Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25

Chapter 25

"Ano?" sabi ko sa kanya nang nahuli ko na naka-tingin siya sa akin pagkatapos kong umorder ng pagkain para sa room service. Nagutom ako, e!

Bahagya siyang umiling. "Mauubos mo ba lahat ng order mo?"

I shrugged tapos ay nahiga ako sa kama. Naka-suot kami pareho ng bathrobe. Ako kasi pinapa-tuyo ko pa iyong boxers ko na ginawa kong pang-swimming. Siya, ewan ko. Ginagaya lang siguro ako.

"I will try my best," I replied.

"Yes, do try," he said. "I don't like wasting food."

I wrinkled my nose. "Oo na, oo na."

Habang naghihintay ng pagkain ay nanood muna kami ng movie. Magkatabi lang kami sa kama habang naka-sandal sa headboard iyong mga likod namin.

"May tanong ako," sabi ko dahil 'di ko rin masundan iyong pinapa-nood namin na movie dahil nasa kalagitnaan na.

"What?"

"Yung sa kapatid mo..." I said carefully.

Hindi ma-kwento si Atty—I mean si Achilles. Kaya lang naman niya sinabi sa akin iyong dati ay dahil aksidente kong nakita iyong documents na pinadala sa kanya ng kapatid niya. Pero sabi niya rin sa akin, he was glad na may napapagsabihan na siya ng ganito. Kaya wala lang. Gusto ko lang magtanong. Baka kasi gusto niyang magkwento.

"What about that?"

"Nag-usap na kayo?"

"Not yet."

"Oh. Okay."

At the same time, ayoko mamilit. Basta nagtanong ako. Kung hanggang dito lang ang gusto niyang sabihin, fine by me.

"I'm still considering it," sabi niya bigla habang nagsscan ako ng channel para maghanap ng magandang papanoorin.

"Considering what?"

"If it's worth it," sabi niya. "I really don't need the money from that sale. And that's the only memory I have left of my parents. Ayoko pang pakawalan."

Tahimik lang ako. Buhay pa naman parents ko... Wala naman akong wish na mamatay sila. In fact, kasama nga sa mga dasal ko iyong good health and long life nila. Pero ewan. Kung tatanungin ako, in the future, kung gusto ko ba ibenta iyong bahay namin? I'd casually say yes. Wala naman kasi akong magandang memory sa bahay na 'yon. Ang pinaka-naaalala ko lang siguro ay iyong kinulong nila si Mauve sa kwarto. Hindi magandang alaala.

Pero baka iba kasi sa kanya. Baka maganda iyong childhood niya. Baka mahal siya ng magulang niya. Baka kaya mahirap sa kanyang pakawalan.

"Wala kang comment?" he asked when he probably noticed my silence.

"Baka may dahilan iyong kapatid mo," sabi ko. "You said it yourself—tahimik lang siya before tapos biglang nagreach out para dito. Baka kailangan niya ng pera o kung anuman."

Hindi ko kilala iyong kapatid niya. Hindi ko alam kung mabait ba siya o kung ano. Ayokong pilitin siya na makipag-ayos kasi at the end of the day, desisyon niya naman 'yan.

Pero ang saya kaya magkaroon ng kapatid!

Aty—I mean Achilles just nodded to himself. Bahala siya d'yan. Tatanungin ko na lang siya ulit after a couple of weeks tutal hindi ata automatic updates sa taong 'to. Kumbaga sa software update, naka-manual update siya.

After a while, dumating na iyong pagkain finally.

"Shet," sabi ko na nanlaki iyong mga mata nang ma-realize ko na ang dami ko nga palang inorder!

"Ubusin mo 'yan," sabi ni Achilles habang isa-isa niyang binubuksan iyong cover.

"Fine..." sabi ko habang nginu-nguya iyong fries. "Tulungan mo ako."

Nilagay ni Achilles sa kama iyong mga lalagyan ng pagkain. Nagulat nga ako kasi as far as I know, cleanliness ang motto ng isang 'to. Nakita niya ata iyong pagka-shock ko kaya sinabi niya sa akin na pa-checkout naman na raw siya so okay lang.

Naka-upo kami sa kama habang nagpipicnic at pilit na iniintindi iyong movie na pinapanood namin. After a while, sinukuan na namin at nilipat na lang namin iyong channel sa Myx at nanood na lang kami ng mga music video.

"May pasok ka na ulit bukas?" he asked.

Tumango ako. "Pinaalala mo pa sa 'kin."

Natawa siya. "Nalimutan mo ba?"

"Medyo," I replied. "May trabaho na pala ulit ako."

Napa-tingin siya sa akin. "Bakit? Ayaw mo na magtrabaho?"

Muntik ko na sabihin sa kanya na ang dahilan lang naman kung bakit ako nagta-trabaho ay dahil ayokong isumbat nila sa akin iyong pagbabayad nila sa tuition ko... lalo na ngayon na alam na ata ni Papa iyong kay Achilles.

"Saks lang," I said instead.

Tumango siya. "It'll be good for your resume."

"Sabi nga nila," sabi ko na lang.

Napa-tingin na naman ako sa side view niya. Ang gwapo kahit ano'ng view talaga, e. Seryoso siyang kumakain nung inorder ko na quesadilla. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba kami kaso parang dapat unahin ko munang ayusin iyong sa side ko.

Paano ko kakausapin si Papa? Ready na ba ako mapa-layas sa bahay, if ever? Hindi naman niya siguro ako ikukulong sa kwarto ko. Ang tanda ko na para gawin niya 'yon.

"Ano?" sabi niya nang maramdaman niya na naka-tingin ako sa kanya.

"Wala. Pangit mo sa angle na 'to. Not your best angle," sabi ko at binigyan niya ako ng disapproving look. Tss. Confident masyado sa itsura niya!

* * *

Halos 11AM na nang natapos kami sa pagkain. Ito pala iyong sinasabi nila na food coma!

"Alis na ko," sabi ko.

He nodded. "See you sa Manila."

"Kailan?"

Natawa siya. "When we're both free."

"Okay."

"It's gonna a busy week."

"Pero magtetext ka pa rin?"

"When I have time, yes."

"Kahit ba after work hours, busy ka pa rin?"

Natawa siya ulit tapos ginulo iyong buhok ko. Tsk. Para tuloy friends lang kami sa ginawa niya. After ng lahat ng ginawa niya sa akin nung naliligo kami? How dare he!

"I was talking about during work hours," sabi niya. "Won't be able to text habang nasa trabaho ako. Of course I will text and call kapag nasa condo na ako."

"Ah... okay," sabi ko na lang kasi bakit ba ang arte ko? "Sige. Ingat sa pagda-drive."

Awkward na kumaway na lang ako sa kanya kahit na gusto ko talaga siya yakapin tapos halikan kaso lang baka 'di na naman ako makaalis dito. Nakaka-adik naman kasi 'tong taong 'to.

Pero bago pa man ako makaalis sa kwarto, nagulat ako nang corner-in niya na naman ako sa may pintuan. Nasa magkabila ko na naman iyong mga kamay niya na para bang pinipigilan niya akong tumakas kahit alam naman naming pareho na wala akong balak.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na iyong kaluluwa ko nang hawakan niya iyong baba ko tapos ay halikan ako. It was a slow... kiss. Hindi ko maintindihan. Smack lang 'yon pero dahan-dahan.

Iyon lang ginawa sa akin pero parang mababaliw na ako?! Saan ang justice and equality don?!

"I'll try to see you tomorrow after your class, but I can't promise," sabi niya.

Tumango ako tapos ay inabot lang ulit iyong mukha niya at muli siyang hinalikan. Mamaya na kami mag-usap sa logistics ng susunod naming meet-up dahil mas mahalaga sa akin na halikan siya. Ang lamig sa pakiramdam dahil sa toothpaste na ginamit namin.

We were just kissing.

And kissing.

And kissing.

Hanggang sa maramdaman ko iyong pag-vibrate ng phone ko. Naramdaman din niya iyon kaya sabay kaming tumigil. Sinuklay niya iyong buhok ko.

"I'll definitely see you on Tuesday."

"Okay," sabi ko na parang nahipnotismo dahil naka-tingin lang ako sa labi niya na namumula at may parang dugo dahil nakagat ko ata siya. "Sorry," I continued. "Nakagat ata kita."

Napa-hawak siya sa labi niya. "Oh, right," sabi niya habang naka-tingin sa daliri niya na may maliit na bahid ng dugo. "It's fine."

"Okay. Sorry ulit."

Natawa siya. "It's fine," sabi niya. "Baka hinahanap ka na," he continued. He didn't really ask about my dad nung tinanong niya kung sino ang kasama ko dito. To an extent, alam niya na talaga.

Kailangan ko na ring kausapin si Papa... Para wala ng reto sa babae na maganap. Para rin malaman niya na kasi ayoko na ng nagsisinungaling.

* * *

Pagbalik ko sa hotel, nakita ko agad si Papa na galit sa akin. Syempre kilala ko siya. Isang tingin pa lang, alam ko na agad iyong mood niya.

Paglapit ko sa kanya, hindi siya nagsalita. Tumayo lang siya mula sa couch at saka kinuha iyong gamit niya.

"Nasa kwarto pa iyong gamit mo," he simply said tapos ay naglakad siya paalis.

I shrugged. Bahala siya magalit. Siya rin may kasalanan. Nananahimik ako sa kwarto tapos pina-punta niya si Angeline. Wala naman talaga akong balak lumabas ngayon tapos... kung anu-ano tuloy nangyari.

Mabilis ko lang na kinuha iyong gamit ko dahil kaunti lang naman 'yon. Nagcheckout na rin ako tapos ay naglakad papunta sa sasakyan ni Papa. Pagpasok ko, nagseatbelt lang ako. Ilalagay ko na sana iyong airpods sa tenga ko nang magsalita siya.

"San ka galing?"

"Coffee shop."

"Wala bang kape sa hotel?"

I shrugged. "Di masarap."

"Di mo sinamahan si Angeline."

"Di naman niya ako babysitter."

Nakita ko na pumikit siya saglit saka huminga nang malalim. Bago pa kami mag-away dito sa sasakyan, sinuot ko na iyong earphones ko. Medyo matagal-tagal pa iyong byahe. 'Di naman ako pwedeng magwalkout sa NLEX o kaya biglang tumalon sa labas ng sasakyan habang umaandar.

Dahil napagod din naman ako sa dami ng ginawa ko, naka-tulog ako sa byahe. Nang magising ako, nakita ko na naka-hinto na naman kami sa gas station. Hinahanap ko si Papa, pero wala siya. Ihing-ihi na ako! Nakita ko na nandon iyong susi kaya kinuha ko muna bago ako lumabas.

Binilisan ko lang dahil baka mabadtrip na talaga siya sa akin. After kong umihi saka maghugas ng kamay, naglalakad na ako pabalik ng sasakyan nang matigilan ako dahil naka-salubong ko si Achilles bigla.

Natawa siya bigla kaya napa-hawak ako sa mukha ko.

"Galing ka sa tulog, noh?" sabi niya.

"Pano mo nalaman?"

"May nap marks ka," he said.

Bago ko pa matanong kung ano iyong nap marks na sinasabi niya ay para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang bigla kong marinig iyong boses ni Papa sa likuran ko.

"Mauro."

Iyon lang ang sinabi niya pero para bang nanlamig iyong buong pagkatao ko.

Fuck.

Bakit ba ako nagcr pa? Bakit 'di ko na lang pinigilan iyong ihi ko at ni-risk ko na lang magka-UTI?

Napa-tingin ako kay Achilles na naka-tingin na sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam ko naman na dadating din iyong araw na magkikita sila ni Papa... pero hindi sa ganitong paraan.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Achilles... pero nanlaki iyong mga mata ko nang bigla niyang i-offer iyong kamay niya kay Papa.

"Achilles Marroquin, Sir," sabi niya habang naka-binbin pa rin sa ere iyong kamay niya at hindi tinatanggap ni Papa. Muli siyang napa-tingin sa akin. Rinig na rinig ko iyong kabog ng didbib ko.

Hindi tinanggap ni Papa iyong kamay ni Achilles. Pa-simpleng binawi niya iyong kamay niya at saka ngumiti kay Papa despite his handshake being rejected.

"Nice meeting you, Sir," sabi niya kay Papa. Tumingin siya sa akin. "Nice bumping into you," sabi niya sa akin bago ako binigyan ng maliit na tango at saka naglakad palayo.

Fuck.

Tapos na ata ang maliligayang araw ko kahit kaka-simula pa lang. 

**

This story is already at Chapter 28 patreon.com/beeyotch. Subscription starts at 100php per month for all stories. You can also join the patreon facebook group. You can email [email protected] for assistance :) Thank you! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com