Chapter 02
I don't
"Era, nandiyan na sila Drey." Bungad ni Mommy sakin pagkalabas ko ng kwarto. Mukhang aalis siya dahil bihis na bihis at sakto namang lumabas si Daddy sa kwarto nila habang inaayos ang damit niya. Rinig na rinig ko na ang ingay nila Drey sa baba. Tss.
"May lakad kayo?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ni Mom yung polo ni Dad.
"We're going on a date." Naka-ngising sagot ni Daddy habang sinamaan lang siya ng tingin ni Mom. "We'll be home late so behave lalo na't kompleto kayo ngayon." Sabi pa ni Dad. Sabay-sabay naman kaming bumaba at nakita ko na kompleto nga sila. Well, except for Saturn and Jeff na wala. Nakita ko din si Selena at Clyde habang nasa tabi nila yung kambal. Viella and Vanus are already 3 years old.
"We'll go. Behave. If may kailangan kayo, nandiyan sila manang." Sabi ni Mom at tinalikuran na kami.
"I'm so excited for tomorrow!" Naka-ngising sabi ni Sabrina habang nakaupo katabi si Mike.
"Let's see if mag eenjoy ka nga." Sagot sa kanya ni Mike. Possessive.
"Anyways, tuloy ka na ba talaga sa Davao, Samara?" Tanong ni Trixie.
"Lasingin natin bukas ng hindi matuloy." Hirit naman ni Clyde.
"Shut up. Alam niyong wala ng makakapigil sakin." Sagot ko hahang umupo naman ako sa tabi ni Drey.
"By the way, kasama mo sa Davao si Elisse?" Tanong ni Selena.
"Yep. Pero one month lang siya don. Vacation since ayaw pa daw niyang pumasok sa kompanya nila. We all know Elisse she's doing anything she wants. Manang-mana kay Mike." Well, Mike and Elisse are pure cousins. The Herrera blood. Tsk.
"What the. Ba't ako? Di hamak na mas matino ako don. Tss."
"Whatever, Mike. Wala ba kayong mga trabaho at nagagawa niyo pang mag sleep over at party bukas?" Tanong ko sa kanila dahil we all know, may mga trabaho sila. May mga kompanya silang hinahawakan.
"Era, baka nakakalimutan mo kung sino kaming mga kasama mo." Pagmamayabang pa ni Drey. Fine. I know. Kompanya ang maghihintay sa kanila at hindi sila. Rich kids. Clyde is working sa family business nila while Selena of course, the ever loyal housewife. Habang si Mike and Drey naman eh kasosyo si Parker sa negosyo. Meron silang tinayo na bar and minsan lang kami don cause naiinis si Parker dahil baka daw malugi dahil hindi kami nagbabayad. Haha. While Sabrina's working on their Family clothing line. And Trixie? Loyal girlfriend lang. Ayaw pa daw niyang magtrabaho.
"So, what's the plan?" Tanong ko. Nagsimula namang maglaro si Mike at Drey ng Xbox habang mga nakaupo lang kami.
"Di tayo mag hahappy hour ngayon. Haha. Sleepover lang talaga para bago mo man lang kami iwan." Sagot ni Drey habang naisip kong hindi pala kami kompleto.
"Wait. Where's Crayon?"
"Di namin alam. Sabi niya try niyang sumunod dito pero sure daw siya bukas." Hmm. Fishy. Baka may pinopormahan na ang mahiwagang si Crayola.
"So anong oras nga tayo aalis bukas?"
"Aalis kami dito after Lunch. Tapos susunduin ka ni Crayon dito ng mga 8pm and we'll meet sa Prive. No VIP's, fuckers!" Sagot ni Mike.
"Baket si Crayon ang susundo sakin?"
"Siya nagsabi eh. Baka crush ka." Pang-asar ni Sabrina habang binato naman siya ng unan ni Trixie.
"Basta yun na. Fuck bruh, talo nanaman!" Sigaw ni Mike sabay sapak sa braso ni Drey dahil natalo nanaman siya sa nilalaro nila.
"Bobo gaming ka talaga!"
"Gago. Isa pang round ng makita mong ako master." Pinanunuod ko lang si Mike at Drey na naglalaro ng Tekken habang hinigit naman ako ni Trixie at Sabrina papuntang kwarto ko.
"Boo KJ! San kayo pupunta?" Tanong ni Clyde.
"None of your, bizz. Ano Selena tara na!"
"Sunod ako. Patulugin ko lang tong kambal." Ayan kasi. Nag anak agad. Haha. Nagkibit-balikat lang si Sabrina at umakyat na kami. Alas-syete na rin.
"Teka, kumain na ba kayo?" Tanong ko naman sa kanila.
"Yeah, yeah. Come on. Kwento." Sabi agad ni Trixie habang naupo sa kama ko kasama si Sabrina.
"Anong kwento?" Sabi ko at nahiga.
"Duh. Yung kay Ruien. Ano? Hindi mo naman sinabi samin yung buong nangyare."
"Trix, it's over. Kalimutan niyo na nga."
"Shut up, Era. Alam naming hindi mo naman talaga minahal si Ruien."
"Sabrina."
"What? I'm just being honest. Fuck that 2 years relationship we all know hindi ka seryoso kay Ruien!"
"Sabrina, you don't know anything." Kalmado kong sabi. Hindi ako galit or ano. Alam ko. Maybe tama si Sabrina pero hindi niya alam lahat.
"Tss. So what now? And nasan pala si Alexxa? Yung dakila mong bestfriend."
"Baka tawagan ko mamaya para isama ko sa Prive bukas when we party."
"Asa naman. Masyadong mabait yon. Isama mo na lang sa Davao! Haha." Pang-asar pa ni Trix. Well, they're right. Alexxa is my goody-goody bestfriend. But hell, she's for keeps. Ewan pero alam ko may gusto yun kay Saturn. Too bad, the feeling is not mutual.
"Shut up, Trix. Stop being so rude."
"Fine. So ano nga? Paano si Ruien? Alam nating he won't stop hell he won't."
"Hindi niya alam kung san ako pupunta. So please lang, walang magsasabi."
"Gaga. Sa Davao ka lang pupunta. Ang dali mong masundan."
"He can't if walang magsasabe."
"Don't tell me ganon na lang yon Samara? And anong gagawin mo nga pala sa Davao? I mean, kaya mong mabuhay dun kasi mayaman naman kayo pero ano forever ganon?" Tanong ni Sab.
"I'll be independent. Mag tratrabaho ko. That's too simple, Sab. Ano ba yan."
"Remember, Jeff?" Tanong naman ni Trix.
"Kinda. Once ko lang naman yun nakita. Baket?"
"Nasa Davao daw yun eh. Well, who knows, baka magkita kayo."
"Davao's too big, Trixie."
"Sabagay. Anyways, sasama ba talaga si Elisse sayo sa Davao? Ang over sa pagka-mysterious nung babae na yon. Konti na lang pwede na silang loveteam ni Parker." Sabi ni Sabrina.
"Hindi naman mysterious si Elisse. Let's just say, ganon talaga siya."
"Hell that woman is a bitch. I mean, sa lahat, siya yung gusto ko kasi may class and everything. Pero minsan nakakatakot kasi parang si Parker kung mag isip."
"I'll tell Elisse fan ka niya." Pang-asar ko kay Trixie.
"Fuck you."
"Thanks. Alam ko namang mamimiss niyo ko."
"Baka kami kamo ang mamiss mo. Isa pa, sobrang excited na ko bukas. Nasa Prive daw si Cruise!"
"Cruise?" Tanong ko dahil wala akong ideya kung sino yon.
"Ugh. Exequiel Cruise Tan. Jeff and Zella's cousin. The hottest and rich bachelor! Ang alam ko, may something don at kay Elisse. Not sure though. Saw them last week na magkasama sa The Fort."
"Baka friends. Close friends pwede ding friends with benefits." Natatawang sabi naman ni Trixie.
"Shut up. So yeah, tomorrow will be one hella fun. Gonna swear that!" Pagdating talaga sa usapang gimik at pag babar, number na masaya si Sabrina.
"Wait. Kukuha lang ako ng snacks." Sabi ko sa dalawa at iniwan ko na sila. Naabutan ko naman na naglalaro pa sila Drey pero si Clyde na yung kalaro niya habang busy si Selena sa kambal.
"Anong ginagawa niyo sa taas?" Tanong ni Mike na kalalabas lang sa kitchen habang may hawak na chips at tubig.
"Girl talk. Wanna join?"
"Lul. Nasa Prive din daw sila Ruien bukas?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata na apektado.
"Ohh."
"You okay? Pwede namang sa Ayala na lang tayo."
"I'm good. Isa pa, hindi naman tayo pupunta don para sa kanya."
"You still love him."
"I don't."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com