umiling mag-isa. Nginitian ko na lang siya.
"Don't you have review tonight?" tanong niya habang nagda-drive.
"Masakit ulo ko," sagot ko. Hindi naman ako nagsisinungaling dahil talaga namang masakit ang ulo ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Darius kanina.
"Are you sick? Do you want to go to the hospital?" nag-aalalang tanong niya.
"Iinom na lang ako ng gamot."
"Do you have medicine or do we have to stop by a pharmacy?"
"Pharmacy," sagot ko.
Mayamaya pa ay huminto kami sa pharmacy. Si Nikolai ang bumaba. Pagbalik niya ay may dala siyang paper bag. Pagbukas ko nun ay nakita ko kung gaano karami ang binili niya—may kasama pang Gatorade doon.
"Ano 'to?" tanong ko.
"She said you might be dehydrated," sagot niya na parang binili niya lang lahat ng pwede niyang bilhin para sa akin. "There are meds for headache there. Anyway, do you know where we can buy lugaw or sopas?"
Medyo kumunot ang noo ko. "Ano?"
Saglit na tumingin siya sa akin. "Well, when I was younger and when I got sick, I remember yaya cooking lugaw and sopas for me."
Napa-ngiti ako.
Nung bata pa ako, kapag may sakit ako e sariling-sikap lang din ako sa paggaling ko. Siguro kaya kahit ngayon na malaki na ako e hindi ako nagkaka-sakit dahil nasubok na iyong resistensya ko nung bata pa ako.
Pero ganito pala iyong pakiramdam na mayroong nag-aalala sa 'yo.
"Bili na lang ako ng noodles sa tindahan. Okay na 'yun," sabi ko sa kanya dahil baka kung saan pa kami maka-rating sa paghahanap niya ng sopas at lugaw.
Kilig na kilig iyong teenager na nagtitinda nung bumili si Nikolai ng noodles. Natawa lang ako kasi gets na gets ko kung bakit ganyan iyong reakyson niya. Lalo na siguro kung makita nitong batang 'to iyong katawan sa ilalim nung suot niyang puting polo—baka may teenager na maghyperventilate ng wala sa oras.
"Go change," sabi ni Nikolai habang kunot-noong binabasa iyong instruction sa likod nung noodles. Pinabayaan ko na siya at dumiretso na ako sa kwarto para magpalit. Nagsuot lang ako ng cotton shorts at maluwag na t-shirt. Naghilamos at nagtoothbrush din ako. Paglabas ko ay nakita ko si Nikolai na seryoso habang sinusukat iyong tubig sa tasa.
"Ako na d'yan."
"No, you rest there," sabi niya habang seryoso pa rin. "What's your topic in the review center tonight? I can review you so that you won't get left behind."
"Remedial kami—sa Specpro. Bagsak ka dun, 'di ba?" panunukso ko sa kanya.
"Hey!" reklamo niya. Natawa ako. Napa-tingin siya sa akin at naka-ngiti siya. "Just rest there, okay? I'll figure this noodles out."
Yakap-yakap ko iyong unan habang pinapa-nood ko si Nikolai na hanapin kung nasaan iyong mga gamit sa kusina. Gusto kong ituro na lang sa kanya, pero ang funny niya panoorin.
After 30 minutes e natapos na rin siya magluto kahit na 10 minuto lang dapat niluto.
"So?" tanong niya pagkatapos kong humigop ng sabaw. Nagthumbs up ako sa kanya kahit na sobrang lambot na nung noodles. Effort pa rin talaga kasi. Pinanood ako ni Nikolai hanggang sa maubos ko lahat nung nilagay niya sa mangkok tapos ay inabutan niya ako ng isang basong tubig at saka gamot.
"If you still feel sick tomorrow, you should stay in," sabi niya habang hina-hagod iyong noo ko. Naka-higa na ako sa sofa tapos ay nandoon siya sa kabila habang naka-tingin sa akin. "I know you love your job, but you have to take care of yourself first."
"Nikolai."
"Hmm?"
"Anu-ano ang business ng pamilya mo?"
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Why?"
Nagkibit-balikat ako. "Curious lang."
"Mostly hotels and resorts," sagot niya. "Then we own stocks in some other business. I really don't know—my mom's the one who really takes care of everything," dugtong niya. "Why the sudden curiosity?"
Naupos ako.
Tumingin sa mga mata niya.
Nagbuntung-hininga.
"Nikolai."
"Jerusha."
Bahagya akong natawa sa paggaya niya sa boses ko. Sigurado ako na hindi alam ni Nikolai. May tiwala ako sa kanya. At kung alam man niya... sigurado ako na may dahilan kung bakit. Pero ayokong tumalon at magdesisyon para sa kanya at para sa kung ano ang dahilan niya.
"Iyong sa sasakyan mo, 'di ba bulletproof 'yun?"
Nagtatakang tumango siya. "Yeah... why?"
"Ikaw nagpa-ganon?"
"My mom," sagot niya. "Because when I was younger, I had been almost kidnapped a lot of times."
"Sila Vito ba naka-ganoon din?"
Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay sinabi niyang, "What is this about, Jersey?"
Huminga ako muli nang malalim at saka tumingin sa kanya.
"May balita kasi..." Napa-hinto ako. "Kung anuman ang sasabihin mo sa 'kin, maniniwala ako sa 'yo. Na hindi mo talaga alam. O kung alam mo man... may dahilan ka kung bakit... tahimik ka lang."
Sumeryoso ang mukha niya. "What the fuck is this about?" tanong niya na nag-iba ang tono. Parang nawala bigla iyong Nikolai na nag-iisip sa mga sasabihin niya bago lumabas sa bibig niya.
Muli akong humugot ng malalim na hininga bago ko sinabi sa kanya iyong mga sinabi ni Darius sa akin kanina—kung paano front lang lahat ng legal nila na business, pero sa iba talaga nanggagaling iyong pera nila.
Kasi alam ko na mayaman talaga sila.
Pero minsan... nakakapagtaka.
Parang may mali.
Pero hindi ko pinansin dati kasi mahal ko si Nikolai—sa kanya lang ako naka-tingin... pero kung titignan mo iyong mga naka-paligid sa kanya, masyadong maraming katanungan.
Hindi ko mabasa iyong ekspresyon sa mukha niya nang matapos akong magsalita. Naka-tingin lang ako at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Nikolai—"
"I have to go," sabi niya at saka tumayo. Mabilis akong sumunod sa kanya. Ayoko na umalis siya na hindi kami nag-uusap kasi ganito rin iyong nangyari dati at ayoko ng maulit pa at muli kaming magsayang ng panahon.
"Nikolai," mas malakas na pagtawag ko sa kanya. Agad siyang huminto at tumingin sa akin. "Alam mo ba?"
Umigting ang panga niya. "No," malalim na sagot niya. "But the fact that you have to ask me that? God, Jersey," disappointed na sabi niya bago ako tinalikuran.
* * *
Sinubukan ko na matulog, pero hindi ako maka-tulog. Gusto kong magsearch sa Internet tungkol sa pamilya ni Nikolai, pero pakiramdam ko ay magta-traydor ako sa kanya kung gagawin ko iyon. Mas mabuti na sa kanya ko mismo marinig kaysa sa kung kanino pa man galing.
"Naka-tulog ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong sa akin ni Renz nang mag-abot kami sa opisina.
Tipid na ngumiti lang ako sa kanya tapos ay dumiretso na ako sa lamesa ko. Pinilit ko iyong sarili ko na magfocus sa trabaho, pero kahit na ganoon ay patingin-tingin ako sa cellphone ko para makita kung nagtext ba si Nikolai sa akin.
Bandang-tanghali na ay wala pa rin akong nakukuha na kahit ano mula sa kanya. Kinuha ko iyong bag ko. Nagka-tinginan kami ni Atty. Marasigan, pero dumiretso lang ako palabas. Pagdating ko sa hotel ay pupunta na sana ako sa kwarto ni Nikolai, pero natigilan ako nang makita ko si Kuya Jerry.
Tumingin ako sa paligid.
Baka nandito iyong magulang ni Nikolai...
Kung hindi niya alam, malamang ay sila ang nakaka-alam. Nakaka-takot. May mga ganoon pala talagang tao... Na walang pakielam sa iba... Na sarili lang nila ang iniintindi 'di bale na kung mayroon silang maapakan na iba.
"Bakit mo sinabi sa akin noon na lumayo ako kay Nikolai?" agad na tanong ko sa kanya nang masiguro ko na wala sa paligid ang amo niya.
Pero imbes na sumagot ay naglakad lang siya na parang hindi ako narinig. Mabilis na sumunod ako sa kanya at tinanong siya kung bakit hindi niya ako sina-sagot, pero bigla na lang siyang lumiko at hinatak ako papunta roon.
"Hindi mo alam kung ano ang sinimulan mo," seryosong sabi niya sa akin. "Malalaking tao ang kasama dito, Jersey."
"Bakit mo sinabi na lumayo ako—"
Agad siyang umiling. "Jersey, hindi ka na pwedeng lumayo. Kailangan mong dumikit kay Nikolai kung mahal mo ang buhay mo."
Napaawang ang labi ko.
Tangina.
Ano'ng nangyayari?!
"Mag-iingat ka."
"Kuya Jerry!"
Pero hindi siya nagsalita... kung hindi muli akong sinabihan na mag-iingat ako at 'wag akong lalayo kay Nikolai.
Napa-hawak ako sa dibdib ko at doon ko lang napagtanto kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Halos mapa-talon ako nang bigla kong maramdaman iyong cellphone ko.
"H-hello?"
"Where are you?"
"Nandito..."
"Where?"
"Sa hotel—"
"What? Where exactly?"
Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako at sinabi ni Nikolai na 'wag akong gagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin naman alam kung kaya ko... Kasi para akong masusuka sa mga naiisip ko."
"Nikolai—"
Pero agad na natigil ang pagsasalita ko nang yakapin niya ako.
"This is so fucked up," mahinang bulong niya sa akin. "I don't understand..."
Hindi ako makapagsalita.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
"Totoo ba?" mahinang tanong ko.
"I don't know, Jersey... I don't know what to believe..."
Hinigpitan ko iyong yakap sa kanya.
Kasi kahit ako, hindi ko na rin alam kung saan ako maniniwala.
"But what if it's true?" mahinang tanong niya. "Do I—fuck. Do I fucking turn my parents in?" parang hirap na hirap na sabi niya. "What the fuck do I do?"
Hindi ko alam.
Ito siguro iyong dahilan kaya minsan sinasabi nila na mas masaya kapag wala kang alam... kasi kapag alam mo na, kasalanan na ang pumikit.
"Hindi ko alam, Nikolai... ang alam ko lang, kahit ano'ng mangyari, nandito lang ako. Hindi na ako aalis. Pangako."
Hindi siya nagsalita, pero sapat na iyong paghigpit ng yakap niya para malaman ko ang sagot niya.
* * *
Hindi ko sinabi kay Nikolai iyong sinabi sa akin ni Kuya Jerry na 'wag akong lalayo sa kanya. Alam ko na mas mag-aalala lang siya sa akin. Doon kami tumuloy sa apartment ko dahil ayaw niyang manatili pa sa hotel na iyon gayong nagdududa na siya sa mga nangyayari roon.
"Wala ka bang napapansin na iba?" tanong ko sa kanya. "Iyong sa... reserved floor?" muling tanong ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na nung nagkikita pa kami dati ng tatay niya, naririnig ko na pinag-uusapan nila ni Kuya Jerry iyong tungkol sa 'standing reservation.' Hindi ko pinapansin dati, pero ngayon ay parang may iba na siyang kahulugan.
"I don't know..." naiinis na sagot niya na rin dahil wala siyang alam sa mga nangyayari sa business nila. Kahit naman nung kami pa dati, bihira siyang magsabi tungkol sa business ng pamilya niya. Ang palagi niya lang naku-kwento ay iyong nanay niya at kung gaano kabait ang nanay niya. Nakakapagduda na lahat ngayon.
"I need to talk to that Marasigan," sabi niya. "I need to know everything that he knows."
Tumango ako at kinuha iyong cellphone ko. Naka-tingin ako sa kanya habang sinusubukan kong tawagan si Darius. Kitang-kita ko iyong kaguluhan sa mukha niya. Iyong guilt... kasi kung totoo nga, galing sa buhay ng ibang tao iyong ginhawa na tinamasa niya buong buhay niya.
"Do shits like that really exist?" tanong niya.
Hindi ako sumagot.
Pero sa tingin ko ay oo.
Kasi sa mata ng mayayaman—ano ba naman ang mahihirap? Tangina. Spare parts kapag pumapalya na iyong laman-loob nila? Laruan na pwede nilang bilhin kapag bored sila?
Parang ang pangit isipin.
Pero totoo naman.
"Hindi sumasagot si Atty. Marasigan," sabi ko sa kanya. Hinawakan ko iyong kamay niya. "Gabi na. Matulog na tayo, ha? Bukas na lang natin isipin... Sasabihin naman niya sigurado lahat ng nalalamn niya."
Pilit na tumango si Nikolai.
Nung gabing iyon, niyakap ko siya—para alam niya na nandito lang ako lagi sa likod niya kahit ano pa man ang mangyari. Kahit na natatakot din ako... kasi anak pa rin naman siya... paano kung magka-gulo? Paano kung sabihin nila na alam niya rin? Paano kung madamay siya?
Naunahan kong magising iyong alarm ko. Agad kong kinuha iyong cellphone ko para patayin iyon dahil gusto ko na matulog pa sana si Nikolai... pero agad na nanlamig ang buong pagkatao ko nang mabasa ko iyong text doon mula kay Ching.
'Wala na si Darius.'
***
This story is chapters ahead on Patreon (patreon.com/beeyotch)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com