Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 05

Why not...

"Wake up, loser! Wake up!!" Agad naman akong napabalikwas ng may maingay na gumigising sakin. Halos umaga na ko nakatulog kaya naman puyat na puyat ako ngayon. But wait..

"Wtf Elisse!"

"Uh-huh." Mabilis akong bumangon at niyakap siya. Ni hindi man lang nagpasabi na ngayon mismo ang dating niya.

"Selos ako." Napatingin naman ako sa babaeng nakaupo sa gilid at naka-ngiti ng sobra. Alexxa.

"Bestfriend!" Sigaw ko at nagmadaling lumapit sa kanya at niyakap siya. I missed her. Siya lang talaga ang tinuturing kong pinaka-kaibigan ko maliban kay Elisse. Alexxa's my bestfriend that's why alam niya halos lahat sakin. She's for keeps. Mabait pero I know her masama siyang magalit. I know cause i've seen it.

"Stop it losers. Mag-ayos ka na Samara and let's take a dip." Utos ni Elisse habang nag fflip ng isang magazine. Parehas silang nakabihis na. Nakasuot si Elisse ng isang longsleeve white polo shirt na kita ang itim niyang swimsuit habang naka midriff naman si Alexxa at shorts. Tumayo na ko at dumiretso sa cr para maligo na rin. 9am pa lang kaya naman medyo tumataas na ang sikat ng araw. Pakatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng puting bikini at pinatungan to ng mahabang puting polo shirt kagaya ng kay Elisse. Pagkalabas ko ay nadatnas kong nasa veranda sila at nag-uusap. I've never seen Elisse and Alexxa talk like that. Yung tumatawa ng sabay as if sobrang close nila. Not that i'm jealous in fact, i'm happy. Minsan ko lang makita si Alexxa na ganyan and also Elisse. Never seen her talk that much. Hindi siya nakikipag-usap sa kung sino-sino lang. Ngumiti ako at mabilis na pumunta sa kanila. 

"So, you guys are close." Bungad ko sa kanila. Napa-ngiti naman si Elisse at hindi ko alam kung baket hindi ko nagustuhan iyon.

"Don't be jelly. Sayong-sayo pa rin yang bestfriend mo. Come on!" Sabi ni Elisse at mabilis ng naunang lumakad palapit sa dagat. Hinawakan naman ako ni Alexxa at nginitian.

"I missed you."

"I missed you too, Lex. How's Manila?"

"Ayos naman. Ang daming bilin samin nila Drey. Namimiss ka na nila. I think pupunta sila dito pero 3 days lang alam mo naman medyo busy na din sila." Kwento niya sakin habang sinusundan namin si Elisse. Hindi ko rin mapigilan mapansin ang mga lalakeng panay tingin at napapahinto habang naglakakad si Elisse. What to say? She's a head turner. Hindi ko lang alam kung  baket ayaw niya pang mag boyfriend when in fact I saw him and Cruise kissing like forever. 

"Ang  bagal niyo naman!" Sigaw ni Elisse sa di kalayuan habang tinatanggal ang puti niyang polo shirt at hinagis sa gilid habang mabilis na lumusong sa dagat. Naupo lang kami ni Alexxa sa malalaking bato at napag pasyahan na mamaya na kami maliligo. Enjoy na enjoy naman si Elisse at mabilis siyang lumayo nung may mga lumapit na sa kanyang mga lalake. There goes Elisse guys you just cant flirt with her kung gusto niyo. She's different. 

"So tell me more." Sabi ko kay Alexxa habang pinagmamasdan siya. Malaki ang pinagbago niya. Mas lalo lang siyang gumanda pero siya pa din yung Alexxa na nakilala ko. Shy at it's finest.

"Hmm.. Mike and Sab are finally engaged!" Agad naman akong napatili dahil finally!

"Since when? Boo! Hindi ko man lang nasaksihan and god walang nagsasabi sakin!"

"Kahapon lang kasi. Nagpa-party si Elisse pero hindi dapat makakapunta yung mag babarkada dahil nga busy pero dahil nag-aaway si Mike at Sabrina, ayun tumuloy pa rin si Sab ng hindi nalalaman ni Mike."

"Wait, baket sila nag-aaway?"

"Si Sammer. Kilala mo naman yon diba? She's been hitting on Mike and you know Sabrina. Kaya ayon nung nalaman ni Mike na lasing na lasing na si Sabrina at nagpunta pala sa party ni Elisse, sumugod agad siya and there, nag propose. Nagulat din kaming lahat nung kwinento samin ni Sabrina."

"So when's the wedding?" 

"Hindi namin alam. Nag bibitter na nga si Trixie dahil mukhang mas mauunahan pa sila nila Sabrina. Haha. Pero kilala naman natin kasi si Drey. He won't settle just because alam niyang kaya naman niyang buhayin si Trix. He wants to strive harder yung alam niyang mabibigay niya lahat sa girlfriend niya." Talk about Drey. I'm a proud cousin here.

"So how are you?" Agad naman siyang nag iwas ng ng tingin and I think may tinatago siya.

"I'm good. Tara na baka magalit si Elisse!" Mabilis niyang sabi at hinila ko kaya wala na kong nagawa kundi sumunod sa kanya. Hinubad din niya ang midriff at shorts niya at halos manlaki ang mata ko dahil this is the first time na nakita kong naka-bikini si Alexxa. I mean nag bibikini siya but she never take off his shorts.

"Woah." Tanging nasabi ko na lang dahil mabilis siyang lumangoy papunta kung nasaan si Elisse. Huhubarin ko na sana yung long sleeve polo shirt ko ng may biglang kumalabit sakin.

"You gonna take that off?" Sabi niya sa matigas na ingles.

"Duh of course. Alangan mag swimming ako while wearing this."

"Okay. Then i'm gonna stand here and watch you."

"Jeff, pwede ba? Stop acting like we're close." Irita kong sabi sa kanya at mabilis na hinubad yung polo ko at lumangoy na palayo sa kanya. Nagawa pang sumipol ng hambog kaya naman mas lalo akong nairita.

"Who's that?" Bungad ni Elisse sakin pagkalapit ko sa kanila.

"Jeff."

"You mean Azrael?!" 

"Yep. Why?"

"Small world." Tanging sagot niya at ngumiti nanaman. Hindi ko alam pero hindi ko talaga gusto pag ganyan si Elisse. I know, may binabalak siya. I know.

"Elisse." Sabi ko na may tonong pagbabanta.

"What?" Natatawa niyang tanong habang pinagmamasdan lang kami ni Alexxa.

"Kayong dalawa, mag sswimming lang ako. Bahala kayo diyan." Sabi ni Alexxa at mabilis lumangoy palayo samin. Sanay na siya na ganito kami ni Elisse at alam kong alam din niyang may binabalak si Elisse.

"Samara, come on masyado ka naman atang paranoid. Haha. Wala naman akong ginagawa I came here to have fun and take a break. Ano ka ba."

"I know you, Elisse."

"I think not, sweety." Sabi niyaa at lumangoy na din palayo sakin. Huminga lang ako ng malalim at lumangoy na din. Pansin kong nakatayo pa din si Jeff kung san ko siya iniwanan kanina at alam kong nakatingin siya sakin. Baket ba sa tuwing makikita ko siya lagi siyang shirtless?! Nakakainis. Lumangoy na ko palayo para hindi ko siya makita ng mapansin kong umahon na si Alexxa at nag-uusap sila ni Jeff at nagtatawanan. So they know each other, huh? Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang paglangoy ko ng di ko namalayan na malayo na pala ang narating ko. Tumingin ulit ako sa kanila pero hindi ko na nakita si Alexxa at Jeff. Maybe he's flirting with my bestfriend now. Huh! Gonna stand here and watch you pang nalalaman tapos ugh! 

"Boo!"

"WTF!" Agad naman akong napasigaw ng may humawak sa bewang ko at nakitang yung hambog lang pala.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko sa kanya dahil masyado akong nagulat habang tinawanan lang naman niya ko at lumapit pa sakin.

"Nakita ko kasing nagseselos ka na that's why i'm here." At pano naman niya nalaman na nagseselos ako I mean what the hindi naman ako nagseselos!

"At baket naman ako magseselos?" Sabi ko at lumayo pa sa kanya.

"It's written all over your face, babe." Sabi niya at humalakhak habang lumangoy palayo. Ugh nakakainis talaga baket ang hambog niya?! Lumangoy na din ako para umahon dahil bukod sa nairita na ko ay nagugutom na din ako. Nakita kong mabilis na lumapit si Elisse kay Jeff ng nakita niya tong umahon. Niyakap pa siya ni Elisse kaya naman nag iwas na ko ng tingin. Ugh malanding hambog.

"Samara, wait up!" Sigaw ni Elisse at mabilis na tumakbo palapit sakin.

"Hungry?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Azrael is something. Gwapo niya diba?" Tanong niya at nakita ko namang namula siya. Dont tell me...

"Do you like him?"

"Why not?" Sabi niya at tumakbo na para sundan si Alexxa na nagbibihis. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com

Tags: