one.
Official Hashtag: #EveryDay520
HIRAP akong makatulog. I am diagnosed with insomnia, pilit na ginagamot pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman magawa ang maka-tulog nang maayos sa gabi.
Usually, I will stay up until three am in the morning but this time, medyo lumalala na. Minsan hanggang six am, minsan hanggang seven. I can hardly sleep, hindi ko na alam kung ano bang meron sa letsugas na utak kong 'to.
Nahihirapan na ako sa sarili ko.
“Bastee...” tawag ng nurse.
Binalingan ko siya, “Pwede na ba ako umuwi?” kaagad kong tanong. Ayoko na kasi sa clinic na 'to, pakiramdam ko ay mas lalo lang lalala ang nararamdaman ko.
Ngumiti ito sa akin, “Yes, pwede naman na. Basta sundin mo na lang 'yong mga ibinilin sa iyo ni doc, okay?” paalala pa nito.
Pineke ko ang aking ngiti, “Sure. Salamat, Nadya.”
Sa tagal kong pabalik-balik sa clinic e, kilala ko na ang nurse na laging naandoon at nagta-trabaho. Konti na nga lang at baka maging close na kaming dalawa. Sayang nga lang at may nobyo na si Nadya — ay mali, fiance na pala.
Ang gawain ko ay ang palaging paglalakad pauwi. Medyo malapit lang naman kasi at nasasayangan ako sa sampung piso kung sasakay pa ako ng tricycle.
May dalawang paa at binti naman ako, exercise na lang din siguro.
Inilagay ko sa ulo ko ang hood ng jacket na suot ko. Medyo nilalamig na ako. Tumingin ako sa relo at nakitang alas otso na pala ng gabi. Napangiwi ako, hanggang anong oras naman kaya ako mag-stay up ngayon? Hay, nako naman.
Lalagpasan ko na sana ang isang poste ng ilaw na madadaanan ko sa tuwinang uuwi ako pero bigla akong napatigil sa paglalakad ko.
Naningkit ang mga mata ko sa nakita sa baba lang mismo, tapat sa ilaw na binibigay ng poste.
Isang sobre at mayroon pang nakadikit na sticker. Kumunot ang noo ko, ano 'to?
Normally, I won't even take interests in things I don't care about but... this one is kinda different. Parang mayroong humihila sa akin para kuhanin ang sobre na iyon at basahin kung ano ang laman — o kung mayroon nga bang laman.
Bumuntong hininga ako at pinikit nang mariin ang aking mga mata.
“Kuhanin ko na nga,” bulong ko sa sarili ko bago mabilis na kinuha ang sobre na naiwanan na lamang doon.
Tinitigan ko itong maigi, tinitignan kung mayroon bang nakasulat sa labas o ano. Address, date, pangalan o ano ngunit wala namang nakalagay doon.
I licked my lips, “Hmm. Let's see...”
Agad kong ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi. Noong makauwi na ako ay dumiretso ako sa kwarto, binuksan ang lamp sa ibabaw ng study table ko, hinawi ang kurtina ng kwarto at unti-unting binuksan ang sobre.
Binasa ko ang nakasulat doon na siyang nag-bigay sa akin ng pagka-lito.
“Every day at 5:20 am. Everyday? Everyday. I will leave all of this to you. In the morning, 5:20....”
Naningkit ang mga mata ko, 5:20? Sino naman itong magsusulat ng ganito? Naalala ko tuloy ang ilang mga sinasabi sa kultura naming mga chinese tungkol sa 5:20 at iba pang numero na maaaring sumimbolo sa pagsasabi ng “mahal kita.”
Bumaba ang tingin ko sa papel hanggang sa unti-unti kong mabasa ang pangalan na nakasulat doon.
Nadya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com