thirteen.
Official Hashtag: #EveryDay520
TULUYAN na akong lumabas ng bahay. Hindi ko na makaya ang mga oras na palagi akong nag-iisa. Sinakto kong lumabas ng alas dos ng madaling araw dahil ayoko pa na makisalamuha sa mga tao sa kalsada. Mas gugustuhin ko ngayon na maging tahimik ang araw ko para makapag-isip ako nang mas maayos.
Tinignan ko ang oras sa cellphone ko. 2:15 AM. Dahan-dahan akong umiling at mabilis na itinago ang cellphone sa bulsa ng hood na suot ko. Noong makakita ako ng bukas a convenience store ay doon ko na naisipang dumiretso.
Napakaingay ng tunog ng windchime nang matamaan iyon ng pinto. Pumunta ako sa section ng mga paninang cup or instand noodles. Kumuha ako ng isang cup noodles at dalawang order ng tinapay pati na isang bote ng alak. Agad kong ibinigay ang lahat 'yon sa counter upang mabayaran 'yon at lagyan ng mainit na tubig ang cup noodles.
Umupo ako sa upuang malapit lang at nakadikit ang lamesa sa bintana. Pinagmasdan ko lang ang iilang mga sasakyan na umaandar. Tinignan kong mabuti ang paligid. Mukhang tahimik na 'yon at malaya na mula sa ingay ng mga tao. Maliban na lamang sa ingay na hatid ng mga sasakyan at ng mga malalakas na busina nito.
“Mag-isa ka lang?”
Napasinghap ako dahil sa gulat. Bumaling ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses. Tumambad sa akin ang isang babae na mayroong maikling buhok, mga matang halatang-halata ang eyeliner na inilagay at damit na hindi ko maintindihan kung anong style.
“Mukha bang may kasama ako?” tugon ko sa kanya at sinadyang pag-salubungin ang aking mga kilay.
Ngumisi siya sa akin at hinila papalapit sa kanya ang upuan gamit ang kanyang paa't binti. Dahilan 'yon para mapatingin ako sa legs niyang mahaba at makinis. Kaagad ko siyang sinamaan ng tingin matapos non at inalis ang atensyon ko sa kanya.
“Ang sungit mo naman.” Tatawa tawa niyang tugon sa akin. Naramdaman kong siniko niya ako, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang hindi na lamang siya pansinin. Baka kasi kapag ginawa ko 'yon at tuluyan niya na akong tigilan.
“Mamansin ka naman. Ang sungit mo naman.” tatawa tawang sabi niya at hinila ang tali ng hood ko.
Inis akong bumaling sa kanya, “Ano bang kailangan mo?”
Umiling siya at ngumiti sa akin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit naiinis ako sa mga ngiting ibinibigay niya pero hindi ko rin naman magawang alisin ang atensyon ko sa kanyang mapulang labi.
“Wala akong kailangan. Masama na bang makipag-kaibigan?”
I tsked. “Hindi kita gusto maging kaibigan.”
Namagitan ang ingay ng binubuksan niyang sitsirya sa aming dalawa. Inilapag niya 'yon sa gitna namin. “Kumuha ka lang kung gusto mo.”
Masama ko siyang tinignan. Tsk. Sino ba siya?
“My name's Kristine.”
Gulat akong tumingin sa kanya pero siya ay nanatili lamang nakangiti. “You're voicing out your thought too much. My name's Kristine.”
“Ikaw, anong pangalan mo?” tanong niya.
Tumikhim ko, “Bastee.”
Ngumiti siya at inabot ang kamay ko. “Nice meeting you, Bastee!”
Sa sandaling 'yon ay parang libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano ako nakakita sa utak ko ng isang pangyayaring hindi rin ako sigurado kung mangyayari.
Ako at isang babae sa simbahan.
Ikakasal pero may biglang nawala.
Nang umuwi ako sa bahay ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto. Bago pa man ako tuluyang makatulog ay may muling nakakuha ng aking atensyon. Tinignan ko ang box na nakalitaw sa ilalim ng kama ko. Kunot noo kong kinuha 'yon at dahan-dahang binuksan upang makita ang nasa loob.
Isang picture frame ngunit walang laman. Ngunit nakasulat sa salamin ang isang pangalan.
KRISTINE ANGELA.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com