Chapter 04
One day...
"Manong, sa Dahican lang po." Agad kong sabi kay kuyang driver ng taxi para ihatid ako kung nasaan ang resthouse namin. Mabilis naman niyang pinaandar ang sasakyan habang panay tingin ko lang sa labas. Davao. Malamig ang simoy ng hangin at isang linggo na lang ay mag papasko na. Unang beses na malayo ako kila Mommy. Kung tatanungin ako, hindi ko rin alam paano o saan ako mag uumpisa ngayong nandito na ko sa Davao. Basta ang alam ko lang ay malayo na ko sa kanila. You can't say im escaping, cause im not. Let's just say, I wanna start my new life. Masyadong madaming nangyare sa Manila and it's all full of shit and shit. Atleast dito, I can find the peace I deserve.
"Maam, dito na po. Kailangan niyo lang maglakad ng konti para makarating sa mismong Isla." Sabi ni kuyang driver kahit hirap siyang magtagalog. Bumaba naman ako at bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin. Tinulungan lang ako ni manong na kunin ang mga gamit ko at lumakad na din ako palayo pagtapos magbayad sa kanya. Hindi naman masyadong malayo ang lalakarin ko. Pagkapasok ko sa mismong resort ay dumiretso na ko kung nasaan ang resthouse namin. Konting bahay lang ang nakatayo dito dahil may hotel din naman. Marami-rami na ang tao dahil bakasyon na para sa nalalapit na pasko. Nilapag ko lang ang mga gamit ko at mabilis na tumungo sa veranda netong resthouse namin. Isang palapag lang ngunit malaki. Naghahalong mint green, puti at gray ang buong kulay. Tanaw na tanaw ko ang mga taong masasayang naliligo sa dagat dahil alas kwatro na ng hapon at hindi na ganon kasikat ang araw. Balak ko sanang mamahinga muna pero gusto ko din maglibot kaya naman nagbihis ako ng swimsuit at pinatungan ng midriff at shorts.
Pagkalabas ko ay mabilis na dumampi sakin ang malamig na hangin. Mabilis kong naalala si Elisse at nakalimutang tawagan siya. Bukas pa ang dating niya at dito siya sa resthouse namin tutuloy pero dalawang buwan lang siya. Nawala naman ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng tilian ng grupo ng mga babae at mabilis silang tumungo sa dagat na parang may pinanunuod kaya naman lumapit din ako. Talk about curiosity.
"Bro, ace that shit!" Rinig kong sigaw ng isang lalake habang papalapit ako sa mga nag kukumpulan na tao most specially, mga babae. Agad ko namang nakita ang naka-set na net sa medyo malalim na parte ng dagat. Nakita ko ang halo-halong babae at lalake na nag lalaro ng Water Polo. Lumapit pa ko dahil ngayon na lang ako ulit makakanuod neto at isang lalake ang nakapukaw ng atensyon ko. Oh. So, he's here. Tinitigan ko lang siya habang lumalangoy siya hawak ang bola upang maka-score. Kitang-kita ko kung paanong swabe siyang lumangoy at hinagis ang bola para sa goal.
"Nice one, bro!" Sabi ng isang lalake sabay tapik sa braso niya. Matinding hiyawan naman ang narinig nung nakitang lumalangoy na sila para umahon na. Agad nagtama ang mata namin ng lalakeng namukhaan ko at alam kong nakilala niya din ako kaya mabilis naman akong nag iwas ng tingin at lumakad palayo. So, nandito nga siya. Wow.
"Wait up." Napahinto naman ako sa paglalakad ng biglang may humila sakin at halos masubsob ako sa dibdib niya. Humalakhak lang siya at nagtaas ng kilay.
"Uh, what?"
"You look so familiar." Sabi niya habang tinititigan ako. Hindi ko makaya ang bigat ng tingin niya sakin kaya panay ang iwas ko.
"Wait. I think I know you. Natividad?" Tanong niya at humalukipkip sa harap ko. Hindi ko naman maiwasang titigan yung mapupungay niyang mata at manipis na labi. Hindi ko mapigilang tumingin sa katawan niya. Fuck, dashboard abs!
"Babe, you're drooling." Pang-asar niya at humalakhak sa harap ko. Agad naman napakunot ang noo ko sa kanya at inirapan siya. Lumakad na ko palayo sa kanya dahil nabwibwisit lang ako sa kanya.
"Not so fast, babe. Di mo ba ko kilala?"
"Azrael Jeffrey Tan. Happy? Now, let me go." Singhal ko sa kanya at mabilis hinigit ang kamay kong hawak-hawak niya.
"Bro, let's go! Mamaya ka na pumorma diyan!" Sigaw ng mga kasamahan niya sa di kalayuan. Tinignan ko lang siya at ayan nanaman ang mabibigat niyang titig sakin kaya wala akong magawa kundi ang mag iwas na lang ng tingin.
"Next time." Tanging sabi niya at mabilis na tumakbo palapit sa mga kasamahan niya. Huminga lang ako ng malalim at lumakad na palayo. Hindi ko alam kung baket ganun yung naramdaman ko nung hinawakan niya. Sa sobrang laki netong Davao, ni hindi ko naisip na magkikita kami at lalong hindi ko aakalain na matatandaan niya ko. Mabilis naman akong nawala sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Bungad ko pagkakita kong si Elisse pala ang tumatawag.
"Baket ka napata--"
"God. I've been calling you for like how many times!" Iritadong sabi naman niya. Elisse will always be Elisse.
"Sorry naman. So baket ka nga napatawag?"
"Kasama ko bestfriend mo. You're welcome."
"W-what?! You mean si Alexxa?"
"The one and only. Bye." Sabi niya at mabilis na pinatay ang tawag. At kelan pa sila naging close ni Alexxa? and mostly, why on hell isasama niya si Alexxa dito? But one thing's for sure, may binabalak si Elisse. Hindi ko alam kung ano pero alam kong meron. It's Elisse. Hindi pwedeng pupunta siya dito na kasama si Alexxa dahil lang sa trip niya. Whatever Elisse is doing, there's always a thrill behind it.
Lumakad na ko para pumunta sa hotel netong resort para kumain. Sa isang seafood buffet ako pumunta at pumila na para kumuha ng pagkain. Maingay ngayon dahil madaming mga turista. Humanap lang ako ng pwesto ng biglang may kumalabit sa likod ko at halos mabuhos ko sa kanya ang buong pagkain na hawak ko.
"What the hell?!"
"Easy there. Kakasabi ko lang kanina na next time pero grabe wala pang halos isang oras nagkita nanaman tayo." May halong pang-asar sa boses niya kaya naman mabilis ko siyang inirapan habang humalakhak lang siya sa harap ko.
"Reason why, nawalan na kong ganang kumain." Sagot ko sa kanya at tinalikuran siya pero ang lintik na walanghiya, nakasunod pa din sakin at nagawa pang umupo sa harap ko.
"Hey, ang sungit mo naman." Sabi niya at tinitigan nanaman ako.
"Stop staring! It's rude."
"Woah. Easy." Sabi niya at mabilis akong tinawanan.
"So, your name, miss?" Tanong niya habang nakaupo na para bang pag aari niya ang lahat. Hindi ko maiwasang tumingin sa paligid namin at makita ang iilang babae na nakatingin talaga sa kanya. Naka-suot na siya ng gray v-neck shirt at boardshorts habang may dog tag din siyang suot.
"I thought staring is rude?" Pang-asar niyang tanong kaya naman napa-ayos ako sa pagkakaupo at iniwas ang tingin sa kanya.
"So again miss, your name?"
"And do you think sasabihin ko sayo?"
"Uh-huh." At hindi lang siya nakakabwisit isa din siyang hambog!
"In your face."
"Gwapo. Now babe, your name? You know what? Hindi mo naman ako maiiwasan."
"Get over yourself."
"Not until you tell me your name."
"Era." Sabi ko dahil mukhang wala talaga siyang balak tigilan ako. "Now, pwede mo na kong iwanan. You're disturbing me."
"Sungit." Sabi niya at mas tinitigan pa ko imbis tumayo at lumayas sa harapan ko. Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang. Nakatitig pa rin siya sakin habang nakangiti kaya naman hindi ko mapigilang ma-conscious sa sarili ko.
"Spill. Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko dahil medyo naaasiwa na din ako sa paninitig niya.
"Wala naman. Ganda ng view eh." Mabilis niyang sabi at tumitig nanaman sakin.
"Stop."
"No." Tipid niyang sagot habang tumayo. Akala ko'y aalis na siya pero lumapit siya sakin habang nilalapit din ang mukha niya kaya naman halos matumba ako sa inuupuan ko pero hinawakan niya ang magkabilang gilid ng upuan at ngumisi sakin. Now, I dont like his smile. Halos magkadikit na mga mukha namin kaya naman nakaramdam nanaman ako ng kakaiba.
"Nag uumpisa pa lang ako." Mahina niyang sabi at hinipan ang mata ko. The fuck baket ang bango niya?! Baket ugh! Buong pwersa ko naman siyang tinulak at umayos siya ng pagkakatayo habang humalakhak nanaman ang lintik!
"One day, you're gonna beg for my stare and everything." Sabi niya at mabilis na lumakad palayo sakin. What was that?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com