three.
Official Hashtag: #EveryDay520
HINGAL akong umupo sa isa sa mga bench sa park na malapit lamang sa subdivision kung saan ako nakatira. I could hardly sleep last night, lalo lang talaga akong hindi naka-tulog.
Mas pinalala ng mga iniisip ko tungkol sa Nadya na 'yon ang insomnia ko. Ganoon ang sapantaha ko. Mas lalo kasi akong nahirapan, madalas nga ay inaantok ako pero hindi ko magawang maka-tulog ng tuloy-tuloy. I had to take sleeping pills at least three times a day. This is hard as hell.
Umuwi na kaagad ako ng bahay matapos n'on. Mayroon pa kasi akong appointment sa doctor ko ngayon. I better get ready or else papagalitan na naman ako non dahil magugulo ang schedule niya once ma-late ako.
Nang maayos ko ang sarili ko ay kaagad na akong nag-maneho papunta doon. One hour drive or at least one a half hour ang layo non sa tinitirahan ko. What can I do? Wala naman kasing matinong clinic dito na malapit sa amin and siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Plus his nurse, ano nga ulit yung pangalan ng nurse?
Ugh! This is getting worse. I'm being forgetful already, hirap na hirap na akong makaalala ng mga bagay bagay. Nakakairita. Parang ang bilis ko tuloy tumanda.
Pagkarating ko doon ay kaagad na sumalubong sa akin ang nurse na palaging nag-aasikaso sa akin. Pinag-hintay niya muna ako saglit hanggang sa dumating na ang kaibigan kong doctor.
“Bastee, how have you been?” tanong nito at marahang tinapik ang balikat ko.
I rolled my eyes, “Awake, 24/7, Josh.” biro ko. Hindi nga 24/7 na gising pero mukhang malapit na ako maging ganoon.
“Wala bang nagbabago sa condition mo? Ganoon pa din?” tanong ni Josh, shifting his gaze from the papers he was rummaging and then to me.
I licked my lips, “Nah. Wala. Lalo nga lang lumala. Kita mo naman mata ko, pang-bungo na.”
Tumingin sa akin si Josh at tumikhim, “Baka mayroong nagti-trigger talaga sa ko ndisyon mo?”
Kumunot ang noo ko, “Well, may mga iniisip ako ngayong araw...”
Tumaas ang kilay ni Josh, “Like what?”
“There's this name... Nad—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tawagin ni Josh ang pangalang 'yon.
Kaagad akong bumaling sa babaeng 'yon. 'Yon ang nurse na palaging nag-aasikaso sa akin.
Nadya? Nadya is her name?
“Stay ka muna dito, Nadya. May something urgent lang, babalikan ko si Bastee maya-maya...” anas ni Josh at mabilis na umalis mula sa kwarto.
Napako pa rin ang tingin ko kay Nadya. Naiilang niyang ibinalik ang tingin sa akin at nag-tanong.
“Ahm, ayos ka lang ba, Bastee?”
I cleared my throat, “By any chance, do I know you personally?”
Napatigil si Nadya dahil doon. Umupo siya sa harapan ko at tinitigan akong maigi sa mata bago ngumiti.
“Yes, you know me personally, Bastee.”
Kumunot ang noo ko, “How?”
Nadya feigned shock, “Nakalimutan mo na kaagad?”
I tilted my head, “I don't remember at all... Nadya?”
“Oh. Mukhang lumalala na nga ang insomnia mo at pati pag-alala mo sa mga bagay bagay ay naapektuhan na. Ang tagal mo ng ganyan, Bastee. Sana maging okay ka na soon.”
“Matagal?” lito kong tanong.
Ngumiwi si Nadya, “Yes, Bastee. Since college pa tayo.”
*
Hindi nawala ang pagka-lito sa isip ko. Dahil doon, mas lalo akong hindi nakatulog. I stayed up all night watching movies and reading books hanggang sa sumapit na ang oras na pinakahihintay ko.
5:20 AM.
Isinuot ko ulit ang jacket ko at mabilis na lumabas ng bahay. Kaagad kong kinuha ang letter, malakas na kumabog na naman ang puso ko nang mahawakan ko iyon.
“Bastee,
How are you? It's been so long. After we graduated college, wala na tayong contact. I miss you, Bastee. And I still love you. Papanindigan ko yung mga sinabi ko sa'yo na nandito lang ako palagi para sa'yo, hanggang sa maging okay ka. Please, sana mawala na 'yang hirap na nararamdaman mo. I will always cheer for you kahit hindi na tayo magkasama. You will always be in my heart, Bastee.
Mahal pa rin kita.
Nadya.”
Kumunot ang noo ko. What the hell? Anong ibigsabihin ng letters na 'to? Hindi lang ba magka-pangalan yung Nadya na nurse at 'yong Nadya na nagbibigay ng sulat? Iisang tao lang ba sila?
Fuck! This is frustrating! At bakit wala naman akong maalala tungkol sa'ming dalawa? Ugh! Ang sakit sa ulo.
Nadya, sino ka ba talaga sa buhay ko?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com