068.
Athena's POV
It's been a week or two nang mag post si Athena Lee na magka-sama sila ni Guanlin. Hindi ko sya kinausap after nun, hanggang ngayon.
I guess, tapos na ang pretend namin.
" Anak, andito na si Jinyoung "- Napa-angat ako ng tingin kay mama nang mag salita sya.
Agad ko namang isinukbit ang bag ko at inabot ang kamay ni mama. Inalalayan nya ako hanggang sa maka-salubong namin si Jinyoung.
Jinyoung extended his arms at kinuha ko naman ito. Inalalayan nya akong maka-lakad hanggang sa malapit na kami sa sasakyan nya.
Hindi naman kasi gumagaling ng ilang linggo lang ang bali. Medyo nakakalakad naman na ako na wala ang saklay ko, medyo kailangan ko lang ng alalay.
" Ingat kayong dalawa "- Paalam ni mama nang nasa tapat na kami ng sasakyan ni Jinyoung.
" Don't worry tita. I will "- Naka ngiting sagot ni Jinyoung.
Mom kissed my cheeks bago ako inalalayan ni Jinyoung maka-upo sa shotgun seat at umikot.
" Nako anak. Mas gusto ko talaga si Jinyoung para sayo, kesa dun sa Guanlin "- Bulalas ni mama na nakapagpa-hinto sakin.
Napa lingon din si Jinyoung dahil sa sinabi ni mama before starting the engine.
" Bye tita "- Naka ngiting paalam ni Jinyoung bago nya paandarin ng tuluyan ang sasakyan nya.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa sasakyan.
" Athena "- Tawag sakin ni Jinyoung kaya napa-tingin ako sa kanya.
" Alam kong hindi ito ang tamang panahon for this pero, alam mo bang si Lee ang nag lalagay ng kung anu-ano sa locker mo with Guanlin's name ? "- Sabi ni Jinyoung. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa bintana.
" Ahhh "- Simpleng sagot ko.
" Sa haba ng sinabi ko yan lang isasagot mo ? "- Parang hindi makapaniwala na sabi ni Jinyoung.
" Wala namang mangyayare, Jinyoung "- Simpleng ani ko.
I heard him sigh and shook his head and focused on the road.
Maya-maya lang ay dumating na kami sa school. Umikot sya sa kabila at inalalayan akong bumaba.
" Thank you "- Naka ngiting pasasalamat ko sa kanya at nang iharap ang tingin ay napa-hinto ako nang makita na magka-sama sina Athena Lee at Guanlin.
Para bang nag slow motion silang dalawa sa paningin ko. Super saya ni Guanlin, while holding some of Athena's books. Tapos si Athena naman, halatang masaya din.
" Tigilan mo na nga. Tara na "- Narinig kong sabi ni Jinyoung at saktong lumiko sila at naharangan na ng building.
Kumurap ako ng ilang beses at iniwas ang tingin.
" Aray "- Sabi ko at kinusot ang mata nang mapuwing ako.
" Oh, anong nangyare sayo ? "- Nag aalalang tanong ni Jinyoung.
" Napuwing ako "- Simpleng sagot ko at pinahid ang mata ko.
" Grabe, ang landi talaga "
" Una si Guanlin, ngayon si Jinyoung ? Tch "
" Akala mo mabait, may tinatago din palang landi "
Usapan nang mapahinto kami ni Jinyoung.
Akmang lalapitan na ni Jinyoung nang hawakan ko ang kamay nya at pigilan sya.
" Hayaan mo na sila "- I told him and smiled at him faintly at nag lakad ulit.
Lahat ng estudyante ay nakita naming papunta sa gym.
" Haknyeon ! Bat kayo papunta dyan ? "- Tanong ni Jinyoung nang madaanan kami ni Haknyeon.
" May announcement daw eh "- Kibit balikat na sagot ni Haknyeon bago ako tinignan.
" Okay ka na ? "- Naka ngiting tanong nya sakin. Nginitian ko sya pabalik bago tumango.
" Nako ! Pagaling ka ah ? "- Naka ngiting ani nya bago tuluyang pumasok sa gym.
Tinignan ako ni Jinyoung at itinuro ang gym. Tumango naman ako at nag lakad kami papasok doon. Baka mamaya importante yung sasabihin.
Almost lahat na ng estudyante ay nasa loob at sa tingin ko, kami ni Jinyoung ang huling pumasok.
Medyo maingay ang gym, at biglang umakyat si Lee sa stage.
" Guys, tahimik please "- Naka ngiting sabi nya at tumahimik ang lahat.
" So, i just want to tell everyone na... "- Sabi nya at parang may hinanap sa crowd.
Nang mag tama ang mata nya, i saw her smirk at humarap na ulit sa crowd.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung normal pa ba to dahil kinakabahan ako o umaatake nanaman
" Gusto ko lang sanang sabihin na. Guanlin and i were officially dating now. "- Naka ngiting pag announce nya at bigla namang nag sigawan ang lahat.
Napa yuko ako at nanghina ang mga tuhod. Buti nalang andito si Jinyoung.
I clutched my chest at biglang nataranta si Jinyoung.
" Shit "- Tanging nasabi nya before carrying me.
Binuhat nya ako in a bridal style at agad na isinakay sa sasakyan nya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com