eight.
Official Hashtag: #EveryDay520
PAGOD akong umuwi sa bahay. Inihagis ko sa sofa ang bag na dala ko at umupo roon. Isinandal ko ang ulo ko at mariing pumikit, kanina pa talaga masakit ang ulo ko! Uminom na ako ng gamot pero wala pa rin talab. Hindi ko alam kung magkakasakit ba ako mamaya-maya lang o sadyang sakit lang talaga ng ulo itong nararamdaman ko.
Tinignan ko ang oras sa cellphone. Hindi ko alam kung bakit napatulala na lamang ako doon.
12:00 AM.
Malalim akong huminga. Pagod na pagod ako ngayong araw, parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko kahit kaninang umaga noong magising ako. Butil-butil na pawis nga kaagad sa aking noo ang nahawakan ko kanina. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagka-ganoon kung naka-todo naman na ang aircon sa kwarto ko. Bwisit na buhay 'to. Palagi na lang minamalas.
Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Tuyo kasi ang pakiramdam ng lalamunan ko, kanina pa ako parang naghahanap ng maiinom na napakalamig at makakapagpawala ng uhaw ko. Bumaling ako sa pinanggalingan ng malakas na tunog nang marinig ko ang pag-tunog ng aking cellphone, ibigsabihin ay mayroong natawag.
Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at natulala na lang sa tumambad na pangalan.
Nadya Calling...
Nanlamig ang pakiramdam ko. Unti-unti na namang namuo ang pawis sa aking noo, bumuga ako ng isang malalim na hininga. Kahit na nangangatog ang mga kamay ko ay pinilit kong pindutin ang answer button at sagutin ang tawag.
"He-Hello?" Nauutal kong pagsasalita.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa mga oras na katulad nito. Paano ba naman, tanging hininga lang ng tumawag ang naririnig ko. Hindi pa nga ako sigurado kung hininga ba 'yon o hangin lang na dumadaan.
"Sino ba 'to?" tanong ko. Pilit na inaalis sa isipan ang nakita kong pangalan ng caller na lumabas sa screen ng aking phone.
"Hello, Nadya?" bulalas ko.
Kumuyom na ang mga palad ko nang wala pa rin sumagot. Huminga ako nang malalim at aalisin na sana ang cellphone malapit sa aking tenga pero biglaan siya nag-salita.
"H'wag mong papatayin..."
"Nadya?" Nag-taasan ang mga balahibo ko.
"..."
Tanging pag-hinga na naman ang narinig ko.
"Para saan ba 'to? B-Bakit ka tumatawag ng ganitong oras?"
"..."
"Wala ka ba talagang balak mag-salita?"
"Bastee?"
Ako naman ang hindi nag-salita pero tumikhim ako para malaman niya na nakikinig ako.
"1314, Bastee. 1314..."
"Ha-"
Call Ended.
Kunot ang noo kong tinitigan ang cellphone ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ang oras sa cellphone ko.
5:19 at mabilis na naging 5:20 AM.
"Fuck!" sigaw ko dahil sa matinding frustration. Tangina, ano ba talaga 'to? Kanino pa ba ako dapat lumapit para lang malaman lahat ng sagot sa nararanasan ko?
Kanina ay 12 AM lang. Bakit nang ibinaba ko ang tawag ay naging 5:20 na?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com