Chapter 03
I'll be chasing you
"Shut up, fucker! Magigising si Era!"
"Fuck bruh, tara na kasi!" Napadilat naman ako sa ingay at saktong nakita ko si Mike at Drey na nagtatalo habang kalalabas lang ng cr ni Trixie.
"Anong nangyayare?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ko yung sarili ko.
"Bum. 11am na. Aalis na kami maya-maya lang. Masyado kang puyat. Haha." Agad ko namang kinuha yung phone ko at nakitang 11:41 na. Masyado akong napuyat dahil nag movie marathon kami hindi ko na rin namalayan kung sino yung huling natulog sa kanila.
"Anong oras kayo nagising?"
"9. Kumakain sila Selena sa baba. Sumunod ka na. Aalis na din kami pagtapos." Sabi ni Drey at agad nilagpasan si Trixie.
"Wait. Problema non?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang si Trixie at lumabas na din. Si Mike at ako na lang ang natira dito sa kwarto.
"Get up. Tara na."
"Anong meron sa dalawa?"
"Some fucking LQ. Ge sunod ka na din." Sabi ni Mike at iniwan na din ako. Bumangon na ko at dumiretso sa cr para maligo na din ng mabilis dahil baka di ko pa sila maabutan. Nagbihis lang ako ng crop top at hight waist short at mabilis na bumaba. Naabutan ko silang tahimik na kumakain habang si Drey at Clyde naman eh nanunuod ng tv.
"Ano yan wet look?" Hirit ni Mike. Hindi na ko nag blower ng buhok dahil aabutin ng siyam siyam.
"Fuck off. Ba't ang tahimik niyo?" Tanong ko sa kanila habang tumabi ako kay Selena na pinapakain yung kambal. Kinuha ko si Vanus at inupo sa lap ko at ako ang nagpakain sa kanya. Masungit si Viella sakin. Ewan ko ba sa bata na yan.
"Don't ask, just eat." Hindi na ko sumagot at kumain na lang din habang umay na umay ako kay Sabrina at Mike na sweet-sweetan.
"Maam Samara, nandito po si Maam Elisse." Sabi ng isang katulong namin habang dire-diretso namang pumasok si Elisse at dumiretso samin. Naka suot siya ng pulang crop top at isang high-waist na faded jeans na may katernong pulang heels na sa tingin ko ay Charles & Keith. Pinasadahan niya kaming lahat ng tingin habang tinanggal ang kanyang Valentino Rossi na shades.
"Oh. Didn't know may reunion pala." Naka-ngisi niyang sabi at agad dumiretso sakin para makipag beso. Parang hindi niya nakita yung ibang mga kasama ko. Elisse will always be Elisse.
"Nakakatawa naman yon." Sagot ni Sabrina at umirap pa. Hindi sila magka-away ni Elisse. Sanay sila na ganon ang ugali neto.
"Edi sana tumawa ka." Hirit pa ni Elisse at mabilis na nakipag beso kay Trixie at kay Sabrina. See? Para silang mga tanga.
"Ba't nandito ka?" Masungit na tanong naman ni Mike. Kunwari pang nagsusungit eh protective naman sa pinsan niya.
"Aww. Don't you miss me, cous?" Maarteng sabi ni Elisse at umupo sa tabi ni Mike.
"Arte mo gaga. Ba't ka nga nandito?" Tanong ni Sabrina.
"Naamoy ko kayo eh. Di man lang kayo nagtawag. Tss."
"Busy ka kay Cruise." Singit ni Trixie habang binigyan si Elisse ng may kahulugang tingin. Hindi ko talaga kilala kung sino si Cruise na yon. Maybe later sa Prive, i'll get to see him.
"Shut up. Saan mo naman napulot yang shitty news mo?"
"Come on Elisse, we know Cruise wants you big-time."
"And we also know Exequiel Cruise Valderama Tan is a jerk."
"So, you know his whole name." Sabi ni Sabrina habang sumimangot lang si Mike.
"Ge, usap lang kayo diyan." Sabi ni Mike at iniwan na kami. He can't stand conversations like this kasi over-protective siya kay Elisse ayaw lang niyang aminin. Well, maybe being denial runs in their blood, huh.
"O ano fucker nabakla ka don noh?" Rinig kong pang-asar ni Clyde kay Mike.
"Gago."
"Bilisan niyo diyan. Aalis na tayo by 12:30." Pagtataray pa ni Drey. May problema talaga yung isang yon. It's obvious cause napakabihira lang na hindi sila magkadikit at pa-tweetums netong si Trixie.
"Ikaw Elisse anong problema mo?"
"Kagandahan ko. Over-flowing na. Tss. Akala ko pa naman may thrill dito. Wala naman pala. Nag-aaway ba kayo ni Drey, Trixie? Mag break na yan para magka-thrill. Gad you shouldn't be wasting your time sa mga assholes." Mahabang litanya ni Elisse at tumayo na. Ang gulo talaga ng babaeng 'to. Yeah. She's Elisse. Puro thrill ang hanap sa buhay. Ayaw niya ng lovelife. Feeling daw kasi niya naka-kadena siya pati buhay niya. She's 20 and independent since parehas nasa Italy ang parents niya dahil dun naka-base ang family business nila.
"Manahamik ka nga. LQ lang ata kayo ni Cruise."
"Not funny, Sab. Try mo ulit bukas baka pwede na. Sige na alis na ko walang kwenta dito. No fun. See ya later at Prive, losers." Sabi niya at iniwan kami pero dumiretso muna sa sala kung nasaan yung mga boys. Nagkibit-balikat lang ako habang pinakain ko na ulit si Vanus.
"The fuck. Umalis ka na Elisse!" Rinig kong sigaw ni Mike habang tawa lang ng tawa si Elisse. Sandaling natahimik ulit kami at kumain na lang habang parang wala pa din sa sarili si Trixie.
"We'll go, Era. Take a rest. Kailangan mo ng energy for later. Ingat ka dito." Sabi ni Selena at kinuha si Vanus sakin.
"Crayon will fetch you here at 8 so don't forget!" Sabi pa ni Sabrina bago sila mga umalis.
"Era, okay ka lang dito?" Pahabol pa ni Drey.
"Yeah i'm good. Ingat kayo. Tell Clyde to slow down pag nag drive kasama niyo yung kambal!"
"Alright. See you, baby." Sabi ni Drey at tuluyan ng lumabas. Kumain lang ako at nagpahinga. Matutulog na rin siguro ko ulit mamaya para hindi ako ma-bangag. Nanuod lang ako ng tv hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ko.
"Tss. Era. Hey, wake up."
"Era. Malapit na mag 7. The fuckers will be mad as ape pag hindi ka pa gumising." Napadilat naman ako at nakita si Crayon na nakaupo sa tabi ko. Kinusot ko ang mata ko at nakitang bihis na siya. Naka button down siyang polo at pants at Sperry na sapatos. Mukha talagang may pinopormahan ang loko.
"Baket ngayon mo lang ako ginising? Tss."
"Hoy. Pasalamat ka nga ginising pa kita. Maligo ka na bilisan mo."
"Teka naman. Sino pinopormahan ng isang Crayon Ramirez?"
"Gwapo lang talaga ko, Samara. Wala akong pinopormahan. Tss."
"Promise?"
"Baliw. Oo. Promise."
"Alright. Wait for me i'll be fast." Sabi ko at tinalikuran na siya para pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko lang yung black body hugging dress ko at pumasok na sa CR. Mabilis lang akong naligo dahil lagpas alas-syete na at sesermonan nanaman ako ng mga kupal for being the VIP. Well, i'm Samara Era Natividad, anyways. Nag blower lang ako ng buhok at kinulot ito sa dulo bago ko sinuot yung dress ko. Hindi na ko nag make-up. I don't need that. Naglagay lang ako ng bloody red lipstick at sinuot ang kulay pula kong Valentino heels. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin habang medyo ginulo ko ang buhok ko. Pagtapos ay bumaba na din ako at naabutan si Crayon na may kausap sa phone niya. Agad ko namang naagaw ang atensyon niya.
"Who's that?" Tanong ko habang dumiretso sa kitchen at uminom ng tubig.
"Drey. Papunta na daw sila." Sagot niya.
"Alright. Tara na?" Tumango lang siya at sabay kaming lumabas ng bahay. Dala-dala niya ang Crosswind niyang kotse at mabilis akong pinagbuksan ng pinto.
"You look gorg tonight, by the way." Sabi niya at mabilis na umikot para pumasok sa driver's seat. Hindi ko alam pero minsan napapa-isip din ako kung ba't wala akong nagugustuhan sa kanila. I mean wala ka ng ibang hahanapin sa mga kupal na'to pero maybe kaibigan lang talaga.
"Baka ma-fall ka niyan sakin."
"Not by any chance, Samara." Mayabang niyang sabi at sinimulan ng mag drive. Nag kwentuhan lang kami kung baket hindi siya nakasama sa sleep over. May inayos pala siya sa negosyo nila. Napag-usapan din namin si Saturn at Jeff pero wala din siyang masyadong alam.
Halos lagpas mag aalas-nuwebe na din ng makarating kami at mabilis na nag park lang si Crayon at agad kaming bumaba. Mukhang madaming tao dahil kahit sa labas pa lang ng Prive eh madami ng pakalat-kalat na tao. Agad kong nakita sa entrance si Felix Montigon na naninigarilyo. Napansin niya kami at mabilis niyang tinapon yung death stick na hawak niya. Naging ka-block ko siya nung college ako. Lumakad kami ni Crayon papasok habang binati naman kami ni Felix. Magkakilala din sila dahil parehas silang naglalaro ng soccer.
"Sup, bro! Hi Samara. Long time no see." Sabi niya habang nakipag-apir kay Crayon at mabilis na hinalikan ako sa pisngi. Well, he's Felix. The fuckboy flirt.
"Sinong kasama mo?" Pagtatanong naman ni Crayon.
"Sila Cruise. Nakita ko din yung barkada niyo."
"Sige pre, pasok na kami." Mabilis na sabi ni Crayon habang sabay kaming pumasok sa loob. Madami ng tao at halatang may mga tama na. Hindi pa ganon kaingay dahil maaga-aga pa. Chill music pa lang ang tumutugtog at wala pa yung pinaka-aabangan na DJ. I think it will be Simon Andre Salazar. He's the famous DJ in town and same University lang siya ng pinapasukan namin noon. Iginala ko ang paningin ko sa VIP tables at agad nakita sila Drey. Kompleto sila sa table. Mabilis namin silang nilapitan.
"Ayan na pala ang VIP!" Hirit ni Sabrina na nakaupo sa tabi ni Mike. Ohh. Hindi siya makapag all out dahil bantay sarado siya ng boyfriend niya. Pinasadahan ko ng tingin ang table nila at puro Jack Daniels at Bacardi lang ang nandoon at mga chips samahan pa ng death stick.
"Ang tagal kasi magpaganda neto." Hirit ni Crayon at nakipag-high five sa mga boys. Umupo ako sa tabi ni Trixie na medyo tahimik na umiinom habang sa tabi ni Drey naman naupo si Crayon.
"Nasan si Selena at Clyde?"
"May sakit si Vanus."
"That figures." Sagot ko at kumuha ng isang shot ng Bacardi.
"Ugh. No fun! Dapat talaga mga 11pm pa tayo pumunta." Sabi ni Sabrina pero sinamaan lang siya ng tingin nila Drey. No fun cause may nakabantay sa kanya. Nag kwentuhan lang kami habang lumapit sa table namin si Felix kasama ang isa pa niyang kaibigan na si Brixx.
"Fuckers!" Bati ni Felix at isa-isa silang mga nag high-five. Boys.
"Kamusta?" Tanong ni Brixx na naupo na sa tabi ni Drey.
"Good as fuck. Nabalitaan namin naka third-base ka daw kay Francine!" Pang-asar na sabi ni Drey. Nakita kong umirap si Trixie sabay tumayo.
"Kukuha lang ako ng bagong shot." Mabilis niyang sabi at lumakad na papunta sa bartender.
"Gago second-base lang yon!" Sagot ni Brixx at tumawa pa.
"Nasan sila Cruise?" Tanong ni Mike habang uminom ng isang shot ng JD.
"Nandon kausap si Simon. Nag rerequest ata ng sobrang wild beat ang gago para mamaya." Sagot ni Felix.
"Teka nga mag CR lang ako." Sabi ni Sabrina at mabilis na tumayo. Hindi naman siya pinigilan ni Mike at nakisali na din sa kwentuhan.
"Kulang ata kayo."
"Wala sila Clyde. Alam niyo naman. Haha." Hirit ni Crayon. Nag kwentuhan lang sila habang hindi ko na alam kung ilang shot na ba ang nainom ko. Bumalik na si Sabrina at Trixie habang parehas silang may hawak na maliit na tray na puro shot ang laman. Tequila.
Umingay na lalo ang buong Prive at nagsimula na ang isang beat na hindi ko alam. Hindi ko na din alam kung anong oras na pero alam kong nasa peak na ang party. Nakisali na din sa table namin sila Felix at iba pa nilang mga kasama.
"Ayan na si master Tan!" Sigaw ng mukhang may tama ng si Brixx. Agad akong napalingon at nakita ang isang lalakeng matangkad na chinito na papunta samin. Naka gray v-neck shirt siya at faded pants. Nag high-five lang sila ng mga boys habang tinapik ni Cruise si Mike sa braso. Hmm.
"Si Samara nga pala. Samara, si Cruise." Sabi ni Drey at mabilis na nakipag kamay si Cruise sakin. Nginitian ko lang siya habang nagtuloy-tuloy ang kwentuhan at inuman nila. Katabi ko na ngayon si Sab at Trix dahil busy na ang mga boys sa hindi namin masundan na usapan nila. Nagbago nanaman ang beat pati ang mga neon lights na kanina ay bilog na naging parang laser na ngayon. Mas lalo akong nahilo hanggang sa biglang tumahimik kaya naman napatingin kami sa buong dance floor. Nakita ko si Elisse na naka kulay pulang tube dress na may halong itim at suot na killer heels. Kaya naman pala tumahimik. It's Elisse.
"Got to go, fuckers. There's my girl." Natatawang sabi ni Cruise.
"Gago wala ka namang panama diyan." Sabi ni Mike pero hindi na siya pinansin ni Cruise.
"Hell. No fun. Let's go sa dance floor." Sabi ni Sabrina at hindi na nag intay ng sagot dahil nagmadali ng umalis na sinundan naman ni Trixie. Nag kkwentuhan pa din sila Brixx at Drey habang may tumapik sa balikat ko.
"You're gonna sit there lang ba people? Wala tayo sa simbahan. Come on!" Sabi ni Elisse na may hawak na isang shot.
"Stand up, losers! We're gonna make this night the wildest one!" Masayang sabi ni Elisse. Tumayo si Crayon at hinawakan sa bewang si Elisse. Medyo nagulat naman ako don pero pinanuod ko lang sila. Narinig ko ang mahihinang murahan nila Drey at Felix kasama na si Mike.
"We'll be having fun, babe. Don't worry." Sabi ni Crayon kay Elisse at mabilis na umalis. Napatunganga na lang ako don habang parang wala naman yun kay Elisse. Hinila lang niya ko patayo at dumiretso kami kila Sabrina na mukhang wasted na habang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Nakita ko din na sumunod na sila Mike at nakisayaw na din. Naging crowded na at ng biglang namatay ang mga neon lights kaya naging sobrang dilim. Medyo nagkagulo pero mas lalong umingay lalo na ng tumugtog ang isang erotic beat. Naghiyawan ang mga tao at alam kong tuloy-tuloy pa din sila kahit madilim. Nakisayaw na din ako kahit hindi ko na alam kung sino-sino na yung mga humawak at nakabangga sakin.
"Fuck this is the best night!" May sumigaw na boses babae at alam kong si Elisse yon. Madilim pa rin hanggang sa tuloy pa din ang isang erotic pero wild na beat hanggang sa unti-unting nagkaron ng maliliit na neon lights na hugis bilog at mabilis na nag iba-iba ng shape. Lumiwanag na at mabilis kong nakita na medyo malayo na ko kila Sabrina na nag didirty dance kay Mike. Nagtatawanan lang sila. Lalapit na sana ako ng makita kong naghahalikan si Elisse at Cruise sa mismong gitna ng dance floor. Nakita kong ngumisi si Elisse at mabilis na iniwan si Cruise para pumunta kila Sabrina. Madaming napahiyaw sa ginawa nila pero tuloy-tuloy lang ang mga tao sa mga ginagawa nila. Mabilis kong nilapitan si Cruise na nakahawak sa labi niya at titig na titig kung nasaan si Elisse na may kausap na babae. I think that is Sammer Agatha Del Rio.
"Hey." Sabi ko at tinapik siya sa braso.
"Saw that killer kiss. Kayo ba ni Elisse?" Nginitian niya lang ako.
"No. But maybe soon." Naka-ngisi niyang sabi.
"You like her." Natawa lang siya at medyo napakunot noo lang ako kung baket siya tumatawa.
"Like? Bruh, i'm smitten. Fucking smitten as hell i'm gonna get her and make her mine." Sabi niya at mabilis na iniwan ako para dumiretso kay Simon na nag D-DJ habang may bote ng Jack Daniels siyang hawak-hawak.
"Era!" Nawala ako sa pag-iisip ko kay Elisse at Cruise ng bigla akong nilapitan ni Sabrina.
"What? Saw you na nakikipag dirty dance sa boyfriend mo. You make me proud, bruh."
"Nakita mo ba yung Sammer?"
"Del Rio? Baket?"
"She's a bitch. Nawala ako sa mood nung nakita ko siya."
"What?! Wait. Anong meron?"
"She's a flirt. Kaya nga nag-aaway si Trixie at Drey because of her at ang gaga isusunod pa kami ni Mike. Gonna punch her face pag ako di nakapag pigil!" Iritang sabi ni Sabrina habang halatang-halata ang tama ng alak sa kanya. Napatingin ako kila Elisse na kasama na sila Brixx habang si Sammer naman eh nakikisali kila Mike at nakita ko ang pag alis ni Trixie na sinundan ni Drey.
"The hell!" Iritang sabi ni Sabrina habang tinitignan si Mike na nakikipag-usap kay Sammer habang sumasayaw pa din sila. Mabilis na kinuha ni Sabrina ang isang shot na dala dala nung waiter at nag martsa papunta kila Sammer. Susundan ko na dapat siya ng biglang may humigit sakin papunta sa tahimik na parte ng bar.
"What the-- Ruien?!"
"Baby, please.." Mahinang sabi niya at niyakap ako. Hindi siya lasing dahil wala akong naaamoy na alak sa kanya. Tinulak ko siya pero masyadong mahigpit ang yakap niya sakin.
"Ruien, enough!" Sigaw ko sa kanya at buong pwersa ko siyang tinulak. Malungkot ang mata niya kaya umiwas ako ng tingin.
"Era. Please, don't leave." Pagmamakaawa niya habang hinawakan naman niya yung dalawa kong kamay. I won't cry. Hindi ako iiyak ng dahil lang sa kanya.
"I said enough, Ruien. Ayoko na. Can't you see? Hindi kita mahal. Stop." Mahihinang mura naman niya ang narinig ko at agad niyang binitawan yung kamay ko.
"Teach me how to fucking stop cause shit I don't know how! I'm fucking inlove with you and you want me to stop?! Hell no, Era. I won't. I'll be chasing you even if it takes hell."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com