five.
Official Hahstag: #EveryDay520
BUMABA ako ng sasakyan nang makarating ako sa tapat ng clinic ni Joshua. I hurriedly locked the car doors and went inside. I have to consult Josh, baka mamaya kung anu-ano na lang pala ang nakikita ko na hindi naman nakikita ng ibang tao. Damn, ni hindi ko nga naabutan si Nadya kahapon na iwanan yung letter.
Sa totoo lang ay parang wala namang taong dumaan. Ni wala nga rin akong narinig na yapak ng mga paa. The fuck, this is getting more and more frustrating!
“Josh!” tawag ko nang makita ko siya sa lobby. Kaagad siyang humarap sa akin, bakas ang pagka-lito sa kanyang mukha.
“O bro, ano kailangan mo?” anas niya, pinasadahan ako ng tingin. “Nag-apply ka na ba ng trabaho as an Engineer?”
I rolled my eyes, “Yes, Josh. And natanggap ako,” I held his hand at dinala siya sa isang sulok, “But I have something to tell you, Josh!”
Kumunot ang noo niya, “Bakla ka? May gusto ka sa'kin? Oh, well Bast—”
“Shut up, Josh. May nagbi-bigay sa akin ng letter. Kapangalan nung nurse mo, Nadya ang pangalan!”
Umiling si Josh, “Bastee, mukhang kailangan ko ng mag-prescribe sa'yo ng mga bagong gamot. I think your condition is getting worse. Masama na 'yan, Bastee.”
I groaned, “I'm fucking serious, Josh! Meron nga. Every morning, at 5:20! Meron! Nadya ang pangalan. She's one of your nurses right?”
Tumango siya, “Yeah? Three years ago, Bastee. Isang taon ka palang pabalik balik dito. Paano mo siya nakilala?”
Kumunot ang noo ko, “What? Pero may nurse ka na pangalan ay Nadya!”
“Malala ka na talaga, Bastee. Halika nga.” anas ni Josh at hinila ako papasok sa mismong clinic niya. He then sat in front me, rummage the papers in front of him pero mukhang may hindi siya mahanap na record.
Biglang may pumasok sa nurse and everything went in slow motion all over again. This is her. This is Nadya. She is Nadya o baka kapangalan lang niya?
“Hi, Bastee! Kumusta ka na?”
Tumayo si Josh, “May hahanapin lang ako sa isa pang office. Pinaka-unang record mo 'yon sa akin, Bastee. Now kapag hindi pa ako nakabalik, siya na muna ang bahala sa'yo.”
“Josh—”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na naman siyang lumabas. Bakit ganoon? Sa tuwing pupunta ako dito, aalis si Josh at doon naman dadating ang nurse na 'to. What the hell is happening here?
“Uy, ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin.
Wala sa sarili akong tumango, “Yes, I'm fine.”
“Mukhang may bumabagabag sa'yo ah.”
Huminga ako nang malalim, “Meron nga.”
“Ano 'yon?”
“Mahilig ka ba mag-bigay sa akin ng letters noong tayo pa?”
Tumawa siya, “Hindi. Lagi kong sinasabi sa'yo sa personal. Bakit?”
Natahimik ako at nag-baba ng tingin. Nang tignan ko siya ay nakatalikod na siya sa akin habang inaayos ang mga libro ni Josh sa shelves.
“Nadya ang pangalan mo hindi ba?”
Lumingon siya sa akin at matipid na ngumiti, “Nadya nga. Bakit?”
“By any chance, ikaw ba 'yong nag-iiwan ng letters sa akin tuwing 5:20 ng madaling araw?”
Umiling siya, “No. Busy ako dito and hindi na ako lalabas ng bahay kung 5:20 na ng madaling araw kung sakali man. Anong nangyayari sa'yo, Bastee?”
“Kas—”
“Nahanap ko na...” biglang pumasok si Bastee. “Pwede ka ng lumabas. Ako na bahala kay Bastee.” at pagkatapos non ay lumabas ang nurse ng hindi man lamang ako tinitignan.
“Here. Bastee, look at this. This is your record. Isang taon ka palang na pabalik balik dito, okay? And this...” Ipinakita ni Josh sa akin ang isa pang papel.
Kumunot ang noo ko, “Nadya Palomo?”
Tumango siya, “Wala na siya sa clinic ko, Bastee. She flew to France three years ago kaya sinong Nadya ang sinasabi mo? Wala ng Nadya dito sa clinic ko.”
Parang nalaglag ang panga ko dahil sa narinig. Tangina, anong 'to? Buhay pa si Nadya pero bakit parang minumulto ako? What the fuck.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com