Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

twelve.

Official Hashtag: #EveryDay520

    ILANG araw na akong hindi pumapasok sa trabaho at lumalabas ng bahay. Wala akong ganang kumilos o kumain. Hindi ko alam kung saan ako magsi-simula ulit. 'Yong taong inaasahan kong maniniwala sa akin na si Josh ay hindi naman naniniwala, iniisip pa na mas lumala ang sitwasyon ko.

Iyong taong inaasahan ko naman na makukuhanan ko ng sagot ay hindi ko makita o makasama nang matagal. Palaging nag-lalaho, palagi na lang nagtatago. Saan pa ba ako dapat tumakbo? Ako at ako lang rin naman ang makakatulong sa sarili ko sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko rin sinasagot ang mga tawag ni Josh. Tangina! Para saan pa ba? Para saan pa na sabihin ko sa kanya lahat ng napagdadaanan ko kung hindi rin naman siya maniniwala sa lahat ng ike-kwento ko. Tanginang buhay 'to.

“Nadya... Nadya...” bulong ko habang isa-isa at dahan-dahang binubuklat ang mga sulat na ibinigay niya.

“Tangina, saan ba kasi ako magsi-simula...”

Ang tanging nagawa ko na lamang ay sabunutan ang sarili ko dahil sa labis na pagka-litong nararamdaman. I bit my lip, hindi ko na nga rin namalayan na sobrang napadiin na pala 'yon at nag-simula ng mag-dugo.

“Tangina talaga.”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paulit-ulit na pagmumura. Wala na akong kontrol sa sarili ko, matagal ng 'yon ang naging paraan ko upang mailabas lahat ng frustrations at inis na nararamdaman ko sa sarili ko.

Kumunot ang noo ko at tinignan ang sobre na kasama ng mga binuksan ko kanina. Hindi pa 'yon nabubuksan at halatang hindi pa nagagalaw. Mabilis kong inabot 'yon at binuksan upang makita ang nasa loob. Saglit lamang akong napatigil upang tignan ang oras.

Naningkit ang mga mata ko. 13:10 AM?

Bumuntong hininga ako at binuksan iyon. Litrato na naman ni Nadya ang nakita ko. This time ay may mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Iyon ang nakasulat sa ibabang parte ng litrato. Ang pangalan ko.


Inilapat ko ang kamay ko sa parte ng aking dibdib kung nasaan ang aking puso. Maigi kong tinignan ang litratong 'yon at habang mas lalong tumatagal ay mas lalong bumibilis ang kabog ng dibdib ko.

Tinignan ko ang sulat na ibinigay niya.

“I will always be watching you, Bastee. From afar. Maybe you're tired of me sending letters, wishing you the same damn thing. Pero yun lang talaga ang gusto ko sa'yo hanggang ngayon. Please, please get better. Gusto ko sa muling pagkikita natin ay mayayakap mo rin ako.

Kahit hindi na kasing higpit ng dati pero ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo. Kahit bilang mag-kaibigan na lang. Tanggap ko na matagal na. Matagal na rin namang panahon ang nakalipas. Ang tanging gusto ko lang ay makita kang nabuhuhay nang masaya. Kahit ang mga kaibigan natin noong college ay humihingi ng balita tungkol sa'yo.

Kahit ang fiance ko ay kinakamusta ka. Oo, bastee. Alam lahat ng fiance ko. Hindi ako nag-tago sa kanya ng isang bagay tungkol sa'yo. We wish you the best, Bastee. Sana... Sana pagdating ng panahon ay tuluyan ka ng maging maayos.

Hinding hindi ka mawawalan ng espasyo ko puso ko, Bastee. Nakatatak ka na.

Nadya.”

I creased my forehead. Ang sumunod na naramdaman ko ay ang parang pag-tarak ng kung ano sa puso ko at ang pag-tulo ng mainit na likido mula sa mga mata ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com