Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

special chapter 1

Guanlin's POV

Isang malakas na ihip ng hangin ang sumalibong sakin nang bumaba ako sa airport.

It's been a year since i left. Since she left.

Of course, hindi ko hahayaan na mamiss ang birthday at death anniversary nya ngayon.

" Aye ! Andito na ang ating boy from Taipei ! "- Sigaw ni Seongwoo-hyung nang makita ako.

Hindi ko naman napigilan ang sarili na mapa ngiti nang makita sila.

Grabe, isang taon akong nawala pero bakit parang walang nag bago ? Swaggy rapper parin ako- joke.

" Hala wait, baka di na tayo naiintindihan neto. Yongguk ! Kausapin mo nga ! "- Sigaw ni Jisung-hyung.

Binatukan ko naman sya dahil doon.

" Loko ! Naiintindihan ko kayo baliw "- Natatawang sabi ko at halos madaganan ako nang yakapin at kuyugin nila akong lahat.

Hindi ko naman mapigilan ang sariling matawa. Nakakamiss sila.

" Ang drama nyo, wala namang dalang chocolate yan "- Ismid ni Seonho sa isang gilid.

" Edi wag kang kukuha. Mag laway ka mamaya "- Pang aasar ko at hinila na ang maleta ko.

Agad nya akong nilapitan at ipinulupot ang mga kamay sa braso ko.

" Grabe ! Joke lang ! Namiss kaya kita "- Sabi nya sabay puppy eyes.

Binigyan ko sya ng nakakadiring tingin before brushing him off.

" Tara na, andun na silang lahat "- Sabi ni Jinyoung habang naka ngiti.

Nginitian ko sya pabalik at sabay-sabay kaming umalis doon.

Syempre hindi kami kasyang lahat sa isang van kaya nag hiwa-hiwalay muna kami. Doon ako napa-sama sa van ng family ni Athena at ng wanna-one.

" Long time no see "- Bungad ni Euiwoong at nakipag bro-fist sakin.

" Hindi nyo naman ako tinatawagan sa skype ! Tch "- Umiiling na sabi ko.

" Sorry, no time eh "- Natatawang sagot naman ni Euiwoong.

" Kamusta Taipei ? "- Tanong ni Jinyoung.

" Ganun parin naman. Dalaw kayo minsan "- Simpleng sagot ko.

" Libre mo pamasahe aba "- Sabat ni Jihoon na kasama rin namin.

" Walang ganun "- Natatawang sagot ko at nag-tawanan naman silang lahat dahil sa isinagot ko.

Napa lingon ako sa bintana at nakita ang isang flower shop.

" Hyung, pahinto muna saglit "- Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa flower shop.

" Huh ? Bakit ? "- Tanong ni Jisung-hyung pero inihinto naman nya ang van.

" Will be right back "- Simpleng sagot ko at bumaba.

Dali-dali akong tumakbo papunta doon sa store at bumili ng red roses na favorite nya.

Nang mabili ko na ito ay agad na akong bumalik sa van.

Wala naman akong narinig na sinabi nila at agad na umalis rin kami doon para maka-punta na kami kung nasaan sya.

Medyo malayo pala yun sa airport kaya naka-tulog ako.

Nagising ako sa mahinang tapik ni Daehwi sa braso ko at doon ko lang napansin na naka-rating na pala kami.

Napa ngiti ako nang makita ang parents nya.

Nag bow ako bilang respeto at ibinigay ang regalo o pasalubong na dala ko.

" Isang taon kang nawala ah "- Sabi sakin ng mama nya.

" Oo nga po. Namiss ko Korea "- Natatawang sagot ko at napa tingin sa bandang kanan ko at nakita ang lapida nya.

" Go on "- Bulong ng mama nya at nginitian ako bago inasikaso ang pro-dudes na isa-isa ng dumarating.

Agad naman akong pumunta sa puntod nya at inilapag ang roses na binili ko para sa kanya.

" Hi Im. Namiss kita "- Bungad ko at umupo sa damuhan.

" Kamusta ka naman dyan ? Sure naman kasi akong binabantayan mo ako kaya alam kong alam mong okay ako "- Natatawang litanya ko at nilinis ng bahagya ang lapida nya.

" Miss na miss na kita "- Mahinang sambit ko at yumuko.

Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.

" Hindi ko manlang nasabi sayo na mahal na kita "- Mahinang dagdag ko.

I regret it. Andun na ako eh. I was so close to tell her to hold on. I'm just a few inches away from telling her i love her, yet i was late. Too damn late.

Sana may back button ang buhay. May reverse. Para pwede kong mabalik yung panahon na buhay ka pa at pahahalagahan na kita.

Pero parang isang malaking kalokohan yun. Kasi walang ganun. At wala akong magagawa kundi ang magsisi bakit hindi ko nasabi sayo na mahal kita.

" HOY GUANLIN ! "- Sigaw ng isang babae sa tenga ko kaya napa-talon ako sa kinahihigaan ko.

" A-ate !? Nasaan ako !? "- Natatarantang tanong ko.

" Nasaan ang puntod ni Athena !? "- Tanong ko ulit.

Naka-tanggap naman ako ng batok galing sa ate ko.

" Nasa Taipei ka tanga ! Atsaka anong Athena ? Sino yun ? Bilisan mo na nga ! Mahuhuli ka na sa flight mo papuntang Korea ! "- Sigaw nya at tumalikod na at akmang palabas.

" Korea ? Hindi ba kakadating ko lang ng Korea ? "- Tanong ko.

Binigyan ako ni ate ng isang boring look.

" Wag kang feeling. First time mo lang makakapunta ng Korea no ! Bilis ! Baka maiwan ka ng eroplano ! "- Ani nya at tuluyang lumabas ng kwarto ko.

What the hell ? Anong nangyayare ?

~~*~~

#5 in Short Story guys amsosmlama thank you so much ! Omg super saya ko talaga ! Actually dapat kanina pa to ma-pupublish, kaso madami akong ginagawa huhuhu. Soooo nangangamoy book 2 ? Hmm we'll see ! Hahaha


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com