six.
Official Hashtag: #EveryDay520
TUMAGAKTAK ang pawis ko. Tumingin ako sa relos na suot ko at saglit na tumigil upang habulin ang aking hininga at mag-pahinga. I wiped my sweat as I heaved a sigh, tangina nakakapagod.
5:00 AM.
Tangina, sakto. Bente minutos na lang pala ang natitira upang hintayin ko para kuhanin ang sulat na ibibigay ulit sa akin. Pumunta ako sa tabi ng lamp post at doon sumandal habang ipinapahinga na rin ang aking mga paa.
5:18
5:19
5:20
Kumunot ang noo ko. Nasaan na? Bakit wala pa?
5:30
Wala bang sulat ngayon?
Dahil sa sakit ng binti ko mula sa kakatakbo at ilang minutong kakatayo doon ay napag-desisyunan ko na lamang umalis. Parang wala talaga. Kahit anong gawin kong paghihintay ay wala si Nadya at wala ang sulat.
Inis akong bumalik sa bahay. Feeling ko ay hindi kumpleto ang magiging araw ko ngayon dahil wala akong letter na nakuha. Padabog kong isinabit ang hood na suot ko at hihiga na sana sa kama nang may mahagip ang mga mata ko.
Sobre.
Kaagad akong pumunta sa study table ko, itinabi ang mga papel na gagamitin ko para sa trabaho at mabilis na binuksan ang sobre. What the fuck? Bakit naandito sa bahay? Bakit wala doon? Tangina, sinong pumasok sa bahay ko?
“Bastee,
Kumusta ka na? Kahit hindi mo ako tatanungin, okay lang ako dito. Haha! Gusto na ulit kita makita, alam mo ba yun? Kahit may pait at inis sa puso ko ay gusto pa rin kitang masilayan ang kaso ay parang imposible na. Hanggang dito na nga lang talaga siguro ang kaya ko. Tama nga siguro ang sinabi ni Josh na wala na talaga. Alam kong mali ang mag-conclude ng hindi ka pa natatanong pero sa mga nakikita ko sa facebook, sa instagram — mukha namang masaya ka na.
Musta na ang lagay mo? Wala na ba ang insomnia mo? I'm continuously praying for you every day, Bastee. Kinakausap ko Siya at sinasabing sana maging maayos ka na. I miss you, Bastee.
Mahal na mahal kita!
Nadya.”
Inilapag ko ang papel ng may mabigat na hininga. Tinignan ko ang likuran ng sobre, walang address na nakalagay. Kumunot lalo ang noo ko, binanggit niya si Josh sa sulat niya ngayon.
Bumaba ako at pumunta sa may gate. Inilibot ko ang tingin ko pero wala namang nahagip na kung ano ang mga mata ko.
Mariin akong pumikit. Ang sakit ng ulo ko, shit!
Paanong nangyari na nasa loob na kaagad ang sulat? Sarado ang gate at naka-lock ang pintuan ng bahay ng bumalik ako. Fuck, this is weird.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com