Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Three

Point of View: Jimin

"Mauna na ako sa room" bored kong sabi kila Hyung. Tumango naman sila. 

Kinuha ko yung shake ko at nauna na sa room. Habang naglalakad ako ay biglang may bumangga sakin dahilan para matapon sakanya yung dala-dala kong shake. Sh*t, Yung shake ko sayang!

"F*ck!" gulat na gulat niyang sigaw, Tumingin naman siya sakin na nanlalaki ang mata "Hoy! Hindi kaba natingin sa dinadaanan mo?!" galit niyang sabi sakin

"Hindi" tipid kong sagot, Lalagpasan kona sana siya ng bigla niya akong batukan ng malakas. Kaya naman napatingin ako sakanya ng masama "Sino ka para gawin sakin yon!" galit kong sigaw sakanya. 

"Lexia Stephan Jonson!" taas kilay niyang sabi sakin 'Stephanie' bigla namang nawala ang galit ko ng maalala ko ang unang beses na pagkikita namin ni Stephanie, Ng babaeng mahal ko.

Flashback....

Hinahanap ko ngayon yung classroom na sinabi sakin nila Hyung, Hindi ko kasi masyadong alam ito dahil bagong lipat lang kami ng paaralan. 

Habang natingin ako sa bawat classroom na nadadaanan ko ay biglang may bumangga sakin at natapon saakin ang hawak hawak niyang starbucks. Napatingin ako sakanya ng masama. Badtrip! Kapapasok ko pa nga lang matatapunan na agad ang uniform ko. 

"Naku! Sorry! Sorry! Sorry!" paulit ulit niyang sabi at kumuha siya sa bulsa niya ng panyo at pinunas ito sa uniform ko, Agad ko namang tinapik ang kamay niya dahil baka pasimpleng chansing na siya sakin. 

"Tatanga-tanga ka kasi!" inis kong sabi sakanya, Habang pinupunasan ang malalagkit na kapeng natapon sakin. Kainis!

Yumuko naman siya "Sorry talaga! Nagmamadali kasi ako" 

"Ano pa bang magagawa ko? Natapon na naman diba? Alangan namang padilaan ko sayo yung mga natapon" inis kong sabi sakanya at nilagpasan siya. Ngunit bago pa man ako makaalis ay muli siyang nag-salita 

"Salamat! Ako nga pala si Stephanie Paula Choi! Ikaw anong pangalan mo?" sigaw niya 

Humarap naman ako sakanya "Jimin, Park Jimin" sabi ko at tinalikuran na siya ng tuluyan.

End...

"Hoy! Natulala kana diyan" napatingin naman ako sakanya habang pinupunasan ang sarili dahil sa shake na natapon sakanya.

"Pasensya na, Hindi ko sinasadya" walang emosyon kong sabi sakanya 

"Tss. Ano pa nga bang magagawa ko, Natapon na! Alangan namang padilaan ko sayo itong uniform ko para mawala yung shake na natapon. Kainis" inis niyang sabi 

Napansin ko naman na natigil siya sa ginagawa niya, Kaya naman napatingin ako sa paligid at nakatingin na samin yung mga tao. Kanina pa nga pala kami nandito sa gitna. 

'Tss. Malandi talaga'

'Pasimpleng landi' 

'Si Jimin talaga ang balak niyang landiin? Gusto niya bang makalbo ng fangirls ni Jimin. Landi landi kasi'

'Kunyaring nagagalit pero sa loob loob niya tuwang tuwa siya dahil nalalandi na niya si Jimin' 

Napatingin naman ako sakanya na ngayon ay nakatungo. Hinigit ko naman siya paalis sa mataong lugar na iyon dahil halata naman sakanya na iiyak na siya ilang sandali nalang kapag tumagal pa kami doon. 

Nang wala nang masyadong tao sa napuntahan namin ay binitawan ko na siya, Kinuha ko ang Jacket ko sa bag ko at binigay sakanya "Isuot mo muna yan. Balik mo nalang sakin" sabi ko sakanya

Kinuha naman niya ito "Salamat" nakatungo niyang sabi 

"Labhan mo yan bago ibigay sakin." sabi ko at umalis na.

Point of View: Stephan

"Labhan mo yan bago ibigay sakin." sabi niya at umalis, Pinanood ko naman siya habang umaalis

Napatingin naman ako sa hawak kong Jacket na binigay niya. Agad naman akong nagpunta sa girls restroom, Pumasok ako sa isang cubicle at doon nagpalit. Naramdaman ko naman na may iba pang-pumasok sa cr kaya naman napag-disisyonan ko na wag munang lumabas. Baka mapaaway na naman ako eh. 

"Girl, Nasabi ba sayo ni Skyler na lilipat daw ulit siya dito" rinig kong sabi ng isang babae, Si Juliana, isa sa mga babaeng sumira sa pangalan ko. Gusto ko sanang lumabas para sugurin siya kasama ng isa pa niyang kaibigan na si Ar-mae ngunit pinigilan ko ang aking sarili.  

"Realy? Kaylan daw siya umuwi?" maarteng tanong naman ni Ar-mae

"Ngayon daw ang uwi niya. Bukas na bukas daw babalik na siya dito. Hahaha" masayang sabi ni Juliana

Ang hayup na si Skyler uuwi na pala.

"Hahaha! Kawawa na naman si Stephan for sure" napayukom naman ako ng kamao ng marinig ko ang pangalan ko. Ako na naman! Haha. 

Naramdaman ko naman na umalis na sila kaya naman lumabas na ako ng cubicle. Napaharap ako sa malaking salamin at tinitigan ang aking sarili, Magiging api na naman ako! Bumalik na ang matalik kong kaibigan noon na matalik ko nang kaaway ngayon. 

Huminga ako ng malalim at saka inayos ang sarili ko, Late na naman ako sa klase. Nagmadali na ako at agad na pumasok sa classroom namin ng hindi manlang pinapansin ang teacher ko. Umupo ako sa upuan ko sa pinakalikod at saka humalumbaba at nakinig. 

"Bhe saan ka galing?" napatingin naman ako kay Wendy 

"Sa CR. Meron kasing lalaking hindi natingin sa dinadaanan niya kanina kaya natapon yung shake niya saakin" inis kong sabi habang nakatingin sa lalaking nagtapon sakin ng shake, Napalingon naman siya samin kaya naman inirapan ko siya. 

"Hindi lang naman ako ang may kasalanan, Ikaw din. Kung tumitingin kadin sana sa daan mo di sana naiwasan mo ako" sabi niya

"So, Ako pa ang may kasalanan ngayon?!" medyo pasigaw kong tanong sakanya, Kaya naman natigil yung teacher namin sa pag-tuturo at napatingin samin. 

Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na ngayon ay nagkakagulo na naman sa panghuhusga saakin. 

'Gumagawa na naman siya ng eksena' 

'Tss. Pasira talaga yang babaeng yan' 

'Sino na naman kaya ang hinaharot niya'

Huminga nalang ako ng malalim at saka kinuha ang bag sa upuan ko at umalis. Narinig ko pang tinatawag ako ni Wendy pero hindi ko nalang siya pinansin, Dahil alam ko kapag nagtagal magiging kagaya din siya nila. 

Habang naglalakad ako papunta sa likod ng school ay may narinig akong mga lalaki kaya naman tiningnan ko ito. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga nakita ko. 

"Siguro naman mag-tatanda kan?" nakangising sabi niya habang may hawak na isang malaking kahoy na pinampalo niya sa lalaking hawak hawak ng mga kasama niya. Hindi naman ito sumagot kaya naman sinipa niya ito. "Sumagot ka!" sigaw niya 

Umubo naman ang lalaki at saka tumango. Binitawan na naman siya ng dalawang lalaki na nakahawak sa mga kamay niya binigyan siya ng mga ito ng tagiisang suntok at sipa at saka siya iniwan na duguan na nakahandusay sa lupa. 

Tinanaw ko muna kung nakaalis na talaga ang mga gangster na iyon at saka lumapit sa lalaking bugbog sarado na. 

"K-kuya. Okay kalang?" tanong ko habang tinitingnan kung buhay paba siya. 

"Mukha ba akong okay? Sinong magiging okay matapos paluin ng makapal ng kahoy at suntukin at sipain? Sa tingin mo okay ako!" nakapikit niyang sagot 

Sus! Hindi ko kaya siya tulungan. Ako na nga itong tutulong ang sama pa ng ugali niya.

"Sabi ko nga hindi. Makakatayo ka paba? Dadalhin kita sa clinic" sabi ko sakanya habang inaalalayan siyang tumayo 

"Ikaw nalang ang gumamot sakin, Ayokong pumunta sa clinic" sabi niya

"H-ha? Ako gagamot sa mga sugat mo?" tanong ko sakanya

"Oo." tipid niyang sagot. 

Jusko. Anong alam ko sa pag-gamot ng sugat. 

✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘

A/N: Ang boring! Haha. Sorry na. Babawi nalang ako next chapter.

Comment & Vote!

Enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com