Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

nine.

Official Hashtag: #EveryDay520 

    "Josh, maniwala ka sa'kin. Nakikita ko si Nadya. Naandito pa siya! Please, pare! Maniwala ka naman...." halos nagmamaka-awa ko ng sambit kay Josh habang nakatitig sa kanya.

Kumunot ang noo niya, "Bastee, it's impossible, okay? Nadya flew abroad three years ago. Hiwalay na kayo ng mga panahong 'yon. Buhay pa siya at imposible naman na multuhin ka pa niya kung wala na nga siya sa mundong 'to. Lumalala ka na talaga, Bastee."

Marahas kong iniling ang aking ulo, "No I am not, Josh! Hindi. Maniwala ka, may nag-iiwan sa akin ng sulat tuwing alasingko ng madaling araw. Kinukuha ko 'yon sa may lamp post malapit sa bahay namin. Tuwing 5:20 AM lang nangyayari 'yon, wala ng ibang oras. Nadya ang nakalagay na pangalan!"

Tumayo si Josh at hinawakan ako sa magkabilang balikat, "I will give you some medicines, okay? Isusulat ko na rin kung ilang beses at kung anong oras mo dapat iinumin. H'wag mong hayaang lumala ang kondisyon mong 'yan, pwede ba Bastee? Nakakapag-alala ka."

Inalog ko si Josh at hinawakan siya nang mahigpit, "No, Josh! Hindi na naidadaan sa gamot. Totoo, totoo talaga! Maniwala ka naman!"

"Kumalma ka, okay?" anas ni Josh at kinuha ang isang papel at nag-simulang mag-sulat doon. "It will be okay. Sana lang din ay mas maging umayos ang lagay mo at mawala na ang insomnia mo."

Desperado kong napasuklay sa buhok ko gamit ang aking mga daliri at nag-buga ng isang malalim na hininga. Pipilitin ko pa sana siya na pakinggan ang ilan pang mga sasabihin ko pero kaagad niyang ibinigay sa akin ang papel at marahan akong tinapik sa balikat.

"This is all on you, Bastee. Kaibigan mo ako, doctor mo ako pero hindi ibigsabihin ay sa akin lahat nakasalalay. Gagaling ka kung gugustuhin mong gumaling at hindi mo na palalalain pa ang mga bagay na nangyayari sa'yo ngayon."

Hindi ko na ipinakita kay Josh ang galit at inis na nararamdaman ko. Mabilis akong  umalis sa loob ng kanyang clinic nang hindi sa akin naka-tuon ang atensyon niya. Hindi ko namalayan na nalukot ko na pala ang resetang ibinigay niya sa akin. Inis ko na lamang 'yong tinitigan habang nasa mga palad ko pa.

"Puta talaga." bulong ko sa ilalim ng aking hininga.

Itinapon ko ang resetang lukot na. Ano pa bang pakinabang non? Mukhang palala lang naman ako ng palala at wala na akong magagawa pa. Iba ang nangyayari sa akin, iba sa nararansan ng iba. Hindi na lang basta insomnia. Hindi ko alam kung may sakit ba ako sa utak pero totoo! Totoo naman talaga ang mga nararanasan ko. Si Josh ay hindi magawang maniwala sa akin. Tangina talaga! Wala naman na ako pwedeng malapitan!

Nang maka-labas ako ay dideretso na sana ako pauwi nang mapatigil ako sa pwesto ko. Tinignan ko ang paligid at kunot-noong napatitig na lamang. Nangangatog kong inilapat ang kamay ko sa parte ng aking dibdib kung nasaan mabilis at malakas na kumakabog ang puso ko.

Puta. Bakit nasa kwarto ako?

Pawis na pawis ang buong katawan ko. Balisa akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama ko. Naniningkit ang mga mata kong tinignan ang orasan. 

5:20 AM.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinignan ang huling chat na sinend ko kay Josh.

Bastee: Pupunta ako sa clinic mo bukas. 
7:50 PM. 

Josh: Sige, pare. Nag-aalala na rin talaga ko sa'yo.
7:59 PM 

Lalo akong hiningal. Para akong tumatakbo kahit wala naman akong pupuntahan. Para akong tumatakas kahit wala naman ako sa panganib.

Hindi ako makapaniwala, nakatulog ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com