two.
Official Hashtag: #EveryDay520
4AM and I still can't fucking sleep. Sinusunod ko naman ang sinasabi ng doctor sa akin. I've been reading books, drinking tea or milk, hoping na bigla na lang ako antukin at makatulog man lang ng maaga kahit isang beses.
Sinunod ko rin naman na inumin ang mga gamot na binigay niya pero wala pa rin tumalab. Ano bang problema ng utak ko? Gusto kong matulog! Gusto ko ng makatulog man lang ng maaga-aga at gumising rin ng maaga. Puta talaga, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.
I heaved a sigh, “Let's try again...” bulong ko at umayos ng higa sa kama. Inayos ang unan at pilit na ipinikit ang mga mata, umaasang kalaunan ay dadalawin na rin ng antok at ako ay makakatulog na.
Ikot sa kaliwa.
Ikot sa kanan.
Dapa.
Tihaya.
Ikot sa kanan.
Ikot sa kaliwa.
Tihaya.
Dapa.
“Tangina, talaga.” bulong ko sa ilalim ng aking hininga.
Frustrated kong sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Fuck! Ang sakit na ng ulo ko, gustong gusto ko ng makatulog nang mahimbing at maka-kumpleto man lang kahit onting oras.
I sighed, tumihaya ako at tumitig na lamang sa pader. Wishing na dalawin na ako ng antok kaso mukhang ayaw talaga. Di kalaunan ay napansin kon isang oras na pala ako sa ganoong pwesto. What the hell? 5 AM? Dagdag isang oras na naman akong gising?
“Lumunok na lang kaya ako ng sandamakmak na sleeping pills? Bwisit na buhay 'to!” padabog akong umupo sa kama, idinantay ang mga kamay sa ibabaw at ilang ulit na huminga nang malalim.
Mapagka-pagod na lang kaya ako? Baka kapag ganoon ay makatulog ako? Muli akong tumingin sa orasan na naka-sabit sa pader ng aking kwarto.
5:10 AM.
Naningkit ang mga mata ko at mabilis iyong napunta sa sobre na nakalagay sa ibabaw ng study table ko. Pinindot ko ang lamp upang bumukas iyon, paulit-ulit kong binasa ang naka-sulat doon.
Napako ang tingin ko sa pangalang naka-sulat sa pinaka-ibaba.
Nadya.
Nadya?
Nadya...
“Damn, parang pamilyar na pamilyar sa akin ang pangalan pero hindi ko maalala...” mariin kong ipinikit ang mga mata ko at dahan-dahang hinilot ang sentido ko.
Tangina, pamilyar naman, e! Bakit hindi ko magawang alalahanin?
Mabilis kong kinuha ang jacket na naka-sabit sa rack at isinuot iyon. Inilagay ko sa ulunan ko ang hoodie non at lumabas ng kwarto.
5:15 AM. Sakto.
Lumabas ako ng bahay, hindi na nag-abala pa na isarado ang gate dahil sa pagmamadali. I am hoping na maabutan ko ang kung sino mang Nadya na 'yon na nag-iiwan ng mga letters na 'to sa tapat ng sirang lamp post.
5:20. Tangina, hindi ko naabutan.
Kinuha ko ang sobre, parehas lang ito ng nakuha ko kahapon at siguradong 'yong Nadya rin na 'yon ang nag-iwan ng sobre.
Kaagad akong umuwi at binuksan ang sobra. Maigi kong binasa ang lahat ng naka-sulat doon.
Bastee,
Now, thank you for believing that I will give you letters at 5:20 in the morning. Every day. Sana ay lagi mong gawin ito lalo na sa mga panahon na nahihirapan kang makatulog.
I will always be here for you, Bastee. I love you. I hope someday you'll be totally fine. I will stay by your side, my bastee.
Nadya.
What? She loves me? What the hell? Sino ba si Nadya? Ibinaba ko ang papel na hawak ko at tumingin sa cellphone kong umilaw at nagri-ring.
Kinuha ko 'yon. Kumabog ang dibdib ko kasabay ng nangangatog kong daliri na unti-unting hinigpitan ang hawak ko sa cellphone.
Who the hell is she?
Nadya Calling...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com