ten.
Official Hashtag: #EveryDay520
ILANG araw na akong hindi pumupunta sa clinic ni Joshua. He's been texting me kung kumusta na raw ba ang lagay ko, kung iniinom ko raw ba ang mga ini-reseta niyang gamot sa akin. Ang tanging sinasagot ko lamang sa kanya ay oo, ginagawa ko, busy ako kaya hindi ko magawang mag-punta ng clinic at masyadong maraming trabaho na kailangan asikasuhin.
Hinilot ko ang aking sentido bago paulit-ulit na binuklat ang librong nasa harapan ko. Habang nasa trabaho at wala pa namang ginagawa ay nagbasa-basa muna ako ng libro tungkol sa insomnia at sa kung ano pa bang posibleng epekto nito.
"Insomnia is the inability to fall asleep or stay asleep at night, resulting in unrefreshing or non-restorative sleep. Because different people need different amounts of sleep, insomnia is defined by the quality of your sleep and how you feel after sleeping—not the number of hours you sleep or how quickly you doze off. Even if you're spending eight hours a night in bed, if you feel drowsy and fatigued during the day, you may be experiencing insomnia."
"Medications. Many prescription drugs can interfere with sleep, including antidepressants, stimulants for ADHD, corticosteroids, thyroid hormone, high blood pressure medications, and some contraceptives. Common over-the-counter culprits include cold and flu medications that contain alcohol, pain relievers that contain caffeine (Midol, Excedrin), diuretics, and slimming pills."
"If sleep worries are getting in the way of your ability to unwind at night, the following strategies may help. The goal is to train your body to associate the bed with sleep and nothing else—especially not frustration and anxiety..."
Tuluyan nang napuno ng inis at pagka-aburido ang sistema ko dahil puro ganoon lang naman ang nababasa ko. Isinara ko na lamang ang libro at ininom ang kapeng nasa tabi ko. Tangina, malamig na. Ilang oras na ba akong nag-babasa?
Tinignan ko ang oras, 11:30 PM.
Dinilaan ko ang pang-ibabang labi ko at itinabi ang libro. Tatayo na sana ako pero biglaang nag-dilim ang aking paningin sa dahilang hindi ko naman alam. Ang huling naramdaman ko na lamang ay ang pag-bagsak ko sa sahig, malakas at masakit.
"Bastee... Bastee..."
Napamulat ako sa boses na narinig. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at namilog ang mga mata nang makita ang ka-trabaho kong patuloy akong tinatapik sa likod na para bang ginigising ako. Umupo ako nang maayos at tinitigan siya.
"A-Anong meron?"
Ngumiwi siya, "Mago-overtime ka ba? Nagu-uwian na ang lahat kanina pa. Ikaw lang ang tulog, kanina pa."
Kumunot ang noo ko, "Tulog ako?"
Tumango siya, "Oo. Kanina kasi nakita kita nagbabasa, e. Tapos nakita rin kita kanina na unti-unting bumabagsak ang ulo mo hanggang sa ilang oras ka ng nakatulog."
Naningkit ang mga mata ko, "Seryoso?"
Tumango siya habang nakalapat ang labi. "Alis na ako, ha? Kailangan ko ng umuwi, e. Anong oras na kasi..."
"Si-Sige..."
Iniligpit ko na rin ang mga gamit ko. Akala ko ay tuluyan nang nakaalis ang ka-trabaho ko pero biglaan siyang bumalik.
"Bakit?"
"May nakalimutan akong sabihin." Nahihiya niyang wika.
Kumunot ang noo ko, "Ano 'yon?"
"May naghahanap sa'yo kanina."
Bigla akong kinabahan, "Sino raw?"
"Nadya raw ang pangalan niya, e."
***
infos from: helpguide.org
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com