Two
Point of View: Stephan
Kring! Kring! Kring!
Napabangon ako sa kama dahil sa ingay ng alarm clock ko. May pasok na naman pala. Katamad.
Kahit tinatamad ako ay bumangon padin ako sa aking kama at naligo. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako sa lahat. Inayos ko nalang ang bag ko at madaling lumabas at bumaba upang kumain ng hinandang almusal sakin ni Manang. Humigop lang ako ng mga tatlo at kumagat ng isang tinapay ay umalis nadin ako agad.
Sumakay na ako sa aking sasakyan at pinaandar ito patungo sa aming paaralan. Ilang minuto lang naman ay nakarating nadin naman ako sa 'Barden University' pinark ko ang aking sasakyan sa parking lot at pumasok na sa loob.
Habang papasok ako ay nakatingin na naman sa akin ang mga ingiterang istudyante. Tinaasan ko lang sila ng kilay at inirapan.
'Malditang Stephan'
'Impaktang Stephan'
'Bitch Stephan'
'A whore'
Yan lang naman ang ilan sa mga tawag nila sakin dito. Bakit? Dahil kay Skyler! Siniraan niya ako sa lahat. Sinira niya ako sa lahat kaya heto ako ngayon nag-iisa at walang kaibigan. Kinadidirian, Kinaiinisan at Kinasusuklaman ako ng lahat dito. Ang saya diba? Haha.
Hindi ko nalang pinansin ang mga masasama nilang tingin at dumaretso nalang sa room ko. Umupo ako sa pinakadulo kung saan wala masyadong naka-upo.
Ilang sandali pa ay dumating na ang aming guro, Kaya naman umayos na kami dahil napaka-istrikta niya.
Tinaas niya muna ang isa niyang kilay bago siya nag-salita "Meron kayong bagong kaklase" walang gana niyang sagot "Maari na kayong magsipasok" sabi niya habang nakatingin sa may pintuan.
Pumasok naman ang pitong makikisig at gwapong lalaki at isang magandang babae. Maririnig mo naman ang bulungan ng aking mga kaklase.
'Diba sila yung BTS?'
'Oo gurl. Sila nga!'
'Ang g-gwapo pala talaga nila'
'Sino naman yung girl? Ang pretty niya'
'Ohmy! Ghad! Grabe! BTS!'
"Anong meron?! Ha? Para kayong mga malalanding kambing na manganganak diyan sa mga upuan niyo!" galit na sabi ni Ma'am, Kaya naman napatigil ang aking mga kaklase sa mga kalandian nila. "Magpakilala na kayo!" sabi naman ni Ma'am sa mga bago
"Annyeong! Kim Namjoon, Rapmoster nalang" sabi niya at ngumiti
"Hello! Kim Taehyung, V nalang"
"Jeon Jungkook nga pala"
"Wendy Olaf mga bhe" cool naman na sabi ng nag-iisang babae, Infairness ang cute niya at ang ganda.
"Min Yoongi, Suga nalang. Swag!"
"Hi! Kim Seojin, Jin nalang" sabi niya sabay kindat, Gago! Ang gwapo.
"Jung Hoseok, Jhope nalang mga bro"
Halos lahat sila ay nagpakilala ng masigla at masaya ngunit nang nagsalita na ang pinaka-huli sa kanila ay para kaming nabalot lahat sa yelo dahil sa lamig ng kanyang presensya at pakikitungo "Park Jimin" yan lang ang tangi niyang sinabi. Wala kang mababasang kahit anong emosyon sa kanyang mata. Wala kahit isa.
Umupo naman sila sa harapan ko at ang iba naman ay tumabi saakin.
"Bro, Ayusin mo nga yang sarili mo" rinig kong sabi ni Sugar doon sa lalaking cold.
"Maayos naman ako Hyung" walang gana niyang sagot
Napairap nalang ako sa kawalan, Ano bang pake ko sa kanila. Nagiging chismosa na naman ako.
Nagsimula na namang magklase si Ma'am kaya naman tumungo na ako, Ayoko ngang makinig sa teacher nayan!
"Bhe!" napataas ako nga ulo ng mabingi ako sa sigaw ng isang babae, Yung bago pala.
Tinaasan ko siya ng kilay "Problema?" tanong ko sakanya
Nginitian naman niya ako "Wala. Break time na kasi"
"Oh? Tapos?" walang gana kong tanong sakanya
Napakamot naman siya sa ulo niya "Gusto ko sana mag-pasama sa canteen" nahihiya niyang sabi
"Kilala mo ba ako?" tanong ko sakanya
Umiling iling naman siya "Hindi. Pero mukha namang mabait ka" nakangiti niyang sabi
Umiling iling din naman ako sakanya "Hindi ako mabait, Kaya sa iba kana lang mag-pasama"
"Sige na samahan mo na ako" pag-mamakaawa niya
"Diba kasama mo yung mga lalaki kanina? Asan na sila? Dapat sakanila ka sumama" yamot kong tanong sakanya
"Yung mga hudas nayon? Iniwan nila ako" inis niyang sabi "Please, Samahan mo na ako" pag-mamakaawa niya
"Aish! Ona. Sasamahan na kita. Pero binabalaan na kita, Hindi ako magandang kasama" pag-papaalala ko sakanya
Kumunot naman ang noo niya "Anong ibig mong sabihin?" tiningnan ko lang siya ng bored "Tss. Oo na! Wala akong pake kung rapist kapa basta gusto ko ng kasama." sabi niya at hinigit ako.
Habang naglalakad kami sa carridor ay nakangiti siya na parang buang, Habang ako nakabusangot, Kasi naman nakatingin na naman sakin ng masama yung mga impaktitang estudyante dito.
'Grabe, Kawawa naman yung kasama niyang babae. Walang kamalay malay na bitch yung kasama niya'
'Oo nga! Mukhang bago kaya ayan siya naman ang pupuntiryahin ni Bitch'
Napatigil naman ako at napapikit dahil sa mga naririnig ko. Tumingin naman ako kay Wendy na ngayon ay ang sama ng tingin sa mga babaeng impaktita. Ito na nga ba ang ayaw kong mangyari, Kapag nalabas ako ng classroom ito lang ang napapala ko, Panay panghuhusga.
'Umaarte na naman siya'
'Paawa na naman ang impakta'
Napatingin naman ako kay Wendy na ngayon ay nakatingin lang ng seryoso sakin "Ngayon alam mo na kung bakit ayaw kong sumama sayo" seryoso kong sabi sakanya
Hinawakan naman niya ang kamay ko "Wala akong pake sa kanila" sabi niya at nginitian ako
Napangiti naman ako sa sinabi niya, Ngayon lang kasi may nagsabi sakin ng ganon, Na walang siyang pake sa sinasabi ng iba, Hindi siya bumabase sa sasabihin ng iba tungkol sakin. Hindi siya mapanghusga.
Nakarating na naman kami sa canteen at agad na humanap ng table na makakainan, Nag-paalam siya sakin na bibili lang siya saglit. Ilang sandali lang din naman ay dumating na siya. Nilapag niya ang isang tray ng pag-kain.
"Sayo lahat yan?" di makapaniwala kong tanong sakanya
"Oo!" masaya niyang sabi
"Saan mo lalagay lahat yan?" tanong ko, Grabe. Ang dami naman kasi.
"Sa tiyan malamang" sabi niya at sinimulan ng kumain, Tinititigan ko lang siya habang kumakain. Nakakatawa lang siya kasi para siyang bata. Haha. Napatingin naman siya sakin dahil mukhang nakahalata na siya na pinapanood ko siya "May tanong ako sayo?"
"Ano yon?"
"Bakit parang galit sayo yung mga tao dito? Kanina kapa nila pinagbubulungan at sinasabihan ng bitch, impakta, maldita at ang malala whore?" tanong niya "Stephan ba pangalan mo?" dagdag niya pa
Tumango naman ako sakanya "Oo, Ako si Lexia Stephan Jonson. Sikat ako sa paaralan na ito bilang isang whore, bitch, impakta, at maldita. Pinandidirian ng lahat at wala ako kahit isang kaibigan." pagpapakilala ko sa sarili ko
"Ah! Okay" yun lang ang sinabi niya at kumain nang muli
"Ano?!" nagulat naman siya ng sumigaw ako at napatingin din samin lahat kaya naman napatahimik ako. "Anong okay? Hindi ka manlang nandiri sakin? Hindi mo ako lalayuan?" tanong ko sakanya
Umiling iling naman siya "Hindi, Bakit ko naman gagawin yon? Hindi naman totoo yung mga sinasabi nila sayo diba?" tanong niya
Napangiti naman ako sakanya "Oo" tipid kong sagot pero punong puno ng kasiyahan.
Sa kauna-unahang beses may naniwala sakin, May naging kakampi ako.
Diba ang saya!
✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘ ✘
A/N: Ang boring! Haha. Sorry na. Bawi nalang ako next chapter.
Comment & Vote!
Enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com