Chapter 08
#CTG08 Chapter 08
The final exams ended as quickly as they started. Naka-hinga lang ako nang maluwag nang matapos akong magcheck ng mga sagot ko sa finals namin sa ATP... And then I had to read it once more just to be sure... I needed to pass. I needed to proceed to third year. Konti na lang talaga matatapos na ako.
Some of my classmates were planning to go to karaoke bar and drink. Iyong iba on the way na sa beach. Si Jax, biglang nawala. Si Yago, wala akong pakielam.
Me? I just wanted some pares.
That's my reward for studying so hard this week.
Diretso akong lumabas ng school. Hindi na ako nagstay dahil ayoko munang makipag-usap sa mga tao. Normally, I'd ask Jax kung ano iyong sagot niya dahil nape-pressure akong magkaroon ng mataas na grades... but tonight, I just wanted to eat a good dinner and then go have a peaceful sleep.
"Miss Independent!"
Shit.
"What?" I asked.
"San ka pupunta?"
I shrugged. "Uwi na," sabi ko.
He raised his brow. "Uuwi... dito daan mo?" tanong niya.
"Are you insinuating something?" I asked, my brows arched, too.
"Sabi kaya ni Ate lagi kang kumakain 'dun! 'Di man lang nag-aaya!" sabi niya na para bang kasalanan ko pa na hindi kami sabay kumakain. At bakit sinasabi ni Ate sa kanya na kumakain ako doon?
Nagkibit-balikat na lang ako. Baka baliktarin niya pa kung anuman ang sabihin ko. Isa iyon sa napansin ko kay Iñigo, he could easily twist your words in his favor. He'd really make a good lawyer.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang naka-sabay siya sa akin. I appreciated him shutting his mouth. Gusto ko lang ng katahimikan ngayon dahil buong linggo akong stressed dahil sa finals. Pati sa bahay stressed din ako dahil tinatanong na ako ni Papa tungkol sa desisyon ko sa pagta-trabaho. I really didn't want to work because I already got too much on my plate... but at the same time, I didn't know how to say no.
"Bakit?" he asked when he answered his phone. "May pupuntahan ako e... Pass muna..." Then he laughed. "Try ko sumunod."
Binaba niya na iyong tawag. Tumingin ako sa kanya. "Block mates mo?"
He nodded. "Nag-aaya lang uminom."
"Di ka sasama?"
"Hindi. Sabay tayong magdidinner, 'di ba?"
"Ako lang magdidinner; sumabit ka lang."
"Grabe? Kahit ako nagsabi sa 'yo ng lugar na 'yun?"
"So, utang na loob ko?"
"Grabe talaga," sabi niya na natatawa. "Bakit napaka-sama mo talaga sa 'kin, no? Pero sabagay, mas mawe-weirduhan ako kung mabait ka... Iisipin ko talaga nagka-mental breakdown ka na."
Hindi ulit ako sumagot. Excited na akong kumain. Hindi ako nakakain kanina dahil na-pressure ako sa exams. Last na kasi. Kailangan ayusin ko na talaga. Ayoko naman na makickout while knowing that I could've done better. Kung makikickout man ako, gusto ko alam ko na ginawa ko lahat para kumapit.
"Hi po," I greeted the owner of the stall before I took my seat. I wasn't as friendly as Iñigo, but I have manners.
I ordered my usual—pares and two cups of rice. Dito lang kasi ako nakakakain nang maayos. Sa bahay, napipilitan lang ako kumain dahil papagalitan ako kapag nagpalipas ako ng gutom. Tapos feeling ko may indigestion ako palagi sa bahay dahil sa bilis kong ngumuya.
"Kamusta exam?" he asked.
"Okay naman."
"Di mo ko tatanungin?"
"Kamusta exam?"
He laughed. "Thanks sa interest," sabi niya dahil sobrang disinterested ng tono ng pagkaka-tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang itatanong ko sa kanya. Okay naman na ako kay Iñigo... just not as comfortable as he was with me.
"Sobrang hirap ba ng second year?" he asked.
"Mukha bang nadalian ako?"
"Mukha bang naghahanap ako ng away?" he asked. "Alam mo—ay, 'wag na lang."
I arched my brow. "Ano'ng alam ko?"
"Wala."
"Ano nga?"
"Wala nga."
"Oh, tapos ngayon interesado ka sa 'kin?"
I rolled my eyes. Ang arte. Mabuti na lang dumating iyong order kaya doon ako nagfocus. Nag-enjoy ako sa pagkain. Nasa kalahati na ako nung unang cup ko ng kanin nang mapansin ko na hindi kumakain iyong kasama ko dahil naka-tingin lang siya sa 'kin.
"Ano?" tanong ko dahil nakaka-conscious na naka-tingin siya habang kumakain ako.
"Wala," he said, shaking his head as he began to eat. Weirdo.
Tahimik lang kaming kumain dalawa. Kanya-kanya kami ng bayad sa kinain namin—though Iñigo tried to pay for my food but I glared at him and paid for my own. Tinawanan niya ako at sinabihan na naman ng Miss Independent... as if that's such a bad thing.
Pagkatapos namin dun, naglakad kami pabalik sa school. Puno iyong kalsada malapit sa SCA ng mga law students na tumatalon, sumisigaw, may umiiyak—generally, masaya dahil sa wakas, tapos na iyong school year na 'to. I could be one of them except that I was still looking forward to the conversation I'd be having with my father sometime this week.
"Tapos na school year," he said. I merely nodded. "Gusto mo na ulit magpasukan?"
My forehead creased. "Of course not."
"Bakit 'di ka masaya?"
"Iniisip ko lang 'yung sasabihin ko sa Dad ko."
"Gusto mong ishare?"
"Not really."
"Okay."
Akala ko diretso pa kaming maglalakad dun sa pwesto sa harap ng gate dahil doon talaga iyong pickup point ko kapag nagbu-book, but Iñigo halted. Napa-tingin tuloy ako sa kanya.
"Bakit?" I asked because he looked like he'd just seen a ghost.
"Dito ka na lang magpa-sundo," sabi niya.
"Bakit?" tanong ko ulit tapos tumingin doon sa parte na tinignan niya bago siya magka-ganito. I squinted my eyes and saw that those were the same guys na pinagsinungalingan niya dati nung may humampas ng bote sa ulo niya. "Pinagtataguan mo?" I asked.
"Hindi, ah..."
"Believable," I said, nodding.
Napa-suklay siya sa buhok niya gamit ang mga daliri niya. If Iñigo didn't tell me that he's not rich, I really would've thought that he's one... The way he carries himself? It's like he's so sure of everything.
But then again, maybe he's just good at faking it.
"Mag-iinuman lang kasi sila..." paliwanag niya.
"Ayaw mong sumama?"
"Pagod na ko, e. Gusto ko na lang matulog."
"E 'di dapat kanina ka pa umuwi."
He looked at me and smiled. "Syempre sinamahan muna kita."
"Bata ba talaga ako sa paningin mo?"
He laughed. "You know... Hirap mong landiin, no? 'Di ka cooperative."
"Ah... Nilalandi mo na ba ko sa lagay na 'to?"
Mas sumingkit iyong mata niya sa pagtawa. "Medyo... Hindi pa? Ewan. Natatakot kasi ako sa 'yo. 'Di pa ko nagsisimula, napapa-tigil na agad ako, e."
I nodded my head. "Kung natatakot ka sa 'kin, 'wag mo ng simulan," I said. I didn't need someone who's scared of me. Ano'ng sense nun kung takot lang siya sa 'kin? I needed someone who's my equal—who wouldn't be afraid to correct me when I'm wrong, to congratulate me when I do something right. I didn't want someone whom I'd have to convince not to be scared of me.
"Di naman sa takot—"
"Ikaw nagsabi na takot ka."
"More like... intimidated," he said. "You're this very smart girl who obviously knows what she wants... I'm just afraid to try because you already know what you want. And paano kapag hindi ako 'yun? Hirap, 'di ba? Kasi basted agad."
I shrugged. Bata pa naman ako. Saka ko na iisipin 'yan. Basta mag-aaral muna ako. Ayokong ibaba iyong standards ko para lang magkaroon ng boyfriend. I didn't want to live everyday wondering if I made the right decision.
And I didn't want to wake up one day resenting the person I am with just because he really isn't my choice... just an option because I was lonely.
So, I'd take all the time I could get and just patiently wait.
"Kaya kakaibiganin na lang kita," sabi niya.
"Okay."
"Okay lang sa 'yo?"
"I've made peace with myself na kahit ano'ng gawin ko, nasa iisang school lang tayo."
He laughed. "Di mo na ko tataguan sa CR?"
I rolled my eyes and got my phone and booked my ride. Tawa lang nang tawa si Iñigo.
"Ano'ng gagawin mo ngayong bakasyon?" he asked to fill the silence.
"Di ko pa alam," I replied. I didn't know if Dad would ask me to work already... Although baka mas okay iyon para at least alam ko na iyong load na makukuha ko. Ayoko na sa mismong pasukan pa kasi hindi ko alam kung paano ima-manage iyong oras ko.
"Ako magta-trabaho," he said. I looked at him. "Na-kwento ko na sa 'yo na wala na parents ko, no?"
I nodded. "Yeah... Sorry about that."
"Okay lang. Tagal na nun. Minsan nga 'di ko na tanda itsura nila," he said, smiling, but that smile couldn't fool me. Spending time with Iñigo gave me the ability to know when he's faking his smile. Most of the time, he's just giving me his fake smile. But I never questioned him about it. Because that's him. He's got his own problems... And he knows how to best deal with them.
"Relatives mo?"
He shrugged. "Busy sa pamilya nila."
"Ikaw lang nagpapaaral sa sarili mo?"
He nodded. "Yeah... Kaya importante talaga sa 'kin 'yung sa frat kasi ang mahal ng tuition dito sa SCA... 'Yung sa trabaho ko, pang baon ko na 'yun at saka bayad sa apartment."
I pursed my lips as I nodded. He's... admirable. Alam ko kung gaano kahirap mag-aral, tapos sasabayan pa ng trabaho? Bigla akong nahiya nung binilhan niya ako ng codal tapos sinungitan ko pa siya. Pwede niya na sanang itabi iyong pera pambayad sa apartment niya.
Susubukan ko na talagang bumait sa kanya. Basta 'wag lang sana siyang nakaka-inis kasi minsan, hindi ko mapigilan.
"Oh, ayan na pala sundo mo," he said when a car stopped in front of us. Pumunta pa siya sa likod para i-sure na iyon nga iyong sasakyan.
"Thanks," I said.
He smiled. "No problem. See you next sem?"
I nodded. "Yeah...," sabi ko at saka pumasok sa loob. The driver asked me if okay na, but I told him sandali lang. I rolled the windows down and saw that Iñigo was still there, standing and waiting hanggang maka-alis iyong sasakyan. "Papasa ka sa obli. See you next sem, Iñigo," I said before I rolled the windows up and told the driver to speed away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com